Ang pagpili ng bokasyon

Media

Part of The Carolinian

Title
Ang pagpili ng bokasyon
Creator
De La Paz, Myrna
Language
Filipino
Year
1966
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Pangulong Tudling Ano Ang Dahilan? Kay ganda ng Pilipinas kung ito’y pagmamasdan mula sa himpapawid. Sagana sa luntiang tanim, pinaliligiran ng asul na tubig, at mayaman ang kalikasan. Tinuturing na isang paraiso at kinaiinggitan ng marami pagka’t sa kani-kanilang sariling bansa ay hikahos sa kasaganaan ng kalikasan. Walang tubig na pumapaligid na tmvinang mapagkukunan ng pangkabuhayan. Walang saganang luntiang tanim na magbibigay-buhay sa kanila. Salat sa kagandahan at kayamanan ng kalisan. Napakapalad ng Pilipinas pagka’t ito’y sagana sa biyaya ng Diyos at matapating sinisilangan ng mainit na aratv. Walang dahilan upang tayo’y maghikahos. Nguni’t kay saklap tanggapin ang tunay na kalagayan natin kung tatalasan lamang nila ang kanilang pangmasid, na tayo, na siyang itinuturing na isang paraiso at sagana sa biyaya ng Diyos ay siya pang naghihikahos? Bakit kaya? Ano ang maaring dahilan? Dahil ba kaya sa ang mga Pilipino ay Ni VIRGINIA A. FLORDELIS mga mangmang? Kung tutuusin, parami nang parami ang mga nagaaral ngayon kung ihahambing sa mga nakaraang taon. Maraming nagpapatala sa iba’t ibang paaralan at kumukuha ng karerang inaakalang makakaya nila. Iilan lamang sa kanila ang may hilig sa paglinang ng ating likas na kayamanan. Hindi sa di natin binibigyan ng halaga ang ibang karera. Bawat propesyon ay mahalaga tulad ng pagsasaka o anumang hanapbuhay hinggil sa paglinang ng ating likas na kayamanan. Ang dapat sana’y bigyan ng kapamitagan ang bagay na makatutulong sa pagpapaunlad ng ating kabuhayan. Ang lupa ng ating bayan ay maaaring mapagtamnan ng anumang tanim na ating makakain. Nguni’t ilan lamang ang may lakas-loob na tiklupin ang manggas ng kanilang polo upang iyo’y bungkalin? Isang kalunus-lunos na paalaala na marami sa ati’y nag-aaral upang sila’y matawag na estudyante. Mayaman man tayo o mahirap, bawat isa ay may pananagutan bilang anak ng Diyos at ng tao, bilang mabuting mamamayan at bilang isa sa mabubuting kasapi ng lipunan. Tayo’y hindi nag-aaral upang bigyan ng kasiyahan lamang ang ating sariling pangangailangan, kundi dapat isaloob natin na tayo’y nag-aaral pagkat siyang katungkulan natin. Katungkulan nating mag-aral upang paigihin ang ating katauhan; upang malaman natin kung bakit tayo nilikha at upang ating malinang ang talinong bigay sa atin ng Diyos; upang matulungan natin ang bayan sa paglutas ng iba’t ibang suliranin, upang umambag ng anumang makakaya sa lipunang kinabibilangan, at upang mabigyan ng kasiyahan ang ating nagmamahal na mga magulang. At hindi naman dapat kaligtaang banggitin ang mga taong mabubuting mag-aral. Sila’y kapurihan ng ating lahi. Ang Pilipinas ngayo’y di katulad ng dati. Tayo’y paunlad. Nguni’t matulin ba ang pag-unlad natin? Ang tanong na ito’y mananatiling isang tanong sa loob ng maraming taon kung tatangihan natin ang paghahanap at pagsisikap na matuklasan ang paraan upang maakay natin ang bansang Pilipinas sa mabilis at tiyakang pag-unlad. (rfnq paqjiili nq BOKASYON ni MYRNA DE LA PAZ, BSE III Ang pagpili ng bokasyon ay isang bagay na nangangailangan ng masinsinang pag-iisip at mahusay na pagsusuri na dapat ibatay sa isang makatuwirang diwa. Kadalasa’y iba ang ginagawang batayan kung kaya marami ang nagiging di karapat-dapat sa mga tungkuling ginagampanan sa ating lipunan. Nakatutuwa bagama’t totoo, kung ating sasabihing ang nanganganinag na puting uniporme ng isang manggagamot, ang bigat na ibinibigay sa pagb.gkas ng salitang “abugado”, ang pagkainggit sa isang kaibigan, at iba pang kahawig na mga bagay sa mga halimbawang nabanggit, ay masasabing dahilan ng marami kung hindi man ng lahat, kung bakit sila ay nasa kasalukuyang kinuhang kurso o sa kinabibilangan nilang propesyon. Sa daigdig na ito, ang tao ay hindi nabubuhay para sa kanyang sarili kundi para sa iba. Dangan nga lamang at ang labis na pagpapahalaga sa sarili ang madalas na nakasisira sa isang mabuting layunin. Hindi mailatakwil ng tao ang katotohanang sa lahat ng pagkakataon siya’y nabubuhay na may kaugnayan sa iba. Sa bawa’t kilos, sa bawa’t salitang kanyang binibigkas, sa anumang kanyang nararamdaman, at sa lahat ng pasiyang kaniyang nabubuo at nararatnan, siya’y humahantong sa pag-ugnay ng kanyang sarili sa ibang tao. Kaya sa pagpili ng bokasyon, ang layuning unang dapat bigyan ng pagpapahalaga ay ang kabutihang maidudulot at hindi ang walang saysay na pagmamalaki. Ang tao ay may dunong na siyang pinakamahalagang biyayang bigay sa kanya ng Panginoong Diyos. Ang dunong na ito ay dapat gamitin sa tuwid at angkop na paraan upang makarating sa tumpak na layunin. Ang ating bokasyon ay inilaan sa atin ng Diyos. Itinalaga niya na ang tao’y pipili ng bokasyon ayon sa dunong na pinag-aari, at sa kanyang kakayahan. Ang bokasyong inilaan sa atin ay hindi lamang alang-alang sa ating sariling kabutihan at kaginhawaan, kundi upang tayo’y makapagdulot din ng k nabukasan sa iba. Sa pamamagitan ng pagsunod sa bokasyong angkop para sa atin, higit na kabutihan ang ating maidudulot sa sangkatauhan sapagka’t dito lamang natin magagamit ang lahat ng ating talino at dunong sa dapat at tumpak na pagkakagamitan ng mga ito. Bago natin gawin ang pagpili ng isang bokasyon ay dapat nating itanim sa puso na anumang mapili natin ay isang tungkuling dapat harapin. At kung mabuo na ang ating pasiya ay kailangang iligpit sa diwa na ang pagkakataong ito ay siya nang Simula ng ating paglilingkod sa kapwa; ngayon, bukas, at kailanman. Page Thirty-two THE CAROLINIAN Aug.-Sept., 1966