Hinirang si Duran na bise ministro

Media

Part of The Republic

Title
Hinirang si Duran na bise ministro
Language
Filipino
Source
The Republic Year I (9) December 11, 1944
Year
1944
Subject
Duran, Pio
Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI)
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
ANG REPUBLIKA LUNES, DISIEMBRE 11, 1944 WIKANG PANGBANS. Nasa Likuran Ng Republika Ang “Makapili” Patutunayan Na May Bansa Sa Pilipinas Ipinagunita Ni Guinto Ang Blackout Dahil Sa Pagsalakay Kung Gabi Isang pamahayag, isang timpalakpanitik at isang paligsahan sa pintura ang mga unang tugon sa tanong ng Tribune sa kanyang editorial noong Mierkoles na pinamagatang “Mayroon Bang Bansang Pilipino?” Ang tatlong kilusang ito ay sabaysabay ha ipinahayag ni Gobernador Militar Leon G. Guinto na nagsabing walang sukat ipagalinlangan sa pagkakaroon ng tunay na bansa sa Pilipinas, pagka’t ang bayang pilipino ay hindi lamang isang bansa, kungdi katutubong makabansa at masugid na tagapangalaga ng diwa ng pilipinismo. Ang pamahayag at talumpatian na inaasahang lalahukan ng lahat ng lipunan at kapisanan sa Maynila ay idaraos sa Dulaang Metropolitan sa loob ng linggong ito. Hinggil sa dalawang timpalak, si Gobernador Guinto ay naglaan ng 14 na gantingpalang umaabot sa halagang 1*16,000, na babahagihin sa mga magtatagumpay. Ang timpalakpanitik ay sa tuluyan o tula na susulatin sa Tagalog, Ingles o Kastila nang di kukulangin sa 10 papelmakinilya, at kailangang isulit hanggang sa ika25 ng Disiembre. Ang katha ay tiyak na magpapakilala na mayroon ngang bansang pilipino. Ang timpalak sa pintura ay dapat namang magtanghal ng mga pakikutunggali ng mga pilipino sa pagtatamo ng kanilang kalayaan. Inaakalang maaaring limitan ng mga aeroplanong amerikano ang kilusang panggabi sa ibabaw ng Maynila, si Gobernador Militar Leon G. Guinto ay muling nagpagunita ng pangangailangan sa mahigpit na pagtupad sa mga kautusan sa pagpapadilim. Mula sa ika-11 hg gabi ay umiiral na ang “total blackout,” ang sabi niya, at ukol dito ay ihay utos sa Pulisia na usigin ang sino mang lalabag. Sinabi ni Gobernador Guinto na makatutulong ang mga mamamayan sa pagtatanggol sa Maynila sa pamamagitan ng pagsunod sa lubusang pagpapadilim. Pamahalaan Ng Pilipino, Ani Laurel Nguni’t Patuloy Ding 1*300 Ang Halaga Sa Maynila lutulong Sa Hukbo Sa Pagtatanggol Sa Pilipinas Naglagay Ng Tanging Tagasiyasat Sa MCCA GINUNITA ANG IKA-3 TAON NG DIGMAAN SA SILANGANG ASIA Upang dinggin at siyasatin ang lahat ng sumbong laban sa ibaibang MCCA, sa kanilang mga tagapangasiwa at iba' pang pinuno, itinalaga ni Ministro Pedro Sabido ng mga suliraning pangkabuhayan si Abogado Abelardo Subido na maging tagasiyasat na kakatawan sa Ministerio. Itiniwala kay G. Subido ang lahat ng kapangyarihang taglay ng Ministro ng mga suliraning pangkabuhayan na ibinigay sa kanya ng Kautusan Big. 4 ng Pangulo upang magpatawag at sumiyasat, aklat at iba pang kasulatan ng mga MCCA sa Maynila. Nabatid na sa 167 samahan sa pagtutulungan sa Siudad ay totoong marami ang karaingan at sumbong ng mga kasapi, tungkol sa sinasabing tiwaling pamamalakad, ma(Nata pahina 3 ang karugtong) ibaTahimik nguni’t taimtim na nunita ng mga mamamayan sa - . lipinas ang ika-3 taon ng digmaan sa Pasipiko, sa pamamagitan ng pagpipinid ng mga tanggapan ng pamahalaan at pagdaraos ng ibaibang palatuntunan noong Biernes, ika-8 ng Disiembre. Sa isang pahatidkawad kay Premier Heneral Kuniaki Koiso, ang Pangulong Jose P. Laurel ay nangako ng matibay na pagtatapat sa kasunduan sa pagtutulungan ng Hapon at Pilipinas. Nagpahayag naman ng kasiyahan si Embahador Syozo Murata sa mahalagang tulong ng Pilipinas sa kasalukuyang digmaan, at kanyang sinabi na ang Hapon ay nakatagpo sa Pilipinas ng isang tapat na katoto. Nagpuri siya sa mga pagsisikap ng Republika upang makapaghandog sa Nipon ng lahat ng tulong na kailangan. Si Ministro Claro M. Recto ng mga suliraning panglabas ay nagsalita sa radio at tinukoy niya ang kahulugan ng pagpasok ng bansa sa ika-4 na taon ng kalagayang nakikidigma, Ang pahatid ng Pangulong Laurel kay Premier Koiso ay itong sumusunod: “Sa pagsapit ng ikatlong kaarawan ng pagsiklab ng digmaan sa Lalong Malaking Silangang Asia sa maselang na sandaling ito na ang kapalaran ng mga silanganin ay naglalaro sa timbangan, itulot ninyong paratingin ko sa Inyong Kamahalan ang maalab na pagasa ng Republikang ito sa pagtatagumpay ng ating mga pagsisikap sa pagpapalaya sa mga bayan sa Silangang Asia. “Taglay ang matibay na pani-wala na ang digmaang ito ay ukol sa pagtatayo ng bagong kaayu(Nasa pahina 3 ang karugtong) giPi“Pamahalaan ng mga pilipino na pinalalakad ng mga pilipino at ukol sa mga pilipino.” Iyan ang hantungang inaadhika ng pangasiwaan ng Pangulong Jose P. Laurel, ayon sa ipinahayag niya sa mga patnugot at pangalawang patnugot ng mga kawanihan at mga tagapangasiwa ng mga samahang ari ng pamahalaan na naging panauhin niya sa Malakanyang kamakailan. Sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang upang maging maligaya ang mga pilipino ay dapat silang magkaroon ng lubos na karapatang mamuhay nang nagsasarili sa paraang kanilang minamarapat. Nagpasalamaksa mga tinawag niyang “mga katulong ko sa Republika,” hiningi ng Pangulong Laurel sa mga kagawad ng pamahalaan na magpakita sila ng mabuting halimbawa sa mga magsisisunod, na kung sila man ay hindi nakarating sa nais nilang paroonan ay naipakilaiang doon sih. patungo, at ang pa'gtapos ng kanilang gawain ay siyang magiging tungkulin naman ng mga magsisihalili. “Sa magtagumpny o mabigo ay ipakilala natin kung saan tayo patungo,” anang Pangulo, “sa pag. tatayo at pagpapanatili ng isang pamahalaan ng mga pilipino na pinalalakad ng mga pilipino at ukol sa mga pilipino lamang.” Ang mga panauhin ay hinandugan ng Pangulo ng pananghalian at alaala dahil sa nalalapit na Pasko. Haibang hinihintay ng bayang Maynila ang patalastas na opisial ng Ricoa kung kailan sisimulan ang pagrarasion ng bigas ay patuloy ding P300 isang salop ng bigas sa “black market,” kahi’t sa ilang bayang magpapalay sa Luson ay bumaba na hanggang sa P30 isang salop ng bigas na bagong ani, ayon sa napagalaman ng Republic. Mga mangangalakal na naglalakbay ang nagsasabing sa ilang bayan ng Nueba Esiha, nangunguna ang Guimba, ay P30 isang salop ng bigas noong linggong tinalikdan, at may mga palatandaan pang magpatuloy sa pagbaba. Sa Kabanatuan at Tarlak ay P40 isang salop, sa mga bayang palayan sa Pangasinan ay P40 rin; sa Naga, Kamarines Sur, ay P45; sa San Miguel ay P90; sa Baliwag ay P100. Ipinahayag ng Tagapangasiwang Arturo V. Tangco ng Ricoa na matutustusan ng kasalukuyang ani sa walong lalawigan ang pangangailangan ng buong Maynila. Inaasahan niyang madadala ng Ricoa sa Siudad ang dami ng bigas na makapapawi sa umiiral na tagsalat. Sa isang dako, kinikilalang ang patuloy na kamahalan ng bigas sa Maynila sa harap ng malaki nang kamurahan sa mga lalawi- I gang nagaani ay hindi na bunga ng kagipitan sa transportasion, kungdi ng mahigpit na utos ng Ricoa laban sa pagpapasok ng bigas at mais sa Siudad nang walang kapalit na pangpaluwag. Ipinalalagay na ang ibayong paghihigpit (Nasa pahina 3 ang karugtong) Maghahandog sa Hukbong Hapones ng tuwirang tulong sa lahat ng paraan upang maipagtanggol ang pananatili ng Republika at kalayaan ng Pilipinas, pinasina■ yaan noong Biernes ng hapon ang “Makabayang Katipunan ng Pili. pino” (Makapili). Ang Pangulong Jose P. Laurel ■ at si Heneral Tonoyuki Yamasita, l ktt. puno ng Hukbong Hapones sa Pilipinas, ay kapwa nagsalita sa pasinaya at nagpuri s'a kilusang ' ito na pinamumunuan ng mga litaw at subok nang makabayan. Sinabi ng Pangulong Laurel na sa ibabaw ng “Makapili” ay na, roon ang pamahalaan ng Republika, na aalinsunurin at pagmu, mulan ng kanyang kapangyarihan, gaya rin naman ng lahat ng kauring kapisanang pangbansa. “Ang bagong Kalipunan ay ma’ kikipagtulungan sa Republika,” . ang sabi ng Pangulo, “sapagka’t ang alin mang samahang magtatangkang pumaibabaw o hadlangan ’ ang pamahalaan ng Republika ay walang gagawin kungdi sirain ang Republika at ang gawain ng Ha’ pong nagbigayluwag sa kanyang pagkakatatag.” Ipinangako uli ni Heneral Yamasita ang lahat ng tulong ng Hukbong Imperial sa pagtatanggol sa Pilipinas laban sa pananalakay ng Hukbong Amerikano. Pinapurihan niya ang mga lider at layunin ng “Makapili” at ipinayong sumanib dito ang lahat ng piliSi Benigno R. Ramoz, tandis ng | “Ganap”, ay siyang ipinakilalang pangkal&hatang patnugot ng “Makapili”; pangalawang punong patnugot si Bise Ministro Pio Duran ng mga suliraning pangloob at ktt. tagapayo si Heneral Artemio Ricarte. Ang Pangulong Laurel ay siyang ktt. sangguniang pang(Nasa pahina 3 ang karugtong) May Kuarentenas Pa Sa Basura Sa Siudad Inilalako Sa Mga Lansangan Ang Estopadong Aso At Pusa ^“Genuwine”^ ANG MGA KAIBIGAN ng Pangalawang Gobernador Militar ng Maynila ay nagukol ng ibaibang palagay, sa harap ng ilang pusuelo ng kape, hinggil sa sinasabing pagnanakaw ng limang bombero sa kanyang tahanan na bahagya nang nailigtas sa sunog sa Santa Mesa kamakailan. Kabilang sa mga natunton sa mga bomberong dinakip ang isang bote ng wiski at ilang pares ng sapatos. bigan, kung siya si G. Figueras na balita sa pagiging mapagpatawad sa mga nagkakamali at sa kagandahang loob sa mga nangangailangan, ipatatawag na lamang niya ang mga bombero sa kanyang tanggapan, yayamang ang mga ito’y tauhan din niya, at pagkaraang pangaralan ay hindi na babawiin ang mga sapatos at alak na hindi niya iindahin ang pagkawala, bagkus kusa nang ipagkakaloob na parang mga aginaldong pamasko, tulad ng kanyang kinamihasnang pagreregalo sa mga kapalautangan. Napawi ang malaking bahagi ng nakasasakit-ng-matang tanawin sa Siudad pagkaraang maalis ang mga barongbarong at mailigpit ang mga basurang dating nakakalat sa maraming pook, sa bigaykayang kampanya sa paglilinis na ipinagutos ng City Hall. Napatunayang mabisa ang kuarentenas o “sona” sa mga pook at daang marurumi, na ang mga naninirahan o sino mang makulong doon ng mga bandilang dilaw ng Pulisia ay hindi makalalabas kungdi tumulong sa paglilinis. Ang ganitong paraan ng mga pinuno ng sanidad at ng Konstabularia Metropolitana ay nagturo sa marami ng pagkukusa sa paglilinis at ng pagiwas sa pagtatapon ng basura sa lansangan at labas ng kanilang bakuran. Sa paglilibot sa purok ng Bagumpanahon kamakailan ni Gobernador Militar Leon G. Guinto ay nagpakita siya ng kasiyahan sa malaking nagawa ng dalawang Hindi na ipinagkakaila ng maytinda na ang kanyang estopado o adobo ay aso. Upang maniwala ang mga bumibili ay ibinubukod niya ang bungo ng aso sa isang bandehado o pinggan at itinatanghal sa madia. Genuwine iyan” ang tila pagmamalaki pa ng mayAng laman ng lutong aso ay 1*10 ang isang putol, kaya ang asong kainaman ang laki ay maluwag na napagbibilhan nang mula sa 1*400 hanggang 1*500. Ayon sa mga nakatikim, ang aso ay masarap, nguni’t lalo umanong mabuti ang lasa ng pusa. Pinatutunayan ng mga dalubhasa sa pagkain na ang kinubang aso o pusa ay hindi makapagdudulot ng ano mang kapinsalaan sa katawan ng tao, manapa’y mabisang panghalili sa karne ng baka, baboy at manok. Sapul nang ang aso at pusa ay maging karaniwan nang pagkain ng mga pataygutom sa Siudad, nagsimula namang mapalis sa mga daan ang dating naggalang mga kawalang hayop, at ngayo’y ninanakaw na pati mga sadyang alaga at nakakulong sa bakuran ng mga may-ari. Ang pagnanakaw ng mga baboy, kambing, manok at iba pang hayop ay matagal nang inoopisio ng maraming walang pitagan sa ari ng may-ari. Kius Ng Kagitingan Ayon sa isang kaibigan, kung alak at sapatos lamang ang nanakawin kay Gobernador Figueras ay malamang hindi mapansin nitong may nawala sa kanya, at di sasalang iyan ang naging maling akala ng mga bomberong hindi nakatanggi sa anyaya ng masarap na amoy ng wiski at ng mga sapatos na “genuwine.” Marphil ay nagkamali umano ang mga mamamataysunog na sila’y nasa tahanan ng kanilang mataas na puno, at inisip na nasa loob sila ng isang almasen. Alinsunod naman sa isang kai- City Hall din. Isang katotohanan ang hindi maikakaila, ang sabi ng isang lumahok sa salitaan: pinatunayan ng mga bombero na sila’y nasa abakada pa lamang ng maharlikang sining ng pagnanakaw at malawak na siensia ng pangungulimbat. Iminumungkahi nito, na uliuli, kung sila’y may gagawing gaya ng ginawa nila sa tahanan ng Pangalawang Gobernador Militar ng Maynila, upang huwag masubukan sa kahiyahiyang kawalangmuwang, ay umupo muna sila sa paanan at sumangguni sa mga dalubhasa ng Pulisia na katabing himpilan lamang nila sa linggong kampanya. Ipinahayag niya na ang arawang paglilinis ay dapat ipagpatuloy, at hindi pa rin pinipigil ang pagkuarentenas sa mga dakong marurumi. Napansin ng mga naglalakad sa Avenida Rizal, Azcarraga at iba pang mataong pook, na nawala na sa mga bangketa ang mga mesa ng pagkain at mesa ng sugalan na pinaalis ng Pulisia, gayon man ipinangangambang ito’y pangsamantala lamang at maaaring magsibalik uli kung tatantangan ang kampanya ng mga maykapangyarihan sa Siudad. Hinirang Si Duran Na Bise Ministro Si Kinatawang Pio Duran, litaw na orientalista at naging patnugot ng kawanihan ng mga suliraning panglahat ng Kalibapi, ay hinirang ng Pangulong Laurel na pangalawang ministro ng mga suliraning pangloob. At ang anak ay humalik sa kamay ng kanyang ina, isang kawal na paalis at sa digma ay susugba; nakangiti’y lumuluha’t nagdaramdam kapwa sila: “Babalik din ako, inang.” “Hihintaying lagi kita!” Nagngangalit ang digmaan na kasunod ang ta ggutom, ang salot at kamatayan; libolibo’t laksang buhay ang nabuwis sa dambana ng sa bansang kalayaan. Mga umagang kulimlim, mga gabing malalagim ang sa ina ay nagdaang tila ibong maiitim, ang anak na nalalayo’y wala pa rin, wala pa rin. Isang araw, sa pinto ng kanyang kubo, may dumating na tila isang dakilang tao, at ang inang namamangha ay hinalikan sa noo: “Ito po ay ukol sa inyong anak, handog sa isang bayaning hindi malilimot . . . .” Sa kamay ng ina’y may naiwang krus. Kung ang mga matang namumugto ay nakatanaw sa malayo, sa mukha ng inang yao’y may ligayang dumarapo tuwi niyang mahihipo ang krus na nakasabit sa tapat ng kanyang puso! AVH Dis. 10, 1944.
pages
4