Pananaw

Media

Part of The Republic

Title
Pananaw
Creator
Ladislao Bell Subang
Language
English
Year
1976
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Viewpoints 16 May - 15 June 1976 15 Nagbibigay Buhay MANANATILING isang moog ng inspirasyon ng mga kabataan ang National Arts Center sa bundokMakiling sa Laguna Lake. Pinasinayaan na at dinakila ng mga nakasaksi ang proyektong ito ni First Lady Imelda Romualdez Marcos na magiging instrumentong magpapasigla pang lalo sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Sa mga pagsisikap ng First Lady ay binibigyan niya ng diin ang pagsuporta sa pagpapatibay sa tanikala ng pakikipagkaibigang panlabas na unang layunin ni Presidente Marcos sa panahon ng kanyang administrasyon, at nang maitanghal pati sa buong daigdig ang yaman ng sining at kultura ng Republika ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng NAC ay mabibigyan ng buhay ng mga kabataan ang likas nilang pagpapahalaga sa katutubong awit, literatura, musika at iba pang mga kauri nito. Sa pagkakaroon ng gusali ng sining ng RP ay matitiyak na marami pang talino ang matutuklasan sa mga hinaharap na panahon. Salamat sa First Lady. PANAHON na ng patalaan sa mga kolehiyo at pamantasan sa bansa. Nakapili at nakapagpasiya na ang mga nagtapos sa sekundarya ng mga karunungang tutuklasing pampropesyon. Gayunman, hindi pa huli ang panawagan ka ma kail an ni Mahistrado Pacifico P. de Castro na mag-isip at magbago ng landas sa pagtuklas ng propesyon. Sa kanyang panawagan ay ipinamamanhik niya na huwag nang kumuha ng mga degree na marami na ang may hawak at halos ay hindi pinakikinabangan o walang mapaglagyan sa mga may taglay na karunungan. Sa ngayon ay marami ng propesyonal ang naka-empleo sa mga tungkuling hindi naaayon sa taglay nilang kakayahan. Kung magpapatuloy ang ganitong kinagawian ng mga kabataan, ayon na rin sa kanya, ay lalong darami ang problema sa desempleo THE REPUBLIC Isang Bansa, Isang Diwa Board of Editors Chairman: Francisco S. Tatad Members: Lorenzo J. Cruz, Florentino S. Dauz Managing Editor: Luis V. Ople; Editorial Staff: Juanita G. Trinidad, Marcos D. Agayo, Gloria Jane Bayion, Rosalinda G. Roxas, Jake Espino Art Director: Micaelita C. Almendral; Art Consultant: Larry Z. Alcala; Photo Editor: Wilfredo G. Avila; Production Manager: Marcelino N. Palisoc;Production Assistant: Cesar B. Tablason THE REPUBLIC is published fortnightly by the Department of Public Information, Malacanang, Manila, for government managers. The Editors welcome contributions of manuscripts and photographs which should be sent to THE REPUBLIC, BNF1, UPL Building, Intramuros, Manila. While they will take reasonable care, the Editors assume no responsibility for the return of unsolicited manuscripts. Entered as a second-class mail matter on March 5, 1973 at the Manila Central Post Office. sa bansa at masasayang la ma ng ang kanilang mga napag-aralan. Hara pin ang pagtuklas sa mga propesyong nakaugnay sa patakaran at programs ng gobyerno sa pagpapaunlad ng ekonomiyang pambansa. Talikuran ang mga “white-collar” na tungkulin, na ayon na rin kay Mahistrado de Castro ay libu-libo na ang hindi nakikinabang sa napag-aralan. Ang payo ng mahistrado ay isang malusog na “pagkain ng isip” sa mga magaaraL ITO’Y ISANG babala sa madia, laluna sa mga mamamayang malayo sa kalunsuran at kabayanan. Kung sasayad sa kamay ninyo ang pipisuhin, laluna’t galing sa kamay ng indibiduwal (maliban sa mga banko) ay kilatisin muna bago tanggapin. Baka ito ay tingga. Isang mahalagang pahayag ang pinalabas ng Banko Senfral ukol sa ‘pipisuhing huwad’ at pinag-iingat nga ang madia. May P5 milyong huwad na pipisuhin at treasury warrants ang kumakalat sa mga pook na rural at maramina umano ang nagiging biktima nito, sa mga palengke, tindahang sarisari at sa mga bilihan. Ang huwad na coins, ayon sa banko sentral, ay makapal, mabigat at maputi ang kulay kaysa pipisuhing genuine. At pagak ang kalansing. Uulitin ko, mag-ingat kayo sa mga huwad na pipisuhin! Masakit ang maging biktima. Si NEAH ALANO, 22 ay isang masahista sa isang establisimyento ng sauna bath, may tatlong taon na ngayon. Umaasa sa kanyang kita ang kanyang 11 kapatid na lalaki at babae. Masahista kung gabi at kolehiyala kung araw. Nasa ikaapat na taon na siya sa business administration at nagme-major sa economics sa National College of Business and Arts sa Lepanto, Maynila nang kumalat ang tsismis at pintas laban sa kanya buhat sa kanyang mga kamag-aral at propesor. Na is ng mga kaeskuwela niya ay mapaalis siya sa kanilang kolehiyo. Waring ikinahihiya siya. Hinusgahan na siya agad. Pinandirihan. Salamat sa presidente ng kolehiyo, kay Doroteo Pasion, na siyang nagligtas sa kanya sa mga pangit na palagay ng iba. Sa harap ng mga estudyante at propesor ay sinabi niya na ikinararangal niya si Alano, pagkat ito’y nag-iibayo ng pagsasakit sa pagtatrabaho upang makapag-aral. Pati si Ginang Ludna Aid ay ng Bureau of Women and Minors ng Department of Labor ay napaluha nang mabatid niya ang papuring iyon kay Alano ng puno ng kanilang kolehiyo. Si Alano ang presidente ng Makati Sauna Bath Attendants Association na itinatag ng kawanihan ni Ginang Alday noong nagdaang Pebrero. NASAKSIHAN ni Pangalawang Ministro Yang Li Kung ng Agrikultura ng People’s Republic of China (PRC) ang mabilis na kaunlaran ng agrikultura sa Nueva Ecija. Ang kaunlarang nasaksihan niya na inukulan ng ibayong papuri ay siyang resulta nang pagkakayari ng. multi-million peso dam sa Pantabangan, N. E. Bihira ang ganitong papuri na tinatanggap ng Pilipinas buhat sa isang representante ng isang bansang komunista. Ang papuri ni Ginoong Kung ay dinugtungan pa ng sabing sa loob ng limang taon, mula sa taong ito, ay matatamo na ng Pilipinas ang self-sufficiency sa bigas at iba pang produkto ng agrikultura rito. Ipinasyal si Ministro Kung sa sakahan sa Nueva Ecija nina Agriculture Secretary Arturo Tanco Jr. at NGA Administrator Jess Tanchanco. lisa ang kuro ng panauhing ministro sa pagkakataong iyaaj: “Pambihira ang nagawa ninyong kaunlaran.” NALALAPn NA SA tagumpay ang sinasakit na “Isang bansa, Isang Diwa” ni Presidente Marcos. Ito ay batay sa paparaming Muslim na nagbabalik loob sa gobyerno, sa maraming lider at kabataang dating rebelde na pinagkakalooban ng mga pananagutan at tungkulin sa bayan at sa kanilang purok. Kamakailan lama ng ay isang grupo ang nagsipagtapos sa kurso sa rural electrification na pinangasiwaan ng Office for Qvil Relations (OCR) sa Marawi Qty. Sila ay naka-empleo na sa maraming pagawaan ng gobyerno, kabilang ang National Power Corporation. □ Dear Sir : By force of circumstance, I was able to read a recent issue of The Republic that a friend brought along to my office. I find the articles very interesting and inspiring. I hope they could be sources of motivation for government employees who are really eager to demonstrate active participation in the development of the New Society. The articles are indeed development-oriented and could stir up even the seemingly incorrigible deadwoods in the bureaucracy. For this reason, I most sincerely suggest that the publication be made available to all government offices to enable many public servants to read their very own newspaper. Manuel Ouano Acting PIO Southern Islands Hospital Cebu City Thank you for your kind compliments. The Republic is really meant to help the government manager do a better job. We are therefore requesting all government managers (with the rank of division chief up) to write us for a free subscription. -The Editors Dear Sir : Please send us, without obligation whatsoever, a regular supply of The Republic for free distribution to our customers who keep clamoring for copies. M. C. Cabaluna Narvacan Newsmag Agency Narvacan, Ilocos Sur We are sorry to disappoint your “clamorous” customers but The Republic is exclusively for the use of government managers. It is not for sale. -The Editors Dear Sir : We are putting out a newsletter, jointly with the Department of Public Information, to disseminate information on our activities and those of the DAPDavao Regional Office, as well as provide a vehicle for citizen participation in the integration area development project We wish we could have it laid out like the Republic, interspersing text and pictures to achieve maximum readability and, at the same time, assume some aesthetic form. Our consultants and I are very much impressed with the photos and layout of The Republic. Maybe you can advise us along this line. Nelia Custodio Development Academy of the Philippines Davao City Save gas Not So Funny — Larry Alcala