Ang Pangngalan

Media

Part of Philippine Educator

Title
Ang Pangngalan
Creator
Zamora, Benigno
Language
Filipino
Year
1958
Subject
Pangngalan.
Nouns -- Study and teaching.
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
~- : • f / ,.._.'. - ',_·, ' . ' . A . . . . ... , ~c F~,...11,1 [)1 N:t'· ~ ! I ··~!.,: ~ ;~~ . ~-~ ·~--- I v ~ ... ~ • ~ '.' ' ... .(. ;!;, ' '." • ) ! -- ' ~ ';:. •" . . Ang Pangngalan SA pagbanggit ng tao, bagay, lunan, o pangyayari, ay kailangan ang ngalang maikakapit sa alin man sa mga· tinuran. Pangngalan ang itinataguri sa mga panawag na ito. Ang salitang pan~ngalan, na lalong may kaugnayan sa balarila kaysa alin mang pananalita, ay nitong mga huling panahon na lamang nalikha, kaalinsabay ng pantukO~', pandiwa, pang-uri, pangatnig, pang-abay, at iba pa, na siyang ginamit na katawagang pambalarila ~pang huwag nang manghiram sa mga wikang Kastila o Iilgles. Sa lathalang ito ay hincli hinahangad ng sumulat na masinsinang ipakilala ang lahat ng katangian ng pangngalan, sapagka't ang gawaing yao'y nauukol sa mataas na pag-aaral ng gramatikang pangkolehiyo, kundi yaon lamang mga sangkap na makatutulong sa madaling pagkabatid ng mga kapakanan nito sa pagbubuo ng pangungusap. May mga panawag na talagang likas na pangngalan, maging sa pag-iisa o sa pakikisama at ibang mga salita at di maipagkakamali sa iba pang mga bahagi ng panalita. Ang mga pangngalang ito ay maaaring nasa anyong payak (simple in form), inuulit (reduplicated), tambalan (compound) o maylapi (affixed). Ang payak ay hindi na kaBangang ipaliwanag pa, sapagka't sa sariling anyo ay agad mapagkikilala. Pangngalang payak ang sumusunod na mga salitang nakatitik na malinaw: 1. Sa uhaw ng tao'y malamig na tubig ang nakatitighaw; Lalim din ng tu big ang nakalulunod at nakamamatay. 2. Ang lakas ay hindi dapat gamiting sa pagsupil ng katwiran. 3. Ang pabayang ina at amang lagalag . Ay di susuplingan ng mabuting anak. Ang mga pangngalang inuulit, na bihirang matagpuan sa Ingles, ay madalas na napaggagamit sa Tagalog. Halimbawa'y ang. mga sumusunod: 1. Huwag padadala sa bali-balita At sa masasama't maling haka-haka; !yang kapusukang bunga ng hinala, Malimit na hangga'y ang pagkariwara. 2. Umisip tayo ng mga bagay-bagay na pakikiJANUARY, 1958 Ni Benigno Zamora nabangan. 3. Ang pagtitipid ay hindi makukuha sa sali-salita kundi sa tunay na gawa. Kung minsan ay clalawang salita ang pinagsasama upang makabuo ng isa11g pangngalan. Sa pagbubuong ito ay nabibigyan na halos bagong kahulugan ang elating salita. Ang paraang ito ay tinatawag na tambalan. Halimbawa: 1. Ang pag-asa niya'y ganap na naglaho sa isang kisap-rnata. 2. Ang mga gantimpalarlg ipi~~gkaloob sa mga manlalaro ay galing sa isang bahay-kalakal. :1. Ang buhay-Maynila ay nakaaakit sa mga tagalalawigan. Mai;ami ang mga pangngalang binubuo ng panlapi at salitang-ugat kaya't ang mga ito ang !along dapat pag-ukulan ng pansin sa pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangngalan. Ang mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pangngalan ay tinatawag na panlaping makangalan (nominal affixes). Dahil sa mga panlaping ito, ang nabuong pangngalan ay nabibigyan ng !along malawak na kahulugan kaysa inilalalin ng clatibg salita. Sa kapakanan ng mga mambabasang walang malaking pagkaunawa sa pagbubuo ng mga pangngalan, iipnaliliwanag dito ngayon ang tungkulin ng mga panlaping makangalan. AN o HAN Ang panlaping ito ay lagi nang ikinakabit sa hulihan ng salita. Sa sali tang pa yak : Ang baul ay taguan ng mga damit. Nag~ihintay ang mga pasahero sa hintuan ng trak. Pagdating ng anihan, panahon ng utangan. Sa salitang inuulit: Ingatan mo sana ang ating mga dala-dalahan at baka mawab. Nag-aaral ng pananahi ang anak-anakan nilang 1'>i Trining. PAGE 35 Tatlong pinagtungkong bato ang ginawang kalanlrnlanan nang si.Ja'y· magpiknik. Sa salitang. tamlJalan: Kung basag-uluhan clin lamang ang ipapanhik nin~·o rito sa bahay, malJuti pa'y maghiwa-hiwalay na ka~·o. Sa tuwing babanggitin ang utang ay ]aging buntunghiningahan ang naririnig sa magkak~patid. Ang tunay na mabuting pagsasamahan ay hindi Ligiw~ nab1tamo sa daupang-palad. Kung minsan, ang mga pangngalang may panlapi nang AN o HAN ay nararagdagan pa rin ng ganitong mga panlapi, kaya't nagiging ANAN o HANAN, halimbawa: Ga~·on na lamang ang sigawanan (galing sa salitang sigawan) ng mga tao nang manalo ang kanilang kandidato. Lalo raw. mahal ang mga bilihin ngayon, ang sabihanan ng- mga tao. Sa mga nagsusunong ng mabibigat na dalahin ay kailangan ang sununganan. IN o HIN Sa pag-bubuo ng pangngalan, ang panlaping ito a~· maaaring ilagay ::;a unahan, sa loob, o sa hulihan ng salitang nilalapian. May panlapi sa unah~n: Ang in11yat ;;\· kanmiwang isinasama sa pagkain ng suman. egali ng mgn Filipino ang maglJigay ng aginalclo sa l·::milang mga inaanak kung Pasko. Tigkakapi1·asong lupa ang ipinamana ng matanda sa kan~·~mg mga inapo. Ma:; panlapi sa loob ng salita: Ang kailangan ng hinata'y clangal; ang kailangan ng dalaga'y puri. Ang pinaksiw ay pagkaing lnsik. Kung kapos tayo ng lJigas, kumain tayo ng binatog. l\Ia» panlapi sa hulihan: S[no :mg panauhin ninyo noong Linggo '? Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas, na hindi nalalarnan ng mga tagaibang bansa. Ang kilawin ay isa sa mga naiibigan kong mga lutuing bahay. KA-AN o HAN Sa pagbubuo ng mga pangngalan may ganitong pang-mi, ang KA ay ikinakabit sa unahan ng salita, at ang AN o HAN ay sa hulihan. Kabilaan ang tawag sa balarila sa ganitong paglalapi. Pahirap nang pahirap ang kabuhayan ng mga Filipino. Sa kat'angyaan ay liangunguna ,na ang maraming matataas na pinuno ng pamahalaan na hindi nahihirapang kumita ng salapi. Hindi likas sa mga Pili pi no ang katamaran; manapa'y ang pagkabulagsak sa kabuhayan. MAG. Ang panlaping· ito, kung bagaman ginagamit sa pancliv\'a, ay may ibang kapakanan sa pagkapanlaping makangalan. Ang pagkakaibang ito ay mapagsisiya sa ayos. ng pagkagamit ng salita sa pangungusap. Nailalapi rin ito sa mga salitang may dati nang panlapi. Ang pagpapakahirap ng mag-asawa ay iniuukol sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Gumawa ng paraan ang magkapatid upang maip;;i.gamot ang inang may-sakit. Gaano na nga' ang kikitain ng isang magsasaka sa panahong ito '? MANG (MAM o MAN) Upang makabuo ng pangngalan sa tulong ng panlaping ito, ang salitang-ugat ay kailangang mag-ulit ng unang pantig. Totoong napakarami fla nating manggagari10t, at ang iba sa kanila'y nangingibangbanscr na tuloy. Ang manclurukot ang pinakaduwag at pinakamababang lipi ng mga magnanakaw. Tatlong baboy-ramo ang napatay ng mga mamamaril (mambabaril).