Ang kamay ng Diyos
Media
Part of Ilang-Ilang
- Title
- Ang kamay ng Diyos
- Language
- Tagalog
- Fulltext
- Maging Si Mascardo Ay Napapaniwala Ni Marta Na Siya Nga Si Estrellang Nagbangon Mula Sa Kinalibingan -XXVUMAGANG-UMAGA. Samantalang abalang-abala sa pagbabalitaan aug maraming kapalagayang-loob ng mga Magsalin sa hindi nila maubus-isiping pagkabuhay na pamuli ni Estrella Madrid. ang namamatay-galak na si Marta Makairog ay pangiting nakaharap sa malaking salamin ng kanyang tokador. Binubulaybulay ang Iahat ng pangyayaring kanyang nasaksihan sa mga dinaluhang nite club. Nagunita niya ang pagbati ng ilang maharlikang babae at matitikas na Ialaki ng lipUDan, na ginanti naman niya nang bahagyang yuko ng ulo at ngiting pinamilaylay sa kanyarig mga labi. -Talagang paniwalang-paniwala silll-ang naibulong sa sarili ni Marta,.:.....na ako nga si Estrella Madrid na asawa ni Dr.. Medel Magsalin. Parang baliw na humalakhak si Marta sa harap ng salamin. -Mga hibang ! ! !-ang naibuntot pa sa kanyang halakhak.-Darating ang araw na maisasakatuparan na ng kahabag-habag na manggagamot ang kanyang paghihiganti sa tunay na salarin. Walang salang ang pagkabuhay ng kagandahang ito ni Estrella Madrid, na nakuhang mailagay sa akin ni Magsalin, ay siyang bitag na kahuhulugan ng walang pusong salarin. Binuksan ni Marta Makairog ang kanyang bag na nakapatong sa tokador. Inilabas ang "sigarette case" at kumuha ng Lsang sigarilyo at inilagay sa bibig, saka nagkiskis ng P<>sPoro at sinindihan. Hinitit at pinailanlang pagkatapos ang usok. Muntik na siyang masamid sa pangalawang paghitit at pagpapalabas ng usok sa ilong. -Ang paninigarilyo lamang ang siyang kulang na kulang pa sa akin-ang bulong sa sarili ni Marta,-upang ganap na maging si Estrella Madrid na ako. Gayunma'y gasino nang pag-aralan ang bagay na ito. Sa dalawa pang maghapon ay matututuhan kong ganap ang paraang ginagawa ni Estrella sa paninigarilyo. Nang muling magpailanlang ng usok si Marta ay biglang-biglang sumagi sa kanyang dilidili ang mukha ng Lsang lalaking pangahas na bumati sa kanya sa El Cairo nang mga sandaling papasakay na Iamang sila ni Rosendo sa run-about. Buhay na buhay na nagbalik sa kanyang pandinig ang sinabi ng naturang lalaki: "Salamat at buhay ka pala. Akala ko'y tuluyang tinakasan ka ng hininga. May isang linggo lamang ako ngayon sa Maynila. Namalagi ako sa Hongkong nang mahigit sa santaong singkad. Nana' Kamukhang-kamukha st Marta ni Estrella, matapos sumailalim sa operasyong ginawa ni Dr. Medel. 6 nalig akong buhay pa sa iyong puso ang ating kahapon. Sinasabil ng aking kaluluwang patatawarin mo ang aking mga kasalanan!' Nagunita rin ni Marta Makairog ang kanyang isinagot sa naturang lalaki: "Wala kang nagagawang kasalanan sa akin. Maaari ko bang malimot ang kahapong yaon?" Isa pa uling halakhak ang narinig sa mga labi ni Marta Makairog pagdating sa bahaging ito ng kanyang pagdidilidili. Nang mga sandaling yaan sa harap ng salamin ay saka niya nagunita ang kahihiyang gumapang sa kanyang inukha. Nahiya siya, sapagka't ni sa guniguni'y hindi n1YR nakikilala ang lalaking tinugon niya nang nauukol sa "kaha.Pong'' binanggit. . -Talagang isa akong mabuting artista-ang nabigkas ni Marta sa wakas ng kanyang pagdidilidili.Naniniwala akong hindi nahalata ng nasabing lalaki ang aking pagkukunwari. Sino kayang matikas na lalaki ang bums.ting yaon sa akin? Biglang naipitlag ni Marta Makairog ang kanyang kan~ kamay. Paano'y parang naramdaman niya ang nakapapasong daliri ng naturang lalaking inihawak sa kanyang bisig nang alalayan siyang pumasok sa awtong sinakyan nlia ni Rosendo. -Kataka-takll-ang muling naibulong sa sarili ng dalaga.-At anong kahapon kaya ang ibi11: niyang sabihin. . . saka anong kasalanan ang inihihingi niya ng tawad? Biglang nanlaki ang mga mata ni Marta Makairog. Nagunita niya ang aklat na kinapapalamnan ng talambuhay ni Dr. Magsalin. Sinapantaha niyang maaaring ang bumati sa kanyang lalaki'y may malaking kinalaman sa kamatayan ni Estrella Madrid. Mga NAGSISIGANAP SA "ANG KA.MAY NG DIYOS" Marta ···········-··· CARMEN ROSALES Estrella/ ....... -.. ~ '' " Medel ····-····- LEOPOT.DO SALCF.DO M"scardo '"·-··· GERAYlDO DE 'LEON N A?' 1ado ·······-··· ROBERTO ROSAT,ES 1 a ···········-··-··-······· Teresita Martinez Elena ···-··-··-··-·······• Ro.sre LOTenza:nr Rosendo ···············-······· Osear Frasenda 't:a.rio .... , .. ····-······-··•··--·· Bert Olivas fl-On Alfonso ···-··· .Jose Luz Bemard<> D'iia l"el!!:..'..1ad .... Candida Valderama DireksiyOlll ni EDDIE ROMERO Produksiyon nir Sampaguita Pictures, Int;. _ ISJNAS!AIPELIKULA NA NGl\iYON I ILANG-ILANG Napatid ang pagninilay-nilay ni Ma~ta dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto na kanyang narinig. Walang anu-ano'y humahangos n't pumasok si Ursula at nangangatal ang mga labing nagsalita: -Hinahanap kayo ni ispektor Mascardo. • Sinabi kong wala kayo... nguni't nagpupumilit na buksan ko raw ang pinto at magsisiyasat siya sa bahay. Kung di ko raw bubuksan ay mapipilitan siyang wasakin ang pintuan. Matagal na sandaling si Marta'y nag-isip-isip. Gayunma'y hindi siya nasiraan ng loob. Hinitit ang sigarilyong bago pa lamang kasisindi. Pinalabas ang usok · sa ilong, saka ... -Papasukin mo ang dimonyong tiktik na iyan-ang wika ni Martang sabay sa pagtayo sa luklukang nakapaharap sa tokador. Umalis ang utusan sa silid. Hindi naglipat-sandali at narinig niya ang lagutok ng sapatos ni ispektor Mascardo. Ang tagibang na kalatog sa tabla ng takong ng sapatos ay siyang maliwanag na palatandaan na ~asa malaking bulwgan na ang dalubhasang sekreta. Pinuno muna ng hangin ni Marta ang kanyang dibdib, at sabay sa pagpapabulalas ng isang buntung-hininga ay binuksan ang pinto ng kanyang silid upang harapin ang kinayayamutang panauhin. Nanlaki sa pagkamangha ang mga mata ni ispektor Mascardo. Matagal, matagal niyang minalasmalas ang kagandahang bumulaga sa kanyang paningin, saka pamanghang nalaglag sa kanyang mga labi: -Estrella Madrid! -Oo-ang walang kagatul-gatol na sagot ni Marta Makairog, -ako'y si Estrella Madrid. Ano ang ~ipaglilingkod ko sa inyo? Ikinurap-kurap ng dalubhasang tiktik ang kanyang mga mata. Banay-banay na lumapit sa nakatayong babae, na ipinalagay niyang isang malikmatang nagkatawang tao. Sinuring mabuti ng k.anyang mga paningin kung ang babaing kaharap ay nababalatkayuan lamang. Hindi nagsisinungaling ang kanyang mga mata: si Estrella Madrid nga ang kany-ang kaharap. Akala ni Mascardo nang mga sandaling yao'y sapupo siya ng isang magdarayang panaginip. Inangat ni Mascardo ang kanyang kanang kamay at sinalat ang kaliwang pisngi ng babaing mumamalikmata sa kanya. Ang manipis na balat ng kanyang mga daliri'y siyang nagpatunay, na hindi nababalatkayuan ang nilikhang nangungusap na kagandahan ng asawa ni Dr. Medel Magsalin. Pinabayaan ni Marta ang lahat ng ibig gawin ni Mascardo, patina ang ginawang pagsalat sa tulis ng kanyang matangos na Uong, hanggang sa ... -Ano ang ibig sabihin ng kapangahasang inyong ginagawa ?OKTUBRE 12, 1947 Dugtong ni NEMESIO E. CARA V ANA ang sa wakas ay naitanong ni na ito si Estrella Madrid, upang Marta. •pagkatapos, ikaw na sumaksi at -Tunay pala ang tinanggap naglubog sa akin ay si:v,ang sumikong balita: nabuhay si Estrella gaw, na hindi ako ang kriminal Madrid!-ang nagugulumihanang na pumatay sa aking asawa." wika ng tiktik.-Nguni't paano -Nasaan si Marta Makairog? makababangon sa Halim ng lupa -ang sa di-kawasa at kung sa ang katawang bangkay na sa anong dahila'y naitanong ni Masaking palagay ay tunaw nang ma- cardo. laon? Isang matunog na halakhak ang -Ang katarungan ang siyang namut:iwi sa ~ga labi ng nagp.abumuhay sa akin-ang- wikang panggap na s1 Estrella Madrid, buung-buo ang tinig ni Marta,- at.·· . . . . upang isigaw sa harap ng mga -Itm3:go ko s1y~ ... upang ~a alag!id ng batas ang isang katoto- mga hu~!ng _sa;ndah n~ pa.g-:_uus1g hanan, na hindi salarin si Dr. Me- sa s_alan Y s~yang magmg pangudel Magsalin. Darating ang araw nahmg saks1. na ihaharap ko sa iyo ang tunay -Kung gayo'y bakit hindi mo na salaring umutang ng isang bu- ipagtapat sa akin kung sino ang hay. salarin?-ang tahasang amuki ni Gulung-gulo ang isip ni Mascardo. Nang mga sandaling yao'y nagunita niya ang ginawang pagdakip kay Dr. Medel Magsalin. Ang mga katagang binigkas nito habang nilalagyan niya ng posas ang mga kamay: "Kung binigyan ninyo ako ng pagkakataong maiturok man lamang ang huling inyeksiyon kay Estrella, sana'y mabubuhay siya at tataya sa harap ng maykapangyarihan upang isigaw ang tunay na salarin." Nagunita rin naman ni Mascardo ang tahasang sinabi ni Dr. Medel Magsalin, matapas na igawad dito ang hatol na kamatayan ng mababang hukuman, na: "Darating ang araw na papagbabalik.in ko sa daigdig Mascardo sa kaharap. -Para kang hindi dalubhasang tiktik-ang paiwas na hacllang ni Marta Makairog.~Huwag nating bulabugin ang mailap na ibon. Nasa mga kamay ko ang silong huhuli sa kanya. Wala kang nararapat gawin kundi. .. gampanan na lamang ang pagdakip sa mga huling sandali. Natubiga'1 at ginapangan ng kahihiyan ang dalubhasang ispektor. -Tila magiging maliit akong lubha sa tungkuling ibig mong ipaganap sa akin ?-ang madalang na nabigkas ng t_iktik. • -Nagkakamali ka--tUgong nakangiti ni Marta. -Nguni't ... hintay pal~ng nabigkas ng tiktik nang biglang may gumuhit sa kanyang isipang is:ing mahalagang bagay .-Paanong nalaman ninyong isa akong alagad ng batas? -Ha-ha-ha-ha-ha!-ang milbulalas ni Marta.-May maililingid ba sa isang k.Rluluwang nag balik sa Iupa upang umusig ng isang salarin? Walang maaaring ilihim sa akin. Lalo nang namangha at nagtaka si Mascardo. Ibig-ibig na 1.iyang maniwalang ganap na si Estrella Madrid na nga ang kanyang kaharap, na pinabalik ng mga Kamay ng Diyos sa lupa upang alisan ng piring an~ nakapikit na katarungang humatol kay Dr. Medel Magsalin. Gayon ma'y natatangay pa rin siya ng bahid ng pag-aalinlangan na ang babaing kaharap ay hindi siyang tunay na si Estrella Madrid, kundi isang likhang-sining na gawa ng isang dalubhasang kamay. Tila inasisiraan ng bait ang matunog na tiktik. -Utang na loob-ang sa wakas ay nasabing may-himig pakiusap ni Mascardo,-maaari bang malaman ko kung nasaan si Dr. Medel. Magsalin? . . ' Umiling-iling na nakangiti si Marta Makairog, saka ... -Bayaan mong masarili ko na lamang ang kanyang kinaroroonan-ang tugon ni Marta.-Magkikita rin kayo sa sandaling hinihingi na ng pangyayari. Wala akong maipakikiusap sa iyo, kundi tantanan mo na ang pag-uusig sa. aking asawa. Tahasan kong masasabi sa iyo na wala siyang ka-. salanan . . . hindi siya salarin na katulad ng pagpat>alagay ng mga alagad ng. batas at ng hukumang humatol sa kanya. Darating ang araw, uulitin ko sa iyo: maaalisan ng piring ang bulag na mata ng · katarungang nagparusa kay Dr. Isanp- !!!ahiwal!"amr lalaki ang. na tu top sa tahanan ni Dr. Medel. Medel Magsalin. Halos matunaw sa harap ni Marta Makairog si Mascardo. AYwan ba't parang nawawalan ng lakas ang kanyang buong katawan sa mga pangungusap na · binitiwan ng ipinalalagay niyang si Estrella Madrid. Nang mga sandaling yao'y naniniwala siyang nagbangon sa libingan ang isang pataY at nagsasalita ng katotohanan. Halos masisi ng batikang tiktik ang kanyang sarili sa ginawang pagdiriin kay Dr. Magsalin sa harap ng hukumang lumitis. -Isinusumpa ko sa iyo, Estrella Madrid, na tutulong ako sa iyo upang malutas ang mahiwagang usaping · ito. Susundin ko ang iyong tagubilin, na tantanan ang pag-uusig sa mariggagamot na tumakas ' sa bilangguan. Subali't araw-araw na ginawa ng Diyos ay dadalaw ako sa iyo upang magbaka-sakaling mllbigyan ako ng himaton sa madaling ikadarakip ng kriminal nl\ pumaslang sa iyong kamahalan. -Hindi na kailangan, ispektor Mascardo-ang matatag na pa(Nasa 'Jl(lh. 25 ang karugrong) 7 Si Bb. Edita Sumantay, taga San Mr.nuel, San Juan del Monte, Rizal, ay mahilig sa pag-awit at nagnanais mag-artista. Siya'y nag-aaral sa Jose Rizal College. ANG KAMBAL ••• (Karugtong ng nasa pall., 21) Huminga l_lang bahagya si Aba. Muling tinapunan ng panakaw na sulyap ang paraluman ng Arayat, saka ... -Kung ipinahihintulot ng iyong karilagan ay nakahanda akong itaya ang aking buhay sa mga sandaling ito. Tumalikod si AM. Inihakbang ang mga paang patungo sa palatandaang dapat niyang tayuan. Kumilos na rin si Ban. Ang matandang · duwende at ang hari'y pumagitna sa isling panig. Walang kaimik-imik si Maganda. Wari'y namamalikmata sa mga nangyayari. Nguni't nang handa na ang lahat at halos pasisimullin na lamang ng hari ng mga duwende ang pagbibigay ng kanyang hudyat ay biglang tumili si Maganda: .. -Mga duwag! Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay sa isang bagay na walling kabuluhan. Hindi ko pahihintulutan na ang. buhangin ng dalampasigan ng salaming lawa ay malahiran ng inyong mga dugo. Parurusahan kayo ni Sinukuan sa sandaling pawalan ninyo ang mga palaso. Igalang ninyo ang araw na ito. Ito ang aking kaarawlin. Ayokong ANG KAMA Y NG ••• (Karugtong ng nasa ipah. 7) ngungusap na namutawi sa mga labi ni Marta Makairog.-Sa sandaling kakailanganin kita ay ako na ang tatawag sa iyo sa telepono o kung dili kaya'y pagsasadyain kita sa iyong tanggapan o sa tyong tahanan. Ipinangangako ko sa iyong sa loob lamang ng dalawang linggo ay mahuhulog na :sa mga kamay mo ang pusakal na kriminal na pumatay kay Estrella Madrid, na, -Sa talaga ng Kamay ng Diyos, ay nabuhay na muli, upang lisigaw sa harap ng mgs: alagact ng lbatas ang taong pumatay sa kanya. Umalis na uulik-ulik sl ispektor Mascardo. Hindi niya maubusisipin ang nakita sa tahanan ni Marta Makairog. Nahati ang kanyang paniniwala at nagtalo ang sariling pag-iisip kung kriminal nga o hindi si Dr. Medel Magsalin: ibinubulong ng kanyang damdarr;ing hindi salarin ang manggagamot, ang malaking l,>ahagi ng kanyang paniniwala ay nagsasa, litang hindi kriminal ang asawa ni Estrella Madrid. Luluksu-luksong lumabas sa silid ang kubang si Rosendo at nagagalak na hinarap si Marta Makairog. -Isa kang mahusay na artista, Marta-ang nasabi ng kubang si Rosendo.-Maipagpatuloy mo kaya at magampanang buong linis ang papel na iyong hawak hanggling sa mahulog sa iyong bitag ang salaring umutang ng buhay ni Estrella Madrid? -Ang · mahalagang gantimpalang kagandahan na ibinigay sa akin ni Dr. Medel Magsalin ay sapat na upang pag-ibayuhin ko ang ' aking talino sa pagganap p.g maselang papel na ipinatutungkol niya sa akin. -Mabuhay si Marta Makairog! -ang sa laki ng galak ay nasabi ng kubang si Rosendo. 1 -Sittt! ! !-ang sansala ni Marta sa kuba.-Huwag mo akong tawagin sa aking pangalan. Mula ngayo'y tatawagin mo akong si Estrella Madrid na asawa ni Dr. Medel Magsalin. Kagabi sa El Cairo ay muntik nang madulas ang iyong dila. Makalawa mo akong tinawag na Marta. Piniral sa taynga ng nagl1galak na si Marta ang kinatutuwaan niyang si Rosendo, at ... -Maging sa loob at labas ng tahanan ay tatawagin mo akong senyorita Estrella, ha? may magharing ligalig sa banal -Opo, senyorita Estrella, espona araw na ito. Huminahon ka- sa ni senyorito, doktor, Medel Magsalin. yo. . . huminahon kayo ..• Kinalas ni Aba ang nakabinit na palaso sa bagting ng kanyang pana. Naramdaman ni Ban ang panlalamig ng kanyang damdamin. Mabilis na lumapit ang anak (Nasa pah. 41 ang karugtong) OKTUBRE 12, 1947 Natapos ang pag-uusap ng dalawa sa matutunog na halakhak ni Marta Makairog na lilindi-lindi ang katawang pumasok sa kanyang silid upang sanayin na naman at pag-aralan ang paraan ng paninigarilyo ni Estrella Madrid. (Dllrugtungan) E\NGPUSO NG KANYANG PUSO Nobela ni Cirio Galvez Alma.rio Ito'y isang magandang kasaysayan ng buhay sa pagibig ng isang marilag at mabait na dalagang-bukid. Malinis siya at mapagtiwala, at ang mga unang patak no· luha'y nakilala niya nang matuto siyang magmahal at magtiwala sa isang walang pusong lalaki. N apariwara ang kanyang mag an dang pag-asa. N guni't ang lahat ng kasawiang dinanas niya'y naging parang hamon lamang sa kanyang palad, na pagkatapos niyang nang buong pagtitiis at tibay ng loob, ay ginantimpalaan din siya ng magandang buhay. ANG NOBELANG ITO'Y MALALATHALA NG BUO SA ALIW AN BLG. 113 NA LALABAS SA OKTUBRE 20; 1947. MAGPALAAN KAYO NG INYONG M1 GA SIPI An CJ ALIWAN ay inilalathala tuwing Lunes ng PALIMBAGANG TAGUMPAY 1055 Calero, l\Iaynila MGA ORASANG / ~llf'?A:: AT /BA PANG ORASANG YARI SA SUIZA KATANGITANGI SA 1 8ABA NG llALAGA. ANG LAHAT N6 ~~6fot1'1:1%f&rAN/ PAKYAWAN A/. TIN61AN •MAflYIJON6 PAlV8Hll5Afl6 7AGAfA(IKllMPUNI NG H6A OIAJAN. GRUEN CUJrVEX LIEl/TENAN T 17 JEWELS 25