Kaugaliang Pilipino sa pag-aasawa

Media

Part of The Republic

Title
Kaugaliang Pilipino sa pag-aasawa
Language
Filipino
Year
1978
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
1-30 June 1978 11 Lagi na, ang buwan ng Hunyo ay iniuugnay sa pag-aasawa. Bagamat maaaring mag-asawa ang isang tao sa kahit anong panahon, marami pa rin ang nagtatakda ng kasal tuwing Hunyo. Ang mga Pilipino ay may mayamang kaugalian ukol sa panliligaw at pagaasawa. Bagamat karamihan sa mga kaugaliang ito’y bahagi na lamang ng kahapon, ang ilan ay umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sipagang puhunan ng isang Tagalog upang makamit ang babaingitinatangi. Sa kaugaliang tinatawag na paninilbihan, obligadong laging bumisita ang lalaki sa bahay ng babae. Tutulong siya sa ilang gawaing-bahay sa tahanan ng babae, tulad ng pag-igib ng tubig (na kadalasa’y mula sa balon), pagsisibak ng kahoy, pagbubunot ng sahig. Tapang naman at lakas ng ioob ang puhunan ng mga Ibilaos at ilang tribu ng llongot. Madugo at puno ng pakikipagsapalaran ang paghahandog nila ng pagibig sa nililiyag. Sinusubukan ang kakayahan ng llongot sa paggamit ng pana o “bow and arrow.” Pinatatayo sa isang maiuwang na lugar ang babaing minimithi habang nakaipit sa kili-kili nito ang isang buko nj kawayan na bukas sa gitna. Sa layong 50i metro, kailangang lumusot ang palasong pakakawalan sa dulo ng buko. Kapag nasaktan ang babae, papatayin ng mga kamag-anakan nito ang lalaking llongot. Ayon sa pinakahuling pag-aaral, isinasagawa pa rin ang praktis na ito sa ilang mga lugar sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Mountain Province. Ang tungkol sa kasal sa mga llongot ay una munang inihaharap sa ama ng babae para pagkasunduan. Kabilang sa kasunduang ito ang ukol sa dote at iba pang bagay. Ang puno ng tribu ang nagsasagawa ng seremonya sa pamamagjtan ng pag ta tali sa kamay ng lalaki at babae at pagpapakain sa mga ito sa iisang pinggang yari sa kahoy. Habang isang mabigat na tungkulin ang panliligaw at pag-aasawa para sa Tagalog at llongot, ito ay hindi problema sa mga kalalakihan ng tribung Subano sa Mindanao. Hindi sila, kundi ang kanilang mga magulang ang nagsasagawa ng mga pangunahing hakbang mula sa pagKaugaliang Pilipino sa pag aasawa hahanap ngkarapat-dapat na marram ugangin hanggang sa pagtatakda at pagkakaloob ng dote. Dahil dito, mas malamang na sa araw ng kasal unang magkikita ang ikakasal. Ang pinuno rin ng tribu ang nagsasagawa ng seremonya ng kasal. lsinasabay rito ang pag-aalay ng dote. Sumasayaw ang mga sponsor ng babae sa tunog ng gongs at drums. Nagsasayaw tin ang lalaki bilang pagtugon. Dalawa ang umaawit ng ballad bilang pag-asam sa isang matagumpay at mabungang pagsasama. Pagkatapos nito, magsasay aw ang mag-asawa bilang katunavan ng pagiging kasal na. Sa Bicol, mga magulang dm ng lalaki ang gumagawa ng pangunang hakbang. Ipinahahayag ng mga ito ang hangarin ng kanilang anak sa pamamagitan ng pagsulat sa mga magulang ng babae na maaaring makipag- usap n ang harapan o tumugon din sa sulat. Ang kaugaliang tumugon din sa sulat. Ang kaugaliang ito ay kilala sa tawag na “lagpitaw” o “slingshot practice.” Malalaman lamang ng lalaki na tinanggap ang kanyang proposal sa araw na mismo ng kanyang kasal Pambihira ang pamamaraang ginagamit ng Batak ng Palawan sa pagkakamit sa babaing nililiyag. Hindi sila nanunuyo o naninilbihan tulad ng Tagalog at hindi rin nagpapakita ng tapang tulad ng llongot. Ang pamainaraan nila ay naaay on sa tinatawag na “bandi system” na walang iniwan sa isang public bidding: ang pinakamataas magpresyo ang kukuha sa babaing kursunada. Napakadali kung gayon sa isang Batak ang mag-asawa at mag-iba ng asawa. Kung ang babaing kursunada niya ay may asawa na, babayaran lamang niya nang doble ang halagang binayaran ng kasalukuyang asawa nito. Ang pag-aasawa ng Samal ng Sulu ay karaniwang kasunduan din. Malayang pumili ng mapapangasawa ang isang lalaking nasa hustong gulang ngunit ang babae'y hindi. Kailangang mayroon sivang kaukulang pahintulot mula sa ama, o sa lo]o kung ang ama’y palay na o sa pinakamatandang kapatid na lalaki o sa pinakamalapit na kamag-anak na lalaki. Itinatakwil ng lipunan ang magasawang nakasal nang walang kaukuiang paliintulot. Hindi rin sila kikilalanin ng kanilang mga magulang. Maibabalik lamang ng mag-asawa ang pagtanggap at pagkilala kung sla'y pahahagupit nang limampung ulit mula sa pari. Hangga't hindi sila naaabsuwelto, hindi sila kinikilalang Mohammedans. ' Ang seremonya ng kasal ay malimit na isinasagawa ng ama ng babae. Nasa lalaki na ang desisyon kung gusto niyang kunin ang serbisyo ng pari. Ang ikinakasal ay sumasailalim ng tinatawag na “ceremonial washings” bago hahawakan ng pari ang kanang kamay ng lalaki at magsasalita ng ilang partikular na mensahe mula sa Koran. Panghuli ang pagtatanong sa lalaki kung tinatanggap nito ang babae bilang asawa. Tradisyon pa rin sa ikinakasal na babaeng Samal ang pag-aahit sa kanyang mga kilay bago pintahan ang kanyang mukha ng ma dilaw na bagay. Inilalagay siya pagkatapos sa isang silid na hindi siya agad makikit a ng lalaki. Halianapin ng lalaki ang asawa na magtatangkang tumakas. Isang larong walang iniwan sa “hide-and-seek” ang magaganap. Kapag nahuli ng lalaki ang babae at naipadaan niya ang kanang hint ut uro sa noo nito, itinuturing na silang kasal. Sisimulan lamang nila ang pagsasama bilang mag-asawa pagkaraan ng pitcng araw mula sa araw ng kanilang kasal. Hindi lamang sa pamamaraan ng pagligaw o pag-aasawa nagkakaiba-iba ang mga Pilipino. May mga kaibahan din maging sa pagdaraos ng handaan sa araw ng kasal. Tulad na lamang sa Benguet. Dito, binabalikat ng lalaki ang lahat ng gastos at iba pang pangangailangan sa araw ng kasal. Ang lalaki ay kailangang magtaglay ng dalawang kalabaw man lamang at iba pang hayop upang isuporta sa babae. Ganito kasi ang tradisyong sinusunod nda-mabigyan ng isang kilo ng kame o higjt pa ang bawat bisit ang dadalo sa handaan. Hu wag nang idagdag pa na bigay-todo ang ganitong uri ng salu-salo. Sa Waray, bagamat magarbo rin ang kasalan. hindi naman pinapasan ng lalaki ang lahat ng gastos. Nakagawian na nila ang pagtulong ng mga kamag-anak ng babae sa lahat ng pangangailangan sa handaan. Pj^ksnapos ng kasal. dumKleretso ang mag-asawa sa bago nilar.g tahanan para sa isa pang mas maliit na salu-salo na tinatawag na “pagdara.” Sa lahat ng pagkakaiba-iba ng kaugalian sa pag-aasawa iisa lamang ang kahulugan nito: ang pag-aasawa ay isang naiibang uri ng responsibilidad na dapat harapin at panindigan ng mag-asawa. —MTB Salubungin ang bagong Pilipina ni Myrna M. Castro No o n ... alipin si Maria ng paniniwalang siya ay mahina, mahiyain, mapaniwalain. Gapos siya ng paniniwalang ang lugar ng isang babae ay salikuran ng isang lalaki; na ang lalaki ang siyang hari at siyang nasusunod. Sapat na sa kanya ang mayroong nangangalaga, nagdudulot ng kaginhawahan at nagkakaloob ng pagtingin. Isa siya sa maraming Pilipinang ang tanging pinagbuhusan ng panahon, bukod sa kanyang pamilya, ay ang pagdarasal, pakikinig ng mga kuwentong punungpuno ng superstisyon o kaya nama’y pakikipagkuwentuhan sa kanyang kabaro. Pagkaraan ng maraming taon, nanatili siyang isang bilanggo. Bilanggo ng itinakdang mga batas ng lipunan. Makitid ang saklaw ng pananaw. Maliit ang ginagalawang daigdig. Kailanman ay hindi niya sinubukang pakilaman ang gawain ng sinasabing “mas malakas na sakarian.” Nang siya ay magkanobyo, bumagal lalo ang kanyang pagsulong. Ang maliit niyang daigdig ay lalong lumjit. Hindi na siya maaaring bumarkada sa iba. Kinakailangan muna ang pahintulot ng kanyang nobyo. Kadalasan, pinagkakaitan niya ng la yaw ang kanyang sarili. Ang kasal ang katuparan ng lahat ng kanyang pangarap. Umiikot ang kanyang daigdig sa kanyang asawa. Isinasalalay niya rito ang kanyang kinabukasan. Ang paniniwalang ang babae ay para lamang sa bahay ay mariing nakaukit sa kanyang isipan. Ng a y o n ... narito si Marie, ang bagong Pilipina! Produkto ng 70s. Lista, malaya, mapagisip. Ipinahahayag ang kanyang kaisipan. Iginigiit ang sariling karapatan. Hari siya ng kanyang sarili. Hindi siya nadidiktahan. Hindi tumatahak sa isang kawalan. Hindi bilanggo ng mga batrs ng lipunan. Hindi bulag sa kanyang mga limitasyon. Pinasok na niya ang dating daigdig na para lamang sa kalalakihan. Humahawak siya ng matataas na puwesto sa gobyemo, sa larangan ng negosyo, at maging sa sining. Sa larangan ng musika, ang mga Pilipinang tulad ni Marie ay hindi napadadaig. Kung mayroong Prima Donna ang ibang bansa, tayo man ay mayroong Jovita Fuentes, Isang Tapales al Felicing Tirona. Nagsilitawan ang mga Dali say Aldaba, Conchita Gaston at ngayo’y s Evelyn Mandac, ang unang Pilipinang kasali sa Metropolitan Opera sa New York. Mayroon din tayang mga concert soloista sa piano, violin at cello. Ilan sa kanila ay sina Caimencita Lozada, Maria Luisa Lopez Vito at Cecile Licad. Ilan sa mga tanyag na o^anisasyon na pinangungunahan ng mga kababaihan ang League of Filipino Composers, National Music Council of the Philippines, Music Promotion Foundation, Philippine Society for Music Education, Philippine Choral Society, Piano Teacher's Guild of the Philippines at ang Philippine Theater of the Performing Arts. Samantalang sa larangan naman ng pagsasayaw, mayroon t ayong isang Francisco Reyes Aquino na siyang nagpasimula ng pag-aaral sa Philippine Folk Dance Forms. Nagsisunuran sina Leonor OrosaGoquingco, Lucretia Reyes Urtula, Paz Cielo Belmonte at Alice Reyes. Hindi rin natin malilimutan ang mga artista sa entablado bago dumating ang ikalawang digmaang pandaigdig, tulad nina Maria Carpena at Atang de la Rama. Nariyan rin sina Daisy Hontiveros Avellana ng Barangay Theater Guild, Naty C'rame Rogers ng Arena Theater at Zeneida Amador ng Repertory Philippines. Ilan naman sa ating mga manunulat ng maikling kuwento ay sina Paz Latorena, Paz Marquez Benitez, Trinidad Tarrosa at Estrella D. Alfon. Samantalang sa prosa sina Kerima Polotan, Carmen Guerrero Nakpil, Edi th Tiempo, at Gilda Cordero Fernando. Kupg ating pagbabalikan ang nakaraan, ipinakikita ng statistics na mula noong 1946 hanggang 1969,11 kababaihan ang nahalal bilang kongresista, pito bilang senador, anim bilang gobemador at ang ilan ay bilang bise-gobemador, bokal, alkalde, bise-alkalde at mga konsehal. Nangibabaw rin si Justice Cecilia Munoz Palma, ang unang babaeng naging nriyembro ng Supreme Court. Sa foreign service naman, mayroon tayong mga Ambassador tulad ni Rafaelita Hilario-Serrano at Leticia Shahani. Hindi naiiba si Marie sa mga babaing nabanggit. Ang pagiging asawa at pagiging ina ay hindi naging hadlang sa kanyang mga gawaing pangsibiko. tulad ng paglahok niya sa Barangay Ladies’ Auxiliary Brigade. Ilan sa mga ginagampanan niyang tungkulin ang pagsasagawa ng kampanya ukol sa paglikom ng pondo upang matustusan ang mga proyektong pangkomunidad tulad ng cottage industries at mga socio-cultural center. Makikita mo siyang tumutulong sa mga proyektong tulad ng kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyong family planning, green revolution, beautification, cleanliness at iba pa. Madaling matatagpuan ngayon ang mga Marie, ang bagong Pilipina. Isa lamang siya sa nulvun-milyong Pilipinang may misyong ginagampanan. hindi lamang sa kapakanan ng kanyang sarili kundi maging ng buong sangkatauhan.