Tayotayoismo

Media

Part of The Republic

Title
Tayotayoismo
Language
Filipino
Year
1944
Subject
Public welfare.
Tayotayoismo.
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
ANG REPUBLIKA LUNES, NOBIEMBRE 13, 1944 WIKANGPANGBANSA I—|“Genou'ine”|TAYOTAYOISMO NILULUNASAN ANG TAGGUTOM SA MAYNILA, ANI GUINTO Masasabing napanuto ang pagrarasion ng mga pangunang kailangan ng dating NARIC at PRIMCO sa pamamagitan ng mga pinuno ng mga samahang pangkapitbahay. Lahat ng ma­ mamayan sa Maynila ay kasapi ng mga samahang ito, kaya bawa’t maganak ay tumatanggap noon ng kaukulang rasion. Nang matatag ang BIBA at NADISCO ay sinasabing nagsimula naman ang pagtatangitangi at kaguluhan. Halos ba­ wa’t kagawaran at kawanihan ng pamahalaan ay tuwirang kumuha at namahagi ng ra­ sion ukol sa kanikanyang mga pinuno’t kawani, at marami sa mga ito ang patuloy pa ring kumukuha ng rasion mula sa mga kinaaanibang MCCA. May ilang samahang pangpamahalaan na itinatag sa layong mangalap, humanap, magtipon at mamili ng mga pagkaing maipamamahagi sa bayan, sa pu­ hunan ng pamahalaan, na ang nabibili’t nakakalap ay halos - sapatsapat lamang na ipangrasion sa kanilang mga kawani at maliit na pulutong ng mga kaibigan. _ Bunga nito ay di kakaunting panahon, papel, panggatong at gawain ang nasasayang, na nangangahulugan ng dagdag na pagkaaksaya ng salapi ng gobierno at ng bayan. Bukod sa riyan ay lumilikha ito ng di kasiyahan ng madia, pagka’t nakikitang lagi nang “nauuna” at “mahusay” ang rasion ng mga taongpamahalaan. Yamang ang tanang mama­ mayan ay kaanib ng mga sa­ mahang pahgkapitbahay, at sa Maynila ay may sapi naman sa MCCA, naniniwala kaming dapat matiwala sa isang institusion at maalinsunod sa isang pamamaraan na la­ mang ang pagrarasion ng mga pangunang kailangan sa lahat, iya’y sa pamamagitan nga ng mga samahang pangkapitbahay. Ang labis na agap ng maraming tanggapan at pinuno ng pamahalaan, upang tuwirang makakuha at mabahagihan ng rasion ang kanikanilang mga tauhan, ay sadyang magaling para sa kanilang mga tauhan, nguni’t nakapipinsala sa bayan sa kabuuan, at bumubuhay sa isinusumpa at dapat nang itakwil na tayotayoismo sa pamahalaang pilipino. (30) Tiwala Si Laurel Sa Tibay Ng Asia Makapagtitiwala ang mga lahi sa Asia sa pangwakas na pagkatatag ng angkan ng mga bansa sa dakong ito ng daigdig na buklod ng matibay na pagkakapatiran, sinabi ng Pangulong Jose P. Laurel sa kanyang talumpati ukol sa ikasangtaon ng Magkakalakip ng Pahayag ng mga Bansa sa La­ long Malaking Silangang Asia na binigkas sa Malakanyang at ikinalat ng radio sa buong daigdig noong Lunes ng gabi. Ang nagkakaisa, malaya at masaganang Lalong Malaking Sila­ ngang Asia, ayon sa Pangulong (Nasa pahina 3 ang karugtong) P200.000 ANG PUHUNAN NG MCCA EXCHANGE INC. May puhunang P200.000, ang MCCA Exchange Inc., samahan sa pangangalakal na itinatag ng mga manadyer ng mga Samahan sa Pagtutulungan sa Maynila, ay nag­ halal ng kanyang lupon pamunuan noong Huebes. Ang nahalal ay sina: Mateo Herrera, pangulo at tagapangasiwang panglahat; Pe­ dro Casimiro, ingatyaman; Julio C. Poblete, kalihim; Ricardo H. Sevilla, Juan P. Juan, Guillermo Ronquillo, Gng. C. P. Syquia, Cris­ pin S. Gonzales, Lorenzo Onrubia at Enrique Rimando, mga kagaNAIIALAL ULI SI FDR Madaling tinalo ng Pangulong Franklin D. Roosevelt ang kan­ yang katunggali sa panguluhan ng Estados Unidos na si .Gobernador Thomas Dewey ng New York, sa halalan noong ika-7 ng Nobiem-" bre, ayon sa isang pahatid-kawad ng Domei. Ito ang ikaapat nang pagkakahalal kay Roosevelt, kaya siya’y magsisimula sa 16 na taong paninirahan sa Gusaling Puti. TIG PIO AT P12 DIN ANG NIYOG KAHIT MAY UTOS ANG ALKALDE; 20,000 SINAMSAM NG PULISIA Patuloy din ang halaga ng niyog sa Maynila sa P10 at P12 ang isa. Isang kinatawan ng Republic ang naglibot noong Biernes at Sabado sa ibaibang pamilihan ng Siudad, gayon din sa mga ilog na tinitigilan ng mga kasko ng niyog sa Tetuan, Divisoria at Reina Regente, at tumawad pa rin sa ilang kariton ng niyog na inilalako sa mga lansangan, at siya’y sinagot ng “Sa Laguna at Tayabas ka makabibili ng niyog na tig-P3”. Samantala, ipinatalastas ng City Hall noong Sabado na ang Konstabularia Metropolitana ay nakasamsam nang 20,000 niyog na ipi­ nagbibili nang mataas sa tatlong piso. Pagkasamsam, ang mga niJyog na ito ay ipinagbili ng pangi kat sa kabuhayan ng Pulisia sa halagang itinakda ng Gobernador Militar ng Maynila. Napansin na ang unang bisa ng ganitong hakbang ay hindi ang pagkamura ng niyog, kungdi ang biglang pagkawala ng niyog sa la­ hat ng panig ng Siudad. Noong Sabado at Linggo ay walang natagpuang nagtitinda ng niyog saan Upang masugpo ang labis na panghuhuthot sa niyog, ipinagutos ni Gobernador Militar Guinto na ang niyog ay ipagbili sa Maynila nang tig-P3 at bawa’t tao ay ma­ kabibili nang hanggang anim na niyog. Kasabay nito ay inatasan ni G. Guinto ang Pulisia na manmanan ang pamilihan ng niyog at samsamin ang lahat ng itinatangging ipagbili sa halagang kanyang itinakda. Sa loob ng dalawang araw, ang kinatawan ng Republika ay nabigo sa kanyang paglilibot upang bumili ng niyog na tig-P3. Kung hin­ di siya turingan nang tig-PIO at P12, ayon sa laki ng niyog, ay sinasabi ng may-ari na nabili na o hindi ipinagbibili. Ni ang mga tindahan ng MCCA ay walang tindang niyog, at ang mangilangilang mayroon ay ayaw ibigay sa P3, ■ pagka’t mataas umano ang kani­ lang puhunan. Nakita ng kinatawan ng Repu­ blic na ano mang utos sa pagpapababa ng halaga ng mga pangunang kailangan sa Siudad ay dapat sabayan ng totohanang pagpapatu­ pad, at kung hindi ay mananatiling utos lamang na nakasulat sa pa1500,000 Na Inilaan Ng Kapariz Sa Piling Kabataan Ng Bansa ito ng mga kabataan sa buong bansa ay ang pagkakaroon ng uring paligsahang panglahat sa pagpili ng mga namumukod na kabataang lalaki’t babai sa bawa’t lalawigan at siudad, na gagantingpalaan nang tig-Pl,000, gayon din ang pagpili pa ng mga karapatdapat na batang lalaki’t babaing pagaaralin sa Maynila, sa gugol ng Kapariz, sa loob ng apat na taon. Ang palatuntunan ng dakilang paligsahang ito ay naglalaan din naman ng mga gantingpalang sa(Nasa pahina 3 ang karugtong) Isang paligsahang pangbansa sa paghirang ng mga kabataang na­ mumukod sa katalinuhan, kalusugan at kakayahan sa mga gawaing bokasional ang itataguyod ng Ka­ pariz at pinaglaanan ng P500,000 ukol sa mga pagpapaaral, gantingpala at iba pang kailangang gugulin. Ang malawak na palatuntunan na naglalayon ng pagpapaunlad ng kabataang pilipino ay inihanda at iniharap ni Ministro Camilo Osias ng Pagtuturo na siya ring pangu­ long pangbansa ng Kapariz, at pinagtibay naman ng Pangulong Jo­ se P. Laurel. Ang malaking hala­ gang inilaan sa kilusang ito ay tu- AB AL A SI GNG. LAUREL tustusan ng P500.000 na handog ni SA PAGTULONG SA DUKHA Embahador Murata sa Republika | ng Pilipinas. Ang palatuntunang itinagubilin ni Ministro Osias na kapagtitibay pa lamang ay sumasaklaw sa isang malaking gawaing pangbansa na naglalayong “bungkalin ang diwang pangbansa at paunlarin ang ulirang kabataan—mga pilipinong tigib ng pagkamakabayan at puspos ng kabaitan” nang alinsunod sa huwarang buhay ni Rizal. Ipinalalagay na ang magdudulot fig malaking kasiglahan sa kilusang Hang araw na iniukol ni Gng. Jose P. Laurel at ng kanyang mga anak ang kanilang panahon sa mga gawain sa pagtulong sa mga mahihirap ,gaya ng paghahanda ng damit at pagkaing ipinagkaloob sa mga balo at ulila ng digma, sa mga hikahos at iba pang tangkilik ng mga samahan sa kawanggawa. Si Gng. Laurel ay tumulong sa mga kilusan ng Konseho ng Kababaihan, Kawanihan ng Kababaihan ng Kalibapi, at iba pang samahan ng mga babai sa Maynila. TALUMPATI NG PANGULO IN1HAYAG NI LAUREL ANG BALANGKAS NG NAGSASARILING BAGONG PILIPINAS (Karugtong ng talumpati ng Pangulong Jose P. Laurel na binigkas sa pagdiriwang sa kaarawan ng pagsasarili ng Pilipinas noonq ika-14 ng Oktubre) ______ Malapit na kaugnay ng produksiyon at pagtitipon ay ang sulira­ nin ng sasakyan. Tungkol dito ay nagkusa na naman ang Pamaha­ laan sa pamamagitan ng Kagawa­ ran ng Gawaing-bayan at Pahatiran, at nagtatag ng “Land and Maritime Transportation Com­ pany” o “Samahan ng Sasakyan sa Lupa at sa Dagat.” May mga sasakyan nang nagyayao’t dito sa Gitnang Luson at binabalak sa ka­ salukuyan ang pagpapalawak sa dakong hilaga at timog. Mangyari pa, ang isang pinanukalang kabuhayan ay maitataguyod lamang sa pamamagitan ng isang pamamaraan ng pagtatakda at pangangasiwa o kontrol na bu­ ong husay na isinasagawa at ligtas sa masasamang palakad. At sapagka’t ang Pamahalaan ay si­ yang kinakailangang mangasiwa at magpabisa sa pamamaraang yaon, ay nararapat na ang tauhan ng pamahalaan ay papagtaglayin ng isang mataas na uri ng kahusayan, kalinisang-loob at katapatan sa tungkulin, bukod pa ang karangalang-asal o moralidad ng mga naglilingkod sa bayan. Pinasimulan ko ang isang masaklaw at masinsinang paglilinis sa Pamaha­ laan, lalo na sa kanyang mga sa­ ngay na may tuwirang kaugnayan sa pagpapatupad ng mga pamalakad sa kontrol o pangangasiwa. Ang gawain tungod dito ay naging lalong madali sa pamamagitan ng pagkakaloob ng batasan ng mga kapangyarihang pangkagipitan sa Punong Tagapagpaganap at sa tu­ long na ibinibigay ng Kawanihan ng Pagsisiyasat na aking nilikha (Nasa pahina 3 ang karugtong) Ipinagtanggol ni Gobernador i Militar Leon G. Guinto ang kan­ yang pangasiwaan sa Maynila sa i pagsasabing “hindi ako natutulog” nang magsalita siya sa harap ng 300 punongnayon, pangulong pangI pook at patnubay ng mga sama| hang pangkapitbahay sa Tundo I i noong Martes ng hapon. ' “Nilulunasan ang kahirapan ng . i Maynila. Hindi ako papayag na; malupig tayo sa ating pakikidig- , ma sa gutom,” ang tahas na sabi ng Alkalde. “Ginawa ko at gina- 1 gawa ang lahat ng maaaring ga- I win. Iyan ang sanhi kung bakit ako’y nasa piling ninyo, at nagtitiis din ng gutom na katulad ninI yo sa sahod na f*500 isang buwan. Madali ang umiwas sa tungkulin j at magpayaman sa Buy and Sell, j nguni’t iyan ay hindi namin bina-1 lak kailan man.” Isang ultimatum ng Goberna­ dor Militar Guinto ang ipinadala sa mga pinuno ng mga himpilan ng Pulisia upang linisin ang mga tabingdaan at liwasan ng Siudad sa mga mesa ng pagkain, mesa ng sugalan at naglisaw na naglalako ng mga lumang kasangkapan. Ang pinuno ng Pulisiang hindi makagawa ng paglilinis sa takdang panahon ay papalitan at pipigilin sa tungkulin sa loob ng 15 araw. “Ang pagkain ng isang angaw na tao at kalahati sa Maynila,” ang patuloy ni Alkalde Guinto, “ay siyang tanging suliranin sa pag­ kain ng Republika. Sa mga la­ lawigan ay walang tagsalat o kri­ sis, at tumbalik sa dati, ang mga taga-lalawigan ay siyang mariwasa ngayon. Walang nagtitiis ng hirap kungdi tayong mga tagaMaynila.” Kanyang sinabi na ang Pangu­ long Laurel ay may malaking ma­ lasakit sa kapakanan ng bayang Maynila, kaya ang pamahalaang pangbansa ay siyang naguna sa paghanap ng mga kaukulang lunas. Sa pasimula ay itinatag ang Food Administration, sumunod ang BIBA, ang NADISCO at NAFERCO, nilikha ang Economic Police at mga MCCA, at nitong huli’y ang Ministerio ng mga Suliraning (Nasa pahina 3 ang karugtong) Sugpuin Ang Gulo Agarang pagsugpo sa mga pagI babangon at kaligaligan at mabiI gat na parusa sa mga dapat ma■ nagot ang ipinagutos ni Ministro Teofllo Sison ng mga Suliraning Pangloob, sa kanyang pahatidkawad sa lahat ng komisionado at gobernador ng mga purok na Mi­ litar sa Pilipinas. Si Ministro Sison ay siyang pu­ nong kinatawan ng Pangulo at inspektor heneral ng ley marcial, kaya nasa mga kamay niya ang mahalagang gawain sa pangangalaga ng kapayapaan at kaayusan sa buongi bansa . Ipinagunita ng Ministrong Pang­ loob na ang pagtataksil sa Repu­ blika ay lalapatan ng parusang kamatayan o pagkabilanggong habang buhay. “Ang sino mang tao, na may kautangang pagtatapat sa Repu­ blika ng Pilipinas, at hindi isang dayuhan,” ayon sa patalastas ni Ministro Sison, “na lumaban sa kanya o makisanib sa kanyang mga kaaway, tumulong at magbigayluwag sa kanila, ay magkakasala ng pagtataksil, at parurusahan nang pagkabilanggong habang buhay at magmumulta nang hindi hihigit sa 1*20,000.” HIRAMING KABAONG NA INIHANDA UKOL SA MGA MARALITA SA TUNDO May sarisaring kuento ukol sa mga taong naghanda ng sariling kabaong bago mamatay. Noong araw, ang lalong dukha ay nakatitiyak na magkakapantay ang kanyang mga paa sa loob ng isang kabaong. Ngayon ay hindi na, sapagkat kung paanong magugol ang mabuhay ay gayon din ang mamatay. Ang gastos lamang — isang karitelang gagamitin paglilibing ngayon ay higit pa buong gugol sa --------puneraria, trans- I-------„----- - portasion, mga korona at lupang I (Nasa pahir. “Handa Ako Sa Labanan,” Yamasita Si Heneral Tomoyuki Yamasita, ang tinatawag na “Tigre ng Malai” at mangdirigma ng Nipon na nagpasuko sa Singapor, ay siya ngayong bagong ktt. pinuno ng Hukbongkatihan sa Pilipinas. Si Bise-Almirante Densiti Okawauti na nagkaroon ng kabantugan sa mga labanan sa Sanghay ay siya namang bagong puno ng Hukbongdagat sa purok na ito ng digmaan. “Naparito ako upang lumaban”, ang unang bati ni Heneral Yama­ sita sa mga mamamahayag nang dumating siya nang linggong nagdaan na sakay ng isang aeroplano. Nagpamalas ang mabunying He­ neral ng paggiliw sa mga pilipino at sinabing nasa kanila ang kan­ yang “taimtim na pagtingin”, sai pagka’t “ipinasiya ng Amerika na ang Pilipinas ay maging larangan 1 ng digma at iumang ang bayan sa mga kapanganiban, samantaI lang ang Pilipinas ay babago pang nagsasarili.” Sa ganang kanya, ang mga pi­ lipino ay “para ko ring mga kababayan” at napansin niyang ang kagandahan hg kalikasan sa lupaing ito ay may malaking pagkakatulad sa mga katutubong kariktan ng Hapon. Sa mga unang araw ng digmaan sa Pasipiko noong 1942 ay mada­ ling napasuko ni Heneral Yama’ sita ang kuta ng Singapor na ipinagmamalaki ng Bretanya. Ang ’ bagong Ktt. Puno ng Hukbong­ katihan ng Hapon ay nagpahayag ■ ng pagasa sa mabisang pagta■ tanggol sa Leyte at sa ibang ba­ hagi ng Pilipinas. Nabatid din na si Teniente He> neral Yasutugi Tominaga ay si­ yang pinuno ng lakas sa himpa— pawid ng Hukbongkatihan ng Ha• pon sa Pilipinas. IPINADAKIP NI GUINTO SI EDITOR FAROLAN NITONG “REPUBLIC” Si Modesto Farolan, editor at tagapangasiwa ng Republic, ay ipi­ nadakip ni Gobernador Militar I Leon G. Guinto dahil sa editorial sa huling bilang ng tinurang lingguhan na may pamagat na “Ma| nila’s Food Situation” (Ang Ka­ lagayan ng Pagkain sa Maynila). Sa nabanggit na editorial ay binibigyang sala ang pamahalaan ng Maynila sa kasalukuyang taggutom na dinaranas ng isang angaw at kalahating mamamayan sa pangulonglungsod ng bansa. Si G. Farolan ay dinakip ng dalawang tiktik ng BI sa kanyang tanggapan sa Jai Alai noong Martes ng hapon, at siya’y inihatid sa tanggapan ng Gobernador Militar sa City Hall. Hindi siya iginapos ni “binembang” nguni’t hinagupit ng mahahayap ya pangungusap at mariing inalimura ni Gobernador Militar Guinto. Pagkaraan ng mahigit na isang oras ay pinahintulutan nang makauwi ang editor ng Republic. , Sa isang pulong sa Bagumbuhay na pinagsalitaan ni Alkalde Guinto nang hapon ding yaon ay kanyang tinuligsa si Editor Faro­ lan at ang Republic. “Si G. Fa­ rolan ay naging gobernador sa Ilokos Norte at isang linggo la­ mang ay hindi na malaman kung susuling sa kaliwa o sa kanan, kaya karakarakang nagbalik sa Maynila. At ngayon ay siya ang ating kritiko. Ipinadakip ko ang magaling na periodistang ito at yamang ngayon ay walang habeas corpus ay matitikman niya ang tindi sa tindi.” Nang tanungin ukol sa pagka(Nasa pahina 3 ang karugtong) pagbabaunan sa dating panahon. Ang isang mahirap na malagot sa mga araw na ito ay iniaallnla na lamang ng kabaong, 1*300 hang­ gang P500, at pagdating sa libingan ay inaalis sa ataul, at ibinabaon nang nakabalot ng ltimang banig o sako. Ang kabaong ay binabawi ng puneraria. Pagtugon sa ganitong kagipitan, ang nayong Sunog-Apog sa Bagumbuhay ay nagpahanda ng dalawang kabaong, isang pangmatan/»r— - ’tina 3 ang karugtong)