Pakinggan mo

Media

Part of Ilang-Ilang

Title
Pakinggan mo
Language
Tagalog
Year
1945
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
onga NILALAMAN 01gaJ-'On + PAKINGGAN MO Tula ni Dapit-Hapon MATUTUWA SIYA Kuwento ni Vice.nte G. C1·uz LAKAS NG PUSO Kuwento ni Jesus S. Esguerra BARUNG.BARONG NG ISANG DAKILA Kmvento ni M. B. Mabal1angloob LABI Kuwento ni Genoveva D. Edroza ANG TALA SA NAYON l(uwento ni Ernesto Rica.fort ANG MAY DUSANG PUSO Nobe/a ni I. Ed. Regalado SA KUKO NG MGA GANID Salnysay ·ni J. Santos Madlanubayan ANG "P APEL DE HAPON" Salaysay ni Lope [(. Santos PAMPAARALAN Pifalc ni Gng. A. F. Villam1C1Ja ANG DIGMAANG SUSUNOD Salaysay ni L. Magsarili ISANG "SAMA NG LOOB" NI RIZAL Salaysay ni Cirilo Bognot IBONG WALANG PUGAD Tulambuhay ni I. Ed. Regalado SA PAKPAK NG NOBYEMBRE Tulrt ni R•1ben Vegn TULANG P AMBAT A Ni Jose Katindig MGA SALIT ANG ·MAGKAKASINGKAHULUGAN KATATAWANAN PANGHULING TALATA HilIGO ED. REGALADO Patnugot ~lan~J-~lang MARIANO JACINTO Tagapaglathala GF.MILIANO PINEDA 1'1111ong Manumtlat Ligaya't Aliw ng Labat og Tahanan BONIFACIO LIMBO Tagapanga.~iwa ng Anunsiyo Pa.sulatan at T ang.~apan: 40 Santame.sa, M aynila TAON I NOBYEMBRE 10, 1945 BLG.4 -· ..... ..--------------~-------·--------...-.....-..~ .... I l Pakinggan Mo ... Isang batang di pa halos marunong na magsalitfr ang kalong ng kanyang lolong sa ap6 ay tuwang-tuwll, bawa't bagay na makita, ang bata ay may usisa, bawa't tan6ng naman nit6'y sinasag6t ng matanda. Itinurii ang bulaklak. Anang lolo: "lyan, amang, ay bulaklak na mabang6 ng mabulas na halaman. habang di pa nalalanta ay may-ganda at may-kulay, nguni't kapag nalu6y na'y pamparumi sa bakuran." Ang ibon ay itinurb. "lyan, anya'y isang ibon, umaalis kung umaga, nagbabalik kapag hapon, habang siya ay may pakpak, pati langit, hinahamon, nguni't kapii.g nalugas na'y sa lupil rin humahant6ng." Itinuro'y punung-kahoy. "Punung-kahoy iyan, anak, sa alaga ng may-ari ay may bungang napipitas, may lilim sa napapagod at may dagtang silbing-lunas, nguni't kapag hu.mapay na'y tatal lamang na paningas." Itinuri> nama'y yagit. "lya'y yagit, yagit lamang, pampasukal pamparumi sa lahat ng karoonan; nguni't iyan, aking bunso, mahalaga no6ng araw, nang mapawi na ang ganda, tinitisod, niluluray." At ang bata ay tumigil. Ang matanda'y nagpatuloy: "Kaya ngil ha, buns6ng giliw, tandaan mo buhat ngay6n, maaaring bawa't isa'y gintong lantay ng panah6n, pagdating ng takdang guhit, isang hamak na panap6n." Nagpatuloy pa rin siya: "Habang tayo ay may-lakas, simpanin ang bawa't bagay at tipirin pati oras, · kung halaman tayo ngay6n, dupong na lang tayo bukas, ang bulaklak, maganda lang habang hindi nalulugas." Ang matanda naman ngay6n ang nagturb sa orasan. "Pakinggii.n mo, aking bunso, ang tik-tak na banay-banay, iya'y rel6s ng panah6n at pintig ng ating buhay, yumayaong walang balik bawa't tik-tak na magdaan." "Bata ka pa hangga ngay6n, nguni't bukas-makalawa tao ka nang may panimdim, may tungkulin at panata, bawa't saglit na magdaan kapag iy6ng inaksaya parang gintong itiilapon sa libingan ng pag-asa." DAPIT-HAPON