Alicia [Novel]

Media

Part of Bulaklak

Title
Alicia [Novel]
Language
Tagalog
Source
Taon IX (Blg. 36) Disyembre 3, 1952
Year
1952
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
(Ika 31 labas) AGKARAAN ng saglit na panggigilalas ay si Atorny Vito Cruz ang umang nag tamo ng: —Ano ang sabi mo, Doktor.. .ulang yari sa ■ pagkit ba kamo iyan? Oo,.. . —Dagling sagot ni Dr. Musngi —ulong pag­ kit na nab abatatan ng isang uri mg pastang kulay-balat ng tao at matigas na parang —At kamukhang kamukha nga nitong si Alice!... —buong pagtatakang dugtong ni Fredy. — Napahusay ng pagkakahuwad, kahi’t sinong makakita ay walang hind; magkakamaling iya’y tunay na ulo nga ng isang patay...! ’ —Karamba!... suggab na pakli ng Abugado, —sino ba ang magsasabing hindi nga talagang bangkay ni Alicia iyan? —Siyenga po!... —sambot naman ng maliit na Binibining noon lamang nakahuma sa maluwat na pagkatigagal. —Ako ma’y nalito rin noong makita kong nakaburol iyan doon sa bahay namin! —Talagang animo nga’y totoong-totoo!... —muling badya ng Manggagamot, samantalang pinabibiling-biling ang hawak na ulong pagkit. —Ako’y may palagay na kung dito man sa Maynila ito niyari ay pihong ipinagawa sa isang dalubhasang Eskultor na dayuhan, pagka’t noong ako’y riiaglibot sa daigdig ay sa Paris lamang ako nakakita ng kahangahangang “obra de Arteng” katulad nito... Marahil ito’y ibinayad nang malaki ring halaga. At ang isa pang hinala ko ay walang salang sa Bagyo ito inayos nang pagkalagay sa ataul bago iniluwas d to sa Maynila, dahil’nga diyan sa mga sangang tuyo ng pinong binigkis at ginawang parang katawan—Marahil nga... —Sang-ayon ni Atomy Vito Cruz. —nguni’t ang hindi ko maubosi-maisip ay kung ano ang kahulugan ng gina­ wang iyan! —Ako’y nagkamali sa una kong sapantaha... —anang Manggaga­ mot. —Noong una’y inakala kong ang nangyari’y dalawang buktot na katampalasanan; alalaong balosa. ga’y sa paghahangad na maisakatuparan ang pagpatay kay Alicia ay kinailangan ang isa pang biktimang kinitlan ng buhay, upang gamiting panglinlang sa mga tao... Datapuwa’t ngayon ko nabatid na hindi tama ang hinala kong iyon. . —E, ano nga sa palagay nlnyo ngayon ang kahulugan ng gina­ wang iyan? —Ngayon ko napag-isip na ang Don Antoniong iya’y talagang nag-aangkin ng mataas na katalinuhang maka-satanas. Isang matal nong kriminal, at inisip niyang gawin iyan upang makinis at wa­ lang peligro ang ginanap niyang krimen. , —Panong makinis at walang peligro?... At bakit pa nga niya kinailangang magpagawa ng palsipikadong bangkay na katulad niyan, samantalang sa halip hang ilibing na buhay diyan sa loob ng katakumba ang batang ito, ay labis naman niyang magagawang ito’y patay in at siyang iburol sa bahay nila...? —Iyan nga ang sinasabi kong matayug na katalinuhan niyang taong gañid na si Don Antonio. Halos natitiyak kong maraming dahilan kaya hindi ganoon ang ginawa. —Pano? Anong mga dahilan iyon? —halos magkasabay na tanong ng Manananggol at ng binatang Reporter. —Una,... ibig niyang maging malinis ang kanyang kamay sa pagganap ng isang kakilakilabot na krimen, pangalawa,... tiniyak niyang masarili lamang ang tu­ nay na lihim ng pagkaligpit ni­ tong si Alicia; at pangatlo,... halimbawang ito nga ang kanyang pinatay sa pamamagitan ng sakal, o di kaya’y paglason, gaya ng ginawa sa kanyang ama; at siya ring hinangad na mangyari kay Donya Pilar, ay kakailanganin pa niya ang tulong ng isang Embalsamador upang embalsamahin muna ang bangkay bago iluwas dito sa Maynila at iburol sa kanilang bahay;. . bagay na maáaring manganib sa pagkabunyag ^ng ginawa niyang katampalasa­ nan kundi masusuhulan ng mala, king halaga ang kanyang kakatulungin.... Samantalang pano’tpano man, kung ang pag-aayos la­ mang ng palsipikadong patay naito ay makakaya na niyang gawing mag-isa lamang sa isang li­ him na pook doon sa Bagyo. 9 —Ganoon nga kaya... ? —Tila alinlangan pa ring pasubali ni Atorny Vito Cruz. —Hindi malayong iyon nga na­ man siguro, Tatay... —parang katig sa Manggagamot na salo naman ni Fredy, bago binalingan si Dr. Musngi- Ang hindi ko pa nalilinawang mabuti, Doktor, ay kung paano nagawa iyang makinis at napakagandang pagkakahuwad ng ulong pagkit na iyan, nang lingid sa kaalainan nitong si Alice. —Puwes iyan ay hindi na isang hiwagang mahirap isipin... — anang pantas na Manggagamot. Pihong si Alicia’y may maliwanag na larawang nakuha ni Don An­ tonio, at siyang ipinakopya doon sa hinihinala kong Eskultor na dayuhan. Ano ang malay natin kung... ,—Ah, naku, alam ko!... pabu­ lalas na agaw ng maliit na Binibini. —Naalaala ko ngayong noong mahig.t na isang buwan pa bágo idaos ang aming babangluksa, na siya ring araw na itinakdang pagdadala sa akin sa Bagyo ay isinama ako ng Antoniong iyan sa isang gusali sa Eskqlta, at ako’y pinakunan ng re­ tratong may apat na pusisiyon sa isang kilala niyang Pranses.... Isang kuhang paharap isang paulong pagkit na iyan,... Doktor? —Aba, ito’y lubhang mahalagá NQA /4N& INZU54MN KO. LIK ¿N& JMTINñ L4K45 KO AY Bawa’t Gawing Kabuktutan Ng Pusakal Man Salaria Ginagamit Ang “Talino” Bago Niya Ito Gawin. tagilid sa dakong kanan. isa ring patagilid sa dakong kaliwa at isa pang patal kod. At ang dinahilan sa akin ay nang makita ko raw ang pagbabago ng aking ayos kung ako’y turnaba pagkatapos ng aming bakasyon. Mayroon akong kopya ng mga retratong iyon ’sa aking maletín. —Aha! Kung gayo’y tama na!... —Pabulalas ding sambot ng binatang Reporter. —Walang salang iyon nga siguro ang ginamit na huwaran kaya naging kamukha mo iyang... —Buweno, tama na nga... — parang patapos na halang ni Atorny Vito Cruz, at bumaling din sa Mediko, —ano ang binabalak mong gawin natin ngayon sa para sa atin... —Agap na salo ni Dr. Musngi. —Kailangang maiuwi ito upang magamit nating Ebidensya pagdating ng araw - -Ganoon din nga ang aking iniisip. —Ah, opo, siyengal... —Magalak na sabad ni Alicia. —Dapat ngang mai-uwi at nang maiphkita natin tuloy sa nanay ko. Akina po, Doktor, at ako na ang maghahawak ng manikang pagkit na iyan. —O, sigi... —malugod na paunlak ni Dr. Musngi. —Heto, balutin mo ng iyong panyoleta, at pag-inga tan mo lamang na huwag mabunggo,... baka masira...! —Hindi po. —At walang pagkasiyahan sa tuwang kinalong ng Dis. 3, 1952 BULAKLAK 33 ------------------------------- - ---------• timtimang dalaginding ang napa­ kagandang huwad sa sarili ni­ yang larawan. —Ngayon, ano pa ang gagawm natin? —patapos na tanong uli ng Abugado. —Wala na... —magalak na sagot ni Dr. Musngi- —Uuwi na tayo, yamang natuklasan na na­ tin ang hiwaga, at natapos sa kasiya-siyang kalutasan ang ating pagsisiyasat. —At pano po,... —pagunita nl Fredy, —iiwan ba nating nakahambalang na ganyang bukas ang kabaong? —Aba, huwag!... —pabigLang salag ng Manggagamot. —Baka makatawag nang pansin sa mga Sepulturero ng libingan kung iya’y masilip diyan sa butas na salamin ng bintanang may rehas nitong Mausoleo. Maáaring maging magusot ang mga pangyayari kung malathal'a sa mga Peryodikong palsipikadong bangkay ang dito’y inillbing, at maiamang pang masira ang aking binabalak na sorpresa sa araw nang pagdakip natin kay Don Antonio. —Si Don Antonio po ba lamang ang ipadadakip natin? At si Donya Lina... ? Namanglaw ang mukha ni Dr. Musngi at: —Hangga’t maáari sana, ay ibig kong mailigtás ang baliw na Binibining iyan, nguni’t kung talagang dapat din siyang pag-usig:n sa salang kriminal ay wala akong magagawa. —Kung gayón po’y... —Kaya ko na nga pinahawakan kay Alicia ang ulong pagkit ay nang mapagtulungan nating ipasok uli sa nitso ang ataul na iyan. —0, sigi po,... halikayo, itay, pagtulung-tulungan natin at nang madali. Masigla namang kumilos ang Ginoong Mañánanggol. Pinahawakan ng isang kamay kay Alicia ang pananglaw na plas-lait at ang tatlo’y tulung-tulong nang nagdudumali sa paglalagay ng takip sa kabaong, ngu­ ni’t noong ito’y ipinapasok na nila sa loob ng nitso ay payamot na bumulong ang binatang Repor­ ter na: —Putres, nalimutan kong magdala ng tubig na panglahok sa. sementó; hindi natin malalagyan ng paletada itong bukana ng nit­ so, para ’ huwag mahalata ang pagkabukas! —Siyenga pala!... —ani DrMusngi. —Nguni’t hindi na bali,... sakali mang makaisip na (Sundan sa pahina 66) 66 BULAKLAK Dis. 3, 1952 •-----------------------------------------------------------------------------------------ALICIA (Buhat sa pahina 33) magbisita dito ang^ Maginoong kriminal at makitang nabuksan itong nitso ay hihinalain niyong siguro'y kagagawan ito ng nababalitang masasamang-loob na nagbubungkal sa mga libingan at pmagnanakawan ng hivas ang mga bangkay na nakalibing. —Hapat na lamang nating maigi itong lapida sa bungad ng butas. —Mahinahon namang payo ni Atomy Vito Cruz. —Ganoon nga ang gawin natin para hindi ganong mahalata. Binibigkas iyon ng Manggagamot at natatapos naman ang kanilang gawam. Sa dikawasa... Hang sandali pa at makikita nat ng ang apat na magkakasama ay boorfg pag-iingat nang bumabagtas uli sa pag itan ng mga nakahanay na bantayog, at talaga naman yatang kinakasihan ng langit, ay nakalabas sila sa tagUirang bakod ng Kamposanto nang walang nakapansm. Nagsipagdaan muna sa isang bukas na Restauran upang magpabalot ng pagkaing mapagsasaluhan sa “med a noche”, at masasaya na silang nagsibalik 6a Klinika ni Dr. Musngi. Sa madaling sabi’y gayón na lamang ang pagkakatuwa nila sa paligid ng bilog na hapag ng kainan noong mga sandal ng iyon, saman:alang ang tatlong Maginoo at ang ating maliit na Binibini ay halos hindi magkamayaw nang pagbabalita kay Donya Pilar ng tungkol sa matagumpay na pagsisiyasat nila sa kabaong ng palsipikadong bangkay na kanilang binuksan sa loob ng Mausoleo. —Akalain ninyong maisipang gawin iyon niyang komudong krim nal na si Don Antonio!... — ang sa dakong huli ng usapan ay masayang nawika ni Atomy Vito Cruz —Kung ibabalita lamang sa akin ay tunay na hindi ako _DR. B. M. VILLAPANDO^= i ESFESYALisTA SA MGA SAKIT SA MATA, ILONG, TAINGA, AT LA' LAM UNAN. Tumitistis ng Tonsil sa 2 minuto na hindi kailangang matira ng Ospital. Mga bagong kagamitan sa pagsukat ng salamin sa mata at Rayos-X. ' WALANG RAYAD ANG KONSULTA KUNG LINGGO ' Oras: 9-12 N.U. at 2-5 N.H. — Linggo 9-12 N.U. Pedro Cruz Bldg., Tagiliran ng Simbahan ng Kiyapo, Maynila Tel. 3-26-83 makapaniniwala, kung hindi ko najdta...! —Siyenga po, Donya Pilar!... —Nakatawa ring katig ni Fredy. —At ang lalo pong kahanga-hanga ay ang pagkakapagawa ni­ yang ulong pagkit na* mistula ngang larawan niyang inyong anak. Talaga pong kami ng tatay ko’y parehong naloko at pa­ rang namalikmata noong makita nam ng nakaburoL —Ako rilan! —Su^og naman ng pantas na Manggagamot. —Ako rin!... —Ayaw padaig na habol ng kaumpok na dalagita. —Nalito ang aking isip noong matunghayan ko iyan sa loob ng ka­ baong. at gaya ng naibalita ko na sa inyo, ay naisip ko tuloy na baka ako y isa nang kaluluwang nakatayo sa tabi ng aking sariling bangkay. Ang bagong buhay na butihing Donya, na noong mga sandaling iyu’y nakasandal sa silyon at hinihimas-himas ang magandang mukha ng ulong pagkit sa kanyang kandungan ay mapanglaw ang ngiting napail ng nang banayad at pabuntong-hiningang nangusap na: —Ang salapi ay makapangyarihan at walang hindi nagagawa... Si Antonio ngayon ay saganang-sagana at walang hinayang na lumulustay ng salapmg nasis ngil sa mga paupahan kong pingkas, at mga pabuwis sa aking asyenda; kaya’t hindi dapat pagtakhang makagawa siya ng lahat ng maisipan niyang gawin. —Magpakasawa siya sa kanyang kasaganaan ngayon, sapagka’t malapit na ang araw ng paghuhukom sa lahat ng maka-dimonyo n yang kagagawan. —Iyan nga ang inaasahan ko. Magbalik lamang ang dating lakas ng aking mga tuhod ay laiakarin ko at aking kakausapin ang isang taong siya .kong gagamitmg matalim na tabak sa pagpaparusa sa magkapatid na krim nal na iyan; at kung dumating na ang araw na hinihintay natin,... ang panahon ng kasamaan nila ay matatapos sa pagsisimula uli ng panaljon ko naman. —Sino pong tao iyon, Donya P lar? —Magaang na usasaxng Manananggoi—Makikilala rin ninyo kung sino, pagka’t kayong lahat ay aking isasama sa pagsasaaya sa kanyang tahanan. At marami pang bagay ang ma­ sayang napag-usapan nila, kaya’t may kalaliman na ang gaDi nang sila’y maghiwa-hiwalay. Ano pa’t habang lumalakad ang mga araw... S: Donya Pilar at ang tatlong maginoong nakikiramay sa kanya ay patuloy sa lihim na pagbalangkas ng balak na mabisang paguusig at paghihiganti sa magka­ patid na suwan. At samantalang gayón... Si Alic a’y patuloy naman nang panunubok at pagsubaybay sa mga kilos at gawain ng mga da­ ting minamahal at itinuturing ni­ yang kapatid. Bukod sa roo’y sinamaniala niya ang paninwala ng ilan sa mga tauhan ng matanda nilang bahay na siya’y isang kaluluwang lumalabas at nagmumulto doon. Sa tulong ng matandang tagapag-alaga ng hardin ni Donya Pilar na si tandang Pedro ay madalas itong nag aakyat-manaog sa kanilang bahay, na nagdadaan sa hagdanang lih m, at patuloy din sa ginagawang pananakot. Alam ni Aliciang maselang na lubha ang libangan niyang iyoib nguni’t s/iya’y parang dagang may matalas na pang-amoy at maligsing nakapagtatago upang umiwas sa nagbabalang pangan b. Ang isa pa’y ma cibay ang kan­ yang pananalig na hindi siya pababayaan ng Diyos sa pagtupad^ ng itinataguyod niyang tungkulin. ANO KAYANG PANGYAYARI ANG MALILIKHA NG KUNYARIÑG PAGMUMULTO NI ALICIA SA MATANDA NI­ LANG BAHAY? KAYLAN NAMAN KAYA, AT SA PAANONG PARAAN ISASAGAWA NI DONYA PILAR ANG BANTA NIYANG PAGHI­ HIGANTI? ABANGAN ANG KARUGTONG NG NOBELANG ITONG NALALAPIT NA SA KAN­ YANG KAHANGA-HANGANG WAKAS. (ITUTULOY) May Umaqa Pang Uarating (Buhat sa pahina 42) matang hindi malaglag-laglag, nguni’t nagngangalit sa pagp pigil na sinuyod ni Carmen ng paaglahing tingin ang lahat niyang kaharap. —Opo, inuulit ko... Kay hamak ng pagtingin n nyo sa amin, akala ninyo’y nasisilaw kami sa salapi ninyo... Nguni’t kami’y may dangal din, naiint ndihan ninyo, may dangal ding higit kay sa dangal ninyong mapagpakunwari at mapang-api...—binuksan ang kanyang bag na dala. kinuha ang salaping papel at saka nihagis sa sahig sa paanan ng don. — Nariyan ang salaping katulad ng salapi hi Hudas... Nguni’t hin­ di ko káilangan. Iibigin ko na ang mabuhay sa kasawian nguni’t may dangal pa ring hindi ninyo nabili. Don Horacio, Roberto, may wakas din ang jahat... Kung gaano ang taas ng inyong paglipad, siya ring lagapak sa inyong pagbagsak... Minasdan si Robertong hindi makaimik. Marahang nflapitan—Maliit lamang ang daigdig, Roberto... —ang pahingal na wika na puno ng pagdaramdam. Ang ganti ng katarungan ay h git na masakit. Magkikita pa tayong muli... Hindi ka patutulugin ng iyong budhi, Roberto... Ang Di­ yos ay di natutulog. At pagkasabi nito’y h’ndi na hinintay pa siyang sagutin o hadlangan. Matuling matuling tila may humahabol na iniwan ang pagkakatipong yaon na hindi ha­ los makahuma sa mga narinig ni­ lang sumbat ng dalagang umalis.... (ITUTULOY) HILL VIEW SANATORIUM makabagong para an ng pag-gamotng JUBERCULOSIS may MGA SILID PPRIBADO SA MABABANG HALAGA , DR. J. M. PUNZALAN Datine EsDeayallsta sa Quezon Inst, at sa San Lazaro Hospital. —JOTIBACTIR (Pan'unas sa Sakit sa Ba’at)== Mabisang panlunas sa Taglhawat. Anan. Bunt Anghit (B O ). Sugat. Gali’ at Ealakubak. Ipadala ang kupon na may na üíUns F1.50 kay DR. G. Y. LOTIACO. Sto Cr sto Cl-e ini «.••.(•nth Avenue West Side. Grace Park. Caloocan. Rizal. _osa ®' Box 'iV'6 Manila) at tatanggap kayo ng isang boteng ANTIBACTER. Pinanagutan: . Ihabalik sa inyo ang halaga ng gamot kapag Ito’y hindi nagkabisa. Pangalan ........................................................................................................................... Tinitirahan ..................................................................... — ASTHMA — TUBERCULOSIS DR. NEMESIO R. CALDERON Nag-espesyalista sa TB sa mga Sanatoria sa Amerika SiHd^Blg. ?05-C6ia I Pneumoperitoneum, Aero- | Tel 3-89-1i 624 Rizal Avenue | sol & X-Ray Service. I Local 18__________