Wikang Pilipino

Media

Part of The Carolinian

Title
Wikang Pilipino
Language
Filipino
Year
1961
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Abstract
Ang kahalagahan ng sariling wika
Piyano ni Anita Susion
Nang Kita'y Makita ni Ben Napoles, Jr.
Tula sa Dalawang Puso ni Rustico Paderanga
Rosas ni Democratico Crisostomo
Babae ni Bruno Paler, Jr.
Muling Nabubuhay ni Lamberto G. Ceballos
Karimlan [short story] ni Manuel S. Satorre, Jr.
Fulltext
Wikamf. P| LI PINO PANGULONG TUDL1NG: rfnq fta/ataqa/ian nq S&Hilinq IVi/ia Mga giliw naming mambabasa, hindi namin kayo pinipilit na magbigay ng kahit kaunti man lamang na pansin ukol sa mga pitak na ito. Alam kong hindi kayo marunong magpahalaga sa sarili ninyong wika. Lalo pa ninyong itinataguyod ang mga wikang dayuhan sa halip na pagyamanin ninyo ang alin mang bagay na may kaugnayan sa ating bayan na maaring ikauunlad nito. Wika nga ng isang Kasabihan: “Dapat kayong magwalis muna sa sariling bakuian bago sa iba,” nguni’t pawang kabaligtaran ang ginagawa ninyong mga mamamayan. .. pawang pakitang-tao lamang ang namumugad sa inyong katauhan. Ang sumisikat na mga panulat sa panitikan ngayon ay pawang nakalathala sa mga wikang hindi atin tulad ng Ingles, Kastila, atb. pa. Ngunit ang mga sinasabi kong ito ay hindi pagkutya sa panitikang dayuhan o di kaya’y sa salitang dayuhan. Ang akin ay isang paalala lamang sa inyo mga kaibigan, kung natutulog pa ang inyong mga damdamin! Ang mga salita at panitikang dayuhan ay mayaman at punung-puno ng katotohanan, ngunit ito’y dayuhan at kailan man ay hindi magiging atin. Halos araw-araw ay nababasa ninyo sa pahayagan ang, “FILIPINO FIRST POLICY”. Ito ba’y naitaguyud ng ating mga mamayan? Noong naging pangulo ng ating bayan ang yumaong Manuel L. Quezon, nadama niyang karapat-dapat sa isang malayang bayan ang magkaroon at gumamit ng sariling wika kaya niya ipinairal ang isang batas upang gumawa ng isang “Pambansang Wika.” Hindi nagkakamali ang ating yumaong pangulo. Tayong mga mamamayan lamang ang lumikha ng isang malaking kamalian. Ang paggamit ng sariling wika ay isang paraan upang mabigyan natin ng lunas ang mga suliraning makabayan sa pamamagitan ng isang wika na maaring maintindihan ng bawat mamamayan. Kaya ipinairal ang batas na (/Vrt.s-a pahina 21 ang karugtong) GAYA ng mga nakaraang araw, muli ko na namang namalayan ang aking sarili na nanonood kay Lina sa pagpipiyano. Labis ang j aking paghanga sa kahusayan ni 1 Lina gaya ng aking paghanga sa mga I tugtuging kanyang ipinaririnig. I Kaya mo ba ito? Ang tanong niya sa akin at parang mga daliri ng diwatang naghahabulan ang kanyang I pagtugtog. Ngumiti lamang ako at i naisaloob ko kung kailan pa kaya ! ako matututo. i Kaibigan kong matalik si Lina inula pa sa pagkabata. Lagi kaming magkasaina hanggang sa magsilaki kami. Sa aming lugar, siya lamang | ang marunong magpiyano. Nagka> roon din ako ng pagnanais na maI tuto kahit kaunti. j Kailan pa kaya ako matututo, ha Lina? Ang tanong ko. i Kung mayroon kayong piyano ay I madali na—ang tugon niya. Kasi ! ayaw ka pa magpabili kahit segunda mano lamang. Sina itay kasi eh, malimit kong j ungkatin ang bagay na iyan, nguI ni’t ipinagwawalang-bahala nila — ang pahimutok ko namang nasabi. Bakit hindi mo ungkatin ulit at baka sakaling pagbigyan ka eh, di ' hindi ka na nang-iistorbo—ang pa| biro niyang sabi nguni’t nakasugat , din sa aking damdamin. 1 Hayaan mo’t susubukin kong muli—at nagpaalam na ako sa kanya. Gayun ng gayon ang nangyayaring tagpo sa aming magkaibigan. Alam kong nakakaistorbo ako, nguni’t talagang malaki ang pagnanais kong matuto ng pagpipiyano kung kaya’t kinakapalan ko na ang aking mukha. Sina tatay naman ay kung bakit na■ titiis ako. Alam ko namang kaya nilang bumili ng kahit isang segunda manong piyano. Kinagabihan, pagkakain namin ng i hapunan, maaga akong nagtuloy sa aking higaan. Doon ay nag-iisip ako I ng paraan upang mapapayag kong I bumili ang aking mga magulang. Hatinggabi na ng ako’y makatulog. Kinaumagahan, gaya ng dapat I asahan ay tinanghali ako ng gising. ■ Pagkaayos ko ng aking katawan ay I lumabas na ako. Nguni’t gayon na I lamang ang aking pagkagitla sa aking nakita. Ang mga kasangkapan naI min ay pinagtutulung-tulungang ibaba ng ilang mga lalaki. Akala ko’y i naimbargo na ang aming bahay at | kasangkapan. Nguni’t hindi! Ang I mga maleta ay punung-puno rin. ! Gulung-gulo ang aking isipan kung kaya’t ng makita ko si Inay ay ma| dali akong nagtanong. i Ano po ang ibig sabihin nito? Mabuti’t nagising ka na Auring— ang sagot ni Inay. Alam mo’y lilipat na tayo ng tirahan. Ano po? Bakit po naman biglangbigla? Ni hindi n’yo man lamang nabanggit iyan sa akin. Ang sunudsunod kong sabi. At halos mapaiyak ako. Ikinalulungkot namin anak — ang wika ni Inay. Ako man ay nabigla rin. At isinalaysay niya ang lahat. Sa matagal na pagtatrabaho ng tatay mo at kasigasigan, nataas siya ng tungkulin at naragdagan ang kanyang suweldo. Nang magkagayon, bumili siya ng bahay sa pamamagitan ng paghuhulog buwan-buwan. Ang lahat ng iyan ay inilihim daw niya upang diumano’y bigyan tayo ng sorpresa. At ngayon nga ang araw ng ating pag-alis. Ang patapos niyang sabi. n i ANITA SUSION Naging malungkot ang aming pagpapaalaman ni Lina. Yakap-yakap ko siya at iyak ako ng iyak. Siya man ay gayun din sa akin. Dadalaw ka namang paminsanminsan sa akin. Baka ngayong nasa malayo ka na eh hindi mo na ako maalala. Ang wika niya. Hinding-hindi kita makakalimutan at gayun din ang ating magandang pagsasamahan—at hindi ko na nasabi pa ang iba kong nais na sabihin ng marinig ko ang tawag ni Inay na hudyat na aalis na kami. Diyan ka na Lina at humahagulgol akong nagtatakbo sa aming sasakyan. Talagang hindi ko yata maiiwan ang aming lugar na lubhang napamahal na sa akin. Marami ring oras kaming naglakbay hanggang sa marating namin ang aming patutunguhan. Gayon na lamang ang aking paghanga ng tumigil ang aming sasakyan sa tapat ng isang makabagong bahay. Ito ay napipintahan ng mga murang kulay. Napaliligiran ito ng pantay-balikat na rehas na bakod at sa harapan ng bahay ay magagandang halamang nahihitik sa bulaklak at sa likuran naman ay mga puno ng bungangkahoy. Napakagandang pagmalasin. Tila talagang inihanda sa aming pagdating. Pagbungad namin sa loob ng bahay ay halos tumigil ang aking paghinga. Isang bagay ang nakatawag ng aking pansin. Napaiyak na naman ako at halos mawalan ako ng malay hindi dahil sa kalungkutan kundi dahil sa kaligayahan. Ang malaon ko ng pinapangarap ay natupad din—ang nawika ko at nagtatakbo ako sa lugar na kinalalagyan ng aking pangarap—ang piyano. Buong kasabikan akong tumipa nang tumipa kahit na hindi ako gaanong marunong. Iyan ang sorpresa namin sa iyo ng iyong ama at naramdaman ko ang mapagmahal na paghagod sa aking buhok ni Inay. Alam naming nahihirapan ang iyong kalooban kung napapansin mo ang aming pagwawalang-bahala kung inuungkat mo ang mga bagay na iyan. Ngayon ay natupad na ang pangarap mo—ang mahabang sabi ni Inay. (Nasa pahina 21 ang karuatong) Page 20 THE CAROLINIAN Nang Kita’ij Makita ni BEN NAPOLES, JR. Puso ko’y laging kumakaba Tuwing kita’y makita Na sa iba’y kasama Ngumingiti’t maligaya... Hindi mo pa yata alam Nilisan kitang walang paalam ’Pagkat ayaw kong mamasdan ang Nakakainggit n’yong pag-iibigan... Bakit ikaw pa ang napili? Ibigin upang masawi? Buti pa kaya’y magbigti, At buliay sa Diyos isasauli... &ula sa ‘Dalariang Ruso ni RUSTICO PADERANGA Ako ang alingawngaw ng iyong tinig, Ang anino ng iyong anino... Ang yabag ng iyong nandidiing paa.. Gayon man, ika’y hindi akin, ako naman ay di iyo ngunit ako ay ikaw rin... lisa ba ang ating puso? Ang puso’y nagiging isa lamang Kung ang pag-ibig ay naghahari... Rosas ni DEMOCRITO CRISOSTOMO O ROSAS kay ganda-ganda mo! Kay bango ng iyong singaw, Kumikislap pa ang iyong dahon. O ROSAS ika’y mahinhin, Mabait, at walang kibo... Kung ang mga babae lang Ay tutulad sa iyo... ang buhay Ay malayo sa gulo... Rabae ni BRUNO PALER JR. May luha ang mata mo! Bakit? Bakit mo inaaksaya Ang kapirasong tubig... Tubig na nagbuhat sa pag-ibig? Ang luha’y di dapat aksayahin! Ang luha’y puhunan ng babae Sa pagpapahinto ng galit Ng binatang malapit sa kanyang puso. Muling Nabubukay ni LAMBERTO G. CEBALLOS NOON: Yaring puso’y humagulgol, sumigaw sa mga luhang kumikinang na sa mga mata ko’y nagtakbuhan — Pag-ibig ko’y patay na. NGAYON: Nang ika’y aking nararamdaman, puso ko’y pumipintig at muling naliliwanagan ang karimlan ng aking kahapon — Bagong pag-ibig sa puso ko’y sumisibol. KARIMLAN MANUEL S. HINDI mapagkatulog si David. Halos hindi niya maipikit ang kanyang mga mata... balisangbalisa siya at ang kanyang katawan ay nakabalot sa pawis,—bunga ng matinding kirot na suniisiil sa kanyang mga laman... Bigla na lamang may pumahid sa kanyang noo... iyon ay si Leny na kanyang maybahay. Leny? Ikaw ba iyan? ang takbo ng isip ni David sa mga katagang halos hindi niya mabigkas. “Oo, David, si Leny ito. Hindi kita iiwanan,” sagot ng babae. “Leny, hindi ko na matitiis ang paghihirap kong ito. Nais ko nang mamatay,” ang naghihirap na sagot ni David. “Huwag itay! Huwag ninyo akong iiwan. Mahal ka namin ng Nanay,” bigla na lamang ang pagsalita ng bata nang marinig ang sabi ng ama. Siya pala’y kasama ng kanyang ina sa pagamutan. “Leny! Utang na loob! Ilayo mo si Boy!” pasigaw na sabi ni David. Marahang nilisan ni Leny at ng kanyang anak ang silid ng pagamutan. Bigla na lamang nagkaroon ng katahimikan ang madilim na silid ni David. At sa pagkakahiga niya’y unti-unting nagbalik sa kanyang gunita ang pakikihamok niya sa Korea... kung papano siya nasugatan at dinala sa pagamutan... at ngayon... naririto na naman siya sa isang pagamutan, upang suriin kung ano talaga ang kanyang sakit. Nanlaki ang mga mata ni David nang bigla niyang nakita ang untiunting pagbukas ng pintuan kasabay ng nakakasilaw na ilaxv at ang mga katagang narinig niya sa nag-uusap salabas... KANSER! KANSER! ang sakit niya! ! Hindi makapaniwala si David. DIYOS KO tulungan po ninyo ako! ang gunita ni David. Dahan-dahan siyang pumanaog sa kanyang kama upang... HINDI maaring dito ako mamatay sa Ospital, wika ni David. Kailangan kong... kailangan ko pa bang paghirapan ang buliay kong ito? patuloy na paggunita ni David. Sa paglabas niya sa bakuran ng pagamutan hindi niya kaagad nalaman kung saan siya tutungo... Piyano (Karugtong ng pahina 20) Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin ng mga sandaling iyang kaya ginagap ko na lamang ang mga kamay ni Itay at ni Inay at pinupog ko ng halik sabay sabing— Salamat, salamat sa inyo. Ngayon ay maari mong ibalita iyan kay Lina at tuloy yayain mo silang mag-ina upang pumunta lito. Si Itay ang nagsalita. Opo Itay— ang tugon ko. Ngayon, narito na naman ako sa harap ng piyano, nguni’t hindi ang dating tanawin ang makikita. Sa halip na mga sanay na daliri ni Lina ang makikita, mga mababagal na pagtipa ng bago pa lamang na tututo ang mamamalas. At iyan ay walang iba kundi ako... Xiuuenta ni. SATORRE, JR. wala na siyang paparoonan. Nang bigyan niya ng kahuli-hulihang tingin ang pagamutan, naulinigan niyang nagkagulo na ang mga tao doon... Nawala ang pasyente! ang mga salitang sinambot ng kanyang pandinig. Napatawa lang si David. At patuloy pa rin siyang naglalakad sa madilim na lansangan... walang tutunguhan kundi ang karimlan ng kanyang mga gunita... KANSER! KANSER! KANSER! ang kanyang Sa kanyang paglalakad, nagunita niya ang mga matatamis niyang mga araw, bago sila ikinasal ni Leny. Natandaan pa niya ang malambing nilang pag-susuyuan sa Baguio... at natandaan din niya ang paghihirap nito ng isinilang si Boy... ang mga araw nang si Boy ay lumaki na at kung papano niya ito nilalaro... Nguni’t, ang mga matatamis na mga gunitang ito ay parang lason na kay David, sapagka’t ang gunitang siya’y may kanser ay ang pumapatay nito. Patuloy ang takbo ng mga gunita ni David, patuloy ang kanyang paglakad hanggang sa narating niya ang malalim na tulay ng Quezon. Siya’y tumigil dito, sumandal sa tabi ng tulay at tinanaw ang malalim na tubig. Natanaw niya sa tubig ang isang karimlan na magiging lunas sa kanyang paghihirap. Bigla niyang itinaas ang kanyang paa upang tumalon sa tubig at magpakamatay. ... nguni’t bigla niyang nagunita si Boy... Hindi! Hindi! Hindi ko magagawa ito! Hindi ako nababaliw! Nilisan ni David ang tulay at tumakbo ng walang tutunguhan hanggang sa naabutan siya ng sakuna. Sa kanyang pagtakbo... siya’y nasagasaan... Naglaho na siya sa Karimlan... patay na siya. Hanggang ngayon ay hindi pa nababatid ng kanyang asawa o di kaya’y ng kanyang doctor kung siya ba’y may Kanser... gayong hindi pa pala nasusuri si David. Ang narinig niyang pinag-uusapan ng doctor sa labas ng kanyang silid ay hindi siya kundi ibang pasyente. Pati ang ating mga isip mga kaibigan ay nababalot na rin sa karimlan. May kanser nga kaya si David? Ang Kahalagahan . • • (Karugtong ng pahina 20) ito ay upang sa darating na panahong tatanghalin na sa buong daigdig ang ating bayan bilang dakila, hindi tayo mapapahiyang ipagsabi sa apat na sulok ng daigdig na tayo’y may sariling wika at isang panitikang nakasulat sa sariling wika. Hindi ba kayo nasisiyahan sa ating wikang “TAGALOG”, bilang pambansang wika? Bakit gayon na lamang ang pagalipusta ninyo sa wikang ito, gayong para na ring kinukutya ninyo ang inyong sarili? M. SS. JR. (Patnugot) SEPTEMBER-OCTOBER, 1961 Page 21