Pangunahing Kawani: Nemencio "Naning" Ciriaco
Media
Part of Daloy
- Title
- Pangunahing Kawani: Nemencio "Naning" Ciriaco
- Language
- Filipino
- Source
- Daloy Taon I (Blg. 8) Agosto 1973
- Year
- 1973
- Subject
- Ciriaco, Nemencio -- Biography
- Fulltext
- Pangunahing Kawani: cHa.lch'i Ulitta patniHia'iaan . . Nemecio “Naning” Ciríaco Paglilingkod sa tunay na kahulugan ng kataga ang siyang tuwina’y naging, panuntunan sa buhay ni Ne mecio C. Ciríaco, ang kasalukuyang "project coordinator” sa lahat ng mga pro-, yekto ng División III na nasa ilalim ni Engr. Ceferino V. Mariano. Hindi naman katakataka, ang kaniyan'g paglilingkod sa pamahalaan ay nasa ika25 taon na ngayon. Tiyaga sipag, pamamaraan at pakikisama sa lahat ng mga tao ang naging puhunan niya sa lahat ng oras ng kaniyang buhay, Si Naning ay isang magandang halimbawa ng tunay na larawan ng Bagong Lipunan. Magbuhat sa maunlad na fnayon ng Mambangnan, San Leonardo. Nueva Ecija siya ay tapos lamang ng inataas na paaralan at dala palibhasa ng kahirapan. siya ay hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit ito ay hindi na ging sagwil upang ang kaniyang magandang layunin sa buhay ay hindi matupad. Taong 1948 hanggang 1952, siya ay naglingkod sa Pambansang Pangasiwaan ng Patubig bilang isang “ditchtender” sa loob ng limang taon. Pagkatapos nang nasabing panahon. siya ay nataas ng tungkulin bilang “clerical aide” ng Peñaran da River Irrigation System. Lahat ng mga .gawaing ipagawa sa kanya ay buong husay niyang nagagampanan kung tungkol din lang sa mga, gawain sa patubig. kung kaya't noong 1954. si ya ay itinalaga bilang assistant watermaster”. Ang kakayahan ni Na ning ay sinubok na muli ng siya ay gawing "construction foreman” sa Camiling River Irrigation Proicct at pagkatapos ng proyekto doon ay ibinalik dito sa Nu eva Ecija, upang ipagpatuloy ang pangangasiwa sa mga pagawain ng Pampanga Bongabon River Irrigation System. Naging ganap na “watermaster” nang taong 1964. at karagdagang gawain ang pagtulong sa paniningil sa mga buwis ng patubig. TuCIRIACO mutulong pa sa pagsasaayos ng “right oí way’ at iba pang suliranin sa pro yekto na nangangailangan ng pambihirang kakayahan. Sinusubaybayan ni Mr. Ciríaco ang 20 *‘ditchten der’’ na nakatalaga sa may mahigit na 2,500 ektaryang bukirin sa kalakhan ng SanLeonardo. Hindi lang pagsasaka. pag papatubig at pagtulong sa paglutas ng maselang mga gawain ng proyekto. kundi. si Mr. Nemecio "Naning” Ciríaco ay kasapi sa angkan ng mga mahilig sa musika. Siya ay kasapi sa tanyag na banda ng musiko ang "San Leonardo Band” na kilala sa buong lalawigan. Upang magamit ang una at huling pag-ibig ni Mang Naning, ang musika. siya ay binigyan ng tungkuling "talent coordinator” ng Di visión III ng UPRP, kaugnay ng palatuntunan ni Bo nifacio J. Malgapo. sa himpilan ng radyo DWAR. “Sunday Live Show” Siya ay kasal sa dating Leonora Salazar na San Leonardo.Nueva Ecija at sila ay biniyayaan ng Diyos ng walong suping. (muía sa pahina sa pangangailangan nito. Ang lupang maaaring tamnan ng palay at gulay^ ay ang tinatawag na medyo lagkitin. Ang uring ito ay makapagiipon ng sapat na tubig para sa pangangai langan nito. Ang lupang maaaring tamnan ng palay at gulay ay ang tinatawag na medyo lagkitin. Ang uring ito ay makapagiipon ng sapat na tubig para sa pangangailangan ng halaman at madali rin namang matuyuan. 2. Tagal bago anihin— Dapat malaman ang itatagal nito bago anihin upang sa gayón ang susunod na pagtatanim ay maihanda. 3. Uri ng binhi—'Sa higit na kapaki-pakinabang sa mga magsasaka, piliin ang mga binhing malakas magani, matibay sa sakit, mabili at may halaga sa pamilihan at napapanahon. 4. Paghahanda ng lypa— Gawin ang paghahanda ng lupang tatamnan ng angkop sa pangangailangan ng halaman. PAMARISAN Ang mga sumusunod ay halimbawang maaarina pamarisan bagaman at ang pa mamaraan ay dapat ibatay sa umiiral na kundisyon sa lokalidad. Matulunging Bo. Kapitan Si Baryo Captain Gracia no Villesca ng Pantoc. Za ragoza, Nueva Ecija, ay laging nakakatulong ng mga tauhan ng Upper Pampanga River Irrigation Project sa pagsasaayos ng kanal. right of way, at iba pang suliranin ng proyekto. Iyon ay kanyang ginagawa dahil siya ay naniniwala na naririto sa patubig ang pag-asa ng kanyang nasasakupang magsasaka. VILLESCA 4) 1. palay — Agosto-Nob. mungo — Dis.-Marso palay — Abril-Hulyo 2. palay — Hulyo-Nob. palay — Dis.-Marso gulay — Abril-Mayo 3. Palay — Hulyo-Nob. mais — Enero-Marso kamatis—Marso-Hunyó 4. palay — Hunyo-Set. repolyo — Dis.-Peb. palay —Marso-Hipiyo 5. palay — Hunyo-Set. mais — Set.-Nob. sibuyas — Dis.-Marso Green Manure— Marso-Abril 6. Palay — Hunyo-Set. batad — Set.-Dis. palay — Hunyo-Abril mungo—Mayo-Hunyo Ang isang magsasaka ay makagagawa ng sariling kalendaryo ng pagtatanim ayon sa kaniyang panga ngailangan at umiiral na kundisyon sa lugar. Ang pagsasalang-alang sa pagpapataba, pagsugpo sa mga kulisap at mga damo ay hin di dapat iwaglit. Kasing ha laga ng mga nabanggit ay ang pagaalaga ng wasto sa mga halaman. Sa paraang ito ay makatitiyak ng malulusog na mga halaman, maunlad na ani, napa-hingang lupa at higit sa lahat ay malaking karagdagang kita sa panig ng mga manggagawa sa bukid. PAHINA 8 DALOY Agosto. 1973
- pages
- 7