Mga paglalakbay

Media

Part of Bangon

Title
Mga paglalakbay
Language
Tagalog
Source
Taon I (Bilang 5) Abril 15, 1909
Year
1909
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
8 B ANGON. . . Kilos ng mga Kapisanan sa Ilizal “Círculo Marikeño“ ,E1 Comité Directivo de la Sociedad Instructivo-Recreativa CÍRCULO MARIKEÑO ha nom­ brado distintos Comités permanentes para la buena marcha y prosperidad de la Asociación en la forma siguiente: COMITE DE INSTRUCCION: Presidente, Se­ ñor Daniel Santiago; Secretario, Sr. Teófilo H. Reyes; Miembros, Srta. Severina S. Eustaquio y Sres. Isaac Eustaquio, Florencio Cruz y Me­ lecio' Trinidad. COMITÉ DE CONFERENCIAS: Presidente, Sr. Isaac Eustaquio; Secretario, Sr. Teófilo Ig­ nacio; Miembros,. Sres. Paulino E. Trinidad, Teófilo H. Reves y Catalino Cruz. COMITE DÉ ESTILO: Presidente, Sr. Teófilo II. Reyes; Secretario, Sr. Paulino E. Trinidad; Miembros, Sres. Daniel Santiago, Macario Reyes v Juan Victorino. COMITE DE VELADAS, PROGRAMAS E INVITACIONES: Presidente, Sr. Paulino E. Trinidad; Secretario, Sr. Isaac Eustaquio; Miem­ bros, Sres. Teófilo H. Reyes, Teófilo Ignacio, Daniel Santiago y Srtas. . Eugenia de la Paz, Lorenza de la Paz, Rosario de la Paz, María, de la Paz, Gliceria Eustaquio y Severina S. Eusta­ quio. COMITE DE SPORTS: Presidente, Sr. Teó­ filo H. Reyes, Secretaria, Srta. Eugenia de la Paz; Miembros, -Srta. Gliceria Eustaquio y Sres. Hermenegildo Santos y Bernabé Cruz. COMITE DE RECEPCION DE DAMAS: Pre­ sidenta, Srta. Eugenia de la Paz; Secretaria, Srta. Rosario de la Paz; Miembros, Srtas Lo­ renza de la Paz; María de la Paz, Gliceria Eustaquio y Remedios de la Paz; DE CABA­ LLEROS: Presidente, Sr. Manuel Perez; Se­ cretario, Daniel Santiago; Miembros, Señores Isaac Eustaquio, Teófilo H. Reyes y Paulino E. Trinidad. COMITE DE DECORACION: Presidente, Se­ ñor Isaac Eustaquio; Secretaria, Srta. Severina S. Eustaquio; Miembros, Srtas. Miguela Paz, Aniceta Paz, Lorenza de la Paz, Rosario de la Paz, María de la Paz, Gliceria Eustaquio y Remedios de la Paz, y los Sres. Delfin Re­ yes, Esteban Nepomuceno, Fermín Valentin, Hermenegildo Santos y Eugenio Mendoza. COMITE DE BANQUETE: Presidente, Se­ ñor Dario Ramirez; Secretario, Sr. Remigio Guevara; Miembros, Sres. Esteban Nepomuceno, Policarpo Ignacio, y Bernabé Cruz. IMPRENTA, LIBRERIA, PAPELERIA, Fabricación de timbres de goma y de metal, LORENZO CRIBE Calle Crespo, No. 101. Quiapo, Manila, I. F. MGA PAGLALAKBAY “Harapin ang Bukas” al “Mandáloya Club” Pagbubukang liwayway na noong ika 28 ng buang natapos, ang mga nanga ngasiwa sa paglalakbay sa bayang Marikina ay halos itinataboy ng masayang sikat ng araw. Mag-iikasiyam na ng lisanin ang bayang Mandaluyong ng boong galak ng labing dalawang karitela, na sa bawa‘t mukha ng manglalakbay na nakalulan ay waking nakikintal maliban sa kasayahan. Sa bayang San Juíih' del Monte at sa may tapat ng Simbahan, ang lahat ay nagsiibis sa sasakyán upa ng magsipaglakad hangang sa. may tapat ng Depósito ng tubig pagka‘t may kahi rapan ang daan. Pagdating sa patag ay sunodsunod na namang yumáo ang labingdalawang karitela na parang isang kompanya ng mga kawal ni General Serio noong araw, na may hinihipan pang korneta habang lumalakad. Pagkatawid ng ilog Santulan ay nagsitungo sa Nayon ng Kalumpang, at dito’y dumatal ng ikasampu at kalahati ng umaga. Sa Nayong ito’y nagtuloy ang mga naglakbay sa bahay nina GG. Fernando Valentin, Dionisio A quino at José Urbano, na nangagsisalubong sa lahat ang mga Bbg. María Presentación Va­ lentin, Juanita Santiago at Felicísima Samson, mga tala ng Kalumpang (Marikina), na sa mainam nilang pakikiharap at pakikipanayam ang lahat ay halos di nagdamdam ng pagod at gutom. Pagkapananghalian ay nagkanikanyang lakad. Ang mga magsisipaglaro‘y tumungo sa laman at ang karamihan ay yumao sa bahay ng mga Bbg. Marina Santos, Felicísima Samson, Juanita San­ tiago at iba pa upang anyayahang manood ng larong gaga win ng “Mandaloya Club” at “Ma­ rikina Club” na siyang sadya ng mga naglakbay. Ika dalawa na ng hapon ng simulan ang “base-ball” sa may likuran ng Pamahalaang Bayan, sa isang malaking tumana, na sa kabilang tabi nito’y may balag na laan marahil sa mga bin ibi ni at iba pang magsisipanood. Ang dami ng tao’y di madaig ng mga pulís bayan sa pagpapatabL Sa mga sandaling yao’y nakalimot ang mga kahinata ko sa paggalang sa kababaihan. Bago nagsimula ay tumugtog muña ang orkestang inilaan ng mga taga Marikina sa paglalaro, iyon na lamang at di na umulit han­ gang sa maghiwahiwalay; maanong tinugtugan ang mga taga Mandaluyong ng Fúnebre man lamang sa pag-alis. Baka ñaman inaasahan ang púnalo nila sa taga Mandaluyong. BANGON . . 9 Sa alin mang kagalakan ay sumasaliw ang munti ó malaking kalungkutan ó sigalot, at ganito nga ang sa wakás ay nangyari. Ang ‘‘Marikina Club” ay puníalo, na may isang patay (o^), ano ba’t sa isang paghagis ng bola’y tinamaan ang pumapalo sa kanang kamay, na sinundan ng hiyaw ng “Umpire” ng PATAY (out). Dito na nagkaguló ang lahat pagka’t ayaw pumayag ang mga taga “Marikina Club” na iyo’y mamatay susog sa kanilang mga katwirang di madaig ng mga taga “Mandaloya Club” ó ng Palatuntunan ng nasabing la.ro. Sa liuli ang nangyari’y naghiwahiwalay ang lahat ng walang nanalo at natalo. Gayón man, :tng mga naglakbay ay nagsuiwi ng mag-iikalima’t kalahati ng hapon, taglay sa bawa’t kalooban ang saya at gayón din ang masasarap na kakaning mais, pakwan, singkamas at iba pa na pawang ani sa bayang Marikina. Dumating sa bayang Mandaluyong na pinangalingan ng ikapito na ng gabi at dito’y nag­ hiwahiwalay ng boong galák at hiyawang ¡ MABUHAY ANG PAGLALAKBAY 1 Pa-Sa-Be. “Anak-Patois'‘ Noong linggong nagdaan, ika 11 ng kasalu- • kuyan ang walang paged na mga kaanib ng kapisanang ito ng mga mang-gagawa ng sapatos sa ?tlarikina ay nagsipaglakbay sapoókng Nangka, pag-itan ng Marikina*t San Mateo. Mag-iika 9 na oras at kalahati‘y nagsitulak ang mga nagsipaglakbay na nagbuhat sa tapat ng pagawaan ng Samahan na nangakasakay sa mga karetela; hindi gagaanong makikisig at mga tanging binibinft kabataang taga, Marikina, Maynila at San Mateo ang mga inanyayahang dumaló sa kasayahang yaon. Doo‘y namalas ang mga bulaklak ng Marikina na si na Bb. Feli­ císima Guevara, Lorenza de la Paz, Pilar Do­ mingo, Flora Josép, Severina Eustaquio, Mer­ cedes del Rosario, Antonia Sta. María, Miguela de la Paz, Patrocinio Villaion, Carmen Perez, Susana Mendoza, Severina Lopez, .Juliana Nesina, Natalia Nepoinuceno, María de la Paz, Gliceria Eustaquio, Juliana de la Paz, Teodora Nesina, Rosario de la Paz, at ang di kakaunting mga nakapanghahalina rin namang mga binibini na dinaramdam kong hindi maala-ala ang kani­ kanilang mga pan gal an. * Sa mga lalaki‘y ang mga tanyag na binatang Gg. Augusto P. Villaion, Pangulong walang himagod ng Kapisanang “Anak-Pawis”, Manuel Perez, Paulino E. Trinidad, Teófilo H. Reyes, Jeronimo Angeles, Felino Guevara, Ceferino Le­ gaspi, Eulogio Santos, Domingo Zamora, Primo Paz, Juan Coronado, Gregorio José, Isaac Eus­ taquio, Daniel Santiago at iba‘t iba pa. Bukod sa matitimyas na usapan ng mga hinibini‘t kabaguntauhan ay minsan minsa‘y sinasaglitan ng maririkit at piling mga awitan na sinasaliwan ng Orquesta, sa Marikina. Dumating ang oras ng pagkakainan; ang lahat ay nagsitungo sa libis na kinalalagyán ng isang mesa ng saság na buo na may hugis U na nagkakahulugan sa wikang kastila ng Unión at kung isatagalog Daman ay Pagkakaisa. Sa gitna ng tinurang mesa ay mayroong isang malaki‘t ma­ ya bong na punong manggá na siyang nagbigay lilim sa mga nagsisikain. Sa unang tingin, ang nabanggit na punong inanggá ay walang na giging kahulugan; datapuat kung pagkurukuruin ay nagkakahulugan ang punong iyon ng: Ang Pagkakaisa nang mga mangagaica nang Zapatos Marikina pg maglndrunga nang magandang adhika. Pagkatapos, ang mga mahihiligin kay Terpsicore ay nagsikuha ng kanikanilang kakambal at nag rigodcfh; nguni sapagka’t kakapusin ng -panahon kung ipatutuloy ang pagsasayawan, ay minarapat ang itigil. Napagitna si G. Manuel Perez at nagsalita tungkol sa ginawang kasayahan, at isa isa nivang ipinakilalang nagsipagsalita rin sina Gg. Felino Guevara, Domingo Zamora at ang Pangulo ng Samaban na si G. Augusto P. Villaion. Upang magkaroon ng isang ala-ala ang ganoong kasayahan, ang lahat ng nagsidalo’y kinunan ng retrato. Pagkua’y niPisan ng lahat ang lugal na di makakatkat sa alaala ng madláng nakipagsayá. Ang mga babae’y nagsisakay sa. mga karetela at ang mga lalaki’y nagsipaglakad. Nang magsidating sa loob ng nay on ng Bayan-bayanan at sa kahilingan ng karamihan ay nagsibabá sa karetela ang mga babae at nag­ sipaglakad din, sa una’y ang watawat ng Kapisanan, mga binibini’t kaginoohan at tinutugtugan ng Orkesta. Sa habang daan ay wala akong naririnig na ipinaghihiyawan ng lahat kundi ang hnabuhay ang Anak-Pawis! hnabuhay ang pagkakafaa nang lahat nang nuinggagaira! Nang na sasaloob na ng bayang ng Marikina, ang mga binibini’t binatang nagnanais tumiwalág na sa lakarán kung natatapat sa kanika­ nilang ba hay ay hindi pinahintulutan hanggang di sumapit sa bahay ng Samahan. Pag dating -dito ang lahat ay hinandugan ng matamis at tubig, at pagkapagpahingá’y saka pa lamang nakauwi sa kanikanilang bahay ang lahat na taglay ang di malilimot na kasayahang tunay na utang na loob sa mga di marunong manghimagod sa pagpapalagó ng Samahang “Anak-Pawis” na sina Gg. Augusto P. Villaion, Pangulo ng Kapisa­ nan, Agapito de la Paz, Regino Santos, Esteban Nepomuceno at iba’t iba pa. Sina(,-MARIKIT-NA. Oí. Sillo de Ins Angeles CONSULTORIO Y CLINICA Quiotan, No. 101. Santa Cruz. Teléfono 907.