Linggo ng Kalinisan.pdf

Media

Part of Bulaklak

extracted text
58 BULAKLAK Dis. 3. 1952 Sa isang pa talas tas (mensahe) na nanggaling sa Malakanyang tungkol sa pagdiriwang ng “Linggo ng Paglilinis,” ay sinabi ng Kanyang Kamahalan, Pangulong Lipidio Quirino, na “ang kalinisan ay dapat maging bahagi ng ating buhay na ipakikilala sa ga\va at ang pagiging malinis sa pamumuhay natin sa araw-araw, sa ating bahay, sa mga paggawaan at sa lahat ng pook, ay sl5 ang unang hakbang upang pa­ na tilihin ang malakas at malusog na mamamayan na siyang kailangan upang maitatag ang isang malakas, malusog at matibay na Republika.” Ang mga katagang ito ng ating Pangulo ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinisan sa atin, bilang mamamayan at sa buong bansa. Ang kalinisan na ipinakikilala sa gawa ay siya ngang ¡along mahalaga. Kung ang mga tao sa isang bahay ay malinis sa kani­ lang pamamahay at pag-uugali, ang bahay ng mga taong ito ay sapilitang magiging malinis din. At kung ang lahat ng mga pook ay tinitirahan ng mga taong may malilinis na paguugali, ang bansa na binubuo ng mga pook na yaon ay isang bansang malinis. Ang kakulangan ng kalinisan sa isang pook ay hindi lamang dahil sa kakulangan sa paglilinis kung hindi lalong dahil sa masamang kaugalian ukol sa kalinisan ng mga naninirahan doon. Hang£ ang hindi naaalis ang kinagawian Süu.tat ,ú n Puno ng Sanidad ng mga tao sa pagtatapon ng kanilang mga dumi o sukal sa paligid-ligid ng kanilang tahanan o sa loob ng bakuran ng kanyang kapit-bahay, o sa mga lansangan, ay hindi maaaring mapanatiling malinis ang mga lunsod o bayan, maglagay man ang Pamahalaan ng libu-libong tagapaglinis at tagahakot ng dumi. Ako’y maijaml nang nakltang mga lunsod na hinahakot ang mga sukal at dumi ng makalawa lamang sa loob ng isang linggo nguni’t yaon ay may higit na kalinisan kaysa Maynila na ang sukal ay hinahakot arawaraw. Ang pagkakaiba lamang ay ang kinagawian sa kalinisan ng mga naninirahan. Sa pagdiriwang ngayon ng “Linggo ng Paglilinis” ay kaila* ngang gawin natin ang lahat ng ating magagawa kung papaano kanilang mga dumi o sujcal ay itinatapon sa mga basurahang itinaiaga sa mga lansangan. Aug mga maglting at kaibig-lbig na paguugaling yaon ay maaaring itanim at paunlarin sa lahat ng tao sa lahat ng pook. Ipinagdiriwang natin ang “Linggo ng Paglilinis” upaug ang kalinisan ay maitanim sa ating isipan at damdamin. Pamalagiin natin sa ating kalooban at isi­ pan hanggang maging bahagi ng ating pamumuhay sa araw-araw. Bayaan nating ang mga Ina ng ^Casiano , Lunsod ng Maynila natin maitatanim sa puso at isi­ pan ng ating mga mamamayan ang kahalagahan ng kalinisan at kung papaano maisasagawa ang napakahalagang bagay na ito. Ang kaugalian ng kalinisan ay madaling mapauunlad sa mga bata, nguni’t maging sa mga matatanda ang kaugaliang ito ay mapauunlad din. Ako’y nakakita sa ibang lupain ng mga batang nagaaral na isinisilid sa lukbutan ang mga balot na papel ng “candy”, balat ng mani at iba pang mga dumi', sa halip na itapon sa lansangan, hanggang makasumpong sila ng basurahan upang doon itapon ang mga duming iniingatan sa kani­ lang lukbutan. Nakita ko ang mga Igorot sa Baguio na hindi ibig marumihan ang kanilang ma­ lilinis na lansangan, kaya’t ang Tahanan ay turuan ang kanilang mga anak na maging malinis sa kanilang pag-uugali magmula pa sa kanilang kamusmusan. Ba­ yaan nating ang mga paaralan natin ay humanap ng mabuting paraan sa pagtuturo ng kalinisan sa gawa upang maitanim sa isi­ pan at damdamin ng mga bata, na yaon ay bahagi ng kanilang buhay maging sa labas ng paara­ lan. Tayong matatanda na, ay kailangang higpitan ang ating sarili na magawa ang lahat ng paraan upang maiwasan ang pagta­ tapon ng dumi o sukal sa alin mang pook maliban sa mga ba­ surahan osa mga pook na itinalaga upang pagtapunan ng dumi. Dapat nating malaman na kung papaano namumuhay ang tao sa isang pook ay doon nababatay ang kalinisan o karumihan ng nasabing pook. Ang katotohanan na hindi natin maaaring pasubalian ay ang “Kalinisan” ay isang kaparaanan ng pamumuhay. TALES, ANÓ PA ANG KA/LAN6ANG MAG-ARAL ANG /VONG MGA ANAK? ALAM MO BA ANG KABAB/HAN ÑA MARl/NONG MAN AT MANGMANG AV BUNGO R/N PAG NA MAT AY? KAKAIB^Ua^>MIKKA^LüKUYÁN^>MAI(^UTU1l/AII6BB5AHIN ABANGAN ANG MAGAGANDANG KUWENTO AT NOBELANG KINULAYAN SA MANILA KLASIKS AT BULAKLAK KOMIKS!
Date
1952
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted