Bukang-liwayway [short story]

Media

Part of The Carolinian

Title
Bukang-liwayway [short story]
Creator
Salgado, Dalisay
Language
Filipino
Year
1959
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
BU KANG-LI WAY WAY • Maikling kuwento ni DALISAY SALGADO ABALANG-ABALA si Luz sa pagharap sa kanyang mga pauauhin. Mababakas sa kanyang mukha na siya’y maligayangmaligava. Matatamis na ngiti ang kanyang isinasalubong sa mga dumarating. "Ang salu-sa)o ay isang “Shower party” na handog sa kanva ng kanyang mga kaibigan alang-alang sa kanyang nalalapit na pakikipagisang dihdib kay Tony de Leon, batang-bata at makisig na tagapamahala ng isang katamtaman nguni’t matatag na samahan. Gabi na nang magsiuwi ang mga panauhin. Ang pagod ni Luz ay hindi alintana. Ibang-iba siya ngayon kaysa noong mga nakaraang buwan. Siya noon ay malungkutin, bihirang ngumiti, at kung ngumiti man, ay walang kislap ang kanyang mga mata. Si Luz ay likas na masayahin, nguni’t pinalungkot siya ng isang pangyayari..... Noong una, siva ay napakamasayahin, palabiro at mahiligin sa mga kasavahan. Hindi siya gaanong matalino at pangkaraniwan lamang ang kanvang kagandahan. Hindi siya gaanong maputi, ang ilong niya ay di-gaanong matangos, nguni’t ang kanyang mga mata ay parang niakikislap na hiyas, mapupungay at punong-puno ng damdamin. Nasa billing taon na siya sa kolehiyo nang makilala niya si Eddie. Ipinakilala ito sa kanya ng isang kaibigan, habang sila ay kumakain sa “canteen ” Nakisabay nang kumain si Eddie sa kanila, at dito nagsimula ang mabuting pagtitinginan nila ni Luz. Bawa’t labasan, himhintay ni Eddie si Luz, at naging linguhang panauhin niya si Eddie sa kanilang tahanan. Si Eddie av isang masipag at matalinong mag-aaral. Ang katalinuhan niva ay hindi pangkaraniwan. Madalas siyang maging pangulo ng iba’t ibang samahan sa paaralan dahilan sa kanyang mahusay na pangungulo at pamamahala. I.ubhang ikinararangal ni Luz si Eddie. Gavon na lamang ang kanyang kagalakan nang ito’y magtapat sa kanya. Napagkayarian nilang lumagay sa tahimik pagkatapos nila ng pagaaral. Si Eddie noon ay kumikita na, bagama’t kaunti nga lamang. Si Luz naman ay may inaasahang gawain pagkatapos ng kanyang pagaral. Madaling lumipas ang mga araw. Dumating ang araw ng pagtatapos. Lahat ay abala sa paghahanda. Sa kanilang “graduation ball’’ ipinagtapat hi Eddie na siya ay nahirang na "scholar” ng kanilang paaralan at ipadala sa Amcrika upang magdalubhasa. Magkahalor.g saya at lungkot ang nadama ni Luz. Saya, sapagka’t isang karangalan kay Eddie ang mahirang na “scholar”, at lungkot, sapagka’t sila ay magkakalayo at maantala ang kanilang mga balak. Palibhasa’y a'yaw ni Luz na maging hadlang sa pagtatamo ni Eddie ng tagumpay kaya hindi siya tumutol. Habang nasa Amerika si Eddie ay nagpatuloy si Luz ng pag-aaral. Madalas silang magsulatan, nguni’t dumating ang panahon na padalang ng padalang ang mga sulat ni Eddie. Naisip ni Luz na baka kaya maraining gawain si Eddie kaya hindi kaagad ito nakaliliham. Isang araw, tumanggap siya ng isang liham mula kay Eddie. Hindi siya nagkantututo sa pagbubukas niyon. Isang larawan at isang "clipping” ang bumungad sa kanyang paningin. Nakalathala ang pakikipagisang-clibdib ni Eddie sa isa ring “scholar’* na Pilipina. Hindi niya nakuhang basahin pa ang kalakip na liham. Masaganan luha ang dunialoy sa kanyang mga mata. Yaong pangyayaring yaon ang naging Simula ng pagbabago ni Luz. Iniwasan na niya ang mga kasayahan at mga pagtitipon. Pati ang kanyang mga kaibigan ay iniwasan na rin niya. Datapwa’t sa kabila ng pagbabagong ito ay isang kaibigan ang naging matiyaga sa pakikitungo sa kanya. Kahit na kalimita’y tinatanggihan ni Luz ang kanyang mga tulong at paanyaya, si Tony ay hindi nawalan ng pagasa. Hindi nga naglaon at nahimok ni Tony si Luz na magsayang niuli at makihalubilo sa kanyang mga kaibigan. Natanto ni Luz 11a hindi siva dapat mabuhay sa piling ng kanyang kahapon. Paglipas ng araw ay naghahari ang dilim ng gabi, nguni’t pagkalipas ng gabi’y muling sumisikat ang araw. Gayon din ang buhay ng tao, may araw at may gabi, may kalungkutan at may kaligayahan. Lumipas ang maraming araw. Nanumbalik si Luz sa dating sarili. Masaya, palabiro at punong-puno ng buhay. Ang pagbabagong ito ay naganap sa tulong ni Tony. Tulad ng inaasahan ni Luz ay nagtapat ng niluloob si Tony. Batid niya ang kadakilaan ng puso ng lalaking ito kaya hindi siya natakot na umibig pang muli. Maagang-maagang nagising si Luz. Kay ganda ng bukang-liwaywav na bumungad sa kanyang paningin! Sa kaunaunahang pagkakalao'11 ay nadama niya ang lipos na kasayahan, isang damdaming hindi niya kayang maipaliwanag. Ang gabi ng kanyang buhay ay lumipas na at isang maningning na bukang-liwayway at bagong buhay ang kanyang haharapin. Isang bagong buhay sa piling ni Tony. Bantayog ng Kadakilaan • Tuwing ginugunita natin ang kadakilaan ng ating mga bayani ay nagugunita rin natin ang kalupitan at kabagsikan ng mga dayuhang lumupig at bumihag sa ating inang bayan, kalupitang at kabagsikang naging batayan ng madugong paghihimagsik upang matamo ang kalayaang ngayo'y ating tinatamasa na. Datapwa’t sa kabila ng kalupitan at kabagsikang yaon ay may busilak na kabutihang naidulot ang mga dayuhan, kabutihang natatanim sa puso ng bawa’t isang Pilipinong marunong tumanaw ng utang na loob. Kung hindi napadpad sa ating mga pasigan ang mga dayuhan, ay hindi sana nabuo ang bayang Pilipinas sa ilalim ng isang bandila. At lalo pang mahalaga, hindi sana naipunla sa puso't diwa ng sambayanang Pilipino ang kawagasan ng isang banal na pananampalataya — ang pananampalatayang Katolika. Maaaring hindi kaagad matatanggap ng balana na napakalaking bahagi ang naitulong ng Simbahang Katolika sa natamong kaunlaran ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga paaralang itinatag nito sa iba’t ibang panig ng kapuluan sapul pa noong sakupin tayo ng mga Kastila, ay nabihisan ang Pilipinas ng isang bago at maunlad na kabihasnan. Hinubog tayo sa larangan ng paggawa, agham, paghahalaman at pagsasaka, pangangalakal at pagtuturo. Ipinunla sa ating mga puso ang kadalisayan ng kagandahang asal, pag-ibig at pagkilala sa iisang Diyos, pagmamahal sa kapwa, at pag-ibig sa inang bayan. Sa pamamagitan ng mga kabutihang ito ay namulat tayo, tumibay ang ating damdamin at nag-akalang humakbang ng sariling hakbang. At sa lilim ng ating bughaw na langit at malamlam na sikat ng araw ay isa-isang isinilang ang ating mga bayani. Sila ang nanguna sa pagtahak sa gabi ng sigwa upang kalagin ang tanikalang gumagapos sa kamay ng inang bayan. Sa wakas ay nakalaya ang inang bayan, nahawi ang sigwa, at nagbukang liwayway. Ngayong malaya na tayo ay tingalain natin ang Simbahang Katolika bilang pagtanaw ng utang na loob. Tandaan ninyo balana, na sina Rizal, Mabini, Del Pilar, Bonifacio, Quezon atbp., ay pawang tumanggap ng karunungan sa mga paaralang Katolika. Mula't sapul noong una, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy sa paghubog sa kaisipan ng maraming Pilipino ang mga paaralang Katolika sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Ang bahaging ginampanan ng mga paaralang Katolika sa pagpapaunlad ng Pilipinas ay isang bantayog ng kadakilaan, na nauukit sa dibdib ng sambayanang Pilipino. $ — Teodoro Amparo Bay Pa g e 36 THE CAROLINIAN