Tilamsik
Media
Part of Ilang-Ilang
- Title
- Tilamsik
- Language
- Tagalog
- Fulltext
- " A\NO ang dahilan kung bakit dito sa bayan ninyo'y mqa taga-ibang -fl.tupa ang nagsisiyaman at -kayong mga Pilipino, karamiha'y nangakatunganga lamang?" Nagugunita nc.ming minsan ay iyan ang naitanong ng isang banyagang mapagmasid na napadalaw dito sa Maynila. 'Ang napapansin ko'y mga dayuhan ang dito'y nagtatamasa at kayo'y siyang nagtitiis at naghihirap"-ang dugtong pa ng nasabing banyaga. Nakapagtataka nga!-ang tanging namutawi sa bibig ng ilan na ang mga bagang ay pinapagtitiim. * * • Noong araw ay nasasabi-sabi nating mga Pilipino na oras na tayo'y Zumaya, ang mga tq,ga-ibang lupan(J naninipsip ng ating dugo ay sapilitang magbabalot at ang lahat ay mahuhulog na sa ating kamay. Wika natin noon ay nakapaiibabaw sa Pilipinas ang mga dayuhan sapagka't sila'y ipinagsasanggalang ng isang kapangyarihang sa ati'y nakasasakop. · Ku11tJ1 kaya nga't umasaasa tayong pagdating ng pinakahihintay na oras ay tayo na ang makapaiibabaw. • • • Nguni't ... Natutupad kaya ang pag-asa nating ito? Isa na tayong bayang malaya. Ang pamahalaan nati'y ganap nang nagsasarili. Gayunman, ang karamihan ng batis ng kayamanang nakakadluan sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay patuloy na nasa kamay ng mga dayuhan. Sila- pa rin ang nagpapasasa hangga ngayon. Bakit? * • • Tayong mga pilipino ay lipi ng mga taong 100% ang pagiging makabayan. • Hibang na hibang tayo sa pangangarap' ng ukol sa pag-ibig sa ating tinubuang lupa. Sa bagay na iya'y hindi tayo maaaring pintasan. Ang masama, ang napakasama sa atin, ay iyang pinagkahiratihang panganganino natin sa mga banyaga. Higit na mahalaga sila kaysa atin. • • • Kaya ... Kung kapuri-puri ang pagmamahal natin sa bayang tinubuan ay kakutya-kutya naman ang pagkakilala sa atin ukol sa pagsasakit na nahihinggil sa mga bagay na pangkabuhayan. Ang pagtatangkilikan ay waring hindi natin nakikilala. · Kung nakikilala man ay tanging sa salita, hindi natin isinasagawa. · Jyan ang sanhi kung ano't samantalang lum'1lago ang mga tindahan ng dayuhan, ang tindahan ng mga kababayan natin ay nanlulupaypay. Anupa't sa kamay ng iba nahuhulog ang ating salapi! • • * Ngayon tayo'y isa nang bayang malaya at nagsasarili ay tila karampatang pangalagaan ang mga kapakanan natin hinggil sa ating kabuhayan. Ang halaga ng salapi ngayon ay bumibigat. "Mahirap na ang pera"-wika nga ng iba riyan. Kung ibibigay natin ng ibtbigay sa mga taga-ibang lupa ang ating salapi, ang mangyayari'y panay na papalabas. Walang katumbas na papasok. Kapag iya'y namalagi, tayo, tayong mga pilipino at di iba ang siyang magpapasan ng hirap. Hindi sila. Sila'y nagpapasasa at tayo'y pinagtatawanan. * * * Sa aming akala ay dumating na ang panahon upang makilala 26 natin ang diwa ng tunay na pagtatangkilikan. Iwaksi na natin ang ugaling tila nalawayan ng mga taga-ibang lupa. Sa tuwing may-kailangan ay sa kanila tayo nagsisiksik. Sila nang sila ang ating dinudulugan. -Ito rin ?narahil ang sanhi kung bakit ang mga may tindahang banyaga ay madalas pang "suplado" sa pakikitungo sa mga tagaritong nagsisipamili. Tumawad ka at sisigawan ka pa ng: "inalang tawad-tawad." Ganyan sila pagka't nakikilalanila ang ating ugali. Pag nagalit ka at umalis ay nalalaman nilang mga sampu pa kundi man dalawampu ang magsisisunod sa iyo. Jya'y tunay na nakapagdurugo ng puso. Tayo ang nasa ating bayan ay sila ang nagsisipaghari sa mga bagay na itinitinda na kailangan natin sa araw-araw. * • * Hindi namin ibig sabihin na huwag bilhan ang mga banyaga. Ang sinasabi nami'y tangkilikin, habang maaari, ang ating mga· kababayan. Kung ang pagkakataon ay magkahalintulad, kababayan na muna bago sila! • • • Ang suliraning naging salaysayin namin ngayon sa pitak na ito ay lubos na napapanahon. Alalahanin nating kapag naghirap ang bawa't isu sa atin, ang tunay na magpapasan ng ating paghihirap ay dili iba't ang ating bayan. Saan man dako ng daigdig at sa alinmang panahon, ka'])(Lg naghihirap ang mga tao ay lalong naghihirap ang bayang kinauukulan nila. Upang ang salapi nga natin ay huwag lumabas, kailangang isagawa na nu.tin ang pagtatangkilikan. Kababayan na muna bago ang iba! • • * Ang masama sa ating mga pilipino, kapag tayo'y nasa isa nang katungkulan, ang dangal ng lahi'y hindi natin isinasaalang-alang. Wala tayong inaalagata kundi ang kapakanang sarili. Di iilan ang naghahangad na yumaman sa sangkisap-mata. May-kinalaman sa bagay na ito, sa aming akala, ang nangyaring pagkakabulok ng mga gatas na dapat sana'y naipagbili sa murang halaga sa mga taong nangangailangan. Ang mga gatas na iyan (tingnan ang aming karikaturaJ ay hindi pinalabas. Inimbak ng inimbak. Hanggang sa ... mangasira. Mangyari, ang hinihintay nila'y mga mamamakyaw na makapagpapabagsak ng malaki. Kung walang ']Xlbagsak, walang labas. At ayan! Sa pagko.kaimbak ay nangabulok. * • • Sino ngayon ang napinsalaan? Tayo! Ang mga mahihirap! Ang mga maliliit! Kaya nga, mag-iba na tayo ng ugali. Ang diwa ng pagtatangkilikan ay atin nang pairalin. Pakisamahan nating mabuti ang mga dayuhan, nguni't kailangang tangkilikin ang atin namang mga kababayan. ILANG-ILANG