Gabay ng magbubukid

Media

Part of Daloy

Title
Gabay ng magbubukid
Creator
Malgapo, Bonnie
Language
Filipino
Source
Daloy Taon I (Blg. 8) Agosto 1973
Year
1973
Subject
Agriculture -- Philippines
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Abstract
[Karugtong ng nakaraang labas]
Fulltext
Opisyal na Pahayagan ng Proyekto sa Hulo ng Ilog Pampanga UPRP, Lungsod ng Kabanatuan BONIFACIO J. MALGAPO editor REMIGIO M. PAYAWAL managing editor LITA MASINAG associate editors ELY CATALUÑA ELY DE GUZMAN scriot writer LORENZO INOS arts AURELIO MACTAL POTENCIANO RAMOS photographers RAMON DELA CRUZ ROGELIO C. LAZARO chief. agricultural development división (editorial consultant) —oOo—' ALFREDO L. JUINIO NIA Administrator CESAR E. GONZALES UPRP Project Manager LIBERTADO UYENCO BENJAMIN U. BAGADION UPRP Assistant Project Managers Inilalathala makalawa isang buwan at nakatala sa Kaivanihan ng Koreo sa Lungsod ng Kabanatuan na korespondensiya pangalawang uri simula noong Hunyo 2. 1973. ni Bonnie Malgapo (Karugtong ng nakaraang tabas) 6. PAGSUGPO SA MGA DAMO a. Ang pagsugpo sa mga damo sa unang apatnapung araw pagkalipas ng paglilipat tanim ay magbibigay ng humigit kumulang sa 20 kabang karagdagang ani. b. Gumamit ng 2. 4-D o alin mang "granular" na pamuksang damo tulad ng Treflan-R at iba pa. Ang 2.4D at IPE ay mabisa bago o sa kasalukuyang tumutubo ang mga buto ng damo ngunit hindi pa lubos na ma­ bisa kung ito ay tumubo na o ang mga damo ay lalabas na sa lupa. k. Ang paggamit ng makinaryang panggapas (Rotary Weeder) o sa pamamagitan ng kamay ay dapat gawin kung hindi makapaglalagay ng “granular” na pa­ muksang damo. Ingatan lamang na magambala ang mga ugat ng palay. d. Ang paggamit .ng 2. 4-D at‘ MCPA (spray) sa daming isa o dalawang litro sa bawat isang daang galong tubig sa bawat ektarya ay mabisa. Magbomba kung umaaraw. Ma^iga rin ito sa mga damong may malalapad na dahon. Pa.nq.ul.anq. '"'Iud.lluq\ “Ang paaralan ng magsasaka sa himpapawid Ang halos buong lalawigan ng Nueva Ecija ay kasali sa " MASAGANA 99 na inilunsad ng ating Pamahalaan kasabay ng iba pang mga lalaivigan sa buong kapuluan. Ang tunay na layunin ng ating Pangulo ay upang ang ating mga magsasaka sa buong bansa ay magani. ng 99 na kabang palay at higit pa upang matamo nating mga Pilipino ang kasaganaan at mahango sa paghihikahos sa pangunahing butil ng palay. Ang UPRP—BPS Agro Educational Committee ay inilunsad ang ikatlong "PAARALAN NG MAGSA­ SAKA SA HIMPAPAWID" na isinagawa ng UPRP Project Information Services, upang lalong magbigay sigla sa kasalukuyang kampanya ng Pangulo ukol sa masaganang ani. Ang palatuntunang ito’y angkop sa lahal ng mga magsasaka, ngunit higit doon sa mga bukiring nasasakop ng serbisyo ng patubig ng NIA —UPRP. sapagkat ang mga lekturang dito'y itinuturo ay ukol sa wastong pag­ gamit ng tubig buhat sa kanal irigasyon at sa matipid na pamamaraan, kaalinsabay ang makabagong uri ng pananakahan at pag-hahalaman. Ang pagkakalunsad na ito ng ika-tatlong kiase ng "Paaralan ng Magsasaka sa Himpapawid" ay iiaasahang (Sa pahina 5) 7. PAGLALAGAY NG PATABA: a. Lumilitaw na ang mga supling ng palay 30 araw pagkaraan ng paglilipat tanim. Dahil dito ang halaman ay lubos na nangangailangan ng pataba lalu pa at ang lupa ay kulang nito. b. Para sa mga bukid na walang patubig at kahit anong uring lupa, sa may patubig at lupang lagkitin, magsabog ng alin man sa dalawang supot ng ammonium sulfate o isang supot ng urea sa bawat ektarya upang magsupling ng marami at lumaki kaagad ang mgíi hala­ man, k. Ulitin ang pagsasabog ng pataba 45 araw pag­ karaan ng paglilipat punía. Ito ay panahon ng paglifaw ng uhay. Upang makatulong at magkaroon ng marami at malalaking butil magsabog nang pantay sa mga pinitak na mayroong tubig alin man sa 2 supot ng ammonium sulfate o 1 supot ng urea sa bawat ektarya. 8. PAGSUGPO SA MGA KULISAP: a. Laging bisitahin ang bukid upang rnakita kung may mga naninirang mga sakit at peste sa mga pananim. l. Para sa mga uring C4-63, C4-63G, C4-137 at C12, 50 araw pagkaraan ng paglilipat tanim, magsabog ng alin man sa mga ‘ granular” na pamatay insekto na inererekomenda tulad ng Furadan 3G, Basudin 10G at Sevidol sa daming isang kilo ng aktibong sangkap bawat ektarya. 2. Para sa IR20 at IR20-1. tingnan kung may pinsalang nagawa ang mga sakit. Kung mayroong (Sundan sa Pahina 11) PAHINA 2 DALOY Agosto, 1973 sisi'ra sa pagbabaklas nito. Maaari ba . -a kung ibig ng resettler na makompleto ang bahay ay makautang sa housing loan? Ito ba ay sa halagang P5.000.00 din katulad ng iba? SAGOT: Maaari siyang makautang ng "Housing Loans” sa halagang P5.000.00 kung siya ay tumanggap sa NIA bilang kabayaran ng lupa, halaman at bahay ng halagang hindi hihigit sa P10.000.00 at ayon sa uri he bahay na kanyang itatayo. 20. Kung sakali at ang isang resettler ay ayaw r.oong "core house” gusto niyang magpagawa ng kanilang sariling bahay ngunit wala siyang magagamit na pera, papaano ang dapat niyang gawin upang magkabahay? SAGOT: Siya ay dapat umanib sa kooperatiba na itinatag na kung tawagin ay NEW PANTABANGAN MULTI-PURPOSE COOPERATIVE, INC., at ito ay siyang maaaring magpautang muña sa kaniya ng mga mate­ riales o kasangkapan. 21. Kung sakali naman at walang-wala siyang pera na magamit sa paguumpisa ng kaniyang sariling bahay ay papaano siya magpapatayo ng kaniyang bahay? SAGOT: Una, maglahad ng plano ng bahay sa Tanggapan ng NIA, Pangalawa, pagtibayin ang "Housing Loan Application' at Pangatlo, gamitín ang aprobadong "Housing Loan Ap­ plication” bilang basihan sa paghanap ng mámumuhunan o financer. 22. Kung ang isang resettler ay ililipat na lamang sa kaniyang lumang bahay at kaniyang fplayan ang P5,000. housing loan upangmagamit sa negosyo, maaari po ba ito? SAGOT: Wala akong tiyak na sagot sa tanong na ito. Isasangguni ko ang bagay na ito sa aking hepe na si Engr. Carlos A. Sales. 23. Nabanggit ninyo na mayroong Project loan o pautang sa mga proyekto. j maaaring pagkakitaan, ma­ aari po bang ipaliwanag ninyo kung ano-ano ang nakapaloob dito? Ito ba ay materials din o cash? SAGOT: Ito ay materiales o mga bagay na kailangan sa Proyekto, ngunit walang cash na ipagkakaloob sa resettler, maliban lamang sa hala­ gang hindi hihigit sa P1,000.00 na ipagkakaloob niya sa kooperatiba pare sa pagiging kasali at sosyo sa kooperatiba. 24. Ang lahat ba ng resettler at maaaring umutang ng ganitong uri ng pautang? Kung hindi man. ay sinusino sa kanila ang maaaring mabigyan nito? SAGOT: Yaon lamang kaanib sa kooperatiba o samahang pang-nayon na itinatag ayon sa alituntunin ng kagawaran ng Pamahalaang lokal at kinikilala ng NIA at handa ang sambahayan na sila ang makakapangasiwa sa prc - yekto. 25. Magkano ba at gaano katagal anc pagbibigay nitong "project loan”? SAGOT: Hindi hihigit sa P3.000.00 at sa loot ng tatlong (3) taon muía sa petsa ng paglipat sa Bagong Pamayanan. 26. Kung ang resettler ay gustong magtayc ng poultry o piggery kaya, siya ba ay bibigyan ng mga baboy o manok na bilang kasama sa utang sa ilailm ng project loan? SAGOT: Opo. 27. Kung halimbawa’t pagkaraan na mi bigyan siya ng "project loan” ay biglang nangamatay ang kaniyang alaga, maaari pa rin ba siyang mabigyan uli? SAGOT: Opo, kung mayroon pang nalalabing salapi para sa kaniyang “project loan". 28. Sa “Subsistence Loan”, ito ba ay maaaring ap­ layan ng lahat ng pamilya ng resettler? Kung hindi man ay sino lamang ang maaaring umutang nito? SAGOT: Sang-ayon po sa tinanggap bilang kabaya­ ran ng lupa, bahay, at halaman muía sa NIA Ito ang batayan kung sila ay dapat pagkaluoban ng "Subsistence Loan”, at hiudi kumita ng higit sa P2,000.00 isang taon. Gabay ng ... (buhat sa pahina 2) magsabog ng alinman sa binabanggit sa itaas nito. 3. Kung may tungro, magbomba ng Gusatliion, Carbin 85-S o Sevin 85-3 sa dosis na ipinapayo pg pabricante. 9. PAG-AANI: a. Pakatihin ang tubig sa bukid 85 araw pagkara­ an ng paglilipat tanim. Sa panahong ito ay mahigpit na kailangan ng palay ang tubig; mana pa nga ay pagpatuyo nito ay makatutulong sa mabilis na paggulang ng mga butil. b. Sa ika-100 araw ng palay buhat sa paglilipat punía at mayroong ng 80% nito ay malinaw at matigas ang palay ay maaari nang anihin. 10. EKONOMIKO: a. lnaasahang ani sa pamaimaraang masagana 1. Tag-ulan a. May Patubig b. Tubig ulan 2. Mga gastos: 90 kaban/ha 70 kaban/ha P2.250.00 Gross 1,750.00 Gross a. Pataba, pamatay kulisap. pamuksang damo P300.00-400.0C b. Binhi, paghahanda ng bukid P300.00-400.00 k. Pagaani 300.00-400.00 KABUUANG GASTOS: 900.00-1200.00 3. lnaasahang tubo bawat ektarya. a. Gross b. Gastos c. Tubo Tag-ulan. may patubig Tnbig-ulan P2.250.00 1.050.00 1.200.00 Pl.750.00 950.00 800.00 Kailangan ng bansa ang marami pang palay. Madadagdagan ito sa pamamaraang Masagana. Sumali sa prograniang ito. Agosto, 1973 DALOY PAHINA 11
pages
2, 11