Comic section

Media

Part of Bangon

Title
Comic section
Language
Tagalog
Source
Taon I (Bilang 5) Abril 15, 1909
Year
1909
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
íi BANGON. . . Mya Tala sa Ilisal itibaga amin ni Chemang? . . . mga mangbabasa ko‘y nakatatalos din na sa ika ng mga manok, ay sumisikat sa apat Waláng kamalák-malák, ay nakagawá ang pagkakamalt ko ng isang malaking katotohanan, ¡Kay inam na pagkakátaon! ¿Bakit bagá‘t nágawá kong pangapat na tald si Chemang, iyang anak Marikit-na, na balang magsabi ay siyang nararapat iuna? Kung hindi lamang ako nagaala-alang mápulaan ng mga “librepensador”, nuring ko na sanang ang ganitong^ nangyari ay talaga ni Bathala. ¿Pati na Diyos ay nakikialam sa ¡ Pagkat marahil ang na oras ng madaling araw, kasabay ng tilaukan Silanganan ang talang pinakamaningning sa dilang maningning, marilag sa dilang marilag, na kung titigan ay nakawiwili at nakaaaya sa kalooban. Dili iba kundi ang taláng Venus. ¿Sino ang hindi nakakikilala sa salitang venus? Ito, ayon sa mga makata, ay bathala ng pangarap; ayon sa mga manghihibó ay bathala sa dilag, at ayon sa mga umiibig ay bathala ng puso. At saká ngayon ay ikaapat namang sumikat sa pitak na ito si Chemang. Isang bibihiráing pagkakátaon. ¿Paanong hindi magkakátaon, sa ang talang nakasikat na iyan sa Marikit-na, ay siyang bathala ng aking pangarap, bathala ko sa dilag at tanging bathala ng puso? Siya, sa minsang sabi, ang tunay kong Venus................................................................. i> Sayang at hindi ko pa palad hanga ngayon ang mapabilang sa mga kaluguran ni Chemang; sana‘y nakaluhod ako sa kanyang harap at tahasang nasabi, na siya ang una sa lahat ng mga tald dito sa Rizal at ang kanyang ningning ay di nagkakasiya sa lalawigang ito lamang, kundi nanabog sa boong Pilipinas, at kung magkaminsan pa ang kanyang mga sinag ay nagtatawid dagat at nagbabalitá sa mga ibang dako ng kawiliwiling dilag ng mga binibini rito. Lauro Maka-Irog o COMIC SECTION TWO MEAN MEN. A man was drinking a glass of beer in a saloon when some important business called him out. To save his half emptied glass against in­ truders, he put á piece of paper under it with this inscription: ‘‘In this beer, I have spit.” On coming back, our hero was much horri­ fied' to read the following postscriptioij: “So have I!” Several Irishmen was disputing one day about the invincibility of their respective powers when one of them remarked: “Faith, I am a brick!” “And I’m a bricklayer!” shouted another knocking down the first speaker. NOT THAT VARIETY. Maria:—“For heaven’s sake! Miss Long en­ gaged to .Juan Alejo? Why she told me only yesterday that she wouldn’t marry the best man on earth! ’ ’ Juana: —“She isn‘t going to!... A DANGER SIGNAL. Bobbie:—“Pa, isn‘t red a sign of danger!” Papa: —“Yes, I believe so! ” Bobbie:—“There is red ink there, why don‘t you sign the pledge! ’, SECRET GIRLS KEEP. She:—There is one secret a woman can keep.” He:—“Nonsense! What is it?” She:—“I can‘t tell you: It’s a secret.” UP IN ARMS!! . . . One girl:—“Jack tried to kiss me last night.” Another:—,-What in the world did you do?” First girl:—”Oh, I was up in arms, in a minute! ! ” ALWAYS CACKLES. Bond:-“Why do yo call your wife an old hen?’’ BANGON . . Gall:—Because she always cackles when she lays for me. SUCH LANGUAGE! lie:—What did your father say when you told him we were engaged?” She: — ”0h, dear, you must not ask meto repeat such language.” FAVORITE HYMN. Papa:—What is your favorite hymn, Clara, my darling?” Clara: —“The one /ou chased over the fence last night, dear Pa!” IN A COURT. Judge:—“Under what pretext did your hus­ band beat you?” Plaintiff:—Your Honor, please, it was no pretext; it was a club!” DALIT NANG ISANG ULILA {Kay Ensang sa Lan git ) Kung gunitain ko araw 11a pumanaw sa piling ng aking mutyang minamahal; kung isip-isipin panahong nagdaang walang inilabi kundi kalungkutan. Ako’y naiinip at Hindi mákali, ako’y naiinis, ilás na parati sa akin ang búhay at nananatili sa. lagay na itong lubhang aping-api. Ang búhay sa akin ay pangarap lamang at ang mabuhay pa’y sadyang kasalanan; sa aki’y wala nang uuna sa lumbay at wala rin namang mapayapang búhay. Masasabi mo ring may isa pang langit na sa amin dito ay napasisilip; oo, mayroon nga, di ko iniaalis, nguni langit namang balot ng hinagpis. Sa bawa’t silahis ng langit na iyan, mula sa pagngiti ng sikat ng Araw hangang sa paglubog... tanging naiiwan ang gunitang ako ay iyong minahal. Ako’y minahál mo, di ko linilimot, ako’y minahal mo ng kalugod-lugod; dapwa’t... ngayo’y sino, sinong aking Irog ang sa pag-uwi ko ay mapapanood? ¿Sino ang sa akin ngayo’y sasalubong, sino pang aaliw, kung nasa lingatong? ¿at sino pa rin nga ang makikitugon sa pusong iniyo sa munting panahon? ¿Sino ang tuwi na ay aalaala saan man paroon ako at humanga? ¿sinong aasahan at mahihintay pa na tangí sa iyo ay wala nang iba? ¿Sino ang bubulóng at bubulungan ko ng lihim ng puso, ng diwa ng táo? ¿sinong yayakapin, hahagkán sa non, na tinutugunán ng mga labi mo? ¿Sino pa ang aking tatawagtawagin at kung nagtatampo‘y aamuamuin, at kung namamanglaw’y aaliwaliwi‘t tatangis-tangisan ng aking panimdim? ¿Násaan pa. ngayón ang aking ligaya, ang paraluman ko’t susi ng pagsinta? ¿sino ang magiging alalay tuwi na ng palad kong aba sa láot ng dusa? Walang wala na nga ang lahat ng itó, tapós na ang sayá, layaw ko’t hinampó; wala na ang Liyag, pumanaw, yumao’t pati pa ng bunso’y sa libing umalo. At ngayo’y ano pa, di ko máhagilap ang lunas na gamot ng dukhá kong palad; di ibig mabanggit, ni nasang mahagap at kasawian ko, ¡anong pagkásaklap!.. Sa lahat ng dusa’y walang kasinghapdi itong sa buhay kong tipon ng pighati, sa sandaling tuwa’y agad pagkasawi’t suson-susong hirap ang nagiging sukli. Aanhin ang búhay kung walang pag-asa, aanhin ang boong magagawa ko pa sa aking panahon, sa ngayo’y wala na akong hahanduga’t bibigyang abala. ¿Sino ang tutungháy sa tula ko’t a wit na pinamimitás sa pananaginip, sinong magbibigay ng timyás at lamig sa tinig ng aking kudyaping may hapis? Sa bawa’t talata ng kanyang pangkatin, sa bawa’t salitang may pag-irog pa rin, ang dalit ng isang Ulila ng Libing siyang sasaliw nang makikilungkot din. Yaong dating tudling na puspos ng tuwá, ng aliw ng puso’t masayang talata, ngayo’y nagbago na, ibang ibang lubha’t kinabábakasan ng agos ng luha. Kaya’t buhat diyan sa payapang hayan, Ens... ko’y tunghan mo rin ang abang naiwan, akong lumulungoy, akong nahahambal, at akong wala nang Ens...magpakaylan man. Tangos, Nabutas, Rizal. A. Leugim. FABRICA IDE BIZCOCHOS Y DULCES 1 DE J. E MONROY g Premia a en las Exposiciones de Hanoi de 1902 y S. Luis. E. U. A. de 1904 FL A3 A DE STA. CHUZ, 96-98, MANILA.