Naglahong liwanag [short story]

Media

Part of The Carolinian

Title
Naglahong liwanag [short story]
Creator
Abapeo, Dorotheo Mar
Language
Filipino
Year
1959
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
f Ang Tunay na Layon Pag-aaral ng Naglahong Liwanag W I K A N G P I L I P I N 0 Maikling kuwento ni DOROTHEO MAR ABAPEO IZUNG kayo'y nag-iisa at pinagbubulaybulayan ang iba't ibang bagay na sumasagi sa inyong isipan, ay subukin ninyong tanungin ang inyong sariling budhi: "Bakit ako nag-aaral? Ano ang tunay na layunin ng pag-aaral?" Bawa't isa sa atin ay may kanya-kanyang layunin sa buhay, kaya't ang katanungang ito ay tatanggap ng iba't ibang katugunan. Sa aking palagay ang layon ng lahat o kung hindi man ng lahat ay ng karamihan ang magtamo ng isang maaliwalas na kinabukasan. Isang kinabukasang pinamumuhunanan ng pagod at pagtitiyaga upang lumasap ng tamis ng bunga. Maaliwalas na kinabukasan... Anu-ano ang katangian ng isang maaliwalas na kinabukasan? Kayamanan? Karangalan? Katalinuhan? Kung kayo'y yumaman at ang buhay ninyo'y lipos ng kaginhawahan, masabi kaya ninyong ang kaginhawahang iyan ang kinabukasang tunay na layon ng inyong pag-aaral? Kung kayo'y . umani ng sambuhay na karangalan, bantog at pinagpipitaganan kayo sa lipunan at walang sino mang nag-iisip ng masama laban sa inyo, masabi kaya ninyong iyan na ang kinabukasang layon ng inyong pag-aaral? Kung kayo nama'y tanghaling pinakamatalino o isa sa pinakamatalinong tao sa inyong nayon, lalawigan, a bansa, masabi rin kaya j ninyong ang katallnuhang iyan ang layon ng I inyong pag-aaral sapagka't sa pamamagitan . ng katalinuhang ay matibay ang Inyong paninindigan sa buhay? Sa ganang akin, kung magtamo tayo ng kayamanan, karangalan, o katalinuhan ay hindi pa rin natin natatamo ang kinabukasang layon ng pag-aaral sapagka't hindi pa tapos ang ating paglalakbay. May bukas pang darating. Ang kina(Kariigtong sa pahina 40) | NAGDUDUMAL1 si Ilonesto sa kanyang paglakad. Sa kanyang mukha’y mababakas ang ligaya at pananabik na nag-uumapaw sa kanyang katauhan. May pagmamalaking kimkim ang kanyang clibclib. Tagumpay ang naging bunga ng kanyang paglisan. May limang taon nang nakalilipas mula nang lisanin niya ang kanyang nayong tinubuan. Lumisan siya upang makipagsapalaran, sa kabila ng pagtutol ng kanyang salantang ina. Inamuki siya ng kanyang ina na sakahin na lamang ang kapirasong lupang naiwan ng kanyang yumaong ama. Nguni’t naging matibay ang kanyang pasiya, kaya walang sino mang nakapigil sa kanya. Dahilan sa kanyang likas na katalinuhan ay madali siyang nakakita ng gawain at tuloy nakapag-aral. Nang matanghal siyang isang bantog na inhenyero’y saka lamang niya natantong ulila siya sa daigdig. Nakaligtaan niya ang kanyang matanda nang ina. Ni isang sulat ay hindi niya ito pinadalhan, sapagka’t, matindi ang kanyang hinanakit. Ngayong nagtagumpay siya’y saka lamang nagbago ang kanyang pagkatao. Napagpasiyahan niyang magbalik sa kanyang ina upang dito ihandog ang kanyang tagumpay. “Inay,” ang bulong niya sa sarili, “nagbabalik ako upang kita’y di na muling lisanin pa, upang pagbayaian ko ng pagmamahal at paglingap ang aking nagawang pagkukulang, at handugan ka ng aking natamong tagumpay, Inay, nalalaman kong sa lahat nang sandal i’y bukas ang iyong puso sa aking pagbabalik-loob. Inay, kaipala’y mapait ang mangulila”. Hindi pa nababadha sa mukha ni Ilonesto ang gaanong pagkapagod nang bumungad sa kanyang paningin ang malawak na kapatagang kinatatayuan ng kanyang munting nayon. Kumikinang ang bubungan ng ilang magagarang tahanan sa gitna ng kapatagan. “May ipinagbago na pala” ang sambit niya sa sarili. Lalong nagdumali siya sa kanyang paglakad. Ilang sandali pa’y sumapit siya ng maluwalhati sa pinanabikang nayon. Tumutugtug noon ang batingaw sa lumang simbahan. Bahagya siyang natiWikang Filipino PAN AMBITAN Tula ni T’Verlo Isang paraluman ang aking nilangit Na inalayan ko wagas na pag-ibig Nguni’t damdamin n’ya nang aking mabatid Gandang pambihira’y nilimot kong pilit. Ako ay lumayong tila isang baliw Luha’y di mapigil sa sawing paggiliw Ang aking pag-asa ay di na darating Ang pananariwa ng luksang panimdim. Nguni’t isang araw ng masilayan ka Damdaming lugami ay dagling sumigla Puso kong nalibing sa hapis al dnsa Ay muling nagbango’t ikaw ay sinamba. Langit na maulap muling naging bughaw Nagluluksang puso’y nahango sa lumbay At ang aking sumpang di na magmamahal Ay muling binawi’t initvaksing tunay. Puso’y binihisan ng gintong pagliyag Ulirang pag-ibig ay pinapag-alab; Dalisay na layon at nasang busilak Sa dibdib mo mutya sana ay ilimbag. O dinggin mo Neneng yaring panambitan Nilong pusong tapat sa pagmamahalan O maniwala kang sadyang ikaw lamang Ang tangi sa dibdib hanggang sa libingan; Datapwa’t kung ikaw ay muling papanaw Muling maghahari ang lagim ng buhay. lihan at nagbuntong-hininga. Bakit kaya? Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang maraming taong lumalabas sa simbahan. Isang puting ataol ang di kawasa’y inilabas sa simbahan. “Isa palang nilalang ang pumanaw,” ang katagang dumaloy sa kanyang mga labi. “Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa”. Patuloy ang pagtugtog ng basag na batingaw, habang papalayo ang pulutong ng mga taong naghahatid sa namatay sa kanyang huling hantungan. Napag-isip niya: “May hantungan ang lahat nang bagay sa daigdig. May wakas ang ligaya at gayon din ang kalungkutan.” Hindi nagtagal at sinapit niya ang harapan ng simbahan. Pumasok siya, nagkurus, nanalanging sumandali at pagkatapos ay luminga-linga sa loob. Iyon pa rin ang lumang simbahang tanglaw ng kanyang nayon sa habang panahon. Pagkatapos manalangin ay tinalunton niya ang daang patungo sa kanilang tahanan. Napatatda siya ng matanaw ang malungkot na katatayuan ng kanilang dati’y may kagaraan ding tahanan. Ang bakod ay giray-giray na at malalago ang damo sa paligid. Maging ang dinding at bubong ay butas-butas Pa g e 40 na at waring nakaligtaan sa loob ng mahabang panahon. Nagbutong-hininga siya at bahagyang nawalan ng pag-asa. Malamang na wala roon ang kanyang ina. Sa gitna ng pagbabaka-sakali ay tumawag siya. “Inay, inay... naririto na ako... inay... ” Makailan siyang tumawag nguni’t ni kaputol na tinig ay wala siyang narinig. Kaginsa-ginsa’y isang matandang lalaki ang tumapik sa kanyang balikat. “Anak, ikaw si Honesto hindi ba?’’ “Ako nga po, at kayo po si Mang Pepe, hindi ko kayo nalilimutan.” “Anak, bakit wala ka rito nang mamatay ang iyong...................” “S-sino po, ang aking ina?” “Hindi ka nagkakamali anak. Aug Tunay... (Karuytony ny paliina 39) bukasang iyon ang dapat maging sadyang maaliwalas, ang kinabukasang hantungan ng panahon, sapagka't pagsapit niyo'y wala nang bukas sa dako pa roon. Ang tinutukoy ko'y ang kinabukasan sa piling ng Diyos, na siyang tunay na layon ng atlng pag-aaral. Hindi baga tayo nag-aaral upang malaman at isagawa ang kabutihan, katarungan, at katotohanan ng lahat nang bagay na ating pinag-aaralan? Tandaan nlnyo na ang Diyos ay Kabutihan, Katarungan, at Katotohanan, samakatuwld, ay Siya ang tunay na layon ng atlng pag-aaral. $ Pumanaw na ang iyong ina nang may dalawang taon nang nakalilipas.” “Diyos ko kay lupit po ng inyong parusa,” ang malungkot na wikang nabigkas ng kanyang namumutlang mga labi. Napahagulgol siya ng iyak. Kailan ma’y di na magbabalik ang kanyang ina. Ang kanyang inang nilisan niya sa kabila ng pagtutol nito, inang tanglaw ng kanyang kamusmusan, inang yumao sa gitna ng pighati, inang sa kabila ng kanyang kalapastangana’y lalong nag-ibayo ang pagmamahal sa kanya. Liban na sa sariwang luha at taimtim na dalangin ay wala na siyang maihahandog sa kanya. Kinuha na ng Maykapal ang kanyang ina upang paglipas ng tiisi’y gantimpalaan ng ligayang walang hanggan. At pagkatapos ng malungkot na tagpong yaon ay naparoon si Honesto sa libingan. Luhaan at mistulang baliw siyang nakipag-usap sa puntod ng kanyang ina. Sa mga labi niyang ipininid ng pighati’y nasambit ang mga katagang lipos ng pagsamo, nguni’t mga pagsamong walang mahihitang bunga. “Inay, naririto na ako”, ang malungkot niyang daing. “Inay, nagbalik ako upang ikaw’y di 11a muling lisanin pa, upang ipadama sa iyong minamahal kita. Inay... mangusap ka... i...n... a...y.... ” Ang kahabag-habag 11a daing ni Honesto’y pumailanglang sa katahimikan. Bawa’t nilalang 11a noo’y dumaraan at nangakarinig niyo’y natilihan, at sa pagbubuntonghininga’y nasambit sa kanilang puso: “Kawawang kaluluwa.” Maraming puso ang nangahabag kay Honesto. Marami ang napaluha at naghandog ng dalangin. Sa mga sandaling yaon ay napaglimi ni Honesto ang kahalagahan ng isang ina. Hindi nga pala mapapantayan ng salapi at tagumpay ang labi ng isang inang sa daigdig ay mahirap matagpuan. Isang batis ng pagsintang minsan lamang matatamasa at kung mawala na’y di 11a muling magbabalik. Unti-unti na noong lumalamig ang mga silahis ng araw. Nagpapahiwatig ng kanyang paglisan sa araw na yaon. Papanaw ang kanyang liwanag, lalamunin ng karimlan, subali’t darating ang umagang siya’y muling sisikat upang ang kanyang silahis ay muling maghari sa santinakpan. Tulad ng araw, ang ina niya’y isang tanglaw', naglaho ang kanyang liwanag, datapwa’t naglaho upang di na muling sumikat pa magpakailan man. $