The arts

Media

Part of The Republic

Title
The arts
Language
English
Source
The Republic (No. 19) 28 July 1973
Year
1973
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
The ^Arts Rolando S. Tinio, winner of the 1967 TOYM (Ten Outstanding Young Men) award in the field of drama, the Maynila Patnubay ng Kalinangan Award and the 1972 Palanca Award for his book of Tagalog poems “Sitsit sa Kuliglig, ” has trans­ lated several foreign plays and some Western poetry into Pilipino. Following are his transla­ tions of three of Yevgeny Yevtushenko’s poems - Incantations, Stolen Apples and People: PANAWAGAN Isaisip mo ako gabi-gabi sa tagsibol, Isaisip mo ako gabi-gabi sa tag-araw. Isaisip mo ako gabi-gabi sa taglagas, Isaisip mo ako gabi-gabi sa taglamig. Wala man ako roon kung saan naglalakbay, malayo sa tabi mo, wari’y nangibang-bayan, iunat ang sarili sa kumot na malamig, bayaang lumutang ka, animo’y nasa dagat, napapadalang lubos sa malambot na alon. sa akin, ang dagat mo, sa iyong pag-iisa. Ibig kong ang isip mo 'y malaya buong araw. Bayaan mong ang lahat ay mangagbaligtaran, marungisan ng aso, pagbahaan ng alak. mulibang ang isip mo hanggang mawala ako. Oo nga, isispin mo kahit ano kung araw, Nguni’t sa gabi — ako ay tanging ako lamang. Sa kabila ng tili ng bumubusinang tr^n, sa kabila ng hanging gumugutay sa ulap, makinig ka sa akin, sa awa mo at habag: ihayag mong muli, sa makitid na silid, ang matang halos-pikit sa pighati at lugod. noo y diniriinan hanggang iyo ’y manghapdi. Nagsusumamo ako - pag sukdulang tahimik, o kapag tumitiktik sa bubong mo ang ulan, o kumikislap-kislap sa bin tana ang niyebe, at nakahimlay ka man ay di pa naiidlip, isaisip mo ako gabi-gabi sa tagsibol. isaisip mo ako gabi-gabi sa tag-araw, TsaiStp mo ako gabi-gabi sa taglagas. isaisip mo ako gabi-gabi sa taglamig. ANGMGA TAO Walang mga taong hindi kawiliwili. Parang kasaysayan ng mga planeta ang kapalaran nila. Walang hindi bukod-tangi sa kanila, at planeta at planeta ’y walang pagkakawangki. At kung tao’y mabuhay nang malayo sa marami, nakikipagkaibigan lang sa sariling lipunan, pagkakalinggid niya ’y kawiliwili pa rin. Bawa ’t tao ’y may sariling daigdig, at sa daigdig na iyon, may isang dakilang sandali. At sa daigdig na iyon, may isang trahikong sandali. Sariling-sarili ang mga ito. Sa bawat mamatay, kasamang namamatay ang una niyang niyebe at halik at pakikipaglaban. Kasama niyang pumapanaw. Ang mga libro at mga tulav at pinin tang retrato at makinarya: Kapalaran nila ang maiwanan. Ngunit ang pumanaw ay di bale wala lamang: Sang-ayon sa mga patakaran, may kung-anong naglalaho. Hindi tao ang namamatay, kundi ang daigdig na kanilang nilalaman. Ang nakilala noting may kakulangan, bilang anak ng lupa. Na kung tutuusin, ano nga ba ang nakilala? Kapatid ng isang kapatid? Kaibigan ng mga kaibigan? Mangingibig ng mangingibig? Tayong nakakilala sa ating mga ama sa lahat ng bagay, sa walang kahit anuman. Nagsasawa sila. Hindi na na panunumbalik. Ang mga lihim na daigdig ay hindi mapananauli. At sa tuwi-tuwina, sa muli at muli, Mga pagkawala ’y aking dinadalamhati. NAKAW NA MANSAN AS Gumigiray sa bagyo lahat ng mga bakod: bigla kaming pumuslit sa aninong makirot, tulad ng mga batang damit ay nag-iinit. sa hakot na mansanas na kanilang naismit. At ang mga mansanas ay ibig sumambulat; kay taking eskandalo kapag iyong kinagat. Nguni’t kaming dalawa nama’y nagmamahalan. at ang mga bagay na iyan ang tanging katubusan. Habang ikinukubli ang kambal na kriminal sa isang sanlibutang panay along masukal, bumulong iyong tsalet na maginhawa’t kulob, ‘Huwag matakot umibig. . . sige at huwag matakot. At mula sa retratong di halos maaninag sa ‘taas ng apuyang dumilim-lumiwanag. ang may-ari na dating putbolista’y nag-udyok, 'Dapat kayong mangahas. . . pikit-matang lumusob. Kaya’t paikot-ikot at papili-pilipit, nakahulagpos kami sa lahat ng balakid, nakalusot sa huling guwardiyang nakalingat. naitaob ang bola, ang lambat ay nahiklat. Namahinga sandali. Sa itaas, kumislap ang mga alikabok; para kaming nangarap: nangangatal sa isang kampong di-nakikita, mga munting sapatos ng mga putbolista. 'Tira, ’ giit ng bawat butil ng alikabok, 'Tira, ’ basta't pagtira > inyong isasaloob. Di ba't kung tutuusin, ang mabigat na bilog ng mundo ’y tulad lamang namin na isang tuldok? ' Tumira kaming muli; muli kaming sumipa Malaking kagaguhan ang lahat, marahil nga. nguni’t kaming dalawa nama’y nag-iibigan at pagkasarap-sarap ng aming pakiramdam. Naglango sa sariling kaaatu-atungal, dagat ay may malalim na tila inuusal, ngunit sa iyong noo, bigla na lang sumalpok ang gininttiang isda ng pinutol mong buhok. at hindi ko naalamang inalintana muna na minsang humupa na ang bagyong binababa. kagila-gilalas man ang aking kaululan, kasabay di ng alon akong mapupatimbuwang. E ano kung ngalan ko "y siraan ng siraan; ang pag-ibig ay hindi para sa walang-laban. Ang bango ng pag-ibig ay iyong halimuyak ng mansanas na hindi bili kundi kinawat. Bayaang magsisigaw ang mamang nagbabantay. basta’t sitsit ng-dagat ay umaalimbukay. at naiuunan ko ang ulo sa pagitan ng dalawang mansanas na rnaalat at nakaw. Page 7
pages
7