'To dare is to die’

Media

Part of The Republic

Title
'To dare is to die’
Creator
Valencia, Teodoro F.
Language
English
Source
The Republic Volume I (Issue No.16) 16-31 August 1976
Year
1976
Subject
Earthquakes -- Safety measures
Natural disasters -- Philippines -- Planning
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Abstract
[In this article, the author shares his views and suggestions on how the Filipinos need to prepare for the calamities like earthquakes, akes, floods, typhoons and cyclones. People are slow to react if they don’t know how. Panic overcomes thought. What we must strive to achieve is almost an automatic reaction to the challenge of danger. Otherwise, we are in danger of being overwhelmed by the fury of nature.]
Fulltext
THE REPUBLIC Viewpoi 16-31 August 1976 15 Tulong sa manggagawa MARAMI ang proyektong ipinagagawa ng gobyerno sa panahon ng martial law. Sa kasaysayan ng gobyerno Pilipino ay ngayon lamang nakasaksi ang mga mamamayan ng sabay-sabay na paggawa ng maraming gusali ng pamahalaan, tulay, lansangan, daungan, na ang karamihan ay sa probinsiya at mga sentrong pampanayaman. Nariyan din ang fishing port na titiyak sa mabilis na pagunlad ng industriya ng isda at ng iba pang proyektong pawang sa kapakanan ng madia. Noong mayroon pang Kongreso, na ang naghahari ay kapangyarihan ng pulitiko, ang mga proyek­ tong ito ay pawang magaganda lamang sa salita. Ngayon, ang maraming proyekto ng gobyerno ay nagbibigay tulong sa mga walang hanapbuhay. Subalit sa sandaling matapos ang mga pagawaing ito ay marami ang mawawalan ng pagkakakitaan. Hindi ito nakaligtas sa pang-unawa ng Presidente. Ipinag-utos niya sa kanyang mga kasangguni na maghanda ng mga bagong proyekto upang maalalayan ang hanap­ buhay ng ating mga manggagawa. MALAKI ang nagagawang pinsala sa moralidad ng mga kabataan ang mga panoorin at babasahing mahahalay. Kaya ito sinasagkaan ng PD No. 960, na sinususugan ng PD No. 969 at 970. At sinuman ang lumabag sa mga tadhanain nito ay tatanggap ng mabigat na parusa— aarestuhin at idedetine—at sa sandaling mapatunayan ng hukuman ay parurusahan ng presion mayor (bilanggong 6 na taon at isang araw hanggang 12 taon) o multang mula sa P6.000 hanggang Pl 2,000, o kaya ay ang dalawang ito. Kung ang sangkot ay pinuno o empleyado ng gobyerno, pinakamataas na parusa ang tatanggapin. Kaya ang tanggulang bansa at ibang ahensiyang tagapagpatupad ng batas ay muli’t THE REPUBLIC Isang Bansa, Isang Diwa Board of Editors Chairman: Francisco S. Tatad Members : Lorenzo J. Cruz, Florentino S. Dauz Managing Editor: Luis V. Ople Editorial Staff: Juanita G. Trinidad, Marcos D. Agayo, Gloria Jane Bayion, Rosalinda G. Roxas, Rowena M. Lumen, Jake T. Espino, Alma L. Diputado Art Director: Micaelita C. Almendral; Art Con­ sultant: Larry Z. Alcala; Photo Editor: Wilfredo G. Avila; Production Manager: Marcelino N. Palisoc; Production Assistant: Cesar B. Tablason Circulation Manager: Bruno R. Dabu. THE REPUBLIC is published fortnightly by the Department of Public Information, Malacanang, Manila, for government managers. The Editors welcome contributions of manuscripts and pho­ tographs which should be sent to THE REPUBLIC, BNFI, UPL Building, Intramuros, Manila. While they will take reasonable care, the Editors as­ sume no responsibility, for the return of unsoli­ cited manuscripts. Entered as a second-class mail matter on March 5, 1973 at the Manila Central Post Office. muling nagpapagunita sa madia na talikuran ang pag­ gawa ng mahahalay na panoorin at ang paglimbag ng mga babasahing ipinagbabawal ng nasabing kautusan upang mapangalagaan ang kinabukasan ng mga kabataang Pilipino. BaTIS ang mga mamamayan ng kailangang gugulin ng gobyerno tungo sa ating pag-unlad, Ang tulong ng bawat isa, tulad ng buwis ay tulong sa pambansang kapakinabangan. Sa dami ng nalilikom na buwis nasasalig ang pagkakaloob ng maraming biyaya sa madia. Sa tinatamasang maraming bagay ng sambayanang Pilipino ay karapatdapat sa pagbati ang Kawanihan ng Rentas Internas at ang iba pang ahensiyang taga-likom ng gobyerno. Sa pagsapit ng ika-72 anibersaryo ng BIR ay iisa ang obsesyon nito— mapalaki pang lalo ang malilikom. Sapagkat sa laki ng malilikom nakasalalay ang paglawak ng serbisyo ng gobyerno sa pormang pagawaimbayan, pangkalusugan, pagpapairal ng kaayusan, pagpapaunlad ng edukasyon at lipunan, at higit sa lahat, ang pagpapanatili ng mataas na moralidad ng sambayanang Pilipino. Habang dumarami ang populasyon ng bansa ay lalo namang dumarami ang obligasyon ng gobyerno sa mga mamamayan. Kung kulang sa gugulin, mahihirapan ang gobyerno. Salamat sa nadarama at nalalasap na mga biyayang pambansa at ang mga mamamayan ay nagiging ulirang tagapagbayad ng buwis. At masasaya sila, kaya naging palagian ang kanilang tungkulin. sa pagbabayad ng buwis. Ang lahat ay salamat sa BIR at sa ibang taga-paningil ng buwis. NAGLUNSAD ang First Lady ng kilusang paglunas sa malnutrisyon sa bansa. At inilunsad ito sa paraang “total approach” sa kalawakang pambansa at samasamang pagsisikap. Ang ibig sabihin, hindi lamang ang mga tauhan ng gobyerno ang dapat na kumilos, kundi pati ang mga mamamayan. Sapagkat ang mga mama­ mayan na rin ang inililigtas sa bigat ng pinsalang nagagawa ng malnutrisyon. Sa ikapagtatagumpay ng kilusang ito ng First Lady, nagpalabas ang Presidente ng isang Liham Ng Tagubilin na nagsasanig ng pagsisi­ kap ng lahat ng ahensiyang nasa ilalim ng National Nutrition Council upang mapabisa ang itinataguyod na tungkulin ng MNC. Bukod sa MNC ay may pito pang ahensiya ng gobyerno ang pinatutulong. Subalit magkakaroon lamang ng kaganapan ang kilusan kung hindi magwawalangbahala ang mga mamamayan. Ginagawa ito ng gobyerno para sa kapakinabangan ng lahat ng Pilipino. KUNG iibigin ng isang mamamayan ang tumulong sa pagpapaunlad ng kanyang komunidad, ang gob­ yerno nasyunal ay nasa kanyang likuran. Nasa pagtutulungan ang tagumpay. Pinatutunayan ito ng isang matapat na lider-Muslim sa Kolambugan, Lanao del Norte, si Alkalde Hadji Benasing Macarambon Sr. Dati, ang kanyang komunidad ay lungga ng itinuturing na mga bandido nang panahong hindi pa umiiral ang martial law. Sa pamamagitan ng kanyang liderato, ang Kolambugan ay naging isang modelong mapayanan—nakapagpagawa ng limang proyekto na ginugulan ng gobyerno nasyunal at malaki pa ang natipid. Paano ito nagawa ni Alkalde Macarambon? Simple lamang. Naging matapat siya sa panunungkulan kaya nakalugdan siya ng mga‘Kristiyano at ng kanyang mga kadugong Muslim. Pantay ang pagtingin niya, kaya kahit na siya’y nakatapos lamang sa ika-3 grado ng primarya ay naging matagumpay ang kanyang pamamahala. Isa siyang magandang halimbawa ng lider sa bagong lipunan pagkat kahit siya mayroong 17 anak, isa ang namatay, ay nagawa niyang mga propesyunal ang mga iyon na ang karamihan ay nagsipagtapos pa sa ibang bansa. Ulirang ama, uliraning punong bayan! DALAWANG kaluwagan ang ipinagkaloob ni Presidente Marcos sa mga tauhan ng Integrated National Police. Matatamo ang mga ito sa bisa ng Presidential Decree No. 971, tulad halimbawa ng libreng serbisyo ng abugado kung may kaso sa hukuman na may kaugnayan sa pagtupad ng tungkulin at ang isa naman ang tungkol sa pabahay na ang pagmamay-ari ay isasalig sa patakaran ng Programa sa Pabahay ng gobyerno. Ipinakikilala ng Presidente sa bago niyang hakbang na ito ang walang kupas na pagmamalasakit niya sa kapa­ kanan ng mga lingkod-publiko at ng lahat ng sektor ng mamamayan. Inaawtorisahan ng PD No. 971 ang matataas na pinuno ng INP na mag-imbestiga, magpasiya at maglapat ng parusa sa mga tauhang nagkakasala upang mapabilis ang ikot ng katarungan. Tulad ng hangarin ng gobyerno na makatulong sa ibang mama­ mayan, laluna sa mga iskuwater sa pagkakaloob ng mga pabahay na mababa ang halaga, ang mga pulis ay lalasap din ng ganitong tulong. Naglaan ang Presidente ng P2 milyon para sa proyektong ito. □ A prayer Father of all mankind, WE ask You to look down upon our people and fill our hearts with your spirit, that we may have the grace and the wisdom to look into ourselves, and in so doing, see our weaknesses and our strengths. So many of us have lived in corruption, greed and violence, forgetting that this nation ... or any other nation . .. cannot survive and grow and prosper unless we learn to live as brothers, striving not for selfish ends, but for the common good. Give us stength to rebuild our lives, leaving for­ ever our selfish, corrupt and derelict ways. Make us see what we are and what we could be, open our eyes, our minds and our hearts to the things that need to be done, and the things we can do to make this rich and beautiful land a joy and comfort to all our people. We have set for ourselves great and never-ending tasks; stand by us in our labors, and teach us not to weary nor to lose faith, neither to seek reward beyond what is just, but rather to see in our work the full measure of our own reward, and to see in it the full expression of ourselves. When the day’s. toil is ended, teach us to look to the morrow’s labor as part of our continuing sacrifice; bring us not the temptation of luxury, ease or privilege, nor the blandishments of power or com­ fort that corrupt; but make us a sturdy race, selfreliant, cheerful and upright Teach those who lead to act with firmness but with humility, with humility but with wisdom, with wisdom but with justice, and with justice but with compassion, and teach those who follow the true duties of being men and members of a community of men. Cleanse us of our anger, our bitterness, and our recriminations of the past; spare us the doubts and anxieties of the present; and purify us for our sacrifice so that we may raise a people who will be their own Not So Funny — Larry Alcala
pages
16