Bigatin [short story]

Media

Part of The City Gazette

Title
Bigatin [short story]
Creator
Hernandez, Amado V.
Language
Tagalog
Source
Volume II (Issue no. 5) March 1, 1943
Year
1943
Subject
Short stories
Courage
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
BIGATIN Maikling Kuento Ni AMADO v. HERNANDEZ Noong 1931, si Amado V. Hernandez ay ipinahayag ng Kalipunan ng mga Kuentista na ''Kuentista Blg. 1" dahil sa kanyang maikling kathang "Wala Nang ·Lunas." Pinagkalooban siya noon ng Medalya Tambunting at Medalya Zamora. Malaong tinalikdan ang pagsulat ng kuento, si Hernandez ay nagbalik sa kanyang unang pagibig: ang tu.la. Noong 1939 ay natamo niya ang tanging gantingpala sa unang pangbansang timpal~k sa tu.la ng dating Commonwealth sa pamamagitan ng kanyang tulang-kasaysayang "Pilipinas", at noong 1940 ay sinundan ng lalong malaking tagumpay ng kanyang aklat ng mga tulang "Kayumanggi" na ipinagkamit ng P2,000. Si Hernandez ay siyang editor ng dating pahayagang Mabuhay hanggang sa nang ito'y masunog sa natapos na digmaan sa Maynila. Tungkol sa muling pagsulat ay sinabi niya: "Ako'y isang taon at dalawang bu.wan nang hindi humaharap sa makinilya, kungdi nang iparehistro ko ang aking makinilya at ang aking radio, nguni't aling panata ang di masisira sa anyaya ng isang mahalaga at katangitanging babasahin na katulad ng City Gazette."-EDITORIAL NOTE. I SA kanilang pook, si Tino ay hindi nakikilala sa tunay niyang pangalang Flol" e n t in o Laksamana. Marami ang nagpapalagay na siya'y kulangkulang, at iilan ang naniniwalang siya'y matino. Labis sa walo at kulang sa p~to, ang palasak na turing sa kanya. Walang tiyak na tinitirhan at lalo nang walang tiyak na hanapbuhay, si Tino ay maaaring sabihin na siyang katuparan ng tinatawag na hampasbato. Sa hanay ng mga ·kapwa bin;;itang napapanahon, s i y a'y hindi kasama sa talaan. Sa hanay ng kadalagahan ay walang nagkakamaling maghagis ng tingin sa kanya. Gayon man, walang nagsasabing si Tino ay masamang tao. Walang nagwiwikang makapal ang kanyang mukha at matigas ang kanyang katawan. At lalo nang walang nagpaparatang na siya'y nagsaman-, tala sa kahit kangino, maging sa mga araw na ito ng sarisaring pagsasamantala. Ang totoo, siya'y may sariling "popularidad." Siya'y si Tino sa bala na. Pati mga batang munti sa daan ay tumatawag sa kanya ng Tino. Ipagtanong ninyo ang Florentino Laksamana at walang makapagtuturo; nguni't hanapln si Tino at siya'y kasingtanyag 1'15'1-4 ng tindahang nagbibili ng sigarilyo sa halagang itinakda ng Pamahalaan. Kung si Aling Chayong ay may btihating mga paninda, halika nga, Tino, at tuwangan mo ako. Kung nakawala sa kulungan ang biik ni Mang Nano, halika nga, T i n o, at hulihin natin ang aking biik. Kung umaapaw ang kanal sa t.apat ng bahay ni Pareng Badong, h a I i k a nga, Tino, at ipakilinis mo ang kanal na iyan. Kung may malaking pamiting ang mga pi;- nuno, si Tino ay walang pagsalang kabilang sa mga magtatayo ng entablado. Kung lumilibot ang banda ng musiko sa pista ng bayan, si Tino ang nasa unahan at siyang may dalang parol. At sa lahat ng tulong na iyan na karaniwan nang kusangloob na inihahandog, si Tino ay hindi naghihintay ng bayad-kapagalan. Salamat kung may iabot. Salamat kung wala. Siya'y nabubuhay kahit na paano, sa awa ng Dios. Kung makapagsibak ng kahoy sa karihan ni Aling Baching, hindi na isang suliranin sa kanya ang pananghalian at pati ng hapunan sa araw na yaon. Kung siya'y · bayanihin. sa tindahang magluluma ni Mang Emong, sa paglilin:is at pagaalis ng kalawang [100) ng ibaibang kasangkapa~ kagamitang nabili upang ipagbili uli kung maayos na, si Tino ay ligtas na sa kalam ng sikmura kung mga dalawa o tatlong araw lamang. Kung siya'y makapagbantay naman sa pasugalan ni Tata Belo ay lalong magaling, sapagka't bukod sa parating ng 'may-ari ay may balato pang inaasahan sa mga magsisipanalo. Kung minsan ay sumisipol at kung minsan ay humuhuni ng isang awit, saka lagi nang masaya ang bukas ng mukha, ang lahat ng nakakakilala kay ·Tino ay nagaakalang siya'y maligaya. Mabuti pa si Tino at walang konsumision, ang sabi nila. Walang inaalalang sagutin sa buhay. Sa kanya'y walang kahapon ni walang bukas, kungdi pulos. na ngayon. Pagka si Tino'y nakapaghapunan nang busog ay tiyak na makakatulog nang mahimbing, ang mad.alas ibiro sa kanya sa pagupitan ni Maestrong Felix. Nguni't si Maestrong Felix, ang barbero, ay siya ring unang nakatuklas na ang masayang mukha ni Tino ay isang balatkayo. Siya'y hindi maligaya. Sa ubod ng kanyang puso ay nakararamdam siya ng isang mahapding pangungulila at lungkot. Mayroon siyang hangaring gaya ng ibang binata. lVfayroon siyang pangarap na tulad ng ibang lalaki. Sinasabi ko na't ang iyong niwalawalang kibo ay tandang nasa loob ang kulo, ang patawang naibulalas ni Maestrong Felix, nang sa kaunaunahang pagkakataon ay pakipagusapan niya nang matinuan si Tino. Talagang hindi niya akalain na ang Tinong ito na walang tiyak na tinitirhan at lalo nang walang tiyak na hanapbuhay ay hindi pala nasisiyahan sa gayong pagsasamuel-bilibet. Sukat ha namang siya pang umungkat sa kanya ng kasabihang ang batong pagulonggulong ay hindi tinutubuan ng lumot. Alam ninyo, Maestrong Felix, gusto kong magkaroon ng . kapirasong bukid na mapagaanihan ng kaunting palay, at mga gulay sa panapanahon. ·Gusto ko ring magkaroon ng alagaan ng mga biik at manok, kahit; na isang maliit na bakurang nakapaligid sa isang bahay na pawid. Kung ako'y makaimpok nang kaunti ay bakasakaling may pumatol sa akin ... sa ibang araw ... at ... Ang idurugtong pa ni Tino ay pinutol ng matunog na halakhak ng barberong kausap. Ang totoo, kahit sinong nakakakilala sa dating Tino ang makasasaksi sa gayong pananaginip nang gising, ay mapapahalakhak din nang malakas na gaya ng pagkakahalakhak ni Maestrong Felix. Waring napahiya, si Tino ay patalilis na umalis sa pagupitan, kaya hindi nabilad kay Maestrong Felix ang iba pa niyang lihim, na marahil ay !along niahalaga. Halimbawa, hindi nabanggit ni Tino kung sino ang tinutukoy niya sa "bakasakaling may pumatol sa akin." Kung nagkataon · ay bagkus dising sumakit ang tiyan sa katatawa ng barberong pinagkukuentuhan. Mabuti na lamang, ang naibulong ni Tino sa sarili nang makalayo na. Kung nasabi ko kay Maestrong ·Felix ang pangalan ni Uping, bukas din ay balita na sa buong baryo at buong baryo ang magtatawa sa akin. At kung mabalitaan ni Uping ay di sasalang kasusuklaman at susumpain ako. Sa katotohanan, walang nakatatalos ng lihim na pagsinta ni Tino kay Uping kungdi si Tino lamang. Ang 'kanyang pangingibig ay hindi lumalampas sa ligaw-tingin. Patanaw-bubungan, ang wika nga. At ito'y hindi mahirap gawin. Palibhasa, ang bubungan ng bahay nina Uping ay siyang pinakamataas sa pook na yaon at kung may nakahihigit man ay wala na kungdi ang gusali ng munisipio at ang kombento sa tagiliran ng ·simbahan. Si Uping ay ·pamangking buo ng asenderong si Don Lupo at isang dalagang bukod sa may katutubong ganda ay nagaral pa sa isang kolehio sa Maynila. Kaya si Tino na rin ang nagpapalagay na ang nangyayari sa kanya ay kawangis ng isang batang tatanawtanaw sa Buwan at iniisip kung papaanong siya'y makararating doon. Batid niyang hindi maaari, nguni't ano ang mawawala kung siya'y mangarap. Hindi kaila kay Tino na sa nayong yaon at sa mga kanugnog ay higit sa mga daliri ng kanyang dalawang kamay ang bilang ng mga binatang lalong may karapatan. Si Abogado Santillan. Si Doktor Arevalo. Si Inheniero Makapagal. Sila'y hindi mga bulag at hindi rin bulag si Uping. Subali't tila may isang makapangyarihang lakas na naguutos sa kanyang huwag alintanahin ang ano mang sagwil at salabid, yayamang kungdi man bulag ang mata ng tao ay bulag ang pagibig. Sa pagbibilang ni Tino ng mga poste sa daan sa maghamaghapon ay halos naisaulo na niya kung ilan ang sanga ng malagong akasia sa harapan ng tahanan ng dalaga, kung ilan ang kapis sa mga dahon ng kanilang durungawang nakaharap sa daan, at kung ilan ang mga paso ng halamang nagbubulaklak at sanggumay na nakapalamuti sa durungawang yaon. Si Tino ay kilala ni Uping. At madalas pang utusutusan ni Uping. Gaya ng karamihan, palagay ang loob ni Uping kay Tino. Pagkarinig ni Tino sa isang matamis na tinig na hindi maaaring ipagkamali sa iba ay biglang lulukso ang puso sa kanyang dibdib, at si Uping ay makikita niyang kumakaway mula sa kanilang bintana. Hoy, Tino, halika nga at gusarin mo ang mga damo dito sa hardin. Kitlin mo ang mga hayop na nagkukubli sa mga dahon ng rosas. At ayusin mo ang nagsihapay na mga puno ng sipres. Kasingtulin ng isang usa, si Tino ay susugod sa loob ng bakuran ni Don Lupo at kagyat na tatalimahin ang mga utos ng binibini. Parang hindi niya nararamdaman ang init ng Araw na pumapaso sa kanyang balat. Pati uhaw, pati gutom, sa mahabang pagkayukayok sa gawain, ay hindi niya napupuna. At si Uping ay nasisiyahan sa kanyang pagkamasunurin, sa kanyang sipag, sa kanyang kahusayang maglinis at magayos sa hardin. Kung si Tino sana ang hardinero rito, ang di mamakailang naisaloob ni Uping. [ 170] II N ANG itatag ang mga Neighborhood Associations . o mga Samahang Pangkapitbahay sa pook na yaon, si Tino ay hindi nagkaroon ng ano mang katungkulan. Mangyari pa, pinili ng Alkalde ang mga matatalino, ang mga nakaririwasa, at ang mga tanyag at kinaaalangalanganan upang siyang mangaging pangulo at mga lider. Si Tino ay isang abang kaanib lamang, isang hamak na tagasunod. Gayon man ay mahalaga ang kanyang tulong. Bagaman malimit na "hayaan mo na muna" at "saka na" ang kanyang butaw at ambag, si Tino ay hindi mauunahan sa pagtatanod kung gabi, sa paglilinis sa maruruming lugal kahit hindi ukol ·sa kanya, sa pagtulong sa pangulo't lider sa pagkakalat ng mga babala't palibot-sulat, at sa pagdalodalo sa mga pulong. Palibhasa'y sarili niya ang kanyang panahon ay bihirang gabi ang hindi siya nakatalagang tanod, may pa-kape man o wala. Kadalasa'y pamalit siya ng ibang may kapansanan o panakip-butas ng sadyang ayaw magpuyat. Nguni't nang maalinsangang gabing yaon ay hindi ronda si Tino. Noo'y tila may lagnat siya. Nahuli ng malakas na ulan nang gabing sinundan, halos hindi siya makabangon noon sa makitid na silong ng bahay na tinutuluyan niya. Marahil ay magiika-10 ng gabi nang si Tino ay bulahawin ng sigawang "sunog, sunog!" sa kabikabila. Nang siya'y dumunghal ay nakitang laganap ang pula ng apoy, subali't hindi niya mapagwari kung ang sunog ay saan o kung kanginong bahay ang nagliliyab. Gayon man ay tiyak niyang nasa malapit. Ang gayong pangyayari ay di matututulang tawag ng tungkulin para kay Tino. Kaya maliksi siyang nagbangon, inalis ang tuwalyang basa ng suka na nakapulupot sa kanyang ulo, sinapnan ng "jacket" ang kanyang "polo-shirt" na suot noon, nagsapatos, at patakbong nanaog. Tutulong siya sa pagsawata sa apoy at sa pagsaklolo sa mga nasusunugan. Si Tino ay parang hinigop ng batobalani nang matanaw at mapagsiya niya ang bahay na naglalagablab. Ang malaking bahay ni Don Lupo! Ang tahanan ni Uping! Nilagyan ng pakpak ang kanyang mga paa, halos naunahan pa ni Tino ang karo ng pamatay-sunog. Sa paglabas ng bakuran ay naratnan niyang naroon si Dona Lucia, ang asawa ni Don Lupo, at si Uping. Ang dalawang babai'y kapwa nagpapanangis. Naroon din ang tatlong batang anak ni Dona Lucia. Nalaman ni Tino na si Don Lupo ay wala at naglalakbay sa lalawigan. Nabatid niyang nang biglang sumiklab ang apoy sa silong ng bahay, kaipala'y sanhi sa may pinsalang kawad ng elektrisidad, ay inagapayanan ni Uping ang pagliligtas sa mga bata at ni Dona Lucia sa kahon ng mga hiyas at salapi sa kanilang silid. Nguni't nang sila'y makalabas na sa bakuran at nang sakmal na ng apoy ang buong bahay, na gaya ng inihaw na mais sa isang maalab na siga, ay saka lamang napansing wala. si Junior, ang tatatluhing taong bunso ni Don Lupo. Si Junior ay naiwan sa kanyang tutulugan. Iyan ang dahil kaya si Dona Lucia at si Uping ay nagiiyakqng mabuti nang datnan ni Tino. Noo'y makapal na ang mga tao sa buong paligid. Nagsigibik ang mga pinuno at kaanib ng mga Neighborhood Associations. Datapwa't parapara silang walang malamang gawin at tila ibig kunin sa tingin at sa buntong-hininga ang pagsugpo sa apoy at ang pagliligtas sa bata. Pati ng mga bombero ay nasungyaw mandin sa harap ng malaking panganib. Nguni't walang anoano ay isang aninong hindi nakilala sa gitna ng malapot na usok ang matuling kumabila sa bakod na bakal at tila palasong ibininit sa bahay na nilalamon ng apoy. Huwag kang magpakamatay, ang habol ng isang bombero. Subali't ang lalaking yaon ay hindi umurong ni lumingon man lamang. Ang mga nakakita sa gayong katapangan ay mahabang sandaling pumigil sa kanilang paghinga. Tatlo, lima, hanggang sampung minuto yata, na anaki'y kasintagal ng linggo, buwan at taon. Di kaginsaginsa, katulad ng palasong ibininit sa kanyang pagsugod sa bahay na nasusunog, ay gayon din kabilis nang siya'y lumabas. Humahagibis nang parang hindi sumasayad sa lupa. Pagdating sa harap ni Uping at ni Dona Lucia ay inilapag ang kung anong nababalot ng "jacket" na salab sa apoy, saka biglang nalugmok at nawalan ng malaytao. Sa loob ng isang tahimik na silid sa pagamutan sa kabayanan muling binalikan ng diwa si Tino. Sa dakong ulunan ay payapang nakaupo si Uping at marahang hinahagod ang kanyang buhok. May mga lapnos sa mukha, sa mga bisig at ibang panig ~g katawan, pagkasilay ni Tino sa maamong mukha ng kanyang "nurse" ay hindi na kailangan ang patunay ng manggagamot na siya'y hindi mamamatay. Hindi namin mababayaran ang utang na loob sa iyo, Tino, sa pagliligtas mo kay Junior, ang sabi ni Uping. Kapanggagaling lamang dito ng Tio Lupo at Tia Lucia, at babalik sila mamayang hapon. Dumalaw din ang Alkalde. Si Tino ay hindi tumugon ni isang salita, nguni't nararamdaman niyang siya'y naaakyat sa ikapitong langit. Kulang na isang buwang naratay si _Tino sa pagamutan. At nang siya'y lumabas ay hindi na siya isang hamak na Tino lamang, pagka't ang lahat na'y bumati sa kanya, ang lahat na'y ~gpuri sa kanya. Siya'y naging isang bayani. !sang araw, nabasa ng mga kababayan ni Tino sa mga pahay~gang galing sa Maynila na si Florentino Laksamana ang napili ng lupon ng Pamahalaang Pangbansa na siyang nakagawa ng lalong dakilang kabayanihan sa buong taong katatapos, kaya siya'y sasabitan ng medalyang ginto at pagkakalooban pa ng gantingpalang P5,000. Ang parangal ay idaraos sa Pangulongsiudad. [ 171] Dalawang araw bago lumuwas si Tino sa Maynila ay nagpagupit siya kay Maestrong Felix. . . Naaalala ha ninyo, Maestrong Felix, nang ako'y tawanan ninyo noong isang araw?, ang hungad ni Tino. Noong sahihin ko sa inyo na gusto kong magkaroon ng kapirasong hukid at ng maliit na hahay. At noong sahihin kong gusto ko ring makaimpok nang kaunti, at hakasakaling may pumatol sa akin. Naaalala ha ninyo? Oo, siyanga, ang tugon ni Maestrong Felix. Pues, ngayon ay hindi na ninyo ako maaarlng pagtawanan, sapagka't matutupad na ang aking pangarap . . . saka mayroon nang pumatol sa akin. Matunog na halakhak, hindi ng paguyam, kungdi ng tuwa at pakikilugod, ang naging pakli ng harhero, kasahay ang taginting ng kanyang gunting. Ngayon ay wala nang maaaring tumawa sa iyo, Tino. Wala nang di maaaring maniwala at humanga sa iyo, ani Maestrong Felix. Sapagka't ngayon ay ikaw ang pinakamalaking tao sa hayang ito. Isa kang bigatin. r-112 i