Pitak Pilipino

Media

Part of The Cabletow

Title
Pitak Pilipino
Creator
Galang, Agustin L.
Language
English
Year
1968
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Ni Kep. Agustin L Galang, NIG (17) ALITUNTUNIN NG DAKILANG MANGGAGAWA Sa mga sandali ng akirtg mataimtim na pagniumunimuni, ngayong ako’y nasa dapit-hapon na ng Buhay, ay ngayon ko latnang napagwawari, na ako ay naninirahan sa isang Tcinplo na Hindi ginawa ng mga kamay, ang katawang nilikha ng katangitanging I SIP na makapangyarihan sa lahat. Ang isip av siyang pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao. Ang wagas na isip ang tagapagtaguyod ng tao sa kaunlaran at kaligayahan. Kapag ito ay naglaho, ay mawawala na rin ang katalinuhan at buhay na walang hanggan. Ang Dakilang Manggagawa ay itinatag ang kanyang mga Templo (<mg mga tao sa Sandaigdig) sa tugatog ng mga buhay na bato, kalakip ang Banal 11a Pag-ibig at lava ng kaisipan. Gayon ma’y marami pang maliliit na bagay (details) na iniwan upang bigyan ng pagkakataon ang tao sa pagbalangkas at pagsasakatuparan ng mga ito sangayon sa kanilang mithiin at pangangailangan. Aug Manlilikha ay pinagkalooban din ang tao ng hustong kasangkapang kinakailangan sa pagyari ng Banal niyang Templo. Nasasa kanyang talino’t katapatan sa wastong paggamit ng mga ito, sa maikling panahong ilalagi niya sa Mundo. Dito masusubok kung siya’y karapat-dapat sa Matang Nakikita ang Lahat. Upang maging ganap (perfect) ang Templong tinitirhang kong ito, bayaan ninyong buong ingat kong balakin, ng maging siguring kalakip ang puspos na kaligayahan, di lamang para sa sarili, kundi para sa lahat ng doo’y magaganyak na puniasok, dahil sa huwaran kong pamumuhay 11a ipinakikita sa wika’t sa gawa. Ipagpaumanhin ninyong itayo ko ang bantayog kong ito, alinsunod sa larawangguhit ng Dakilang Guro, na ang Busilak Niyang Liwanag, kailan ina’y hindi. mangungulimlim sa kanyang Dambana, ang Liwanag ng Katalinuhan at inspirasion sa lahat ng doo’y dadalangin at magtitika. Bayaan inyong: sangkapan ko ito ng katapatan at katotohanan, upang maging matatag at matibay, sa gayo’y mapapawi ang alinlangan at paguupasalaan; tanglawan ito ng pagtitiwala at katarungan upang ang magsisipagkanlong doon ay tiwasay at panatag ang kalooban; palabukan ito ng kagandahang-loob, kawanggawa’t maka-Diyos 11a I’agibig sa lahat ng buhay na kaluluwa, ng lubos nilang matalos na C. DEL MUNDO REALTY Member; Manila Board of Realtors Philippine Association of Real Estate Boards. Specialists in. Sales, Service, Brokerage, SubDivisions, Low-Cost Housing, etc. Send inquiries to: C. Del Mundo Realty 600 Rizal Ave., Manila — Tel. 3-24-31 1120 A. Mabini, Manila — Tel. 59-84-21 26 The Cabletow ang Liwanag na patuluyang nagniningning doon ay malaganap at naggagawad ng Buhay sa bawa’t nilalang na kanyang masilayan. Ang mga kagamitan ko dito sa aking Templo (ang aking mithiin, patakaran, at pagpapalagay sa kapuwa) ay Hindi kailanman magkakabahid ng kasakiman, ni sasarilinin ang Templong itong pahiram lamang ng Maykapal; manapa’y aamukiin ko ang lahat; pagkat ikikintal ko sa aking puso’t damdamin, na ang Sansinukob ay isang Dakilang Templo na nilikha ni Bathala, Hindi para sa isa, kundi para sa lahat. Papalamutihan ko ito ng pusong maawain, dibdib 11a inalapatin, at kamay 11a laging handang iggawad sa mga innapi’t sinasamang palad. Ngunit ang pinakamahalagang Iliyas 11a aking idudulot ay ang Talino, upang umisip at magsakatuparan ng magagandang balak; Lakas, upang tumulong at managutan sa lahat ng wastong pasanin. Kagandahan, upang magiii kaayaNOW ON SALE.... Masonic Demeanor and Proper Decorum In Lodge Meetings .. P1.00 Handbook prepared in answer to the demand of brethren for knowledge in the rules, regulations, laws, procedures, customs and traditions which guide Masons in the conduct of stated meetings and the performance of the rites and ceremonies of the Craft. Other books and pamphlets Basic Instructions In Floor I Work .................................... P1.00 Installation Ceremonies In Subordinate Lodges .. (In Pilipino) ................................. 2.00 Philippine Masonry by Kolaw 3.50 Send your orders to: PLARIDEL MASONIC SUPPLY SERVICE 1440 San Marcelino, Manila ayang palamuti sa lahat ng Magigiting at Mahahalagang Gawain. Sapagkat alain kong ang batayan ng Dakilang Manggagawa ng aking Templo (katawan) ay ang Walang Maliw na Pagibig at Buhay 11a Binasbasan, ay kailangan kong matutuhan ang wastong paggamit ng mga kasangkapang kaloob Niya sa akin, upang ako’y maging karapatdapat sa Kanyang Sinapupunan. Matapos kong maisakatuparan ang tungkuling sa sarili’y ipinatao, at du-' mating na ang panahong, ang kaluluwa ko’y dapat ng mawalay sa lupang katawan, upang maglakbay doon sa Bayang Hindi pa natutuklasan, na sa kanyang sinapupunan, ay wala pang nakababalik 11a sinomang manlalakbay^ sa aking mga ginawa’y makapagiwan man lang ako ng isang munting ilaw, 11a sa kanyang Ijwanag ay matauhan ang mga kaluluwang nalulugmok sa kasamaan, ay langit ko nang ituturing, pagkat kahit Hindi lubos, ako’y nakatupad sa Ginintuang Tuntunin ng Dakilang Manggagawang, sa mga Mason ay I’AMARISAN. & LOOK UP Look up and not down. Look forward and not back Look out and not in Lend a hand. Edward Everitt Hale G. O. SABAS Jeweller Maker of Masonic Emblems and Jewelry D. R. ESCOSA Authorized Representative 75 Sibuyan St., Sta. Mesa Heiehts Quezon City Tel: 615998 NOVEMBER. 1968 97