Hali-Haliling pamamaraan ng paghahalaman
Media
Part of Daloy
- Title
- Hali-Haliling pamamaraan ng paghahalaman
- Creator
- Malang, Sr. Cirilo G.
- Language
- Filipino
- Source
- Daloy Taon I (Blg. 8) Agosto 1973
- Year
- 1973
- Subject
- Philippines -- Agriculture
- Fulltext
- Ilali-hiilifiiui pMinamítruan n(l ptiyhahwlaniíin ni Cirilo G. Malang, Sr. Ang sangkap ng ating lu pa ay patuloy na nauubos sa mahabang panahon ng paggamit nito. Simula noong matagal ng panahon, ang pagtatanim ng palay ay siya na nating nagisnan at ang kaugaliang ito na magpahanggang ngayon ay atin pa ring ginagawa. Sa pananaliksik ng mga paham sa agham ng pagsasaka napatunayan nang walang pasubali ang unti-unting pagkaubos ng mga sangkap na lubos na kailangan ng mga pananim na halos ay sagad na sa kakulangan nito. Sa mga bansang mauunlad, ito ang kanilang malaking suliranin. Dahil dito ang mga dalubhasa ay nabahala. Gumawa sila ng pagaaral upang maiwasan ang pandaigdig na suliraning ito, maliit man o malaking bansa. Dito pumasok ang kahalagahan ng mga "chemical fertilizers" na kung pagbabalikang-isip ay MAGAGANDANG DAAN SA IBABAW NG KANAL Mahusay na nagagamit ang mga daan sa tabi ng kanal irigasyon sa paghahakot ng mga produkto ng magsasaka. Ang larawan sa itaas ay bahagi ng "main canal" ng UPRP. nagsimula sa bansang Alemanya. Isang siyentipiko di to ang nakatuklas ng pagkakaruon ng NPK sa mga bagay na sinubok niyang sunugin na halos ay kasabay din sa pagsasaliksik ng isang siyentipikong Ingles. Napatunayan nila na sa paglalagay ng mga ito sa halaman ay mapapaunlad ng malaki ang ani. Dito nagsimula ang malaganap na paggamit ng pataba. Ang lahat ng mga magsasa ka halos ay gumamit at na patunayan ang kahalagahan nito bilang mahusay na suplemento sa kakulangán ng mga sangkap sa lupa. Subalit ang kailangan ng mga halaman ay higit pa sa NPK. Kailangan itong maibigay sa halaman upang mabigyan ang mga tao ng wastong pagkain na may sapat na daming elemento. Ang taba ng lupa ay nasa unang 6-8 pulgada buhat sa ibabaw nito. Alalaong baga ang buhay at kamatayan ng lahi ay mayroon ganitong pagitan. Lumampas pa dito ay hindi na maaari pang magbigay ng buhay sa halaman. Da hil dito maselang tungkulin ng bawat isa na panatilihing malusog ang bahaging ito ng lupa. HALI-HALILING PAGHAHALAMAN Isa sa maraming ipinapayo ang mga tekniko upang malutas ang suliraning ito bukod pa na magbibigay ng dagdag na kita sa mga magsasaka ay ang hali-haliling paghahalaman. Sa pamamaraang ito ng pagsasakahan ang lupa ay mabibigyan ng pahinga sapagkat ito ay mangangailangan ng pagtatanim ng iba pang halaman liban sa palay sa pamamaraang hali - h a j i 1 i. Ang mga halaman ay hin di pare-pareho ng pangangailangan sa pagkain ga yón din sa dami nito. Kaya naman may mga halaman na nagbibigay ng dagdag na sangkap sa lupa. Isa na rito ang mga uring ’legumes” tulad ng mani. sitao. mungo at iba pa. upang bumanggit lamang ng ilan. Sa tulong ng mga mikrobyo sa lupa ang mga elemen to. tulad ng nitroheno ay naibibigay sa mga halaman. PANGUNAHING PILOSOPIYA Ang hali-haliling pagha halaman ay ganap na nangangailangan ng matalinong pag-aaral. Ang uri ng lupa ay may mahalagang puwang dito. Naglalayong mabawasan ang luwang o sukat n’g lupa na wala pang tanim, ang sistemang ito ay pagpapalaki ng maraming uri ng mga piling tanim na pang tumana na maihahalili sa palay na siyang pangunahing tanim sa tagulan. Sa ganitong uri ng pagsasaka, ang mga magbubukid ay magiging lubos na abala sa kanilang bukirin sa dahilang patuloy ang pagdudulot niya ng panahon sa kaniyang mga halaman. Ma laking karagdagan sa kani yang kita ang idudulot li ban pa sa maibibigay na pahinga sa lupa at maragdagan ang taba nito. MGA DAPAT MALAMAN Sa paggawa at pagsunod sa paraang ito dapat bigyan ng pansin at karapatang diin ang ilang mga bagay. 1. Uri ng lupa at dami ng tubig—Ang isa sa maha lagang bagay na dapat big yan ng pansin ay ang klase ng lupa. Ang ibang uri ng halaman bukod sa palay ay madaling lumaki kung ang lupang tatamnan ay akma (Sundan sa pahina 8) PAHINA 4 DALOY Agosto, 1973 Pangunahing Kawani: cHa.lch'i Ulitta patniHia'iaan . . Nemecio “Naning” Ciríaco Paglilingkod sa tunay na kahulugan ng kataga ang siyang tuwina’y naging, panuntunan sa buhay ni Ne mecio C. Ciríaco, ang kasalukuyang "project coordinator” sa lahat ng mga pro-, yekto ng División III na nasa ilalim ni Engr. Ceferino V. Mariano. Hindi naman katakataka, ang kaniyan'g paglilingkod sa pamahalaan ay nasa ika25 taon na ngayon. Tiyaga sipag, pamamaraan at pakikisama sa lahat ng mga tao ang naging puhunan niya sa lahat ng oras ng kaniyang buhay, Si Naning ay isang magandang halimbawa ng tunay na larawan ng Bagong Lipunan. Magbuhat sa maunlad na fnayon ng Mambangnan, San Leonardo. Nueva Ecija siya ay tapos lamang ng inataas na paaralan at dala palibhasa ng kahirapan. siya ay hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit ito ay hindi na ging sagwil upang ang kaniyang magandang layunin sa buhay ay hindi matupad. Taong 1948 hanggang 1952, siya ay naglingkod sa Pambansang Pangasiwaan ng Patubig bilang isang “ditchtender” sa loob ng limang taon. Pagkatapos nang nasabing panahon. siya ay nataas ng tungkulin bilang “clerical aide” ng Peñaran da River Irrigation System. Lahat ng mga .gawaing ipagawa sa kanya ay buong husay niyang nagagampanan kung tungkol din lang sa mga, gawain sa patubig. kung kaya't noong 1954. si ya ay itinalaga bilang assistant watermaster”. Ang kakayahan ni Na ning ay sinubok na muli ng siya ay gawing "construction foreman” sa Camiling River Irrigation Proicct at pagkatapos ng proyekto doon ay ibinalik dito sa Nu eva Ecija, upang ipagpatuloy ang pangangasiwa sa mga pagawain ng Pampanga Bongabon River Irrigation System. Naging ganap na “watermaster” nang taong 1964. at karagdagang gawain ang pagtulong sa paniningil sa mga buwis ng patubig. TuCIRIACO mutulong pa sa pagsasaayos ng “right oí way’ at iba pang suliranin sa pro yekto na nangangailangan ng pambihirang kakayahan. Sinusubaybayan ni Mr. Ciríaco ang 20 *‘ditchten der’’ na nakatalaga sa may mahigit na 2,500 ektaryang bukirin sa kalakhan ng SanLeonardo. Hindi lang pagsasaka. pag papatubig at pagtulong sa paglutas ng maselang mga gawain ng proyekto. kundi. si Mr. Nemecio "Naning” Ciríaco ay kasapi sa angkan ng mga mahilig sa musika. Siya ay kasapi sa tanyag na banda ng musiko ang "San Leonardo Band” na kilala sa buong lalawigan. Upang magamit ang una at huling pag-ibig ni Mang Naning, ang musika. siya ay binigyan ng tungkuling "talent coordinator” ng Di visión III ng UPRP, kaugnay ng palatuntunan ni Bo nifacio J. Malgapo. sa himpilan ng radyo DWAR. “Sunday Live Show” Siya ay kasal sa dating Leonora Salazar na San Leonardo.Nueva Ecija at sila ay biniyayaan ng Diyos ng walong suping. (muía sa pahina sa pangangailangan nito. Ang lupang maaaring tamnan ng palay at gulay^ ay ang tinatawag na medyo lagkitin. Ang uring ito ay makapagiipon ng sapat na tubig para sa pangangai langan nito. Ang lupang maaaring tamnan ng palay at gulay ay ang tinatawag na medyo lagkitin. Ang uring ito ay makapagiipon ng sapat na tubig para sa pangangailangan ng halaman at madali rin namang matuyuan. 2. Tagal bago anihin— Dapat malaman ang itatagal nito bago anihin upang sa gayón ang susunod na pagtatanim ay maihanda. 3. Uri ng binhi—'Sa higit na kapaki-pakinabang sa mga magsasaka, piliin ang mga binhing malakas magani, matibay sa sakit, mabili at may halaga sa pamilihan at napapanahon. 4. Paghahanda ng lypa— Gawin ang paghahanda ng lupang tatamnan ng angkop sa pangangailangan ng halaman. PAMARISAN Ang mga sumusunod ay halimbawang maaarina pamarisan bagaman at ang pa mamaraan ay dapat ibatay sa umiiral na kundisyon sa lokalidad. Matulunging Bo. Kapitan Si Baryo Captain Gracia no Villesca ng Pantoc. Za ragoza, Nueva Ecija, ay laging nakakatulong ng mga tauhan ng Upper Pampanga River Irrigation Project sa pagsasaayos ng kanal. right of way, at iba pang suliranin ng proyekto. Iyon ay kanyang ginagawa dahil siya ay naniniwala na naririto sa patubig ang pag-asa ng kanyang nasasakupang magsasaka. VILLESCA 4) 1. palay — Agosto-Nob. mungo — Dis.-Marso palay — Abril-Hulyo 2. palay — Hulyo-Nob. palay — Dis.-Marso gulay — Abril-Mayo 3. Palay — Hulyo-Nob. mais — Enero-Marso kamatis—Marso-Hunyó 4. palay — Hunyo-Set. repolyo — Dis.-Peb. palay —Marso-Hipiyo 5. palay — Hunyo-Set. mais — Set.-Nob. sibuyas — Dis.-Marso Green Manure— Marso-Abril 6. Palay — Hunyo-Set. batad — Set.-Dis. palay — Hunyo-Abril mungo—Mayo-Hunyo Ang isang magsasaka ay makagagawa ng sariling kalendaryo ng pagtatanim ayon sa kaniyang panga ngailangan at umiiral na kundisyon sa lugar. Ang pagsasalang-alang sa pagpapataba, pagsugpo sa mga kulisap at mga damo ay hin di dapat iwaglit. Kasing ha laga ng mga nabanggit ay ang pagaalaga ng wasto sa mga halaman. Sa paraang ito ay makatitiyak ng malulusog na mga halaman, maunlad na ani, napa-hingang lupa at higit sa lahat ay malaking karagdagang kita sa panig ng mga manggagawa sa bukid. PAHINA 8 DALOY Agosto. 1973
- pages
- 4, 7