Huling Alaala kay (Togo) Andres Solomon.pdf

Media

Part of Bulaklak

extracted text
40 BUBAKLAK Qis. 3, 1952 ¡SZzw^zX^Z, AMEU6A M. ARCE&A ALAALA AMDRESfW SOLOMON Ika 3 ng Nobyembre nuonNang umagang iyon ay masayang-masaya si Togo at isinayaw sayaw pa ang kanyang asawa, at sinabing: —Ebeng, ako na ang maghahatid sa mga bata sa eskuwela at tutuloy na ako sa istudyo pagka’t kukunan daw kami ng iarawan para sa kalendaryo. —Ikaw ang bahala at umuwi ka sana agad at nang makapagpahinga ka, —ang masantahing wika pa ni Ebeng Anupa’t bago umal s si Togo ay nilagdaan pa ng halik ang pisngi ng asawa. Kaya’t anumang palatandaan na ito’y may dinaramdam av wa­ lang napansin si Nieves. Mangyari ay talagang ganuon ang ugali ni Togo. Maalalahanin, mapagmahal at napakamasayang tao. Matapos íhatid ang kanyang mga anak sa kolehiyong pinapasukan ay nagtuloy na agad sa istud­ yo ng LVN. Pumapasok pa la­ mang siya sa bakuran ng nasabing isLudyo ay masayang masaya na siya. Agad pang biniro ang ilang kaibigang nasalubong sa daan* Nang dumating ang ika 12 ng tangahil ay nagpaalam at sinab.ng uuwi muna siya. Wala namang napansin ang kanyang mga ka.bigan ng pagbabago sa katauhan ni Togo. Alalaong baga’y maáaring nagsisikip ang kanyang dib­ dib nang mga sandaling yaon Pati na ang kanyang kumpareng Nano ay wala ring napansin sa kanya. —Kung napuna ko bang nagsis:kip ang kanyang dibdib sana’y ako na ang naghatid sa kanya sa ospital, —ang wika pa ni Pugo nancr kausanin ko siya. Anupa’t dumating si Togo fia kanilang tahanan sa G. Tuazon, Balik-Balik, Sampaloc. Pagdating na pagdating niya ay agad idinaing kay Ebeng ang paninikip ng kanyang dibdib. —Hagurin mo lamang sana ang aking dibdib at hindi ako makahinga, —ang wika pa ni Togo. Palibhasa’y talaga namang madalas sumpungin si Togo ng gayung pakiramdam kun^ minsan kung kaya nasanay na rm naman si Nieves. H nagod niya ang dibdib ni Togo at ang sabi pa: Baka na­ man nagugutom ka lamang, ang mabuti ay kumain ka na muna—Hindi naman ako nagugutom, at saka walang anuman ito, maáalis din ito maya-maya. Nang makita ng asawa na hindi nagbabago ang kalagayan ng asa­ wa ay minarapat nang dalhin sa osp tal. Nguni’t hiniling ni Togong makita at makausap ang kanyang mga anak. —Nara ramdaman ko, na ako’y mamámatay na. Nalalapit na ang aking wakas. Nais ko sanang ma­ kita ang ating mga anak... .—Huwag kang magsalita ng ganyan... h ndi ka pa kukunin ng Maykapal... Kailangan ka pa namin ng mga anak mo... lakasan mo sana ang iyong loob... ang Iumuluha nang bigkas ni Nie­ ves. —Diyos ko... ang namulas sa mga labi ni Togo. —Kung kuku nin mo rin lamang ako ay huwag mo na ákong pahirapan pa... Buong puso akong sasama sa inyo kung sadyang kailangan na ninyo ako... Nasa sasakyan pa lamang si Togo ay napansin na ng kanyang maybahay na hindi na ito makakilala. Ayaw nan'/ magsalita... Nang idating si Togo sa ospital ay agad linapatan ng kaukulang lunas. Nang mga sandaling yaon ay naroon na si Pugo at inaalam kung ano ang lagay ng kanyang kumpare. Mahal na mahal sa kanya si Togo kung kaya ang bawa’t saglit na lumijjgs ay kanyang pi n akikiramdaman. —Duktor. Kumusta ang lagay niya? —ang tanong ni Pugo sa manggagamot na tumingin... Umiling-iling ang manggagamot at sinabing wala na siyang magagawa-. Patay na si Togo. Napahagulgol ng panangis si Gng. Nieves Solomon. Napaha­ gulgol din si Pugo. Talagang napakasakit, sa kan lang damdamm ang pagkamatay ni Togo. Ganap na ika 2 ng hapon nang pumanaw Dis. 3. 1952 BULAKLAK 41 mffa urawan. Ito ay i 11 ir mga pringa «uha.nahahuUyniya nff peÜkulang S' Togo upang makipiling na kay Bathala. ANUPA’T ang mga katangiang ipinamalas ni Togo nang nabubuhay pa ay hindi na maari pang malimutan ng kanyang kabiyak ng dibdib. Ang pagmamahal na iniukol sa kanyang mag-anak ni Togo ay wala nang makakatulad. Sa buong buhay niya ay sinikap ni Togong mapaligaya ang kanyang maybahay at gayón d n ang kanyang mga supling, at mga kaibigan at gayón din ang mga kamag-anak. Ayaw niyang may masabi sa kanyaHabang isinasalaysay sa akin ni Gng. Nieves Virray Solomon ang ulat hinggil sa buhay ng yumaong si Togo halos magkabuhol ang kanyang pagh nga. Walang tila pagluha ang kanyang mga matang pinamumugto sa matinding pagdaramdam. At sino ang hindi malulunos sa kalagayang kanilang sinapit. Kailan ba lamang kasamasama niya ang kanyang kabiyak ng dibdib. Kailan ba la­ mang sila nagsasalo. Kailan ba lamang sila dumalo sa kaarawan ng butihing si donya Sisang yaon, oo yaon ang kahuli-hulihang pagdalo ni Togo sa kasayahan na walang ibang kasama kundi ang kanyang mabait na asawa. Nguni’t ngayon, nasaan ang mapagmahal na si Togo? Wala na, nagbalik na sa kanyang p:nagmulan. Ganap nang nagpahinga, umalis na upang kailan man ay huwag nang magbalik. Si Andre9 Togo Solomon ay yumao noong ika 3 ng Nobyembre ng taong 1952. Ang kanyang bangkay ay nalalagak sa libingan ng Norte. Subali’t sa kanyang kinaroroonan ay sinubaybayan niya ang kanyang butihing mayba­ hay at ang mga anak.
Date
1952
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted