Ang aming layon at tungkulin

Media

Part of The Republic

Title
Ang aming layon at tungkulin
Language
Filipino
Year
1944
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
ANG AMING LAYON AT TUNGKULIN Sa tanging pagnanais na ang ating baya’y magkaroon ng ganap na kaalaman sa mga pangyayari ay ipinasiya ng isang pulutong na mga mamamayan na ilathala ang abang lingguhang ito, Ang Republika, upang mabatid nating mga pilipino ang tunay na mga nangyayari sa kasalukuyan at nang sa paraang iyan ay may mapagbatayan tayo sa ating mga gagawiin bilang mga mamamayan ng Republika ng Pilipinas at bilang mga tapat na anak ng ating tanging Inangbayan—ang Pilipinas. Naniniwala kami na katutubong tungkulin ng bawa’t isang mabuting mamamayan ang ipagtanggol at pangalagaan ang karangala’t kapangyarihan ng ating sariling Pamahalaan. Ang alin mang gawi, kilos at isiping salat sa ganyang makabayang tungkulin ay maliwanag na kawalan ng pagtatapat at isang tunay na pagtataksil sa bayan at sa mga kababayan. Pinaninindigan namin na ang pag-ibig natin sa ating bayan, bilang mamamayan ng Republikang ito, ay di dapat pagkaitan ng ating katutubong karapatan na makatuligsa sa alin mang balak at batas ng Pamahalaan, na, sa aming malinis na paniniwala, ay makasasama sa lalong mabuting kapakanan ng ating bayan. Dahil na dahil nga sa iniibig namin ang ating bayan, sa ibabaw ng lahat, ay di namin nararapat paraanin ang alin mang bagay na sa anumang paraan ay makapipinsala sa ating mga kapakanan at hangaring mapanatili ang isang Pamahalaan “ng mga pilipino, sa mga pilipino at ukol sa mga pilipino lamang.” Tinitiyak namin na ang Pangulong Laurel ay siyang, sa pamamagitan ng batas, ay pinakamataas' na patnugot ng bansang pilipino. Sa gayong pagka-patnugot ay nararapat na lubos na igalang, sundin at ibigin. Siya ang sagisag na kumakatawan sa ating kapangyarihan at karangalang pambansa, at katungkulan nating tulungan at katigan sa lahat ng abot ng ating kaya at nang sa ganya’y maisakatuparan niyang maluwalhati ang kanyang malinis at makabayang adhikain na napamuhunanan na niya ng di maulatang pagpapakasakit. Sa kabutihang palad natin, ang ating bayan ay di hiniwalayan kailan man ng Maykapal sa lalong mapanganib at mahihigpit na sandali ng ating kasaysayan: si Rizal at Del Pilar, sa p.amamagitan ng kanilang katiningang-loob, malawak na paningin at malalim na panarok ay siyang nangamatnubay sa atin sa mga araw ng kadiliman ng unang kilusang tungo sa pagtatayd ng mga unang haligi ng ating pagka-bansa. Sina Bonifacio, Mabini at Aguinaldo, noong di na maiiwasan ang pangatawanang pagkilos, ay siya naming naging mga tao ng ating kapalaran at siyang nangamanihala sa bayan sa pagtatatag ng ating Unang Republika. At ngayon, sa mga araw na ito ng kakilakilabot na pagsubok sa ating pagka-lalaki at sa ating pagka-bansa, ay ibinigay naman sa atin ni Bathala ang isang dakilang lalaki—si Jose P. Laurel. Siya ang kumakatawan sa lalong pinaka-magiting sa atin. Lubos na marangal, matapang, makabayan, walang pag-iimbot—malinis na salamin ng mga kabaitang pilipino, patnugot na tatalimahin, huwarang hahalintularin sa mga araw na ito ng lalong masagwil at masuliraning katayuan ng ating kalagayan sa pamamayan, sa pamumuhay at sa pananalapi. , Nananalig kami, sa wakas, na sa mga dahon ng ating kasaysayan ay nakatakda ang tatlong sumusunod na panahon: una, ang sa pagliliwanag at pagtatalatag ng ating kabansahan. na lumikha ng isang Rizal, paham at palaisip, mangangatha at makata, na siyang umawit ng mga kabaitan ng ating tinubuan; ikalawa, ang sa pagtatatag ng lakas ng ating mga tauhan, na lumikha ng isang Bonifacio, ang mapaghimagsik na patnugot at bayani ng taumbayan; at ikatl .^nou " pagpapatibay ng ating pagka-Bansa at sa pagtataguyod sa k; < . - ' vin ang WftgSy ahn'Vg'iS^ na sagisag ng malinis na pagka-Pilipino sa kasaluk ■. Ang Republika, sa pagpapasimulang ito ng k nabuhayan, ay nag-uukol ng kanyang pamimitagan sa bayatig natatalaga niyang ipagtanggol, at sa patnugot na pambansa, ang Pangulong Laurel, bilang tanlaw na nagniningning na nagbibigay sa atin ng liwanag upang makita ang landas na patungo sa hantungan sa mga araw na ito ng mapanganib na pagsubok—ang pagkaligtas ng ating bayan at ang ikapagiging matibay ng ating Pangalawang Republika Pilipina, na napatatag sa lalong madaluyong na panahon ng ating kasaysayan. Pananalig... (Karugtong ng nasa pagina 3) At ganyan ang aming pananalig at paniniwala . . . Sapagka’t: Ang patnugot ngayon ng bansa at ang mga mamamayan ay tinitibukan sa pusd ng malinis na. pagibig sa kanilang tinubuan. Walang di nakalaan sa mga dusa at pagtitiis. Bawa’t isa’y gumagamit ng kahinahunan at iniwawaksi ang maalab na simbuyo ng loob. Namumuhunan ng liwanag ng pag-iisip at bawa’t gawi’y tinitimbang na mabuti sa katarungang dapat talimahin. Kaya, sa ibabaw ng lahat, ay buo ang aming pag-asa, na, pagkapaWl ng dilim ay lalaganap ang liwanag ng isang bagong araw na magsasabog sa madia ng biyaya ng kabuhayang mapalad, pasasa at maluwalhati. Ministry of Agriculture and Natural Resources have been assigned as executive officers to help the governors organize and carry out the food production program. Many other men in the government have been drafted for provincial service to help in the food production campaign. A total number of 830 employees from the Ministry of Agriculture and Natural Resources and 236 from other ministries have been given provincial assignments on food production. “A special service has been organized for the procurement and distribution of seeds and plantingmaterials, utilizing the Seed Farm Division of the Bureau of Plant Industry as the nucleus. “In spite of the difficulties of transportation and communication, all provinces of Luzon have reported that the campaign has been in operation since April. These provinces have been rendering regular fortnightly and monthly reports of accomplishments. Of the Visayan and Mindanao provinces—Antique, Capiz, Iloilo, Occidental Negros, Bohol, Masbate, Bukidnon, Surigao, and Zamboanga—have also reported on the progress of the food production campaign. “In the Central, Southern, and Southwestern provinces of Luzon, the progress in the planting of substitute crops—namely, corn, camote, and cassava—so far has exceeded all sanguine expectations. In corn, the provinces that have exceeded their quota up to the fortnight ending July 31, are: Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Laguna, Rizal, and Albay. The others will surely cover their quota by the end of August. “In camote, the provinces that have exceeded their quotas are: Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Tayabas, Laguna, Rizal, Sorsogon, and Albay. Food Drive ... (Continued, from page 1) only in self-sufficing agriculture. They will plant food crops whether they are told or not, without need of compulsion, if conditions permit farm operations. That is the reason that, in adopting a plan for the food production campaign, we laid special emphasis on creating favorable conditions in order that the farmer may be able to plant, harvest, and market his crops. Security of life and property, unhampered pursuit of livelihood, in the rural districts, easy and cheap facilities of transportation, availability of planting materials and adequate prime commodities at reasonable prices and fair prices for his crops—these are the conditions needed by the farmers. “Ranking officials of the different bureaus and offices under the Ika-14 ng Oktubre, 1943.—Pagpapahayag sa Kasarinlan ng Pilipinas at pa pagpapasinaya sa Republika ng Pilipinas. Ika-14 ng Oktubre, 1943.—Paglagda sa Kasunduan sa pakikipagtulungan ng Pilipinas at ng Hapon. Ika-14 ng Oktubre, 1943.—Pag. kakalodb ng pangkalahatang pawalang-sala at patawad sa lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na may pinananagutang krimen o pagkakasalang may-uring pangkapamayanan. Ika-14 ng Oktubre, 1943.—Paglikha sa sangguniang-Bansa, na ang pinaka-Pangulo ay ang Kgg. Ramon Avanceiia. Ika-20 ng Oktubre, 1943.—paghirang sa mga Kagawad-Bansa ng Republika ng Pilipinas at paglikha sa Kagawarang-Bansa sa mga Suliraning Panlabas na ang pinakaKagawad-Bansa ay ang Kgg. Claro M. Recto. Ika-21 ng Oktubre, 1943__ Paglalaan ng guguling F2,000,000 ukol sa pagsaklolo at pagpapanibagong buhay. Ika-23 ng Oktubre, 1943.—Paghirang sa Kgg. Jorge B. Vargas bilang Tanging-Sugo na Maylubosna-Kapangyarihan ng Republika ng -Pilipinas sa Imperyo ng Hapon. Ika-23 ng Oktubre, 1943.—Paglikha sa Pambansang Lupon sa Pagtuturd na gagawa ng pagaaral, at magtatagubilin ng mga kinakailangang pagbabago, sa kasalukuyang pamamaraan ng pagtuturd. Ika-20 ng Nobyembre, 1943.— Naglagda ang Pangulo ng Republika ng isang kautusang ukol sa pangangasiwa sa pamamahagi ng bigas at mais. Ika-25 ng Nobyembre, 1943.— Pagbubukas ng unang pangkaraniwang pulong ng KapulungangPambansa. Ika-3 ng Disyembre, 1943.— Paglikha sa Tanggapan ng Pangasiwaan ng Pagkain at paghirang | sa Kgg. Jose Sapvfctores bilang | Tagapangasiwa ng Pagkain. Ika-13 ng Disyembre, 1943.— Naglagda ang Pangulo ng Republika ng mga Kautusang Tagapagpaganap na siyang maglalahad ng kaayusan at kayarian ng -wa| tawat ng- Republika ng Pilipinas I at Xagtatadhana mg ^mga ^untu] Ika-20 ng Disyimbre, ins\— . Pagbubukas ng Unang Pulong sa ! Panggagamot sa Halim ng • Republika ng Pilipinas. , Ika-24 ng Disyembre, 1943.— Pagpapanibagong-tatag sa mga Kagawaran, Kawanihan, Tanggapan, sangay at iba’t ibang bahagi ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Ika-31 ng Disyembre, 1943.— Pagpapatibay sa Batas Big. 18 na nagtatadhana ng pagbibilf ng mga bono ng Republika ng Pilipinas ukol sa pagpapanumbalik at pangangalaga sa katahimikan at kaayuIka-4 ng Enero^ 1944-—Pagtatatag sa Bigasang-Bayan upang siyang mangasiwa sa pag-aani, pagtitipon at pamamahagi ng bigas at ng iba pang kakanin. Ika-7 ng Enero, 1944.—Pagtatatag ng mga Pampurok na Hukuman sa Paghahabol at Hukumang Unang Dulugan. Ika-8 ng Enero, 1944-—Pagtatatag sa Pasanayan sa Pagtuturd ng Wikang Pambansa. Ika-11 ng Enero, 1944-—Paglikha sa Lupong sa Pagbabalita, na ang pinaka-Pangulo ay ang Kgg. Arsenio N. Luz. Ika-2 ng Pebrero, 1944-—Ang unang pangkaraniwang animn’apung-araw na pulong ng Kapulungang-Pambansa ay nagwakas. Ika-9 ng Pebrero, 1944.—Paglikha sa Palingkurang-Tagapangalaga sa Mamamayan, na ang pinaka-Pangulo ay ang Kgg. Jose Paez. Ika-22 ng Pebrero, 1944.—Pagpapatibay sa Batas Big. 39 na nagpapahayag ng pagkakaroon ng kagipitan at nagpapahintulot sa Pangulo ng Republika na makapagtadhana ng mga tuntunin upang mapangalagaan ang kaligtasan, kalusugan at kapanatagan n«r mga mamamayan sa Pilipinas. Ika-29 ng Pebrero, 1944.—Ang Kgg. Jorge B. Vargas, Sugo ng Pilipinas sa Hapon, ay nagharap ng kanyang mga katibayan sa Kanyang Kadakilaan, ang Emperador ng Hapon. Ika-3 ng Marso, 1944.—Pagpapatibay sa Batas Big. 65 na nagpapataw ng lalong mabigat na parusa sa mga pagkakasalang tumutukoy sa pagnanakaw, pagpapasuhol, panghuhuwad, panlilinlang, mga pamalakad na labag sa batas, paglustay sa salapi ng Pamahalaan, pagtataksil at paglabag sa mga batas ukol sa pangangasiwa sa pagkain, atb. Ika-8 ng Marso, 1944.—Paglikha sa mga Tanging Hukuman ng mga Usaping Kriminal. Ika-8 ng Abril, 1944-—Paglikha sa Karangalang-Panghukbo Kabuhayan, na ang pinaka-Pangulo ay ang Kgg. Manuel A. Roxas. Ika-27 ng Abril, 1944.-—Paglikha sa Karangalang-Panghukbo ng Bagnos-Tirad. Ika-4 ng Mayo, 1944.—Ang Karangalan ng Bagnos-Tirad ay ipi-nae-kaloob sa na.siran^ U^neral Gregorio H. del Pilar aVStTiabmlimang tauhan ng Kostabularya ng Pilininas. Ika-15 ng Mayo, 1944.—Inatasan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas ang Tagapangasiwa ng Pagkain na manamsan kaagad ng lahat ng inimbak na palay at bigas, matangi na lamang ang bahaging sapat sa kagamitan ng mga mag-aanak at ng kanilang mga kinukupkop. Ika-7 ng Hunyo, 1944.—Pagkakaroon ng nagkakaisang pamamanihala sa Kostabularya ng 'Pilipinas^ ukol sa mabisang pangangalaga sa katahimikan at kaayusan. Ika-8 ng Hunyo, 1944.—Paglikha sa Kawanihan ng Pagsisiyasat ukol sa paglilinis sa Pamaha“In cassava, the provinces that have so far exceeded their quotas are: Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bulacan, Bataan, Tayabas, Batangas, Laguna, Rizal, Camarines Norte, Albay and Sorsogon. “The planting of palagad rice has been successful in Tayabas, Bataan, Laguna, Rizal, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, and Nueva Vizcaya. According to the latest reports of planting of regular lowland rice crop, there are indications pointing to the possibility of covering the quota in all provinces before the end of the present planting season. “Many provinces have taken advantage of using the compulsory labor service provisions of Executive Order No. 37 in the building and repair of irrigation systems and in the planting of idle lands. Notable results have been attained in the use of compulsory labor service in irrigated, areas in the provinces of Laguna, Pangasinan, Zambales, and Camarines Norte. The results of compulsory labor service in the cultivation of idle lands and in the care of standing crops have been outstanding. Special mention should be made of the municipalities of Angat and Norzagaray, province of Bulacan, where over 2,000 hectares of hitherto idle hillsides have been planted to cassava, camote, and corn by organized labor service. “These have been the accomplishments of the food production campaign gauged from items that can be measured; and, barring unforelaan ng mga di-kanais-nais na tauhan at upang ang paniniktik at pagsisiyasat sa mga paglabag sa. batas ay tuparin ng isang tanggapang lamang. Ika-8 ng Hunyo^ 1944-—Paglikha sa “Philippine Sugar Association” ukol sa pagpapanibagoh-buhay ng industriya ng asukal. Ika-2i ng Hunyo, 1944-—Pagtatatag sa “National Commodities Procurement and Distribution Corporation” (NADISCO) upang siyang magpatuloy sa gawain ng “Philippine Prime Commodities Distribution Control Association” (PRIMCO). Ika-8 ng Hulyo, 1944.—Pagtatatag sa Kagawarang-Bansa sa mga Suliraning-Pangkabuhayan. Ika-11 ng Hulyo, 1944.—Paglilipat ng Hukbong Imperyal ng Hapon ’sa Republika ng Pilipinas ng mga samahang ari o pinangangasiwaan ng Pamahalaan na dating hinahawakan ng Hukbd. Ika-20 ng Hulyo, 1944.—Ipinahayag ng Pangulong Jose P. Laurel sa mga tmagpapalay sa unang araw ng kanilang kapulungan na ang bawa’t pilipino’y hindi nararapat mabuhay nang alang-alang sa kanyang sarili lamang kundi alangalang din sa kanyang lupang-tinubuan. Ika-21 ng Hulyo, 1944.—Nana•wagan sa mga magpapalay ang Pangulong Manuel A. Roxas ng Lupong sa Pagbabalak ng Kabuhayan na ihandog ang nalalabi nilang palay sa Pamahalaan upang sa gaydn ay matulungan ang maraming nagtitiis na mamamayan. Ika-3 ng Agosto, 1944.—Itinakda ng Pamahalaan na ang pinakainababang sahod na tatanggapfn ng mga naglilingkod sa Pamahalaan sa buong Pilipinas ay MOO isang buwan. Ika-9 ng Agosto, 1944.—Pinahintulutan ng Pangulo ang pagbibilf ng mga lupa sa “Buenavista Estate” sa Bulakan sa mga tunay na kasama at naninirahan doon. Ika-14 ng Agosto, 1944.—Paglikha sa Kaawanihan ng mga Beterano, na ang pinaka-Patnugot ay si Heneral Simeon de Jesus. Ika-24 ng Agosto, 1944.—Paghirang sa Kgg. Pedro Sabido bilang Kagawad-Bansa . sa mga Suliraning-Panckabuhavan_______ _ Ika-26 ng Agosto, 1944.—Hiiiaci" ng Pangulo ang Pilipinas sa pitong purok-pampangasiwaan at lumikha ng mga tungkulin ng Komisyonado sa bawa’t purok-pampangasiwaan. Ika-21 ng Setyembre, 1944.—Sinalakay ng mga aeroplanong Americakano ang Maynila at ang kalapit na pook: pagpapahayag ng Batas Panghukbo o Ley Marcial ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ika-22 ng Setyembre, 1944-—Sinalakay ng mga aeroplanong Amerikano ang Maynila at ang k.alapft na pook; pagpapahayag ng kalagayan ng digma sa Pilipinas ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas na magkakabisa kinabukasan, sa ganap na ika-10 n. u. seen circumstances, we can expect a bountiful crop to tide us over the present crisis. But a far greater accomplishment which can not easily be measured in term of common units comes in intangible forms, namely: “1. The realization of the people almost everywhere that'only thru the planting of food crop;; locally can the danger of famine be: averted. The people in all the municipalities are getting foodproduction-minded. “2. Infusion of a feeling of confidence in many rice-deficient provinces that through intensive efforts they can produce substitute foodstuffs to make up for rice that can not be imported from other prov“3. The increased consumption in Central and Southern Luzon provinces of substitutes for rice. “4. The resulting widespread practice of second-cropping, particularly in the planting of corn, camote, mon'go, and palagad rice after the regular rice crop. “5. The realization that Governors and Mayors, given the responsibility and commensurate authority, can be depended upon to undertake in their respective territories the execution of a government economic program vitally affecting the welfare of the people, if that program is well planned and systematically executed. “6. Realization on the part of government of the importance of extending liberal support to agricultural policies, particularly food production and farm stabilization, which are essential to national security.” GUMAWA NA BA KAY6 NG SARILING BAL6N? Noong ibalita na ang tubig sa ating mga gripo ay marumi at lubhang mapanganib sa buhay kung siyang linumin, ang mga kinauukulan ay gumawa ng tagubilin sa mga mamamayan na dapat magingat sa kanilang iniinom na tubig, kasabay ng payong habang maaari ay gumawa ang bawa’t isa ng sarfsariling balon na kanawa-nawang magagamit. Ngayon, ang tanong ay ito: gumawa na ba kayo ng inyong sariling balon? Kung hindi pa ay gumawa na kayo ngayon din. Ang kapabayaan ay nagbubunga ng mga kapinsalaan sa buhay. MAGTIPID . . . MAGTIPID . . . AT MAGTIPID . . . Sa harap ng kasalukuyang bigat ng panahon, na ang lahat ng bilihin ay totoong napakamahal, ay ipinapayo ng sariling katutubong bait na ang lahat ay dapat na magtipid, di lamang sa salapi kundi lalo’t higit sa mga pagkain. Maaaring ang bigat na ito ng panahon ay lalong lumubha sa mga araw pang darating, palibhasa, kapag ang isang bayan ay kasangkot sa digmaan ay walang makatuturol sa mangyayari sa araw ng b u k a s. Magtipid tayo, alangalang sa kapakanan ng sarili.