Bayanihan

Media

Part of The Cabletow

Title
Bayanihan
Creator
Santos, Tomas L.
Language
Filipino
Year
1964
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
BAVANIHAN Ni TOMAS L. SANTOS, P.M. Marikina Lodge No. 119 F. & A.M. Ang seksiyong 5, Artikulo XIV ng Saligang Balas ng Pilipinas ay nagtatakda ng mga sumusunod, “Lahat ng mga institusyon sa pagtuturo ay sasailalim ng pamamanihala at mapapaloob sa mga (untuning lagda ng Estado. Ang Pamahalaan ay inagtatatag at magpapairal ng isang ganap at sapat na pamamaraan ng edukasyong pangmadia, at magtatakda ng mga paaralang walang-bayad para sa pang-unang pag-aaral man lamang. at ng pagsasanay sa paghanianiamnyan sa malatanda xxxxxx.” Sa kasalukuyang ang ating Pamahalaan ay guinugugol ng P502.139,5711 upang maisakatuparan ang binanggit sa itaas na seksiyong ng Saligang-Batas. Hindi nag-atubiling naglaan ng ganilong kalaking halaga ang mangbabatas. Napagkilala n.i ang nasabing halaga ay malaki ang magagawa sa ikasusulong ng bansa sa cdukasyon na kalakip na rilo ang pagsasanay sa pagkamamamayan sa malatanda. Ang nasabing pagsasanay, sangayon sa ating Saligang-Batas ay tungkuling ng ating mga paaralang bayan. Ang napakalaking gugulin ay hindi pa sapat sa napakalaking makabuluhang gawain. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maraming maisasagawang pangtulong sa gawaing ito. 1 Republic Act No. 3845, Current Budget Hang Pamamaraan A. Pagtuturo sa mga maysapat na gulang sa pamamagitan ng mga aralin ng mga bata sa paaralan (Curriculum Approach). Ito’y ginagampanan ng lahat ng paaralang bayan ng buong bansa. Halimbawa, sa silid aralan ay pinag-uusapan o tinatalakay ang kalinisan, sapagka’t napatunayang ang bagay na ito’y kailangan sa lugar na ivon. Sa pinag-uusapan ay ang kahalagahan ng kasilyas ay napaloob. Pagkatapos na ang lahat ng bagay-bagay ay mapag-usapan ang lahat ng ito’y tatapusin sa isang pagkaklase sa isang lugar sa nayon. Dito’y aanyayalian ang ilang magulang o mamamayan upang dumalo sa nasabing pagpapatulov ng klase. Ang ilang dumalo ay maaaring makinig, makilahok o inakapagbigay pavo sa pinaguusapan. Ang aralin ng mga bata sa paaralan ay napaaabot sa mga mamamayan sa ganitong pamamaraan. B. Pagtuturo ng pagbasa, pagsulat, aritmctika at mabuting mamamayan (Functional Literacy). Ang pagtuturo ng pagbasa, pagsulat, aritmctika at mabuting ma264 The Cabletow mamayan sa maysapat na gulang ay isa rin tungkuling ng paaralan batay sa nabanggit na Anikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas. Sa gawaing ito’y kailangan ang ibang sangay ng Pamahalaan at* mga samahang sibiko. Ang pamamaraang pagtutulong-tulong o bayanilian ay makatutulong ng malaki sa ikasusulong ng bansa. Ang isang bansang ang mga karamihan sa mamainayan ay marunong bumasa, sumulat, aritmctika at ng tungkuling ng mabuting mamamayan, ang bansang ito’y nabibilang sa bansang maunlad. Ang isang maliit na bayanilian ay kasalukuyang nangyayari sa Parang, Marikina, Rizal. Ito’y pinasimulan pa noong Oktubrc, 1962, ng Kapatiran ng Masoncrya (Marikina Lodge No. 119, F. & A.M.). Inilunsad noong Abril 5, 1963 ang pangangailangang ng isang Pampaniayanang Paaralan (Adult ang Community Education) na napatunayang kailangang sa Nayon. Sinangguni ng Masoncrya ang mga sumusunod: 1. Mababang Paaralan 2. Parang PTA 3. Sangguniang Nayon 1. Y’s Men’s Club, al 5. Parang Cooperative Credit Union Napagtapos noong Ilulyo 5, 1963 ang isang maliit na klase. Sa mga sumusunod na klase ng Pampamayanang Paaralan ay nakipagtulungan din ang dalawa pang samahan sumusunod: 6. PARMARIZ 7. Marikina Valley Lion’s Club Naging masugid na katulong ang Marikina Valley Lion's Club sa ikalawang klase. Handa rin silang tumulong (bigay pala sa guro at mga kagamitan sa klase) sa loob ng isang taon susunod. Kasalukuyang ngayon nagtatatag ng isang Sangguniang2 bubuing ng mga Pangulo o Kinatawan ng bawa’t samahan sa Marikina, Rizal. Ang Sangguniang ito’y nadamang kailangang ng bayan upang palaganapin sa lahat ng nayong nangangailangang ng nasabing Paaralang Pampamayanan. 2Unang Pulong ng Sanggunian nagaganapin sa Marikina Library sa Enero 19, 1964. K. Ang binagong Karta ng Nayon ay binabanggit ang mga sumusunod, " (j) Upang tumawag o magdaos ng mga panayam, palaluntunan, at/o mga kapulungang bayan ng kahit dalawang beses man lamang sa isang buwan para maturuan at mapaliwanagan ang nayon tikol sa mga gawaing moral, pambayan, pang-cdukasyon, politika. at iba pang bagay na inapakikinabangan ng madia;” Ito’y binanggit sa Anikulo III ng nasabing Karta. Sa bisa ng Anikulo III na nabanggit sa itaas, kung ang lahat ng paaralan ay tutulong sa Sangguniang Nayon sa pagpapatupad nito, ang palatuntunang pangpamayanan ng Pamahalaan ay maaaring mapalaganap sa ikasusulong ng bansa. Ang mga nabanggit ay ilang lamang halimbawang maaaring maisagawa ng paaralan, pamahalaan at samahan sibiko. Sa kanilang pagtutulungan o bayanilian sa gawaing cdukasyong, ang ating minamahal na bayan ay maaaring makaagapay sa mga bansang mauunlad sa buong daigdig. February 1964 265