Anim na Libong (P6000.00) Pisong Gantimpala sa Magsisipagtagumpay

Media

Part of Bulaklak

Title
Anim na Libong (P6000.00) Pisong Gantimpala sa Magsisipagtagumpay
Language
Tagalog
Source
Taon IX (Blg. 36) Disyembre 3, 1952
Year
1952
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Disyembre 3, 1952 BULAKLAK * r ▲1 F ANIM NA LIBONG (P6,000.00) PISONG GANTIMPALA SA MAGSISIPAGTAGUMPAY ▲ ▲ r i ----------o Aug pagdaraos ng timpalak-patanyagan nitong BULAKLAK PUBLICATIONS, sa paghirang ng mga dilag na siyang gagawing sagisag sa taong 1953, ay muling binubuksan. ngayon at sisimulan ang pagtanggap ng mga kandidata sapul sa araw ng pagkaka’atbala ng alituntuning ito. PA TARARAN A T ALITUNTUN1N: 1. Ang timpalak patanyagan sa pagka “Bb. BULAKLAK NG TA­ ONG 1953’’, ay magsisimula sa unang araw ng Enero, 1953. Ang lahat ng mambabasa ng mga babasahing inilalathala nitong BULAKLAK PUBLICATIONS at maging hindi man, áy may . layang makapagpatala ng kanilang kandidata. Ang sinumang kandidatang ipapasok, ay kailangang maging isang dilag na ipagkakapuri at may malinis na kabuhayan kahit na maralita. Ang ^gulang ay "hindi kukuiangin sa labing-anim (16) at hindi naman h’higit sa (25) dalawampu’t limang taon: Kailangang nakatapos ng elementarya sa paaralang-bayan o pribado. Ang kandidatang kilalaning opisyal nitong BULAKLAK PUBLICA­ TIONS, sakaling mag-asawa o magkaroon ng kadahilanang hin­ di maiiwasan, ay maaaring palitan»ng ibang kandidata ng líder na nag’pasok sa kanya, upang huwag masayang ang boto ng dating kandidata. Nguni’t kung mag-uurong ng kandidatura, ang lahat ng botong nauukol sa nasabing kandidata, ay pawawalang kabuluhan ng Lupon Sa Timpalak. Ang sinumang kan­ didata, líder o tagapagtaguyod na maghangad labagin o luma­ bag kaya sa mga ALITUNTUNIN AT PATAKARANG panloob ng timqialak ay ITITIWALAG ng Lupon ang nasabing kandi­ data o ang kimaitukulan* 2. Ang pagtanggap ng mga kandidata, ay bukas simula sa pagkakalathala nito hanggang ifca-31 ng Disyembre, 1952 na ibabatay sa tatak ng koreo dito sa Maynila. Ang sinumang mahuli sa takdang panahon ay hindi na pahaha’agahan ng Lupon Sa Timpalak. 3. Upang kilalaning opisyal ang kandidatang isasali sa timpa­ lak, ay kailangang lakipan ng larawan ng kandidata (tarheta postal (5” x 7”) ang kupan sa ibaba nito kasama ang halaga/ng kabaynran sa isang taong suskrisyon ng .alinman sa apat na babasahin at ipadatia sa Lupon Sa Timpalak. 4. Sapul sa Disyembre, 1952 ang bawa’t labas ng BULAKLAK at ALIMYON ay magkakaroon ng Balotang pangkaraniwan na katumbas ng (30) tatlumpung ha]al. Ang BULAKLAK KO­ MIKS at MANILA KLASIKS ay may balota ring katumbas naman ng 20 halal. Bukod sa Balotang pangkaraniwang makukuha sa BULAKLAK, ALIMYON, BULAKLAK KOMIKS at MANILA KLASIKS, ay makapagtatamo rin ng mga BALOTA ESPESYAL sa mga tiket ng sayawan at suskrisyon sa alin­ man sa apat na babasahin, na gaya nitong sumusunod: Isang taong suskrisyon: BULAKLAK . . . P13.00 — 2000 Halal ALIMYON.............................. 13.00 — 2,000 >• BULAKLAK KOMIKS . . 5.00 — 1,000 H MANILA KLASIKS . . . . 5.00 — 1,000 >> Kalahatrng iaovc/ Mixkrisymi: BULAKLAK ........................... P 7.00 — 800 Halal ALIMYON.............................. 7.00 — 800 M 5. Ang bilangan ay gagawing minsan sa isang buwan, sang-ayon *sa mamarapatin ng Lupon Sa Timpalak, at ang mga balita at ulat, ay ilalathala sa babasahing ito. 6. Ang HU LING BILANGAN ay gaganapin sa huling araw ng Linggo ng Nobiyembre 1953» at ipipinid ang URNA Sa ga/nap na ika 2:00 ng hapon. Orasa/n ng Lupon S& Timpalak ang kikilanJing opisyal. Sinumang mahuli sa takdang araw at oras, ay hindi pahahalagahan ng Lupon Sa Timpalak. 7. Ang kandidatang magtatamo ng pinakamaraming boto o halal sa huling bilangan ay tataguriang Bb. BULAKLAK NG 1953. Ang pangalawa ay BB. ALIMYON NG 1953. Ang pangatlo ay BB. BULAKLAK KOMIKS NG 1953. Ang pang-apat ay BB. MANILA KLASIKS ng 1953, at pagkakalooban ng mga pabuyang salapi na gaya nito: UNA — “BB. BULAKLAK NG 1953”............................ P2 500.00 PANGALAWA — ”BB. ALIMYON NG 1953” .... 1,500.00 PANGATLO — “BB. BULAKLAK KOMIKS NG 1953” . . 1.000.00 PANG-APAT — “BB. MANILA KLASIKS NG 1953” . . Pl,000.00 Kabuuan................................ P6.000.00 Bukod sa mga gantimpalang nabanggit sa itaas ay pagkaka­ looban pa rin ang apat na dilag na mangunguna, ng mga han­ dog o kaloob ng iba’t ibang bahay-kalakal na tumatangkilik sa mga babasahing inilalathalá ng BULAKLAK PUBLICA­ TIONS, kung mayroong ipagkakaloob. Magkakaroon ng malalaking sayawan bago matapos ang tim­ palak, bi'lang parangal s*a mga kandidata. 8. Ang pagdiriwang o parangal sa apat na piling dilag ng taonay gaganapin sla isang tanyag na pook o bulwagang katangitangi sa lunsod nitong Maynila, na mamarapatin ng Lupon Sa Timpalak at gugugulan ng pangasiwaan nitong BULAKLAK PUBLICATIONS. 9. Sinuman sa apat na dilag ang tumangging dumalo sa gabi ng pagdiriwang, ay h ndi magtatamo ng gantimpala maliban kung ang hindi pagdalo, ay lubhang makatuwiran; katulad ng pagkakasakit o pagkamatay. / K U PO N_________________________________________________ LUPON SA TIMPALAK PATANYAGAN BULAKLAK Publications 935-939 R. Hidalgo, Maynila Ang nakalakip na larawan ay si ........................ . ............ ................................................. T. Postal (5” x 7”) may........... taong gulang. Nakatapos o nag-aaral sa ................................. Anak nina G. at Gng....................................................................... Ipinapasok kong kandidata sa pagka BB. BULAKLAK NG 1953. Kalakip din ang halagang P..................... kabayaran sa suskrisyon ukol sa (BULAKLAK) (ALIMYON) (BULAK­ LAK KOMIKS) (MANILA KLASIKS). Ipadala ang sipi sa pangalang .................5...................................................... Tiraban Líder: Tiraban: