Ito ay hindi biro

Media

Part of The Republic

Title
Ito ay hindi biro
Creator
Umali, Jose Jr. C
Language
Filipino
Year
1978
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
10 THE REPUBLIC mMarihgT. Bautista Ma SAYA ang buwan ng Mayo. Ito ang panahon ng pamumukadkad ng mga bulaklak. Mayo rin kung isagawa ang mga santacruzan na lalong kilala sa tawag na “Santacruz de May o.” Ang santacruzan ay prusisyon sa look ng siyam na sunudsunod na gabi na tinatampukan ng mga sagala: mula sa mga batang babae hanggang sa mga kadalagahan. ho’y nilalahukan din ng mga beauty queens at artista Mayo rm ang panahon ng katuwaan at lakwatsa: ang pinakamaliligayang sandali sa buhay ng isang estudyante. Sa mga panahon ding ito puno ng buhay at “pakikipagsapalaran" ang Antipolo, Rizal. Drto dinarayo tuwing Mayo ang Nuestra Sra. dela Paz, ang birhen ng kapayapaan at mabuting paglalakbay. Ang araw ng paggawa o labor day tuwing unang araw ng Mayo ay rpmag diriwang sa pamamagitan ng mga parada at programs na alay sa mga manggagawa. Hindi rin malilimutan ang kagitingan ng mga Pilipino sa pagtatanggol sa Corregidor tuwing ika-6 ng Mayo. Siyempre'y may nakalaang pagdiriwang sa araw na ito. Marami ring pista tuwing Mayo. tpv nagdiriwang ang pista ng Holy Cross tuwing ika-3 ng Mayo sa Vig^n, Ilocos Sur, gayundin sa Sta. Cruz, Laguna at Marinduque. Sa Obando, Bulacan, Mayo rin kung gunitain si San Pascual Bay Ion at Sta. Clara. Sa panahong ito nagsasay aw sa mga prusisyon sa Obando ang mga mag-asawang walang anak para makahingi “sana" ng kahit isa lang. Tuwing Mayo 14 at Mayo 15, idinaraos naman ng ilang bay an sa Bulacan, Nueva Ecija at Rizal ang pista ng mga kalabaw: isang malaking atraksiyon sa mga dumaray o at mga turista. May laso ang mga kalabaw habang may hatakhatak na mga karitong may matitingkad na kulay. Ipinaparada ang mga ito sa mga plasa. Ang mga magsasaka sakay ng kani-kanilang kalabaw ay nagtitipon sa simbahan at hinihindisynnan ng pari. Kasunod ay karera at paligsahan ng mga kalabaw at ang walang tigil na kasayahan at katuwaan ng lahat. “Pahiyas” Natatangjng Pista sa Quezon Mayo 15 rin kung ipagdiwang sa Lucban at Sariaya, Quezon ang ban tog na “pahiyas,” isang espesyal na pista ng anihan. Tampak sa araw na ito si San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Tulad ng maraming bayanbayan sa Pilipinas, may “kakanyahan" ang Lucban at Sariaya sa pagdaraos ng Paano ipinagdmwang ang pahiyas? Umagang-umaga pa lamang ng Mayo 15, may dekorasyon na ang lahat ng bahay na daraanan ng prusisyon. Ngunit hindi lobo o bandera ang makikitang nakadisplay. Ani ang naglawitsa mga bintana palay, gulay, prutas. May hawig ang pahiyas sa “pabitin” na idinaraos sa mga pista. Ang kaibhan lamang ng sa huli, hindi sa bin tana kundi sa gitna ng kalsada milalagay ang pabitin at doon ipinaaagaw sa mga tao. Malagintong himaymay ng butil o matatabang sako ng giniling na palay ang idim-display ng mga nagtatanim ng palay. Inihihilera naman ng mga nagtatanim ng kamatis ang kanilang ani habang ikinakalat ng mga nagtatanim ng prutas ang ani nilang pinya, black berries at mangga. Ang mga pula, puti at itim na beans ay idim-dekorasyon. At hindi basta ani. Ang pinakamahusay at pinakamagandang ani lamang ang idini-disp/ay sa mga bintana. May nakalaan kasing premyo o gantimpala sa may pinakamagandang display. Ang pahiyas ay di lamang isang pikitmatang pakikisunod sa agos ng nakapamihasnan. Ito ay isang dagdag na insentibo sa mga magsasaka ng Lucban at Sariaya. Laging pinagpupunyagiang magkaroon ng masagana at magandang ani lalo’t nalalapit ang nasabing pagdiriwang. May isa pang espesyal na atraksiyon angpahiyas: ang “kiping,” isang espesyal na pagkain mula sa galapong (ground rice) na inihahanda lamang tuwing pahiyas. Isang uri ito ng malagkit na iniihaw para maluto. Matabang ang lasa nito. Ito ay kinokorteng dahon at may iba’t ibangkulay. Idini-disp/ay din ito sa mga bintana. Ang mga lawa-lawa (buntings) sa mga kalsada ay nagdadagdag pa rin sa makulay na pagdiriwang. Walang iniwan sa kanal ang lawa-lawa. Kaya lang, mas maluluwang ang mga ito, sementado ang ilalim at malinaw ang umaagos na tubig na nagmumula sa bundok Banahaw. Ang pahiyas, ang kiping at ang lawalawa ay sapat nang bumuo ng isang napakagandang tanawin: masaganang ani at espesyal na pagkain sa mga bintana, sariwang tubig sa ibaba ng mga kabahayan. May isa pang nakatutuwang bahagi ang pahiyas. Matapos mailakad ang prusisyon ni San Isidro sa hapon, mahihingi sa mga may-ari ang mga display na talaga namang ipinamimigay. May katwiran ngang dayuhin ng marami ang nasabing pahiyas sa Quezon. Bukod sa kaakit-akit ang makulay na pagdiriwang, bawat namimista ay may pagkakataong malasap ang di kumukupas na Filipino hospitality. kahili ng sapatos ay *yong mabubutas na. Sabi nga noong isa kong kakilalang laborer, iisa raw ang pinagpapalit-palit niyang sapatos, minsan daw ‘yong kaiiwa ay isinusuot niya sa kanan at ‘yong kanan ay isinusuot niya sa kaiiwa. * * * * May mga estudyanteng dala ng pangangailangang pinansiyal ay nagtatrabaho habang nag-aaral. Nagtatrabaho sa umaga, nag-aaral sagabi. Mahirap pero masarap kumita ng pera habang nag-aaral. Pero ang karaniwang nangyayari ay ganito: ang mga estudyanteng nakakatikim ng suweldo ay hindi na bumabalik sa eskuwela. Ang ikinakatuwiran nila, nag-aaral sila para makapagtrabaho, ngayong may t rabaho na ay bakit kailangan pang mag-araL Maganda sanang pangangatuwiran, kaso, ang mga empleadong walang tinapos kahit magaling ay mahihirapang umasenso. Malakas pa kasi ang gayuma ng diploma. • • • • Dahil sa pagiging sobrang magastos ng buhay, iilang empieado ang nakapagiipon. Paano pang makapag-iipon, gayong dalawa-tatlong araw pa lamang matapos ang suweldo’y naghahanap na ng mauutangan. Ku wen to nga noong isa kong kumpare, nagbukas daw siya ng savings account sa isang kilalang banko, pero hindi rin siya makapag-ipon dahil ganito ang nangyayari: araw-araw deposit, araw-araw withdraw.