'Work together, be responsive to priorities'

Media

Part of The Republic

Title
'Work together, be responsive to priorities'
Creator
Laya, Jaime
Language
English
Year
1976
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
PRIMER □ Budget Commissioner Jaime Laya ‘Work together, be responsive to priorities’ ANO ang kahalagahan ng pagba-budget, lalung-lalo na sa ating mga tahanan kung ating ihahambing ang budget ng ating pamahalaan, at kung ating ihahambing sa ordinaryong pamumuhay sa araw-araw? Medyo mahirap ang tanong mo dahil normally ang kinikita ng mga tao ay kulang pa sa kanilang pangangailangan. Sa karaniwang may pamilya, ang palagi niyang problema ay kung papaano kikita pa ng mas malaki, kung saan makaka-utang para pampuno doon sa kinikita na nga. Ganyan talaga yung budget na mga presupuwesto (presuppositions). Ang kailangan nating isipin sa pagba-budget, unang-una, ay kung magkano ang ating kinikita, at pangalawa, kung ano naman ang ating kailangang pagkagastahan. Hindi ba? Halimbawa, ang ating kinikita ay so many hundred pesos per month.. Di siyempre, uunahin muna natin kung ano ang mga fixed na expenses na kailangan nating bayaran. Unang-una, siyempre, kailangan nating pagbayaran ang rent Pangalawa, transportation, at siyempre ang pagkain natin. Mayroon tayong ini-estimate na kung magkano ang kailangan nating gastahin para sa bigas, sa ulam, mga pagkain, mga necessities. Ngayon, pagkaraang mailista nating lahat yung kailangang talagang gastahin, di siyempre malalaman naman natin kung magkano ang free income natin na puede nating ipambili ng sapatos, o kaya ay puwede nating maimpok sa bangko o sa ibang lugar na yung pinagiimpok natin. Tapos, kung minsan naman ay mayroon tayong gustong bilhin na medyo malaking bagay. Halimbawa, gusto nating magpatayo ng bahay, o kaya gusto nating bumili ng transistor radio, telebisyon o isang appliance. Di siyempre nag-iipon naman tayo para makabili noon. Pero kung minsan gusto naman nating makuha yung appliance ahead of time kaya bibilhin natin on installment plan. Di makukuha natin yung appliance at yung namang pang-installment ay ibibigay natin every month, so puede rin yon. So in general, ganoon ang budgeting ng mga taong mayroong steady job. Iba namang klaseng budgeting ang iginagawa noong mga kaibigan nating magbubukid. Kasi ang income nila ay kung may ani— doon marami silang income. Ngayon for the rest of the year naman, siyempre gumagasta sila para sa kanilang pagkain, o kaya yung para sa bukid. To some extent, mas mahirap ang budgeting noong mga kasama natin sa bukid. Hindi ba? Dahil nonfixed, and secondly, yung expense nila hindi monetary dahil kung ano yung nahuhuli nila sa ilog o kaya kung ano yung inaani nila, kinakain na nila. Kaya ang budgeting nila ay ibang klase. Diyan nakikita na napakahirap pala itong pagbabudget sa isang mag-anak lamang, sa isang padre-de-pamilya, a sa isang madre-de-pamilya. Lalo pa’t kung tutuusin ay kung hawak ni Dr. Laya ang buong bansa. Ang hawak niya ay salapi ng buong bayan, at dito siya nagba-budget kung saan gagastusin ng ating iba’t ibang ahensya ng gobiemo ang sataping laang-gugol para sa kanila. Ngayon po ba. Dr. Laya, gaano ba ang budget ng pamahalaang national? Ang ating budget ngayon ay P19 billion. Paano ho natin bina-budget ito, o paano natin hinahati-hati sa lahat ng government agencies all over the country? Unang-una yung mga priorities na itinalaga ng ating Pangulo. Alam nating lahat na nais ng ating Pangulo na ang Pilipinas ay magkaroon ng Bagong Lipunan upang ang welfare ng mga mamamay an ay tumaas, para umunlad ng umunlad ang bayan, So, ang palaging sinasabi ni President Marcos ay “the end purpose of the development is the common man.” Kaya nga ang starting point natin is what will be needed to be able to ensure that the welfare of the common man is improved. Sinasabi ng Pangulo, halimbawa, na kailangan natin ang selfsufficiency at self-reliance. Sinasabi niya na kailangan nating mag-export. Sinasabi niya na kailangan tayong magkaroon ng mga regional development para samasama yung water impounding, irrigation, electrification, reforestation, waterworks. Saka sinabi rin niyang kailangang low-cost housing. Yung mga ganyan, kailangan ng Presidential guideline and national objectives na yung pinagbabatayan natin ng budget. Sa palagay po kaya ninyo, Dr. Laya, ano po kaya ang obligasyon ng isang mamamayan na hindi naman, halimbawa, nagtrabaho sa pamahalaan, in order to safeguard yung ating mga pera ng pamahalaan as far as budgeting is concerned? What do you think is the role of the ordinary man in budgetmaking? Well, the role of the ordinary man is basically twofold. Unang-una, kailangan tayong magbay ad ng buwis, di ba? Dahil siempre, alam mo naman ang gobyerno. Saan ba naman kukunin ang gagastahin kundi sa mga taxes na binabayad ng mga tab? Sa unang-una, kailangang magbayad tayo ng mga taxes o buwis. Pangalawa, siguro, kamukha noong sinabi ni Presidente noong isang linggo, kailangang maging vigilant ang mga barangay at mamamayan. After all, kung aling mga government office ang may ginagawa, kung aling mga project na mahusay kaysa doon sa iba, dapat ma-single out. Dahil itong 19 billion pesos na sinabi na nga natin kanina, ito ay ginagasta ng mga different government agencies. Yung iba doon mahusay naman, mas effective, iba naman, hindi. So I think the ordinary man can also be vigilant na para kung nakikita nila na medyo may wasted effort o wasted money, at least masasabi naman nila kung saan mayroong waste para may magawa naman ang gobierno. As far as the government employees are concerned, sapagkat isa po sa mga naging problema natin noong araw ang sobrang paggamit ng pera ng ating pamahalaan—sa palagay ho kaya ninyo ngayon, Dr. Laya, have we reached already the point, tayo for instance na nasa pamahalaan, have we realized the importance of logical spending, yung tamang-tamangpaggasta ng pera ng ating government? Sana ganoon. Pero alam mo naman, yung iba medyo hindi pa rin ganoon ang naiisip. Because they fail to connect their work to the budgeting and financing effort. Hindi ba yung ibang tao kung minsan nag-aabsent na lang, o kaya kung minsan may mga requirement na kailangan. Halimbawa nagtatype sila ng mga things na tina-type nila, na kailangan lang isang kopya pero sampung kopya pa ang ginagawa. Siyempre yung mga ganoon, hindi intended kung minsan dahil akala nila kailangan pero hindi pala. So yung mga ganoon, wasted din iyon. Dito po sa budgeting natin—sa pamamalakad ho ng ating Budget Commission—paano ho ninyo ginagawa para naman mapataas ang antas ng ating budget offices ng national government sapagkat mayroon tayong mga budget officers in every government office? Paano ho ninyo nai-inject yung wish standards into this office? Well, first of all, I think the kind of training and experience and the capability noong budget officers ng mga agencies ay mataas. I’m always pleasantly surprised when I find out how good some of the people are. So we have a basic starting point for improvement. And then ang kailangan lang minsan, alam mo naman eh, yung mga tao natin sa gobierno, kung minsan they are also hard up by constraints—na may procedures silang dapat sundin, mayroong policy na kailangan ding sundin. Na kung minsan, yung procedure pwedeng ma-improve ng konti pa. So kung minsan, kahit mahusay na yung tao, wala na siyang magawa dahil ganoon yung procedure, di ba? So what we do is we try to simplify. As much as possible we try to follow the President’s directive to cut down on red tape. We try to streamline procedures, and in so doing, we give the people the opportunity to prove themselves naman. Now in addition to that mayroong training program, we try to produce manuals. We try to meet with them periodically. Yung mga ganyan, kailangang gawin. Sa palagay ho kaya ninyo—sa lahat ng sinabi ninyo kanina—mayroon na kayang pagbabago yung ating mga budget officers in the operation of government? Sapagkat isa po sa tinatawag nating stumbling block noong araw ay Commissioner Jaime Laya yung marami ngang tinatawag na "don’ts" pagdating doon sa operations ng government money. Paano ninyo masasabi na malaki na ang kaibahan ng operations ng budgeting nating ngayon kaysa noong araw? Well, what we just try to do is to make some improvements as we go along. Siyempre, yung ibang tao riyan, na pagnare-retire di siyempre, ang kapalit nila mas mahusay ng kaunti. Yung iba naman yung mga changes—sabi ko na nga—in procedures and policy., inuunti-unti rin natin yon. At saka yung mga national priorities, nagbabago rin yan every so often. So yung mga changing priorities, changes in people, changes in policy, changes in procedure, lahat iyan, unti-unti. And all of them take place gradually. Ngayon, some of the things we’re trying to do now sa Budget Commission is we’re trying to see if it’s possible to do budget analysis on a regional basis. So kamukha nga ngayon, nagkaroon kami ng budget hearing na dinirect .ni Pres. Marcos. Sabi niya sa subukan natin yung hearing ng public schools, if we can do it region by region, para lahat ng elementary, high school, college in a particular region, ma-analayze natin yung budget nila one by one. Kasi noong araw parang general lang. Ngayon titingnan natin region by region. So at least makikita natin yung population, natural resources, yung enrolment —lahat by region, kung ano ang kailangan nila. Para mas specific yung analysis. At isa pang problema na sinasabi noong mga budget officers sa different agencies ay medyo nagtatagal daw noong araw yung pag-release ng funds. So ngayon sinusubukan naman na palitan yung mga forms at tapusin kaagad yung analysis. In fact,.ngayon approved na ni Pres. Marcos yung program of expenditure for July to December. Kaya marerelease na natin yung mga advice of allotment ng mga agencies, even earlier than July. So before July begins, alam na nila kung magkano ang magagasta nila during July until December. And then we’re also reviewing the what we call program and project structure. Kasi alam mo, yung ibang agencies of the government, kung minsan natatag noong araw, na halimbawa 10 years ago pa established yung government agency—budget nila noong araw siguro two to three million. Tapos ngayon 10 years later, ang budget nila 10 million. Pero hindi pa nababago yung statement of duties nila. At saka kung minsan, yun mga government offices, nagdu-duplicate yung mga functions nila. So tinitingnan din namin kung saan pwedeng ma-eliminate yung duplications. Dito ho sa nabanggit ninyo, Dr. Laya, paano ho nagkakaroon tayo ng deficit sa ating budgeting? Sapagka’t ■ kung minsan daw, sasabihin nila, “we are running our government on a deficit.” Bakit kailangan nating i-run ang government on a deficit? This is part of development. Hindi ba, in a family, if the family that wants to spend on current operations—on food, clothing and shelter—siguro they can live within their budget. Pero halimbawa, gusto nilang magpagawa ng bahay, di siyempre hindi makaya ng income nila during the year. Di siyempre, uutang sila, maglo-loan sila. Yun ang isasama nila sa expenses nila. Ganoon din ang gobierno. Dahil in the government, as part of what the President and the First Lady want to achieve, di siyempre mayroon tayong mga rural electrification, rural roads projects, buildings, irrigation system. So yang mga iyan, di kaya ng regular income natin. There are capital expenditure. So yun naman ang mga inuirtang natin. Dito sa ating loans, paano ho binabayaran, paano ho bina-budget ng Budget Commission and pagbabayad dito sa borrowings natin as far as the government is concerned? Ano yan, eh.. .halimbawa, when you borrow from World Bank or from some other international source: yung loan na yan would be payable over 20 years, yung iba nga 40 years pa. So uutang tayo ngayon payable over ®20 years. Di ngayon alam na natin kung magkano ang kailangan nating bayaran each year. So inililista rin ng treasury kung magkano ang kailangang bayaran sa principal at sa interest every year. Bilang isang Budget Commissioner, Dr. Laya, paano natin masasabi na tayo po, ang ating government, ay rrwgkakaroon ng savings sa ating mga budget every year? Kung may deficit tayo—kamukha ngayong taon—wala tayong savings ngayon. Pero yung mga economists naman, sinasabi nilang mayroon ding savings on the current portion, di ba? Halimbawa, yung tax receipts natin this year would be so many billions and our current operating expenditure would also be so many billions. Ang idea diyan, kung mas maliit and current operating expenditure sa current revenue para sa current year, mayroon ding savings: yun ang ginagasta natin sa capital outlay. Kaya nga lang, kulang yung amount. Yung difference, yan'ang uutangin natin. Pangwakas, manawagan ho kayo, Commissioner Laya, sa ating mga pangkaraniwang mga ka-barangay, mga empleado rg gobyemo, at mga pinuno ng pamahalaan kung paano nila ganap na makakatutulong upang mapaayos ang ating budget at magastos ng husto sa karampatang mga projecto ang ating budget. On the part of the ordinary government employee, we have all to work together in order to achieve greater efficiency, greater effectiveness, greater economy. And then secondly, I think everybody (both in government as well as in private sector, barangay members and so on) must always be responsive to the priorities which are being given by the President and the First Lady, and all of these priority areas for export promotion, for labor intensive purposes, small- and medium-scale industries, selfreliance—these are really the crucial things that everybody has to be conscious about. □ Excerpted from a recent Pulong-pulong sa Kaunlaran broadcast