Daloy

Media

Part of Daloy

Title
Daloy
Description
Opisyal na pahayagan ng Proyekto sa Hulo ng Ilog Pampanga (Upper Pampanga River Project)
Issue Date
Taon I (Blg. 8) Agosto 1973
Year
1973
Language
Filipino
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
extracted text
Taon 1 Blg. 8, Agosto, 1973 UPRP. Lungsod ng Kabanatuan KATIBAYAN NG PAGKILALA SA MABUTING GAWAIN Tutalong ang Hapon sa pagtatanim ng kahoy sa Pantobangan Sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Association for Permanent Forests Incorporated kay NIA Administrator Alfredo L. Juinic, ilulunsad sa malapit na hinaharap ang magka-ugnay na palatuntunan ng Bansang Pilipinas at Hapon sa pag­ tatanim ng kahoy dito sa Pantabangan Dam. Sina Dr. Hoyashi at Mr. Suzuki, kapwa opisyal ng panggubat sa Hapon ay ipinadala rito upang pag-aralan ang mga lugar na nababagay pagtaniman ng ka­ hoy sa tulong ng Pamahalaang Hapones. Nabatid buhat kay UP­ RP Proiect Manager Cesar (5a pahina 3) SI ENGR. BAGADION NAG1NG HEPE NG ENGINEER1NG DIVISION NG NIA Simula noong Agosto 1. si Engr. Benjamín Bagadion ay nataas sa tungkulin bilang hepe ng Engineering División ng National Irri­ garon Administration. Siya ay dating hepe ng R & R Nakatayo muía sa kaliiva si Engr. Godo fredo Iglesia. UPRP Project Manager Cesar E. Gonzales, samantalang binaba sa ang katibayan ng pagkilala tungkol sa kanilang pagtatagumpay sa larangan ng "Civil Engineering" TUMANGGAP NG KATIBAYAN NG PAGKILALA SINA UPRP MANAGER CESAR GONZALES, ENGR. IGLESIA Patuloy ang pag-ani ng yan ng Pagkilala” na ipinag- Roxas Boulevard. noong tagumpay ng Proyekto sa kaloob ng Lupon ng Inhen- Agosto 11, kasabay ng paHulo ng Ilog Pampanga. at yero Sibil, sa’pamumuno ni numpa ng nakapasang mga ¡yon ay minsan pang pina- Engr. Antonio A. Man- inhenyero sibil sa eksamen tunayan nang sina UPRP sueto. noong Pebrero. 1973. Project Manager Cesar E. Ang natatanging palatun- Sina Project Manager Gonzales at Engr. Godo- tunan ng pag-aabot ng Ka- Cesar E. Gonzales at Gofredo N. Iglesia ay tu- tibayan ng Pagkilala ay dofredo N. Iglesia ay kab - manggap ng “1973 Katiba- ginanap sa Cerca del Mar, (Sundan sa pahina 10) ENGR. BAGADION División at Assistant Pro­ ject Manager of Upper Pampanga River Project. Avon sa "Special Order No. 1" na mav petsa Hulyo 30 na nilagdaan ni NIA Administrator Alfredo L. Juinio. na siyang nagbigav bi­ sa sa bagong tungkulin ni (Sa pahina 3) Opisyal na Pahayagan ng Proyekto sa Hulo ng Ilog Pampanga UPRP, Lungsod ng Kabanatuan BONIFACIO J. MALGAPO editor REMIGIO M. PAYAWAL managing editor LITA MASINAG associate editors ELY CATALUÑA ELY DE GUZMAN scriot writer LORENZO INOS arts AURELIO MACTAL POTENCIANO RAMOS photographers RAMON DELA CRUZ ROGELIO C. LAZARO chief. agricultural development división (editorial consultant) —oOo—' ALFREDO L. JUINIO NIA Administrator CESAR E. GONZALES UPRP Project Manager LIBERTADO UYENCO BENJAMIN U. BAGADION UPRP Assistant Project Managers Inilalathala makalawa isang buwan at nakatala sa Kaivanihan ng Koreo sa Lungsod ng Kabanatuan na korespondensiya pangalawang uri simula noong Hunyo 2. 1973. ni Bonnie Malgapo (Karugtong ng nakaraang tabas) 6. PAGSUGPO SA MGA DAMO a. Ang pagsugpo sa mga damo sa unang apatnapung araw pagkalipas ng paglilipat tanim ay magbibigay ng humigit kumulang sa 20 kabang karagdagang ani. b. Gumamit ng 2. 4-D o alin mang "granular" na pamuksang damo tulad ng Treflan-R at iba pa. Ang 2.4D at IPE ay mabisa bago o sa kasalukuyang tumutubo ang mga buto ng damo ngunit hindi pa lubos na ma­ bisa kung ito ay tumubo na o ang mga damo ay lalabas na sa lupa. k. Ang paggamit ng makinaryang panggapas (Rotary Weeder) o sa pamamagitan ng kamay ay dapat gawin kung hindi makapaglalagay ng “granular” na pa­ muksang damo. Ingatan lamang na magambala ang mga ugat ng palay. d. Ang paggamit .ng 2. 4-D at‘ MCPA (spray) sa daming isa o dalawang litro sa bawat isang daang galong tubig sa bawat ektarya ay mabisa. Magbomba kung umaaraw. Ma^iga rin ito sa mga damong may malalapad na dahon. Pa.nq.ul.anq. '"'Iud.lluq\ “Ang paaralan ng magsasaka sa himpapawid Ang halos buong lalawigan ng Nueva Ecija ay kasali sa " MASAGANA 99 na inilunsad ng ating Pamahalaan kasabay ng iba pang mga lalaivigan sa buong kapuluan. Ang tunay na layunin ng ating Pangulo ay upang ang ating mga magsasaka sa buong bansa ay magani. ng 99 na kabang palay at higit pa upang matamo nating mga Pilipino ang kasaganaan at mahango sa paghihikahos sa pangunahing butil ng palay. Ang UPRP—BPS Agro Educational Committee ay inilunsad ang ikatlong "PAARALAN NG MAGSA­ SAKA SA HIMPAPAWID" na isinagawa ng UPRP Project Information Services, upang lalong magbigay sigla sa kasalukuyang kampanya ng Pangulo ukol sa masaganang ani. Ang palatuntunang ito’y angkop sa lahal ng mga magsasaka, ngunit higit doon sa mga bukiring nasasakop ng serbisyo ng patubig ng NIA —UPRP. sapagkat ang mga lekturang dito'y itinuturo ay ukol sa wastong pag­ gamit ng tubig buhat sa kanal irigasyon at sa matipid na pamamaraan, kaalinsabay ang makabagong uri ng pananakahan at pag-hahalaman. Ang pagkakalunsad na ito ng ika-tatlong kiase ng "Paaralan ng Magsasaka sa Himpapawid" ay iiaasahang (Sa pahina 5) 7. PAGLALAGAY NG PATABA: a. Lumilitaw na ang mga supling ng palay 30 araw pagkaraan ng paglilipat tanim. Dahil dito ang halaman ay lubos na nangangailangan ng pataba lalu pa at ang lupa ay kulang nito. b. Para sa mga bukid na walang patubig at kahit anong uring lupa, sa may patubig at lupang lagkitin, magsabog ng alin man sa dalawang supot ng ammonium sulfate o isang supot ng urea sa bawat ektarya upang magsupling ng marami at lumaki kaagad ang mgíi hala­ man, k. Ulitin ang pagsasabog ng pataba 45 araw pag­ karaan ng paglilipat punía. Ito ay panahon ng paglifaw ng uhay. Upang makatulong at magkaroon ng marami at malalaking butil magsabog nang pantay sa mga pinitak na mayroong tubig alin man sa 2 supot ng ammonium sulfate o 1 supot ng urea sa bawat ektarya. 8. PAGSUGPO SA MGA KULISAP: a. Laging bisitahin ang bukid upang rnakita kung may mga naninirang mga sakit at peste sa mga pananim. l. Para sa mga uring C4-63, C4-63G, C4-137 at C12, 50 araw pagkaraan ng paglilipat tanim, magsabog ng alin man sa mga ‘ granular” na pamatay insekto na inererekomenda tulad ng Furadan 3G, Basudin 10G at Sevidol sa daming isang kilo ng aktibong sangkap bawat ektarya. 2. Para sa IR20 at IR20-1. tingnan kung may pinsalang nagawa ang mga sakit. Kung mayroong (Sundan sa Pahina 11) PAHINA 2 DALOY Agosto, 1973 Isang punong kahoy bawa't linggo 80,000 isang buwan Simula noong Hulyo 21 ang bawa't kawani ng Pro­ yecto sa Hulo ng Ilog Pampanga a y pinagdadala ng isang punlang punong kahoy linggo-línggo, ang may 4,000 tauhan ng UPRP, para ipatanim sa ’watershed” ng Pantabangan Dam. Ang pagtatanim ng punongkahoy ay kinakailangan para magamit ang dam ng mahabang panahon. Sinimulan na ang pangmalawakang pagtatanim ng punía ng punongkahoy, at dahil doon ay kinukulang ng punía para mapabilis ang gawain. Sa isang pulong na ginanap kamakailan na dinaluhan ng mga hepe ng Dibisyon ng UPRP, napagtibay na kailangang magtulong-tulong para sa ikapagtatagumpay n g malaking proyektong ito ng patubig. ^na'L (Buhat sa pahina 1 ) Engr. Bagadion, siya ay "special part-time detail” at naghihintay ng susunod pang tagubilin. Binanggit sa tagubilin na si Engr. Bagadion ay kai­ langang bigyan ng luwag ni UPRP Project Manager Cesar E. Gonzales, upang makapagukol ng sapat ña panahon sa bagong tungkulin. Si Engr. Bagadion ay ma g i g i ng pangkalahatang tagapag-ugnay n g NIA, dahil sa hangaring mapagisa ang mga plano para sa pagpapaunlad ng mga ga­ wain ng Punong Tanggapan. Sinabi ni Administrator Alfredo L. Juinio na ang pagtataas s a tungkulin n i Engr. Bagadion ay kinakai­ langan para sa kabutihan ng paglilingkod ng Pam­ ba n s a n g Pangasiwaan ng Patubig. Agosto. 1973 MASAGANANG A NI NG D AY ATAN Tinatakal ang bahagi ng inani ng isa sa ektaryang bukid dito as PBRIS Ex­ tensión, División III, UPRP at iyon ay inabot ng mahigit na isang daang kaban. 700 samahang magpapatubig sa UPRP Service area Umabot na sa 700 samahan ng magpapatubig ang naitatag sa nasasakupan ng Proyekto sa Hulo ng Ilog Pampanga, ito ang sabi ni León B. García, nangangasiwa sa pagtatatag ng Irrigators group. Sinabi ni León B. García na ang magsasakang kasapi ng IG ay umaabot na sa 11,858, at patuloy pa ang pag­ tatatag sa kasalukuyan, kasabay ng pagpapagawa ng mga pagawain ng UPRP. Tinatayang ang magsa­ sakang sasakupin ng UP­ RP ay may bilang na 40, 000 at sisikapín ng Agricultural Development Divi­ sión na sila ay organisahin. Ang pagtatatag ng Irrigators group ay may layuning tulad ng sumusunod: 1. Upang mabigyan ang mga magsasaka ng pagkakataon na talakayin ang mga suliranin sa bukid. 2. Magmungkahi ng mga pamamaraan at pagsasakatuparan kung paanong ang mga tulong na teknikal ng pamahalaan ay makapagbigay ng higit na malaking tulong sa mga magsasaka. 3. Palawakin ang diwa n g pakikipagtulungan s a paglutas sa mga suliraning pang-nayon. 4. Upang ituro ang halih a 1 i 1 i n g pamamaraan ng pagpapatubig sa mga mag­ sasaka. 5. Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag­ sasaka na gumawa ng sariling programa na batay at angkop sa kanilang mga pangangailangan tungo sa wastong pamamaraan n g pagpapatubig. 6. Upang maimulat ang mga magsasaka sa was­ tong pangangalaga sa mga istra k t u r a, pagpapalaging malinis at maayos ang mga k a n a 1 a t pagkukumpuni nito. Tutulong ... (Buhat sa pahina 1 ) E. Gonzales na ang mga kahoy na binabalak na ipa­ tanim dito sa kabundukan ng Pantabangan ay yaong ginagawang papel at kung magtatagumpay ang pro­ yektong ito sa pagtatanim ng kahoy, malaking tulong ito sa pamahalaan at sa mamamayan dahil sa pagkakaroon ng karagdagang kita. S a pagtatagumpay n g proyektong ito sa pagtata­ nim ng kahoy, maaring dumating ang panahon na ang mga kampanya ng Hapon ay tumulong sa pribadong mama­ mayan sa malawakang pag­ tatanim ng punongkahoy. Sumali sa Paaralan ng Magsasaka DALOY PAHINA 3 Ilali-hiilifiiui pMinamítruan n(l ptiyhahwlaniíin ni Cirilo G. Malang, Sr. Ang sangkap ng ating lu­ pa ay patuloy na nauubos sa mahabang panahon ng paggamit nito. Simula noong matagal ng panahon, ang pagtatanim ng palay ay siya na nating nagisnan at ang kaugaliang ito na magpahanggang ngayon ay atin pa ring ginagawa. Sa pananaliksik ng mga paham sa agham ng pagsasaka napatunayan nang walang pasubali ang unti-unting pagkaubos ng mga sangkap na lubos na kailangan ng mga pananim na halos ay sagad na sa kakulangan nito. Sa mga bansang mauunlad, ito ang kanilang malaking suliranin. Dahil dito ang mga dalubhasa ay nabahala. Gumawa sila ng pagaaral upang maiwasan ang pandaigdig na suliraning ito, maliit man o malaking bansa. Dito pumasok ang kahalagahan ng mga "chemical fertilizers" na kung pagbabalikang-isip ay MAGAGANDANG DAAN SA IBABAW NG KANAL Mahusay na nagagamit ang mga daan sa tabi ng kanal irigasyon sa paghahakot ng mga produkto ng magsasaka. Ang larawan sa itaas ay bahagi ng "main canal" ng UPRP. nagsimula sa bansang Alemanya. Isang siyentipiko di­ to ang nakatuklas ng pagkakaruon ng NPK sa mga bagay na sinubok niyang sunugin na halos ay kasabay din sa pagsasaliksik ng isang siyentipikong Ingles. Napatunayan nila na sa paglalagay ng mga ito sa halaman ay mapapaunlad ng malaki ang ani. Dito nagsimula ang malaganap na paggamit ng pataba. Ang lahat ng mga magsasa­ ka halos ay gumamit at na­ patunayan ang kahalagahan nito bilang mahusay na suplemento sa kakulangán ng mga sangkap sa lupa. Subalit ang kailangan ng mga halaman ay higit pa sa NPK. Kailangan itong maibigay sa halaman upang mabigyan ang mga tao ng wastong pagkain na may sapat na daming elemento. Ang taba ng lupa ay nasa unang 6-8 pulgada buhat sa ibabaw nito. Alalaong baga ang buhay at kamatayan ng lahi ay mayroon ganitong pagitan. Lumampas pa dito ay hindi na maaari pang magbigay ng buhay sa halaman. Da­ hil dito maselang tungkulin ng bawat isa na panatilihing malusog ang bahaging ito ng lupa. HALI-HALILING PAGHAHALAMAN Isa sa maraming ipinapayo ang mga tekniko upang malutas ang suliraning ito bukod pa na magbibigay ng dagdag na kita sa mga magsasaka ay ang hali-haliling paghahalaman. Sa pamamaraang ito ng pagsasakahan ang lupa ay mabibigyan ng pahinga sapagkat ito ay mangangailangan ng pagtatanim ng iba pang halaman liban sa palay sa pamamaraang hali - h a j i 1 i. Ang mga halaman ay hin­ di pare-pareho ng pangangailangan sa pagkain ga­ yón din sa dami nito. Kaya naman may mga halaman na nagbibigay ng dagdag na sangkap sa lupa. Isa na rito ang mga uring ’legumes” tulad ng mani. sitao. mungo at iba pa. upang bumanggit lamang ng ilan. Sa tulong ng mga mikrobyo sa lupa ang mga elemen­ to. tulad ng nitroheno ay naibibigay sa mga halaman. PANGUNAHING PILOSOPIYA Ang hali-haliling pagha­ halaman ay ganap na nangangailangan ng matalinong pag-aaral. Ang uri ng lupa ay may mahalagang puwang dito. Naglalayong mabawasan ang luwang o sukat n’g lupa na wala pang tanim, ang sistemang ito ay pagpapalaki ng maraming uri ng mga piling tanim na pang tumana na maihahalili sa palay na siyang pangunahing tanim sa tagulan. Sa ganitong uri ng pagsasaka, ang mga magbubukid ay magiging lubos na abala sa kanilang bukirin sa dahilang patuloy ang pagdudulot niya ng panahon sa kaniyang mga halaman. Ma­ laking karagdagan sa kani­ yang kita ang idudulot li­ ban pa sa maibibigay na pahinga sa lupa at maragdagan ang taba nito. MGA DAPAT MALAMAN Sa paggawa at pagsunod sa paraang ito dapat bigyan ng pansin at karapatang diin ang ilang mga bagay. 1. Uri ng lupa at dami ng tubig—Ang isa sa maha­ lagang bagay na dapat big­ yan ng pansin ay ang klase ng lupa. Ang ibang uri ng halaman bukod sa palay ay madaling lumaki kung ang lupang tatamnan ay akma (Sundan sa pahina 8) PAHINA 4 DALOY Agosto, 1973 PROFILE Engr. Vicente Albano Luz The R & R División has launched a month-long Health and Sanitation Drive in the three newly relocated barrios (Malbang, Villarica, and Liberty) at the Tanauan resettlement area Formally launched by the División Chief last August lst, the dive has won the support and cooperation of local youth groups and civic associations. Member^ of the Pambansang Kilusan sa Pagpapaunlad Ng Pamayanan. (PKPP Pantabangan Chapter) and the Pag-asa Youth Movement of barrio Malbang. are coordinating with the UPRP in various community projects designed to promote health and sanitation in the barrio sites. School children from Central Elementary Shooí and the Saint Andrew High School in Pantabangan (tcwn proper) have likewise embarked on similai projects. They have started planting ornamental and fruit trees along the streets óf the new town site. -oOoA six-room modern school building complete with both lighting and sanitation facilities was turned over recently to local school officials fot use by school children in the three newly relocated barrios The school building which was estimated at P85.000.00 in construction cost is the first of three structures being planned for the school sites in barrio Malbang. Development of the more than three hectares school ground will be undertaken jointly by the LIPRP and the settler children —oOo— Some 300 participants in the Pantabangan Resettle­ ment Socio-Economic Training Program (Resettlers Se­ minar) are scheduled to be awarded their certifica tes of completion on August 22. The graduation rites will be a simple but an appropriate one with a program designed for the pleasure of some distinguished guests. —oOo— What would you say about a man who have attended a series of ECAFE sponsored seminars on planning and design. have taken special lectures on design from SE ATO. and who handles the field de­ sign sectíon of the UPRP. You would say that he is all and only for design - that as an engineer he just might as w e 11 confine himself to going over maps plans and endless figures - the job he loves and which he is adept at. Any re-organization in the project have taken place, but his constancy in his line proves him firm in his position. He seems to have destined for such a role. That is what Engr. Vi­ cente Albano Luz is like. His diligence and the zeal with which he pushes on to p e r f o r m his delicate function need not to be jtold. In fact, his industry ’combined with his reticence, has long breóme his trade mark. He is of the reversed type who would rather read books at home during his free hours or play chess rather than to spend the time out with his fri^nds. In terms of ideas and thinking, he is not so oldfashioned and simple as would have you beleive. Actually. he has managed to blend the oíd and the new himself. resulting in a u n i cj u e personality, one cannot find f a u 11 with. Take the case of his ideas in the rearing of the child­ ren. h e believes that the parents must t e a c h the children to be independent little by little as they grow oíd. Engr. LUZ Vic, or Enteng. as he is fondly called. is 5’-7” in height, slight bodied at 115 pounds and is only 43 years oíd. In the family, he and his wife are both from Ilocos Norte, where he grew up himself. He be­ lieves that he looks like his father and got his reticent inclination from his father, too. He is quite hung up in music- ballads, operatic, a silent expression o f his taste that he shares with his wife. In his work. he derives the same flavor of tjie new and the oíd blended into an efficient forcé. As chief of the field design section. he exults in the many satisfaction he derives from it. The first class of the Resettlers Seminé rs for residents of East Población in Pantabangan townproper is scheduled to start on the 20th of August. About 10 classes of 70 participants each will be opened for all interested and qualified resettlers The "Oras ng Pantabangan”, a one-hour radio pro­ gram aired every_ Friday over DWAR radio station will soon feature talents from Pantabangan. Arrangements has been made with the program di­ rector for the inclusión of the musical numbers and poetry recitáis by talented youths from Pantabangan. Ang Paaralan ng ... (Muía sa pahina 2) lalong makapagbibigay sigla sa mga magsasakar'g kalahok sa "Masagana 99”. Dahil dito ay inaasahang ang lahat ng kinauukulan na ang proyekto ng Pangulo ang ating Bans¿ ay magtatagumpay gaya ng kanyang pangarap ukol si katagumpayan ng libo-libong mga magsasakang bumubuhay sa la­ hat ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas. DALOY PAHINA 5 NO CONTENT ( PP- 6-7) Pangunahing Kawani: cHa.lch'i Ulitta patniHia'iaan . . Nemecio “Naning” Ciríaco Paglilingkod sa tunay na kahulugan ng kataga ang siyang tuwina’y naging, panuntunan sa buhay ni Ne­ mecio C. Ciríaco, ang kasalukuyang "project coordinator” sa lahat ng mga pro-, yekto ng División III na nasa ilalim ni Engr. Ceferino V. Mariano. Hindi naman katakataka, ang kaniyan'g paglilingkod sa pamahalaan ay nasa ika25 taon na ngayon. Tiyaga sipag, pamamaraan at pakikisama sa lahat ng mga tao ang naging puhunan niya sa lahat ng oras ng kaniyang buhay, Si Naning ay isang magandang halimbawa ng tunay na larawan ng Bagong Lipunan. Magbuhat sa maunlad na fnayon ng Mambangnan, San Leonardo. Nueva Ecija siya ay tapos lamang ng inataas na paaralan at dala palibhasa ng kahirapan. siya ay hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit ito ay hindi na­ ging sagwil upang ang kaniyang magandang layunin sa buhay ay hindi matupad. Taong 1948 hanggang 1952, siya ay naglingkod sa Pambansang Pangasiwaan ng Patubig bilang isang “ditchtender” sa loob ng limang taon. Pagkatapos nang nasabing panahon. siya ay nataas ng tungkulin bilang “clerical aide” ng Peñaran­ da River Irrigation System. Lahat ng mga .gawaing ipagawa sa kanya ay buong husay niyang nagagampanan kung tungkol din lang sa mga, gawain sa patubig. kung kaya't noong 1954. si­ ya ay itinalaga bilang assistant watermaster”. Ang kakayahan ni Na­ ning ay sinubok na muli ng siya ay gawing "construction foreman” sa Camiling River Irrigation Proicct at pagkatapos ng proyekto doon ay ibinalik dito sa Nu­ eva Ecija, upang ipagpatuloy ang pangangasiwa sa mga pagawain ng Pampanga Bongabon River Irrigation System. Naging ganap na “watermaster” nang taong 1964. at karagdagang gawain ang pagtulong sa paniningil sa mga buwis ng patubig. TuCIRIACO mutulong pa sa pagsasaayos ng “right oí way’ at iba pang suliranin sa pro­ yekto na nangangailangan ng pambihirang kakayahan. Sinusubaybayan ni Mr. Ciríaco ang 20 *‘ditchten­ der’’ na nakatalaga sa may mahigit na 2,500 ektaryang bukirin sa kalakhan ng SanLeonardo. Hindi lang pagsasaka. pag papatubig at pagtulong sa paglutas ng maselang mga gawain ng proyekto. kundi. si Mr. Nemecio "Naning” Ciríaco ay kasapi sa angkan ng mga mahilig sa musika. Siya ay kasapi sa tanyag na banda ng musiko ang "San Leonardo Band” na kilala sa buong lalawigan. Upang magamit ang una at huling pag-ibig ni Mang Naning, ang musika. siya ay binigyan ng tungkuling "talent coordinator” ng Di­ visión III ng UPRP, kaugnay ng palatuntunan ni Bo­ nifacio J. Malgapo. sa himpilan ng radyo DWAR. “Sunday Live Show” Siya ay kasal sa dating Leonora Salazar na San Leonardo.Nueva Ecija at sila ay biniyayaan ng Diyos ng walong suping. (muía sa pahina sa pangangailangan nito. Ang lupang maaaring tamnan ng palay at gulay^ ay ang tinatawag na medyo lagkitin. Ang uring ito ay makapagiipon ng sapat na tubig para sa pangangai­ langan nito. Ang lupang maaaring tamnan ng palay at gulay ay ang tinatawag na medyo lagkitin. Ang uring ito ay makapagiipon ng sapat na tubig para sa pangangailangan ng halaman at madali rin namang matuyuan. 2. Tagal bago anihin— Dapat malaman ang itatagal nito bago anihin upang sa gayón ang susunod na pagtatanim ay maihanda. 3. Uri ng binhi—'Sa higit na kapaki-pakinabang sa mga magsasaka, piliin ang mga binhing malakas magani, matibay sa sakit, mabili at may halaga sa pamilihan at napapanahon. 4. Paghahanda ng lypa— Gawin ang paghahanda ng lupang tatamnan ng angkop sa pangangailangan ng halaman. PAMARISAN Ang mga sumusunod ay halimbawang maaarina pamarisan bagaman at ang pa­ mamaraan ay dapat ibatay sa umiiral na kundisyon sa lokalidad. Matulunging Bo. Kapitan Si Baryo Captain Gracia­ no Villesca ng Pantoc. Za­ ragoza, Nueva Ecija, ay laging nakakatulong ng mga tauhan ng Upper Pampanga River Irrigation Project sa pagsasaayos ng kanal. right of way, at iba pang suliranin ng proyekto. Iyon ay kanyang ginagawa dahil siya ay naniniwala na naririto sa patubig ang pag-asa ng kanyang nasasakupang magsasaka. VILLESCA 4) 1. palay — Agosto-Nob. mungo — Dis.-Marso palay — Abril-Hulyo 2. palay — Hulyo-Nob. palay — Dis.-Marso gulay — Abril-Mayo 3. Palay — Hulyo-Nob. mais — Enero-Marso kamatis—Marso-Hunyó 4. palay — Hunyo-Set. repolyo — Dis.-Peb. palay —Marso-Hipiyo 5. palay — Hunyo-Set. mais — Set.-Nob. sibuyas — Dis.-Marso Green Manure— Marso-Abril 6. Palay — Hunyo-Set. batad — Set.-Dis. palay — Hunyo-Abril mungo—Mayo-Hunyo Ang isang magsasaka ay makagagawa ng sariling kalendaryo ng pagtatanim ayon sa kaniyang panga­ ngailangan at umiiral na kundisyon sa lugar. Ang pagsasalang-alang sa pagpapataba, pagsugpo sa mga kulisap at mga damo ay hin­ di dapat iwaglit. Kasing ha­ laga ng mga nabanggit ay ang pagaalaga ng wasto sa mga halaman. Sa paraang ito ay makatitiyak ng malulusog na mga halaman, maunlad na ani, napa-hingang lupa at higit sa lahat ay malaking karagdagang kita sa panig ng mga manggagawa sa bukid. PAHINA 8 DALOY Agosto. 1973 PAXAYAA1: PAKIKIPANAYAM KAY JACINTO RUBIANO. CHIEF ADMINISTRATIVE SERVICES AT ACTING, CHIEF, LOAN UNIT, R &R DIVISION BILANG PAGLILIWANAG SA PAGPAPAUTANG SA TAGA PANTABANGAN 1. Bilang Acting Chief ng "Loan Unit’, maaari bang ipaliwanag ninyo ang tungkulin na inyong ginagampanan at ang mga gawain saklaw ng inyong unit. SAGOT: Bilang Pansamantalang Puno ng Sangay ng Pagpapautang ay saklaw ng inyong lingkod ang pagpapatupad sa mga alit-intunin at patakaran sa pagpapautang sa mga taong lilikas sa Bagong Pamayanan. 2. Anu-ano ang mga uri o klase ng mga pautang ng NIA-UPRP sa mga mamamayan ng Pentabangan na ililikas muía sa imbakan ng Pantabangan Dam? SAGOT: Ang mga uri ng pagpapautang ay ang mga sumusunod: a) Pabahay (Housing Loan) b) Pangproyektong Pangkabuhayan (Pro­ ject) c) Panangkilik (Subsistence Loan) 3. Ito bang pagpapautang na ito sa mga resettlers o ililikas ay katulad ng pagpapautang ng mga ibang ahensiya na matatawag nating mga ahensiya na nagpapautang o mga “Loaning Agencies” gaya ng' GSIS, DBP at iba pa? SAGOT: Hindi po lubos na katulad. 4. Kung katulad ng pagpapautang ng mga “Loaning Agencies” ay anu-ano ang pagkakaiba ng pagpapautang na ito ng NIA sa mga resettlers? SAGOT: Sa dahilan na ang “Kolateral” o panagot sa nangungutang ay ang bahay na itatayo at ang lupang ipagkakaloob sa kanila. 5. Sa pagpapautang na ito ay mayroon po bang mga alituntuning sinusunod? Maaari bang ipaliwanag ninyo kung papaano ginawa ang mga alintuntuning tinutukoy at kung anu-ano ang mga naging batayan sa paggawa nito? SAGOT: Mayroong tiyak na alituntunin at patakaran na ating sinusunod: Ang alituntuning ito ay itínakda ng Tagapangasiwa (Administrator) ng Pambansang Pangasiwaan ng Patubig. Ang naging batayan nito ay ang pangkat 3 ng Pampanguluhang Kautusan Bilang 35 (Section 3 oí Presidential Decree No. 35) na naglalaan ng hindi hihigit sa dalawampung milyong piso upang ipautang sa mangagsisilikas muía sa imbakang Pantabangan, UPRP. 6. Samakatwid ay isa sa naging batayan o basis nito ay ang Presidential Decree No. 35. Anu-ano po ba ang mga tadhana nito na tuwirang may kinalaman sa pagpapau­ tang? Maaari po bang ipaliwanag ninyo sa kapakanan ng mga mambabasa kung ano ang nilalaman ng Section No. SAGOT: Ang pangkat 3 ng Pampanguluhang Kautusan Bilang 35 ay nagsasaad din na ang pag­ papautang ay pamamahalaan ng NIA at ang Tagapangasiwa ng NIA ay magtatakda at magpapatupad ng mga patakaran at alituntu­ nin sa pagpapautang. 7. Maaari po bang ipaliwanag din ninyo l ung sinusino ba sa mga resettlers ang maaaring bigyan ng nasabing mga pautang? Sa madaling salita, anu-ano ang mga “Qualifications” ng mga maaaring bigyan ng mga pau­ tang? SAGOT: Tanging ang mga ulo ng sambayanan na nakatira sa imbakan hanggang ika-31 ng Enero 1973 at ang mga naililikás sa Bagong l’amayanan. 8. Iyon po bang mga biyuda at mga ulila na sa mga magulang na tumatayong ulo o ama ng tahanan ay bibigyan din ba ng pautang? SAGOT: OPO 9. Ang mga samahan ay maaari rin bang umutang? Maaari bang sabihin ninyo ang mga qualification o katangian ng isang samahan upang makautang sa NIA SAGOT: Opo. Ang katangian ng isaig samahan ay dapat itínatag at nakatala ng naaayon sa mga alituntuning itinakda ng Pamahalaang local at Pagpapaunlad ng nayon at kinikilala ng NIA at binubuo ng mga tunay na naninirahan ay dapat ding makautang sang-ayon sa mga patakaran at alituntuning maaaring ipatupad ng Tagapangasiwa ng NIA. 10: Sa mga samahan at kooperatiba, gaano ba kalaki ang maaari nilang mautang o mahiram sa NIA? SAGOT: Hanggang sa mga panahong ito ay wala pang halagang itinakda ng 1 agapangasiwa ng NIA? 11. Kung sakali at ang mga taong umutang ay hin­ di makabayad. ano ang aksiyon na maaaring gawin ng SAGOT: Una, sisingilin ng Tanggapat ang nananagot at kung hindi pa makabayad ang nasabing nananagot; ang sangla ay ¡nagiging walang kabuluhan at ang tanggapan ay ipagbibili ang bahay ng naaayon sa batas. 12. Ang mga pautang na tinitukoy bi ay may "coliateral”? Ano ang magiging garantiya kung sakali? SAGOT: Ang lupang ipagkakaloob at sng bahay na itinayo ay siyang mga garantiya. 13. Papano po ba ang paraan ng pagbabayad ng mga resettlers sa kanilang pagkakautang? Kung itc ay hulugan, gaano naman katagal ang kanilang paghuhilog? (Sundan sa pahina 10) Agosto. 1973 DALOY PAHINA 9 SAGOT: Ang pagbabayad ay hulugan at tatagal ng 13 taon na dalawang beses isang taon o 26 na beses na paghuhulog. 14. Ito bang mga pautang na ¡to ay may interest? Kung hindi man ay maaari- bang ipaliwanag ninyo itong isang porsiyentong sinisingil sa paglilingkod? SAGOT: Ang pautang na ito ay walang iLterest. ngunit mayroong idaragdag na "service charge" Ang 1% service charge ay siyang kapalit ng halagang ginugol sa pamamahalaan. 15. Ito bang mauutang ng mga tao ay 'eash" o perang iyaabot sa kanila? SAGOT: Mayroong cash o pera at mayroong "in kind" o sa uri. 16. Wala ho bang pagkakataon na ang isang resettler ay makautang ng cash? SAGOT: Mayroong pagkakataon na makautang ng "cash” ang isang resettler. (1) para sa pagiging kaanib at pagsosyo sa kooperatiba na kinikilala ng NIÁ; (2) kung sa pabahay ña­ man ay; balik gugol o reimbursement method” Halimbawa, Pl,700.00 ang nagastos ng isang resettler bilang pasimula ng kanyang bahay o pagpapaayos ng kanyang lumang bahay, ang tanggapan ay magpapautang ng halaga ding iyon, Pl,700.00 sa resettler 17. Ang kabuuan ba ng mauutang ng bawa’t pamilya ng resettler ay pare-pareho ang halaga? Kung hindi man ay maaari ba ninyong ipaliwanag ang pagkakaibaiba ng halaga na maaari nilang utanginí SAGOT: Hindi pare-pareho ang halagang mauutang ng bawat pamilya ng resettler. a) Kung ang kabuuan ng tinanggap ng resettler sa NIA ay hindi hihigit sa P10.000.00, P10.000.00 ang pinakamalaking mauutang: b) P5.000.00 kung ang kabuuang halaga na tinangqap sa NIA ay humigit sa P30.000.00; k) Muía sa higit sa P5.000.00 at hindi aabot sa P10.000.00 kung ang tinanggap sa NIA ay higit sa P10,000.00 at kukulangin naman sa P30.000.00. 18. Sa pabahay o "housing loan" ay mayroon tayong "core house”, kung sakali at gusto ng mga resettlers na sila na ang magpagawa ng kanilang sariling bahay. ma­ aari po ba ito? SAGOT: Maaari 18. Kung ang ibig ng resettler ay ilipat na lamang ang kanilang lumang bahay, hindi maiiwasan na may ma(Sundan sa Pahina 11) Tumanggap ng ... (muía sa pahina /) lang sa 23 mga piling inhenyero buhat sa buong bansa na binigyan ng Katibayan ng Pagkilala ng "Board o f Civil Engineers”. Pagkatapos ng pasulong na pananaliksik at pag-aaral, bilang pagsasanay sa larangan ng inhenyeria, at karapatdapat na pagliling­ kod sa pagpapaunlad. ng propesyon ng inhenyero si­ bil. ang Katibayan ng Pag­ kilala ay iginawad sangNAGRASYON ANG DAR SA TAGA-PANTABANGAN Makikita sa larawan ang mga bagong li kas na taga-Par.tabangan samantaiang sila ay tumatanggap ng rasyong bigas buhat sa mga tauhan ng Department o' Agracian Reform (DAR). ayon sa sexsiyon ‘t. oaias Republika Bilang 544. Ayon sa Batas 544. ang "Board of Civil Engineers” ay nakapagbibigay ng Ka­ tibayan ng Paglilingkod sa mga natatanging inhenyero sibil na nagtatagumpay sa kani-kanilang larangan ng paglilingkod. Ang iba pang tumang­ gap ng Katibayan ng Pag­ kilala ay sina: (Highway Enginnering Award) Do­ mingo B. Astudillo, Democrito R. Briones, Amor C. Canidoza, José E. David, Nicholas A. Naval, Alfredo Z. Reyes. Romulo M. del Rosario, at Jaime E. Sarte. Civil Engineering Construction Award: Zacarías Baile, Quintín K. Calderón, Vicente B. Esguerra, Jr., Remigio W. Ortiz at Nar­ ciso S. Padilla, Jr. Hydraulic Engin e e r i n g Award: Cesar E. Gonzales at Godofredo N. Iglesia. Structural Engineering Award: Primo P. Alcántara, Herniogenes M. Carpió Jr. at Francisco M. Itlíong. Portworks Engineering Award: Florentino T. Aricheta. Gregorio O. Carillo at Paulino G. Lacap. Soil and Foundation En­ gineering Award: José Ma de Castro. Civil Engineering Educat on Award: Ernesto G. Tabejara.. Jr. PAHINA 10 DALOY Agosto, 1973 sisi'ra sa pagbabaklas nito. Maaari ba . -a kung ibig ng resettler na makompleto ang bahay ay makautang sa housing loan? Ito ba ay sa halagang P5.000.00 din katulad ng iba? SAGOT: Maaari siyang makautang ng "Housing Loans” sa halagang P5.000.00 kung siya ay tumanggap sa NIA bilang kabayaran ng lupa, halaman at bahay ng halagang hindi hihigit sa P10.000.00 at ayon sa uri he bahay na kanyang itatayo. 20. Kung sakali at ang isang resettler ay ayaw r.oong "core house” gusto niyang magpagawa ng kanilang sariling bahay ngunit wala siyang magagamit na pera, papaano ang dapat niyang gawin upang magkabahay? SAGOT: Siya ay dapat umanib sa kooperatiba na itinatag na kung tawagin ay NEW PANTABANGAN MULTI-PURPOSE COOPERATIVE, INC., at ito ay siyang maaaring magpautang muña sa kaniya ng mga mate­ riales o kasangkapan. 21. Kung sakali naman at walang-wala siyang pera na magamit sa paguumpisa ng kaniyang sariling bahay ay papaano siya magpapatayo ng kaniyang bahay? SAGOT: Una, maglahad ng plano ng bahay sa Tanggapan ng NIA, Pangalawa, pagtibayin ang "Housing Loan Application' at Pangatlo, gamitín ang aprobadong "Housing Loan Ap­ plication” bilang basihan sa paghanap ng mámumuhunan o financer. 22. Kung ang isang resettler ay ililipat na lamang sa kaniyang lumang bahay at kaniyang fplayan ang P5,000. housing loan upangmagamit sa negosyo, maaari po ba ito? SAGOT: Wala akong tiyak na sagot sa tanong na ito. Isasangguni ko ang bagay na ito sa aking hepe na si Engr. Carlos A. Sales. 23. Nabanggit ninyo na mayroong Project loan o pautang sa mga proyekto. j maaaring pagkakitaan, ma­ aari po bang ipaliwanag ninyo kung ano-ano ang nakapaloob dito? Ito ba ay materials din o cash? SAGOT: Ito ay materiales o mga bagay na kailangan sa Proyekto, ngunit walang cash na ipagkakaloob sa resettler, maliban lamang sa hala­ gang hindi hihigit sa P1,000.00 na ipagkakaloob niya sa kooperatiba pare sa pagiging kasali at sosyo sa kooperatiba. 24. Ang lahat ba ng resettler at maaaring umutang ng ganitong uri ng pautang? Kung hindi man. ay sinusino sa kanila ang maaaring mabigyan nito? SAGOT: Yaon lamang kaanib sa kooperatiba o samahang pang-nayon na itinatag ayon sa alituntunin ng kagawaran ng Pamahalaang lokal at kinikilala ng NIA at handa ang sambahayan na sila ang makakapangasiwa sa prc - yekto. 25. Magkano ba at gaano katagal anc pagbibigay nitong "project loan”? SAGOT: Hindi hihigit sa P3.000.00 at sa loot ng tatlong (3) taon muía sa petsa ng paglipat sa Bagong Pamayanan. 26. Kung ang resettler ay gustong magtayc ng poultry o piggery kaya, siya ba ay bibigyan ng mga baboy o manok na bilang kasama sa utang sa ilailm ng project loan? SAGOT: Opo. 27. Kung halimbawa’t pagkaraan na mi bigyan siya ng "project loan” ay biglang nangamatay ang kaniyang alaga, maaari pa rin ba siyang mabigyan uli? SAGOT: Opo, kung mayroon pang nalalabing salapi para sa kaniyang “project loan". 28. Sa “Subsistence Loan”, ito ba ay maaaring ap­ layan ng lahat ng pamilya ng resettler? Kung hindi man ay sino lamang ang maaaring umutang nito? SAGOT: Sang-ayon po sa tinanggap bilang kabaya­ ran ng lupa, bahay, at halaman muía sa NIA Ito ang batayan kung sila ay dapat pagkaluoban ng "Subsistence Loan”, at hiudi kumita ng higit sa P2,000.00 isang taon. Gabay ng ... (buhat sa pahina 2) magsabog ng alinman sa binabanggit sa itaas nito. 3. Kung may tungro, magbomba ng Gusatliion, Carbin 85-S o Sevin 85-3 sa dosis na ipinapayo pg pabricante. 9. PAG-AANI: a. Pakatihin ang tubig sa bukid 85 araw pagkara­ an ng paglilipat tanim. Sa panahong ito ay mahigpit na kailangan ng palay ang tubig; mana pa nga ay pagpatuyo nito ay makatutulong sa mabilis na paggulang ng mga butil. b. Sa ika-100 araw ng palay buhat sa paglilipat punía at mayroong ng 80% nito ay malinaw at matigas ang palay ay maaari nang anihin. 10. EKONOMIKO: a. lnaasahang ani sa pamaimaraang masagana 1. Tag-ulan a. May Patubig b. Tubig ulan 2. Mga gastos: 90 kaban/ha 70 kaban/ha P2.250.00 Gross 1,750.00 Gross a. Pataba, pamatay kulisap. pamuksang damo P300.00-400.0C b. Binhi, paghahanda ng bukid P300.00-400.00 k. Pagaani 300.00-400.00 KABUUANG GASTOS: 900.00-1200.00 3. lnaasahang tubo bawat ektarya. a. Gross b. Gastos c. Tubo Tag-ulan. may patubig Tnbig-ulan P2.250.00 1.050.00 1.200.00 Pl.750.00 950.00 800.00 Kailangan ng bansa ang marami pang palay. Madadagdagan ito sa pamamaraang Masagana. Sumali sa prograniang ito. Agosto, 1973 DALOY PAHINA 11 LUNTIANG PAGBABAGO (Green Revolution) Ang Sta. Cruz 4-H Club sa pamumuno ni fuliet Zapata ay matagumpay na nag~ani sa kanilang proyekto kaugnay ng Luntiang Pagbabago. Makikita sa larawan si Alfonso Zapata (taga-payo) na namimitas ng bunga ng talong kasama ang mga opisyales ng Sta Cruz 4-H Club sa ilalim ng pagsubaybay ni Gng. Tinio ng BAE. MAKA-BAGONG BAHAY PAMI LIHAN NG PANTABANGAN Ang modelo at makabagong bahay-pa milihan sa ginagatvang bagong bayan ng Pantabangan. - -------AAG BATAS AY G1AAWA UPANG ATIAG ISAGAWA Bagong bahay Paaraian sa bagong Pantabangan Natapos na ang gusali ng Mababang Paaraian ng Pantabangan sa ginagawang Bagong Pamayanan at nakapagsimula na ang klase noong Hulyo 30. ng mga b a t a n g nagsisipag-aral na nagbubuhat sa Baryo ng Malbang. Liberty at Villarica. Ang bagong Bahay Paaralan ay sinasabing isa sa pinakamaganda at makaba­ gong paaraian sa buong Nueva Ecija. Iyon ay mayroong anim na silid aralan para sa mga batang nagsi­ sipag-aral muía sa una at hanggang sa ika-anim na grado, na naninirahan sa mga Baryo ng Liberty. Villarica at Malbang. Ayon kay Engr. Romulo Márquez ng Dam División na siyang namahala at nangasiwa s a pagpapagawa ng paaraian. ay umabot sa walumpu at limang libong piso (P85.000.00) ang nagastos sa paaraian, kabilang na ang mga upuan. Mayroong 3 ektarya ang nasasakop ng bakuran at nabatid na isasaayos upang maníng laruan ng mga bata at taniman ng mga gulay at halaman. Magpapagawa rin ang Pambansang Pangasiwaan ng Patubig at ang Proyek­ to sa Hulo ng Ilog Pampanga ng dalawa pang gu­ sali ng paaraian para ña­ man sa Mataas na Paaralan. Malapit na ring matapos ang gusali ng Bahay Pamahalaan at ang gusali ng Pamilihang Bayan. Sinabi ni Engr. Márquez na hindi na magtatagal at ang kabuuan ng Bagong Pamayanan ay magkakaroon ng katuparan upang iukol sa mga taga-Pantabangan na magsisimula sa kanilang bagong pamumu- ■ hay. PAHINA 12 DALOY Agosto. 1973