Bagong Konsul sa Maynila

Media

Part of The Republic

Title
Bagong Konsul sa Maynila
Language
Filipino
Year
1944
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
TAGALOG SECTION TAGUMPAY ANG llNANG TAON! | PANGKASALUKUwTi Unang Taon ng Republika Sa di kawasa, at sa ibabaw ng kahirapan ng buhay at kabigatan ng panahon' ay maluwalhating sumapit ang unang kaarawan ng pagkakatayo ng Republika ng Pilipinas. Lahat ng pilipinong may wagas na pag-ibig sa tinubuang lupa ay dapat magalak sa ganitong pangyayari palibhasa’y maliwanag na nadadama ngayon ang hudyat ng katuparan ng isang pangarap na napakalaong nilunggati. Sabihin na ang ibig sabihin, ang pagsasarili ng Pilipinas, na naging sanhi ng pamumuhunan ng dugo at buhay ng ating mga bayani, ay siyang pinanabikan natin sa mula’t mula pa, at ang pagsasariling iyan, saan man nanggaling o sinuman ang maybigay ay dapat ikaligaya. Kung masidhing pag-aaralan ang kasaysayan ng ating mga pakikibaka’t pakikitunggali ay maliwanag na mababatid na para sa mga pilipino’y walang mahalaga kundi ang paglasap ng isang buhay na nagsasarili. Sa kung ilan nang pagkakataon ay nasabi ng Kanyang Kadakilaan, ang Pangulong Laurel, na may ilang kababayan, kundi man napakarami, na lubhang nag-aalinlangan sa kawagasan ng ating pagsasarili; anila’y di ito tunay at di-lubhang ganap, pang-akit at pandaya lamang, diumano. Kami’y kasang-ayon ng marilag na Pangulo sa pagpapayo pa kung mayroong mga ilang nagaalinlangan, ang dapat pakasikapin ng lahat at bawa't isa ay magtulungtulong at magyakap-vakap upang ...... papaghahariin ang pag-aalinlangan, saan man ay di tayo makararating. Wala tayong mapapala sa pagtutuA ANG AMING BATI AT PAMIMITAGAN Sa pagsilang sa maliwanag ng unang bilang naming ito, bago ang lahat, ay nagtiukol kami ng maligayang bati at lubos na pamimitagan sa mga may-kapangyarihang . umuugit sa daong ng bansa, lalung-lald na sa Kataas-taasang Pamunuan ng Pamahalaang Imperyal ng Hapon sa Pilipinas na siyang kumakatawan sa kanya sa lupaing ito. Sa kanila ay nagpupugay kami at gumagalang. Ang aming tulong at pagkatig ay buong pagkukusang inihahandog at ang aming magagawa sa lahat ng abot ng aming kaya ay ipinangangakong gagawin, alang-alang < sa ikapagtatagumpay ng isang matalino at mabuting pagkakaunawaan. /) Kami’y katig sa Pamahalaang nakatatag, nguni’t kami’y magiging bibig ng sambaya- Z) nang nagpapakasakit sa kasalukuyang bigat ng panahon upang mapangalagaan di mang ang kanilang mga kapakanan, kundi lalu’t higit ang kanilang mga kaapihan. Alang-alang sa ikapapanuto ng lakad ng mga bagay-bagay ay ipaliliwanag namin Z sa taumbayan ang lahat ng balak at layunin ng Pamahalaan at pararatingin naman sa mga nagsisihawak ng ugit ng bansa ang lahat ng daing ng taumbayang nasa dakong ibaba. Anupa’t tutupad kami sa tungkuling tagapamagitan. Alam namin na ang di pagkakaunawaan ay siyang madalas na pinagmumulan ng mga ligamgam at ligalig, kaya, upang maiwasan ito, iuukol namin ang aming mga pitak para sa bagay na iyan. Bumabati nga kami at napupugay sa lahat. /) A nang nagpapakasakit sa kasalukuyang bigat ng panahon upang mapangalagaan, di la- Z mang ang kanilang mga kapakanan. kundi lalu’t hiffit anjr kanil£n«r Vannih&x \ <2 Palatuntunan Ng Mga Parangal | PflGTATAPAT Ang Kamay na Bakal ng Pamahalaan Isa sa mga bagay na dapat nating alagatain, sa harap ng kasalukuyang mga pangyayari, ay di tayo ang may-hawak ng susi ng kaluwalhatian. Nakikibagay tayo sa panahon at pinaninimbangan natin ang takbd ng digmaang lumiligalig sa sandaigdig. Huwag tayong mag-unuran. Ang kailangan natin ngayon ay sumunod sa ipinapayo ng mga patnugot ng ating bansa. Para sa kanila, ang pinakamahalaga ngayon sa mga pilipino ay makaligtas sa malupit na kuko ng digmaan, makatawid sa daluyong ng mga paghihirap, upang, sa panunumbalik ng kaliwanagan ng panahon, ay manatiling ligtas at buhay ang ating pagka-Bansa at ang ating pagkaLahi. B iy ernes, Oktubre 13, 1944 7:30 n. g.—Palatuntunan sa Rad,. _ sa pamamagitan ng himpilang PIAM na ang pinaka-pangunahi’y isang talumpati ng Kgg. Arsenio N. Luz, Pangulo ng Lupon sa Pagbabalita. Sabado, Oktubre 14, 1944 Sa harap ng City Hall 7:30 n. u.—Misang Pambayan. Sa Gusall ng Batasang Pambansa 8:30 n. u.—Pagtitipun-tipon sa harapan ng Gusali ng Batasang Pambansa. Ang pasukdn sa gawing likuran ng Gusall ng Batasang Pambansa ay tanging iuukol sa mga pinuno at mga panauhi-i"- "inaanyayahan y:00 >i. «.—Ang Patnubay rig) Batasang Pambansa, ang Punong Hukom ng Mataas na Hukuman, ang mga Kagawad ng Gabinete, ang Pangulo rig Sangguniang Bansa at ang Gobernador Militar ng Maynila ay magtitipun-tipon sa tanggapan ng Patnubay na magdaraan sa pasukan sa gawing liku9:05 n. u.—Ang mga Kagawad ng Kapulungang Pambansa, ang ; mga iba pang pinuno at gayundin ang mga pinaanyayahan ay iriagsi-' siluklok sa kani-kanilang upuan sa tribuna. 9:10 n. u.—Ang Kanyang Kama- j halan, ang Sugong Mayganap na Kapangyarihan ng Hapon, ang! Kanyang Kamahalan, ang Kataas- | taasang Pund ng Hukbong Imper- : yal ng Hapon sa Pilipinas, ang Kanyang Kamahalan, ang Kataasyc taasang Pund ng Hukbongdagat ng Hapon sa Pilipinas, at ang kanikanilang mga kagawad, ay magsisirating at magsisituldy sa tanggapan ng Patnubay sa pamamagitan ng pasukan sa dakong harap. 9:20 n. u.—Ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, kasama ng Pangulo ng Lupon sa Kaarawan, ay aalis sa Malakanyang sa ganap na ika-9:15 n. u. upang dumald sa mga parangal na pangungunahan ng mga taliba at darating sa tanggapan ng Patnubay ng ika-9.20 n. u. na magdaraan sa pasukan sa dakripg harap. P£_’5 ». u.—Ang Kanyang Kama- I ,Kanydng Kamahalan ,ang Kataas- ’----„ . taasang Pund ng Hukbong Imper-j Pangulo ng K val ng Hapon sa Pilipinas, ang | Kanyang Kamahalan, ang Kataastaasang Pund ng Hukbongdagat ng Hapon sa Pilipinas, at ang kanikanilang mga kagawad, ay njagsisilukldk sa kanilang mga upuan sa tribuna. (Kapagkarakang maihudyat ang kanilang pagdating ay dapat tumayo ang lahat.) 9:30 n. u.—Martsa Laurel—Ng Banda ng Kostabularya. Pagpasok ng Kanyang Kadakilaan, ang Pang-ulo ng Republika ng Pilipinas, ng Patnubay ng Kapulungang Pambansa, ng Punong Hukrim ng Mataas na Hukuman, ng Pangulo ng Lupon sa Kaarawan, ng mga Kagawad ng Gabinete, ng Pangulo ng Sangguniang Bansa, at ng Gobernador Militar ng Maynila. 9:55 n. u.—Panalangin ng Kapitapitagang Cesar Ma. Guerrero, Katulong na Obispo sa Maynila. -9:40 n. u.—Pagpupugay sa Watawat. 9:41 n. u.—Isang saglit na pagmumuni’t tahimik na pananalanging alapg-alang sa mga bayani’t mga pinagpala sa kalayaan ng Pilipinas at sa ikapagtatagumpay ng Republika ng Pilipinas. 9:42 n. u.—Pagpapakilala sa Kanyang Kadakilaan, ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ng Pangulo ng r ' - . ! Kaarawan, ............o ______ _______ k-L’ 1( --' ' •- •> ' Ban ™aWP=^ T h- ..p^.'-ngnkan: " ‘ J^se P. Laurel, | Pangulo ng Ki . k’ng Pilipinas. 10:43 n. u.—Pag-alis sa tribuna ng Kanyang Kadakilaan, ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, at ng iba pang mga Pinuno at Panauhin. Ang mga panauhing nasa tribuna ay magsisitindig at ang lahat ay mananatili sa pagkakatayo hanggang sa ang Kanyang Kadakilaan, ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, at ang ibi pang mga Pinuno at Panauhin ay mangakaalis. 630 n. g.—Palatuntunan sa Radyo sa pamamagitan ng himpilang PIAM. Ang Kgg. Claro M. Recto, Panlabas ay siyang bibigkas ng Kagawad Bansa sa mga Suliraning ng pangunahing talumpati. Oo’t tunay na ang panahon ay napakabigat para sa buhay ng lahat at bawa’t isa sa atin. Nguni’t ang Diyos ay di natutulog. Kung tayo’y matututong mag-ingat, tayo’y Kanyang pag-iingatan. Ang liwanag ng pag-iisip at hinahon ng kalooban ay siya nating paghariin sa bawa’t sandali. Mamayapa tayo at sikaping matawid na maluwalhati ang malawak na dagat ng patung-pating 'na mga suliranin. Ngayong matagumpay na naitaguyod ang unang taon ng aiting nakatatag na Republika, manalig tayo at maghintay. At kami’y umaasa na kung tayoy magpapakatalino, ang ikalawang taring ngayri’y pumapasok sa buhay ng ating pagsasarili ay sasapitin ng laid pang maluwalhati at laid pang mabulaklak para sa kasarinlan ng ating bansa. Kahimanawari, ang unang taong natawid ng ating nakatatag na Republika, ay maging hudyat ng isang kaligayahang hindi matatapos sa hinaharap ng panahon. SA BAYANG PILIPINO Kalatas ng Kanyang Kadakilaang Jose P. Laurel, Pangulo ng • Republika ng Pilipinas BAGONG KONSUL SA MAYNILA Bilang kahilili ni Suekiti Sionoya ay hinirang na maging konsul heneral ng Hapon sa Maynila si Masaki Yodokawa. Ang bagong konsul Yodokawa ay naglingkod sa Brasil, Peru, Tsile at Espanya at hanggang noong bago sumiklab ang digmaan ay siyang konsul heneral ng Hapon sa Timor. Ang maluwalhating pagsapit ng unang kaarawan ng Republika ng Pilipinas ay dapat ikagalak ng lahat ng pilipinong lubos na nagmamahal sa kanilang tinubuang lupa. Walang dahilan ang kahit na sino upang waling bahala ang ganitong pangyayari. Dapat alagatain na ang ating mga ninuno’y nagtiis ng di-maulatang hirap alang-alang sa katubusan ng bayan at ang pangyayaring ang pamahalaang nakatatag ngayo’y sa isang Republikang malaya at nagsasarili ay ganap na nagpapakilala na ang mga hirap na tiniis, sa paanu’t paano man, ay nagkaroon ng katumbas na bunga. Sa ilang pagkakataon ay akin nang naipahiwatig na ang katunayan at kawagasan ng kasarinlang tinamo natin ay pinag-aalinlanganan hangga ngayon ng ilang mga kababayan. Ibig kong ulitin sa pagkakataong ito ang aking payo, na, kung sakali mang may dahilang pinagbabatayan ang mga pag-aalinlangang yaon, ang tung-kulin ng lahat at bawa’t isang may dalisay na pag-ibig sa tinubuan, ay tumulong at magsUmikap upang ang pinag-aalinlanganang kasarinlan ay maging tunay at wagas. Tayo’y nasa isang panahon ng tahasang pagpapasiya. Ito’y hindi mga araw ng pag-uunuran. Ang kailangan nga ay magkaisa tayo at magtulung-tulong. Bilang paggunita sa unang kaarawan ng Republika ay nais kong paratingin sa aking mga kababayan ang ganitong tagubilin: Magkaisa-isa tayo sa pagbalikat ng mga gawaihg tungo sa ikaliligtas ng ating Bayan at ng ating Lahi. Sa alin mang kilos at gawa ay wala tayong dapat sagisagin kundi ang ating pagka-pilipino. Iwaksi ang simbuyo ng mga kalooban at sa bawa’t sandali’y walang dapat pairalin kundi ang marubdob na pag-ibig sa Tinubuang-lupa. Manatili nawang nakawagayway sa habang panahdn ang maluwalhating watawat ng ating minumutyang Repdblika! PANANALIG AT PANINIWALA Kami’y nananalig sa kapangyarihang hawak ng Pangulong Laurel na nagtataguyod sa nakatatag na Republika pagka’t kami’y naniniwala na siya’y walang pinagsusumakitan kundi ang katubusan at kaligayahan ng kanilang Bayan at ng kanilang Lahi. Kami’y nananalig sa kawagasan ng Republika pagka’t kami’y naniniwala na ito’y nakasalalay sa isang Saligang-Batas na yarl at piga sa mga pangarap at mithiin ng mga bayaning nangabulid sa kadiliman ng gabi. Kami’y nananalig sa tagumpay ng Pamahalaan pagka’t kami’y naniniwala na ang kanyang mga tao’y walang sinisikap kundi ang kaligtasan at katiwasayan ng mga mamamayan. Kami’y nananalig sa katiningang-loob ng mga mamamaydr pagka’t kami’y naniniwala na ang katutubong-bait ay siya nilang pinaiiral sa ibabaw ng mga paghihirap na tinatawid. Kami’y nananalig sa kaligtasar ng taumbayan pagka’t kami’y naniniwala na ang hinahon ay siyang pinapananaig kay sa simbuyo ng mga kalooban sa harap ng kasalukuyang mga pangyayari. Kami’y nananalig sa katapatar ng bawa’t isa pagka’t kami’y na niniwala na lahat ng nakababatic na sa kasalukuyang bigat ng panaHindi iilan ang namanhik sa SH-Pag abds ng unan& bi? 4 ay mangyaring ipa. alaala lamang, na, marahil anila ay magugumta pa ng lahat na sa KlTi??tlng bini^kas Kanyang Kadakilaang Jose P. Laurel Pa ngulo ng Republika ng Pilipinas, nt ^™P<jng lider at Pangulo hfb!T,ga Sam,aban ng Magkakapitnln P^Pong ginanap sa Sitihol ay tahasang ipinahayag ng nasabing Pangulo na di nakakaila sa kanya na ang Pamahalaan ay pund ng mga alagad ng batas na gumagawa ng mga kasagwaan at kabulastugang nagiging dahil ng kabigatan ng kabuhayan ngayon. Tahasan din namang sinabi ng Pangulo na siya’y nahahandang gumawa ng lubusang pagsa gaydng uri ng mga alagud ng batas, humingl lamang siya ng panahon upang ang kanyang bmabalak ukol dito ay maisagawa. Ayon sa mga nagpaalaala sa amm, magbuhat nang magtalumpati ang Pangulo hanggl ngayon, ang lakad ng mga bagavbagay ay hindi nagbabago. Namamayani pa rin ang gayong masasamang kagagawan. Inaakala ng nabanggit na mga nagpapaalala na alinsunod sa kamlan^ palagay ay dumating na ang P±rl:J,'Pn upang ang Pamab-waan laban .W^iydffg ’'fiig^'alagad'- n^ batas; Ito, sa pamamagitan namin, ang magalang na hinihingi nila sa marilag na Pangulo kung ibig din lamang nitong mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan. Para sa kanila, ang marami sa mga alagad ng batas ngayon, sa halip na maging mga tagapagbantay upang maipatalima ang mga ipinag-uutos ay siya pa ngang nagiging mga “bantay-salakay.” Tila ang kanilang sinasagisag sa pagtupad ng tungkulin ay “mabuhay lamang sila, mamatay na’t mahirapan ang iba”. Di man lamang nagugunita ang tagubilin ng Pangulo Laurel sa isa niyang talumpati . . . “mabuhay upang magbigay-buhay.” Gaya ng aming sabi sa ibang panig ng bilang na ito ay maglilingkod kami bilang tagapamagitan ng Pamahalaan at ng mga mamamayan. Ang daing na ito ng mga mamamayan ay ipinaabot namin ng buong galang sa Kanyang Kadakilaan. At aming inuulit na ang hingi nila ay gamitin na ng Pamahalaaan ang kanyang kamay na bakal laban sa mga alagad ng batas na nagiging mga “bantay. salakay”. Ang kalagayan ngayon . ay nasa sukdulan na. Anumang bisa ng lunas na ilalapat kung da( rating ng hull sa panahon ay wala nang kabuluhan. Manapa ay lunas ( na maaari pang makamatay. hon ay walang dapat gawin kundi ang isang matalinong pakikibagay. Kami’y nananalig at naniniwala na ang mga layunin ng Republika ay ipagwawagi sa hinaharap na panahon pagka’t ang mga layuning ito’y hubog sa malinis at dalisay na pangarap ng mga bayaning dinanghinayang sa buhay alangalang sa tinubuan. Kami’ nananalig at naniniwala na ang Bayan at ang Lahi ay makaliligtas pagka’t ang taong bumabalikat ngayon ng mga gawain sa Pamahalaan ay nakapako ang pananaw sa isang maligayang hinaharap. Kami’y nananalig at naniniwala, na pagkatapos ng mga hirap na tinitiis, ay sasapit din ang madia sa pinapangarap na lupang-pangako palibhasa’y walang di namumuhunan ngayon ng lahat ng uri ng pagpapakasakit. (Na sa pagina 4 ang karugtong)