Ang mga punong-bayan natin

Media

Part of Bangon

Title
Ang mga punong-bayan natin
Language
English
Year
1909
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
BANGON • • • PAHATAGANG TAGAPAMATNUGOT ÑG “KALIPUNAN ÑG MGA KAPISANAN SA RIZAL ILINALATHALA TUWING KALAHATIA'T KATAPUSÁN NG BUWAN. Tagapamahala, G. Celestino Chaves. Punong-manunulat, G. Ismael A. Amado. Tagapangasiwa, G. Jerónimo de los Angei.es. I TAON- Pasig, Rizal, ika 15 ng Abril ng 1909. BILANG 5A ng inga punongbayan natin ----- ---Nálalapit na naman ang hálalan, at sa bayan-baya'y nagkislot-kislót na ang mga ginoong nagnanasang mangapahalal sa ganito ó sa ganoong tungkulin. Diyan makikitang halos páti niyóng walang kamalakmalák sa palakad ng pamahalaang ito, na di man lamang nakatatantokung ilan ang kagawad ng pámunuang lalawigan at kung anoano ang tungkulin ng Consejo Mu­ nicipal sa isang bayan, ay nagsusumakit sa pakikiusap sa mga elector upang tapunan siya ng boto sa dárating na Nobyembre. Dapat kalugdán sa mga táong ito ang magandang hangad nilang makapaglingkod sa bayan, na ang munti nilang kaya'y pakinabangan ng mga kapwa; nguni't ang lalong nagpapapanibulos sa kanilang pita’y ang paniniwalang wala namang gaano (¿!)ang gawáing tinutupad ng isang puno, na pawang natutunghán sa Código Muni­ cipal, at ang pagkakáwikaang kung naroroon na‘y bahala ng sumunod sa mga turo’t pahiwatig ng mga nakakaunawa, bahala nang sumang-ayon sa mamagalingin ng karamihang kasama, at di man lamang iniisip kung ang kalagayan nila'y makapupuspós ng kapurihan ó hindi sa pámunuang bayang ninanasang káluklukan. Salamat na lamang at ang mga ganito‘y di siyang laging nagwawagi sa hálalan, palibhasa ang baya'y nakatatalós ng kanyang kinakailangan at ng hindi kinakailangan, at sa mga ganoong tao‘y walang iniuukol kundi ang banayad na ngiti ng pagwawalang bahala. * Kaugalian na sa ating mga puno ang magpasunod at gumawa ng kung anó na lamang ang nababasa sa Código Mu­ nicipal at sa iba pang mga utos na nahihingil sa pangangasiwa ng munisipyo; sa ganang kanila'y sukat na ito upang máturang nakatupad sa tungkol na pagkapuno, at di sila nararapat na gumawa ó hingang gumawa pa ng higit sa roon. Nguni’t sa ganang amin, ang tagubilin ng mga naturang batás ay siyang pinakamunti ng sa kanila'y hinihiling ng Utos na ganapin sa nasasakop, kaya‘tmay paniwala kaming hindi lamang iyon ang nauukol na pagsikapan nilang isagawa sa mabigat na pasaning sa kanila'y naaatang. Hindi sukat, sa mabuti at tunay na puno, ang makapagpairal ng mga buwis, ang makapagpanatili ng kapayapaan sa boong nasasakop, ang makapag-atang ng mga multa dahil sa pagkukulang sa mga ordenanza, at iba pang ganganitong mga tagubilin ng kautusan; kinakailangan din namang mangagsumakit sa ikalalago ng mga pagkabuhay sa loob ng munisipyo, sa ikababalong ng iba't ibang mga kayamanang angkin ng kanikanilang pook, sa ikabubuhay ng pagsasaka, ikálulusog ng mga industrial ikasusulong ng pangangalakal, at sa madaling sabi, sa ikagiginhawa ng mga mamamayang pina4 BANOON.. maniahalaan nila. A ng puno‘y di isang hamak na upahan lamang, di isang abáng kawaning papasok at lalabás sa kagawaran sa mga oras na takdá, at gagawa ng kung anó na lamang ang sa kanya'y iniuutos; kinakailangan sa puno ang matutong magbalak ng mga bagay na ikagagaling ng pamumuhay sa bayan, na siyang batis ng kayamanan ng tesoro municipal. Sa maraming Bayan dito‘y nananatiling di napapakinabangan ang madláng kavamanang hanga ngayo'y nangakukubli pa. Bawa‘t munisipyo nati‘y may kanikanyang pagkabuhay na sapát na makapagpaginliawa sa bayan kung paguukulan ng karapatdapat na pagsusumakit, at labis na makalunas sa karalitaang idinaraing ngayon ng lahat. Nais naming ang mga magpipitang lumabas na puno sa hinaharap na halalan ay magtaglay ng maalab na adhikang mapabalong ang mga kavamanang iyan, adhikang ipanunumpa nila sa sariling budhi at di wiwikain ng bibig sa harap ng karamihang táong makikinig sa kanilang panamdumpati, pagka't ang mga mamamaya'y dagi nasaganyang mga pangangalandakan at pangangakong Hindi natutupad. Ang lahat ng ami ng naisaysav sa itaas ay iniuukol din naman sa mga punong lalawigan, na ano pa‘t huag silang mangagkasiya sa pag-uusig la­ mang sa mga kalikuang nagagawa ng mga punong-bayan, sa pagpapairal nang mga buwis na idinaraing ng mga tao at pagdakip ngmga magnanakaw, kundi pautangan din naman nila ng karapat­ dapat na pagsusumakit ang mga bagay na igiginhawa ng mga nasasakop. Karaniwang mápuna na ang mga pamunuang baya'y sumusunod sa halimbabawang ipinamamalas ng pamunuang lalawigan, kava't kung itoy natutulog, sila nama'y naghihilik. Magpauna sa paggawa ng maiinam na bagay, at ang mga munisipyo'y mangag-uunahan naman sa pagkuhang uliran, sa pakikibagay sa lakad ng mga sumasaitaas. Kung saan ang tumpá ng ulo‘y doon din ang tungo ng buntot. At sa mga mangliligaw sa mataas na kapangyarihan sa lalawigang ito‘y ninanais din naming magi ng tika ng kanilang loob ang pagpapakasikap sa * ikalulusog ng mga pagkabuhay dito na hanga ngayo‘v nakukubli't di napapakinabangang lubos. La marcha de Mr. Kaminer. El actual tesorero provincial de Rizal, Mr. W. O. Kaminer, es uno de los pocos america­ nos que ha merecido simpatías en esta provincia, no porque se haya esforzado en conquistarlas ó que haya demostrado extraordinario don de gentes, puesto que es una persona de poco hablar y que parece huir del trato de sus se­ mejantes. Su popularidad débese más bien á que no es de los petulantes, con tonos de su­ perioridad de raza como suelen ser muchos de sus paisanos. Se han circunscrito sus actos á cumplir estrictamente sus deberes como tesorero provincial, sin apasionamientos, y con impar­ cialidad, obrando siempre de buena fé, y esto ha satisfecho á la provincia. Aunque esto era lo que de él tenía derecho la provincia á esperar, queremos manifestar aquí las simpatías que de nosotros ha merecido. Ahora que Mr. Kaminer va á marcharse á lüs Estados Unidos en uno de los días de este mes, en uso de licencia, con su distinguida señora, nosotros deseamos que la pareja se lleve feliz viaje y el recuerdo de que á los buenos americanos se les quiere aquí en Filipinas. Intención criminal El seis del actual entre nueve y diez de la noche, penetró en la casa de Juana Reynoso en el barrio de Maybunga, Pasig, la mujer llamada Juana Santos con intención de robar, y no habiendo conseguido su deseo, agredió á la Reynoso con un hierro en la cabeza que la produjo una herida de pronóstico reservado. La Juana Santos se dice que es vecina del barrio de Bambang y actualmente se encuen­ tra detenida á disposición del Juzgado. Sunog Niyong miércoles, ika 7 ng kasalukuyan, at ng mag-iika pito ng gabi’y nagkasunog sa nayon ng Santulan ng bayang ito. Limang bahay ang natupok at isang bangang may lamáng mga dalawangpung kabang palay. Ayon sa, ginawang pag-uusig ay napagtalastas na ang apoy ay nagmula sa tindahan ni Vicente Carlos, na hindi maalaman ang naging sanhi. May mga sanglibo’t walong daang piso ang halaga ng mga, nasunog. Salamat at wala namang táong nasaktán.