Mga hati-hating tahanan

Media

Part of The Cabletow

Title
Mga hati-hating tahanan
Creator
Joson, Doroteo M.
Language
English
Year
1960
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Mga Hati- Hating Tahanan VWB DOROTEO M. JOSON District Deputy Grand Master, District No. Mga kapatid, at Mga Kaibigan: Itulot ninyong salangin ko sa pagkakataong ito ang isang suliranin na inaakala kong masclan at mahalaga. Mahalaga, pagka't tila isang karamaamang namamalagi at patuloy na lumulubha. Maselan, pagka't kung Hindi maaapula at malalapatan ng lunas ay maaaring maging isang kanser na makapagdudulot ng kabiguan sa mga adhikain at simulaing ibinabandila ng Masonerya. Tinutukoy ko ang mga “Hati-hating Tahanan ng Mason” o Masons' Divided Homes. Tinatawag kong "Hati-hating Tahanan ng Mason” ivang mga tananan o sambahayan o pamilya na. samantalang ang pangulo o ama ng sambahayan ay mga tunay na mason, ang kanila namang mga kapilas ng buhay, mula sa kanilang kabiyak ng puso hanggang sa kanilang mga bunso, ay mahigpit na nakayakap sa mga isipan, paniniwala, at paraan ng buhay na ibinabandila ng Masonerya. Anupa’t palasak sa paningin ng marami na, habang ang mga mason ay nasa-loob ng kanilang templo at masusing nagaaral ng mabibisang paraan upang ang sariling bayan at ang buong sangkatauhan ay mahango sa bangin ng kadiliman at mahatdan ng Haw ng Masonerya, ang kani-kanilang kaanak o pamilya ay makikita namang malawang nilalamuyot at pinapanday sa mga bulag na isipan at paniniwala ng mga kumakaaway sa Masonerya. Sinabi kong "kumakaaway”, pagka’t ang Masonerya ay maaaring kaawayin, at kinakaaway na talaga ng mga alagad ng kadiliman, bagaman ang Masonerya at ang mga Mason ay walang sino mang itinuturing na kaaway, sa matwid na ang lahat ng tao ay dapat magturingang tunay na magkakapatid sa ilalim ng pagka-Ama ng iisang Diyos« ng Mason” o Masons’ Divided Homes, av humantong ako sa paghihinala na ag mapait na katotohanang ivan ay bunga ng hidwang pagkaunawa at pagsasagawa sa tinatawag na toleran~ cia o pagpapaumanhin. Ang tolerancia ay isa sa mga dakilang patakarang masoniko. Ito ang batong-panulok na kinasasaligan ng kalayaan sa pagkukuro at sa pagsasalita. Ito ang diwa at kaluluwa ng demokrasya, at kung wala ito ang demokrasya ay magiging isang katagang maiaginting ay hungkag. lniaatas ng alituntunin ng tolerancia na igalang ng bawa’t tao ang mga sariling isipan at paniniwala ng Kanyang kapuwa tao. Alalaong baga’y hinai dapat maging sanhi ng pagkapoot o ng pagtutunggali ang pagkakaiba-iba ng isipan at paniniwala ng mga tao, maging sa relihiyon, sa pulitika, sa mga suliraning panlipunan, at sa ano mang paksang pinagtatalakayan o pinag-aaralan sa loob at labas ng mga tahanan at saanman. Gayonman, ang paggalang sa 142 THE CABLE TOW April 1960 sariling isipan at paniniwala ng kapwa sa an mang bagay, na tinatawag na tolerancia, ay di nangangahulugan na dapat ipagkait ang ilaw ng katotohanan sa nakikita nating lumalakad sa kadiliman. Hindi nangangahulugan na dapat pabayaang mabulid sa bangin ng kasawian ang isang kaibigan o ang sino mang kapwa tao, lalo na ang sariling pamilya, na nakikita nating naliligaw ng landas. Ang pagpaapbayang mabulid sa bangin ang kapwa, lalo na ang sariling kaanak, ay hindi lamang isang maling pagkakaunawa sa tinatawag na tolerancia kundi isang kasalanang higit na masama kaysa intoleran" cia, pagka’t matatawag na criminal negligence. Totoo nga na may mga suliranin, o paksa ng pagtatalo, na kung baga sa kulay ax’ manirap tiyakin kung pula o puli o itim. Nguni't kailangan pa kavang pagtalunan na ang apoy av mainit, o ang kahoy ay hindi tao, at lalong hindi Diyos, na dapat dalanginan at sambahin? Kung ang isang mason av naniniwala sa Ilaw ng Katotohanang ibinabandila ng Masonerya, nagiging isang mahalaga niyang tungkulin, sa akala ko, na ang liwanag ng ilaw na iyan av makilalang buo at lubos sa loob ng kanyang sariling tahanan. Ana ang halaga ng paglusob ng isang kawal sa kuta ng kanyang kaaway kung bago pa siva lumusob ay pinahintulutan na muna niyang mabihag at magapos ng kaaway ang Kanyang sariling tananan? Ano nga ang kabuluhan ng pagnanasang hatdan ng liwanag ang daigdig kung ang mga sariling tahanan natin av siyang una-unang pugad ng kadiliman? Ah! Iyan na, sa ganang akin, ang sukdulan ng isang katayuang labis na masaklap o katawa-tawa! Dahil sa maling pagkaunawa sa tolerancia, ang mga kaaway ng Masonerya ay malayang nakapapasok sa loob ng ating mga tahanan upang pangahasang ituro sa ating mga sariling pamilya, na taglay ang lahat ng talino at katusuhan ng mga propesvonal na manghihito, na tayo’y mga “alagad ni Satanas”. Ang kanilang kapangahasan av umabot na hanggang sa tahasang katulungin ang mga sariling asawa at anak ng mga mason na itatak ang hinlalaki ng mga ito, kahit naghihingalo o patav na, sa mga papel na walang sulat upang pagkatapos av sulatan ng mga pahayag ng pagtalikod sa Masonerya. Anupa nga’t dahilan sa maling pagsasagawa ng tolerancia, sa halip na ito’v maging isang marangal na patakaran ng mabuting pinag-aralan at ng pagka-maginoo ay ito na rin ang nagiging mapiling anyava sa mga alagad ng kadiliman na piliin at unahing lusubin at wasakin ang kapavapaan at katahimikan at pagkakasundo sa loob ng marangal na tahanan ng mga mason. May mga mason pa kava na di nakapapansin na ang mga kaaway ng Masonerya ay naglusad na ng isang malupit na kilusang maaaring tawaging “operations masons’ homes”, kung baga sa hukbo? Mayroon pa kayang kahapis-hapis na katayuang maaaring dumating sa buhay ng Masonerya na gaya ng malayang hatiin at wasakin ng mga alagad ng kadiliman ang sariling tahanan ng mga mason nang dahil sa kapabayaan ng mga mason na rin o dahil sa maling pagkaunawa sa tolerancia? Panahon nang dapat tavong mapukaw sa pagkakahimlay. Apulain ang apoy bago maging malaking lagalab na maaaring mangailangan ng maraming dugo ng mga martir upang masawata* Papagningasin natin ang Ilaw ng Masonerva sa loob ng ating mga sariling MGA HATI-HATING TAHANAN 143 tahanan. Kailangang maunawa ng ating mga kabiyak ng puso at ang ating mga anak na kung paanong nagpapakasakit lavo upang sila'y mapadakila at mapaligaya sa buhay na ito ay gayon ding hindi natin nanasaing mapanganyaya sila sa kabilang buhay. Sa tulong ng mahinahong pagpapaunawa sa mga simulain ng Masonerya, banta ko'y walang banday na pamilya ng mason na maghihinagap na minamahal na kanilang ama ang kanilang katawan at ipinanganganyaya ang kanilang kaluluwa. Isang kasakimang walang pangalan na hangarin ng isang mason ang pagkakawasto ng kanyang sarili at pabayaan ang kanyang kaanak sa kadiliman at sa kuko ng mga kumakalakal sa pangalan ng Diyos upang magsamantala. Hindi natin maipagtatagumpay ang diwa ng Masonerya sa gitna ng daigdig habang bigo ito sa loob ng ating mga sariling tahanan, pagka't paanong maniniwala sa atin ang iba kung ang ating mga sariling pamilya na rin ang siyang una-unang hindi naniniwala sa atin? Inihaharap ko sa inyo, mga Kapatid, ang mga katotohanang ito na humihingi ng masusing pag-aaral at ng maagap na lunas. Maraming salamat. AAA Where Else Lies the Future? MASONRY AND THE EASTERN STAR - The following experts from the inaugural address of Mrs. Inez G. Stott, Worthy Grand Matron of Indiana, quoted from "The Indiana Freemason”, will he of interest to Masons in the Philippines: "The members of the Order of Eastern Star are related by various close tics to members of the Masonic Fraternity. The Order relies on the protection and support of all Masons and all Masonry. It was created to enable family wide participation in Masonic conduct. It contributes and adds to the structural nobility of Masons and Masonry. It is at the merer of Masonry for its patrons and their devotion to their elevated tasks in the Order. It suffers deeply when a Mason falters in the dispatch of the work in his station, and fails to function as craftsmanly as he works in the Fraternity. "The proudest of a Worthy Grand Matron’s days, as she travels over the state in her year, are when she inspects a chapter where a Worthy Patron gives his work nearly letter perfect, and when he also has supervised and achieved a high ritualistic performance by every officer in his Chapter. "These Masons are spectacular in their contributions to the Order of Eastern Star in Indiana, and I am humbly grateful to them and to the entire Fraternity.” WHERE ELSE LIES THE FUTURE? The following are extracts from the Message of the Grand Master appearing in the January 1960 issue of the "Indiana Freemason". MWB J. Carl Humphrey, Grand Master of lhe 144 THE CABLE TOW April 2960