Ito ay hindi biro

Media

Part of The Republic

Title
Ito ay hindi biro
Creator
Umali, Jose C. Jr.
Language
Filipino
Source
The Republic Volume III (Issue No.8) 1-15 August 1978
Subject
Teachers -- Salaries, etc.
Filipino language
Personnel management
Government employees > Salaries, allowances, etc.
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Abstract
[This article contains short commentaries on various topics such as 1) The Filipino language, 2) Teacher's salary, 3) LGU officials' salary, 4) Supervisor's seminars on management and human relations, and 5) Use of Bundy clock at work.]
Fulltext
1-15 August 1978 11 Paano gagawing kapanapanabik ang iyong trabaho ni Marilag T. Bautista « X, Naranasan mo na bang mainis sa iyong trabaho?’Yun bang pakiramdam mo’y sawang-sawang ka na, pakiramdam mo’y ayaw mo na. Kuwidaw, nababagot ka! Natural lamang ang mabagot paminsan-minsan. Dumarating ito kahit kanino. Pero kung maya’t maya naman ang pag-atake nito, abnormal na. Patungo ito sa tuluyang pagkaloko. At, baka mawalan ka ng trabaho . .. ! Kapag nabagot ka sa isang bagay, nangangahulugang nawawalan ka na ng interes o kasabikan dito. Sa mga pagkakataong tulad nito, itanong mo sa iyong sarili: mahal ko ba ang trabaho ko? Kung gayo’y bakit kailangang mawalan ako ng interes sa ginagawa ko? Totoong nakaka-kunsensiya! Kasi’y hindi dapat kabagutan ang isang bagay na minamahal, ’di ba? Hindi mo mahal ang trabaho mo? Pero, mahal mo ang sarili mo? Kung gayon, kailangang masustinihan mo ang mga pangangailangan ng iyong sarili: pagkain, damit, bahay. Napapasaiyo ang mga ito sa pamamagitan ng iyong trabaho. Mula pa rin sa iyong trabaho, naibibigay mo ang mga pangangailangan ng iba pang mahal mo. Makatwiran lang na mahalin mo ang trabaho mo. Maiiwasan ang pagkabagot, bakit hindi. Kung nagsisimula na itong umatake, magpahinga ka sandali. Suriin mong mabuti ang sarili mo. Al am in mo ang ugat *o dahilan ng pagkabagot mo at sikapin • 7 mong patayin iyon. Alisin mo sa iyong isip ang ideya na nababagot ka„ Maging ’ •'PCJitibs.-isipin mong kailangan ka ng trabaho mo katulad ng pangangailangan mo nito. Ayon nga sa isang Protestant ethic: “If you expect the world to re­ ward you, you must give the world something in return. ” Kasi’y nabubuhay ang tao sa ilalim ng tinatawag mgive-and-take relationship o mutualism. Hindi puwedeng lagi na lamang tumatanggap gayong hindi naman ibinibigay ang bahaging dapat ipagkaloob. Mawawalan din ng puwang ang pag­ kabagot kung isasagawa ang trabaho sa paraang magigingkasiya-siya saiyo. Ikaw na ang bahalang tumuklas sa paraang akma sa iyo para m aging isang uri ng libangan ang pagtatrabaho. Isa pang paraan ng pag-iwas sa pag­ kabagot ay ang pagkakaroon ng kuryusidad sa mga bagay-bagay. Huwagkang mag-aksaya ng mahabang panahon sa mga bagay na alam mo na. Ang buhay ay isang patuloy na pag-aaral. Isangmainam na paraan ng paglaki at pagkatuto ang pagtuklas at pag-alam sa iba pang mga bagay sa paligid. Hindi magiging kabagut-bagot ang pagtatrabaho kung hahaluan ng kuryusidad. Bagkus, magiging kapana-panabik pa nga. Sa tulong nito, laging may matutuklasang “bago.” Banggitin na lamang halimbawa ang mga imbensyon. Ang mga ito ay resulta ng malaking kuryusidad ng tao sa mga bagay-bagay, na pinag-isipan at hinangad tuklasin. Kapag lagi kang mausisa, ang lahat ng bagay ay maliliwanagan mo kahit hindi sinasadya. Higit mong makikilala ang tao, ang kani-kanilang pakikipagsapalaran, tagumpay at kabiguan.Gayundin ang ukol saambisyon,pag-ibig at pagmamahal, pagseselos, kahinaan, pagkasuklam at iba pa. Matutuklasan mo rin at mahahanap ngkatugunan ang hiwaga at kasalimuotan ng buhay; maging ang hiwaga pa ngkamatayan. Lahat ng maibibigay ng buhay ay maaari mong matamo sa tulong ng pananaliksik. Hindi ba kapana-panabik ito? Bukod sa kung minsay kakailanganin mo ang mga nasabing kaalaman para sa mas epektibong pag­ sasagawa ng trabaho. Ang mga kaalamang matatamo mo bunga ng kuryusidad sa mga bagaybagay at paghahangad na tuklasin ang mga ito ay maipapasa mo sa iba. Sa paraang ito, mapagtutulung-tulungang sagutin ang mga katanungan, maipaliliwanag at mauunawaan ang maraming bagay sa daigdig. Lumitaw sa mga pagsusuri na marami sa malulungkot na tao ang nawalan na ng kuryusidad sa mga bagay-bagay. ’Yung mga taong humihinto sa pagtatanong, sa pag-iimbestiga, sa pananalik­ sik, sa pagtatamo ng mga bagong kaalaman. Sila ang mga nakuntento sa mga dati na nilang nalalaman at huminto na roon. Sila ang mga taong nawalan na ng-pakialam sa mundo! Ayon sa isang kilalang psychiatrist, “Curiosity is one of the most life-enhancingof human qualities-the cement that holds society together, the enricher and prolonger of human life. ” Ayon naman sa isa pang psychiatrist: “Curiosity is the same quality that sus­ tains and enlarges your inner life-that life from which every thing you are takes its energy and its character. ” Nangangahulugan kung gayon na ang kuryusidad sa mga bagay-bagay ay isang mahalagangsangkapngbuhay. Kailangan ito upang maiwasan ang pagkabagot at maging kuntento at maligaya ... hindi lamang sa larangan ng trabaho kundi sa kabuuan ng buhay. Ito ay hindi biro ni Jose C. Umali, Jr. Taun-taon, mula Agosto 13 hanggang 19, ipinagdiriwang ng Pilipinas ang “Linggo ng Wikang Pilipino” upang bigyang-pansin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika. Sa kabila ng ganitong pagdiriwang, nakalujp^gkot isipin na hanggang ngayon, inc_.s pa rin ang pangunahing wika sa Pilipinas—hiram na wika pa rin ang pinababayaang mangibabaw, dayuhang wika pa rin ang pinalalaganap. Kaya nga isang ganap na tagumpay ang pananakop ng Amerika sa Pilipinas, sapagkat nabihag nito pati ang isipan ng mga Pilipino. Nagawa nitong pag-isipin, pakilusin at pagsalitain ang Pilipino na parang isang Amerikano. Kailan ganap na lalaya ang Pilipinas sa ganitong uri ng pananakop? * * * Itinaas na sa P574 ang buwanang suweldo ng mga elementary schoolteachers. Maliit pa rin, kung talagang tutuusin ang kamahalan ngayon ng mga bilihin, ngu­ nit malaki na rin itong biyaya sa libulibong titser ng mga eskuwelahang publiko. Dapat lamang taasan ang suweldo ng mga titser, kung maaari ay umabot Sana nglibo, para naman ganahan ang mga ito sa pagtuturo at ang propesyon ay pasukin ng higit na maraming matalinong kabataan. Maselan ang tungkulin ng mga titser. Isinasalin nila sa mga estudyante ang kanilang nalalaman, kaisipan, paniniwala at maging ugali. Kung bopol mismo ang mga nagtuturo, paanong maaasahang ma­ giging matalino ang mga tinuturuan? Kapag nagkaganito, ang Pilipinas ay ma­ giging bayan ng mga bobo! Pinag-uusapan ngayon kung dapat suwelduhan ang mga pinuno ng mga barangay. May mga nagsasabing “dapat” bilang pagkilala sa malaking naitutulong ng mga barangay sa bayan. May nagsasabi namang “hindi dapat” dahil sisirain nito ang tunay na diwa ng barangay-iyong pagtulong sa mga proyektong pangkaunlaran nang walang hinihintay na anu­ mang kabayaran. Ano man ang kalabasan ng mga paguusap, isang bagay ang tiyak: pinalakas ng barangay ang diwa ng bayanihan at demokrasya, isang “kasaysayan” ang nagawa at ginagawa nito para sa bayan. Isipin na lamang, habang pinagtatalunan kung dapat o hindi dapat suwelduhan ang mga pinuno ng barangay na taiagangmalaki ang nagagawa, sa gobyerno ay may mga empleado na sinusuwelduhan dahil sa “pagtunganga” sa loob ng walong oras. Ordinaryong plate number na ang gagamitin ng mga opisyal ng gobyemo, hindi tulad noon na ang ibinibigay sa kanila’y yong mabababa ang numero. Ipinagbawal ito upang mawala ang tila pagkakaroon ng “special class citizens.” Noon nga namang araw, kapag mababa ang numero ng isang sasakyan, sikat, bigatin, kaya espesyal ang ibinibigay ha pagtrato ng mga pulis. Puwedeng pumarada sa bawal pumarada. Puwedeng pumasok sa bawal pumasok. Aba, kotse yata ni Senador, bakit huhulihin! Siguro, kung maaari lang, dapat na ring ipagbawal ang paggamit ng mga RP plate. Maraming sasakyang RP na abusado. Parang mga hari sa daan: ayaw mabubusinahan, ayaw mapapalusutan. Walang bawal-bawal, aba, RP yata! May mga supervisors na kailangang kumuha ng mga seminar tungkol sa manage­ ment at human relations. Lalo na iyong ang nalalamang paraan ng pamamahala ay matanda pa kay mahcma, iyong kung tratuhin ang mga subordinate ay parang mga robot. Nakakalimutan ng mga ito ang “human side” ng pamamahala, na ang mga tao ay may “motivation” upang kumilos, hindi mga makina lamang na sa isang pindot ay mapapakilos. Operators ang mga ito, hindi super­ visors! Laging malaking kontrobersiyal ang paggamit o hindi paggamit ng “bundy clock” sa mga opisina, gobyemo man o pribado. Dapat bang orasan ang mga empleado para makapagtrabaho nanghusto? O ang ganitong sistema ay sagabal pa nga at nakasasama? Para sa akin, ang paggamit ng bundy ay “dapat” at “di-dapat.” Dapat ito para sa isang partikular na trabaho at di dapat para naman sa isa. Halimbawa: dapat ito para sa isang telephone operator, ngunit di-dapat sa isang information writer. Nasa opisina lang lagi ang operator sa­ mantalang ang writer ay palabas-labas Gayunman, may mga empleado na kahit na may bundy clock pa ay lagi ring wala sa opisina—walang magawa ang bun­ dy sa kanilang paglalakwatsa!
pages
11