Anak-pawis

Media

Part of Bangon

Title
Anak-pawis
Language
Tagalog
Source
Taon I (Bilang 5) Abril 15, 1909
Year
1909
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
BANGON . . 9 Sa alin mang kagalakan ay sumasaliw ang munti ó malaking kalungkutan ó sigalot, at ganito nga ang sa wakás ay nangyari. Ang ‘‘Marikina Club” ay puníalo, na may isang patay (o^), ano ba’t sa isang paghagis ng bola’y tinamaan ang pumapalo sa kanang kamay, na sinundan ng hiyaw ng “Umpire” ng PATAY (out). Dito na nagkaguló ang lahat pagka’t ayaw pumayag ang mga taga “Marikina Club” na iyo’y mamatay susog sa kanilang mga katwirang di madaig ng mga taga “Mandaloya Club” ó ng Palatuntunan ng nasabing la.ro. Sa liuli ang nangyari’y naghiwahiwalay ang lahat ng walang nanalo at natalo. Gayón man, :tng mga naglakbay ay nagsuiwi ng mag-iikalima’t kalahati ng hapon, taglay sa bawa’t kalooban ang saya at gayón din ang masasarap na kakaning mais, pakwan, singkamas at iba pa na pawang ani sa bayang Marikina. Dumating sa bayang Mandaluyong na pinangalingan ng ikapito na ng gabi at dito’y nag­ hiwahiwalay ng boong galák at hiyawang ¡ MABUHAY ANG PAGLALAKBAY 1 Pa-Sa-Be. “Anak-Patois'‘ Noong linggong nagdaan, ika 11 ng kasalu- • kuyan ang walang paged na mga kaanib ng kapisanang ito ng mga mang-gagawa ng sapatos sa ?tlarikina ay nagsipaglakbay sapoókng Nangka, pag-itan ng Marikina*t San Mateo. Mag-iika 9 na oras at kalahati‘y nagsitulak ang mga nagsipaglakbay na nagbuhat sa tapat ng pagawaan ng Samahan na nangakasakay sa mga karetela; hindi gagaanong makikisig at mga tanging binibinft kabataang taga, Marikina, Maynila at San Mateo ang mga inanyayahang dumaló sa kasayahang yaon. Doo‘y namalas ang mga bulaklak ng Marikina na si na Bb. Feli­ císima Guevara, Lorenza de la Paz, Pilar Do­ mingo, Flora Josép, Severina Eustaquio, Mer­ cedes del Rosario, Antonia Sta. María, Miguela de la Paz, Patrocinio Villaion, Carmen Perez, Susana Mendoza, Severina Lopez, .Juliana Nesina, Natalia Nepoinuceno, María de la Paz, Gliceria Eustaquio, Juliana de la Paz, Teodora Nesina, Rosario de la Paz, at ang di kakaunting mga nakapanghahalina rin namang mga binibini na dinaramdam kong hindi maala-ala ang kani­ kanilang mga pan gal an. * Sa mga lalaki‘y ang mga tanyag na binatang Gg. Augusto P. Villaion, Pangulong walang himagod ng Kapisanang “Anak-Pawis”, Manuel Perez, Paulino E. Trinidad, Teófilo H. Reyes, Jeronimo Angeles, Felino Guevara, Ceferino Le­ gaspi, Eulogio Santos, Domingo Zamora, Primo Paz, Juan Coronado, Gregorio José, Isaac Eus­ taquio, Daniel Santiago at iba‘t iba pa. Bukod sa matitimyas na usapan ng mga hinibini‘t kabaguntauhan ay minsan minsa‘y sinasaglitan ng maririkit at piling mga awitan na sinasaliwan ng Orquesta, sa Marikina. Dumating ang oras ng pagkakainan; ang lahat ay nagsitungo sa libis na kinalalagyán ng isang mesa ng saság na buo na may hugis U na nagkakahulugan sa wikang kastila ng Unión at kung isatagalog Daman ay Pagkakaisa. Sa gitna ng tinurang mesa ay mayroong isang malaki‘t ma­ ya bong na punong manggá na siyang nagbigay lilim sa mga nagsisikain. Sa unang tingin, ang nabanggit na punong inanggá ay walang na giging kahulugan; datapuat kung pagkurukuruin ay nagkakahulugan ang punong iyon ng: Ang Pagkakaisa nang mga mangagaica nang Zapatos Marikina pg maglndrunga nang magandang adhika. Pagkatapos, ang mga mahihiligin kay Terpsicore ay nagsikuha ng kanikanilang kakambal at nag rigodcfh; nguni sapagka’t kakapusin ng -panahon kung ipatutuloy ang pagsasayawan, ay minarapat ang itigil. Napagitna si G. Manuel Perez at nagsalita tungkol sa ginawang kasayahan, at isa isa nivang ipinakilalang nagsipagsalita rin sina Gg. Felino Guevara, Domingo Zamora at ang Pangulo ng Samaban na si G. Augusto P. Villaion. Upang magkaroon ng isang ala-ala ang ganoong kasayahan, ang lahat ng nagsidalo’y kinunan ng retrato. Pagkua’y niPisan ng lahat ang lugal na di makakatkat sa alaala ng madláng nakipagsayá. Ang mga babae’y nagsisakay sa. mga karetela at ang mga lalaki’y nagsipaglakad. Nang magsidating sa loob ng nay on ng Bayan-bayanan at sa kahilingan ng karamihan ay nagsibabá sa karetela ang mga babae at nag­ sipaglakad din, sa una’y ang watawat ng Kapisanan, mga binibini’t kaginoohan at tinutugtugan ng Orkesta. Sa habang daan ay wala akong naririnig na ipinaghihiyawan ng lahat kundi ang hnabuhay ang Anak-Pawis! hnabuhay ang pagkakafaa nang lahat nang nuinggagaira! Nang na sasaloob na ng bayang ng Marikina, ang mga binibini’t binatang nagnanais tumiwalág na sa lakarán kung natatapat sa kanika­ nilang ba hay ay hindi pinahintulutan hanggang di sumapit sa bahay ng Samahan. Pag dating -dito ang lahat ay hinandugan ng matamis at tubig, at pagkapagpahingá’y saka pa lamang nakauwi sa kanikanilang bahay ang lahat na taglay ang di malilimot na kasayahang tunay na utang na loob sa mga di marunong manghimagod sa pagpapalagó ng Samahang “Anak-Pawis” na sina Gg. Augusto P. Villaion, Pangulo ng Kapisa­ nan, Agapito de la Paz, Regino Santos, Esteban Nepomuceno at iba’t iba pa. Sina(,-MARIKIT-NA. Oí. Sillo de Ins Angeles CONSULTORIO Y CLINICA Quiotan, No. 101. Santa Cruz. Teléfono 907.