Pag-aalaga sa mga sangol

Media

Part of Bangon

Title
Pag-aalaga sa mga sangol
Language
Filipino
Source
Taon I (Bilang 5) Abril 15, 1909
Year
1909
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
BANGON . . Pag-aalaga sa mga Sangol ( Karvgtong ) PaNAHONG PAGÑGIÑGIPIN. Pinakikinabangan ng mga ináng mapagtantó ang mga iba’t ibang panahon ng pagtubó ng ngipin sa bata, Hindi lamang ng mangyaring mapangilagan ang mga- pagkakaramdam na to­ toong madalás mangyari sa panahong itó, kundi naman ng huag ipalagay na itong panahon ng pagngingiping itó, na ibang ba gay ang siyang pinagmumulán, at ng mapaghusay naman ang palakad ng pagpapakain sa bata, kahi’t ang ipakakaing ito’y ang kaugalíang gatas ng iná, ó kung dili kaya’y gatas ng hayop na bagong bilis, ó gatas na pintong. Dapat na itangi ang unang pagkakangipin sa ikalawang pagsihol ng ngipin; ang mga unang ngipin ay Hindi patuluyan. sa pagka’t nangalalaglag din sa malaon ó madaling panahon, upang mahalinhan ng pangalawang sisihol na. mga ngipin, na siyang mananatili. Ang sasabihin namin ay ang mga nauukol sa mga unang ngipin, sa makatowid ay ang mga “ngipin sa gatas”; ang mga ngiping ito’y dalawampu, na nagkakasunodsunod sa pagsihol ng paganitó: Mga ngipin sa harap na nagigitna; multi sa apat hangang sa pitong buwan. Mga ngipin sa harap din, nguni’t na sa da­ kong tagiliran; inula sa apat hangang sa siyam na buwan, , Mga unang bag-ang; mula sa ikaanim han­ gang sa ikalabingdalawáng buwan. Mga pangil; multi sa waló hangang sa ikalabing anim na buwan. Mga pangalawáng bag-ang; mula sa ikasampu hangang sa ikadalawampung buwan. Dapat na lumabas na mauna ang lahat ng mga ngipin sa babáng sihang kay sa mga katapát, na na sa sihang na dakong itaas, tangi lamang sa mga ngipin sa harap, nguni’t na sa tagiliran, na nauuna ang dakong itaas kay sa baba. Gayón ma’y nagkakabihirang Hindi nangyayari ang karaniwang lákad na itó, na kung magkaminsa’y kung makasibol na ang mga ngipin sa harap na dakong baba at pang-gitna, nalalaon hago sumibol ang katapat na dakong itaas, at halos nagkakasabay ng mga ngiping kasiping sa harap na dakong tagiliran. Ang mga sinabi namin sa itaas na panahon ng pagsihol ay Hindi totoong ganáp na nangyavaring lumalabas ang mga unang ngipin agad ó Hindi sa ikaanim na buwan, nguni’t bihirangbihira ang sumisibol na mula sa panganganák; kung minsa’y sumisibol ang mga pangil pagkalampas ng ikalabing anim na buwan, at Hindi nga hihirang mákitang sumisibol ang mga pangalawang bag-ang hangang sa ikatlóng taón. Baga man sa ganitong Hindi kahusayan ng lákad, ang mga kapanahunang pagsihol ng mga ngiping aming sinaysay ang siyang karaniwan at kadalasang mangyari, ang karaniwa’y may pag-itang tatlóng buwán ang pagsihol ng isang pangkat ng mga “ngiping-gatas” bago sumibol ang isa pang pangkat. _Madalás na mákitang ipinalalagay n’g kahangalán ng madia, na nagmumula sa pagsihol ng ngipin ang mga pagkakasakft na nangyayari sa unang dalawáng taón ng sangol; wala nang totoong malayo sa katotohanang gaya nitó; at walá na namang mabuting dahilaning tulad nga rito upang maisaysay ang kadahilanan ng ipinagkakasakit ng sangol; sa isang ba gay ay ang pagkasirá ng tiyán, na ang kadalasay nagtatapón ng malabnaw, at sa kabilang ba gay nama’y ang pagkakalagnát ng (ubhang matindf, na kung magkaminsa’y sumasapit hangang sa magkaroon ng matinding sakit ng ulo at ang mga pag>uba, itó ang pagkakaramdam na anaki’y naghubuhat sa pagsihol ng ngipin. Samantalang sumisibol ang ngipin ay lagi nang lalagyán ng takip ang dibdib at ang tiyán, kahi’t lumalakad na at humihiwalay na sa iná. Dapat na bihisan ng damit kaylan man at kinakailangan dahil sa pagkapunó ng dumf, datapwa’t kung Hindi mangyayari ito ay sa araw-araw, gaya ng ginagawa sa damit sa da­ kong itaas ng katawan ng bata. Ang paglalabá ng damit ng bata ay dapat paraanin sa legfa, yamang Hindi sa lahat ng lugar ay makakakuhang magaang ng mga ibang ukol na gamitin, at ang legia ay nasusumpungang madalf, at sa pagka’t ito’y mainam na pangpatay ng mga hayop na sa kaliliita’y Hindi makita, kaya siyang inihahatol na siyang ga­ mitin at magalingin kay sa iba. Bukod sa rito’y kinakailangang ang mga damit ng bata’y labháng bukod sa damit ng matatanda* Kinakailangang nahahanginan at tuyó ang mga lugar na pamamahayan ng bata, kaya’t marapat na ang bahay ay malayo sa mga la­ tían at pinamamahayan ng tubig. Kaylan ma’y huag babayaang makisama sa pamamahay sa mga hayop, na gaya ng ki^auugalian sa mía hayan at mga nayon, na doo’y ang ba boy, áso, mga manóle at iba pa ay kasalamuhá ng tao sa pagtirá sa iisang bahay, sa loob ng mahabang oras, sa makatwid baga’y mula sa pagtatakip-silim hangang sa kinabukasang sila’y nangangalat sa parang. Ang mga dumf ng mga hayop na itó ang siyang nagiging dahil na sila’y magkaroon ng mabahong amoy na nakasasamá sa katawán ng bata at sa matatanda man, kaya kinaka­ ilangang sila’y alisin sa lugar na tinutulugan, at sa papaano mang partfan ay huag pabayaang manatili ang ganitong kagagawang lubháng ka­ raniwan . (It u t ul oy.)