Mga Tula

Media

Part of The Carolinian

Title
Mga Tula
Language
Filipino
Year
1966
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Abstract
Paglubog ng araw ni Nenita Recto
Alitaptap ni V. L. Jayme
Damo, ulan at pag-ibig ni Myrna De La Paz
Fulltext
PAGLUBOG ng ARAW Papalubog na ang araic sa kanluran Dilim ay darating, buhay madirimlam Karimla’y palapit, sinag naitago Araw’y palubog, mundo’y mababago. Araw ay kandungan ng mga pangarap, Pananglaiv ng buhay, pampawi ng ulap, Sakaling mawala’y buha’y kay lungkot Gabi ay daratal, kakilaJkilabot. Kuliglig humuhuni pagsapit ng gabi, Iniw-a’y mundong ligaya’t pag-asa Araw ay paalis balita ay pahatid Wakas ay sasapit, sa iyo, sa madia. Namamaalam na, araw ng pag-asa Inihabili’y silahis ng sigla Ito na ang gabi, palapit.. .palapit, Lahat ng liwanag naglaho’t. . .nawala! NENITA RECTO ALITAPTAP Katangi-tangi ka munting alitaptap, Sa lahat ng uri ng mga kulisap Taglay mo’y ilaw na kukuti-kutitap, Tanglaw sa gabing nababalot ng ulap. Sa gabing kay-dilim nag-iisa kang tala, Liwanag mo’y parang bukang-litvayrvay Sa mga nilikhang kailangan ay patnubay Upang di maligaw sa daang sinusubaybay. Ah!.. . Ilan kaya nati’y kawangis ng alitaptap! May hawak na ilaw sa landas ng buhay At yaong taong narimlan ng kasamaan Sa ningas ng ilaw ay nababanaagan. Anila’y, “huli ma’t magaling ay naihahabol din,” Kaya ang alitaptap ay tularan natin Ulirang gawa’t ugali nati’y magsisilbing ilaw Magbabaga’t lalaganap sa sansinukuban. V. L. JAYME Ph. B. II Damo, Ulan at PAG-IBIG Damong luntian noo’y aking napansin, Dilaw at luoy na sa aking paningin; Di ba’t kahapon lang nang ako’y aliwin Ng iyong karikta’t kagandahang angkin! Puso ko’y kinurot sa aking namasdan, Damdami’y nayanig nitong nasaksihan; Di na maitakwil yaring kapaitan, Ako’y tulad nitong damong napagmasdan. Nasaan na ngayon, ulang nagdidilig, Iniwan ka ba’t sukat ayaw nang magbalik! Binigyan ka ng buhay, minahal at inibig. Natiis niya ngayon, ang ikaw’y humibik? Tila yaring puso’y ayaw nang kumibo, Katulad mo’y damong lupaypay na’t tuyo; Mula ng iniwan ng ulang kasuyo Pag-asa’y nawala’t sa buhay lumayo. Dinadalangin ko hikbi mo’y marinig, Ng ibong sa iyo’y tila nakikinig; Awitin mo ibon ang iyong narinig, Upang damo’t ula’y muling magkaniig. Tila umuulan, oo’t umuulan, Galak ko ngayo’y walang mapagsidlan; Natutuyong damo’y mahihimasmasan, Muling sisigla kapag madiligan. Kay gandang pagmasdan, ang luntiang paligid, Buhay at pag-asa’y siyang pahizvatig; Ang puso ko noong sa ivari ko’y manhid, Binuhay na uli ng iyong pag-ibig. MYRNA DE LA PAZ — BSE-III Aug.-Sept., 1966 THE CAROLINIAN Page Thirty-five