Ang Pinagmulan ñg sandaigdig

Media

Part of Bangon

Title
Ang Pinagmulan ñg sandaigdig
Language
Filipino
Year
1909
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
4 BANGON . . ngasiwá, at sila’y Hindi mga nápakawalang bait na pipili ng di mabuting mga katiwalá. Na gumawa ng linsad ang sino man sa mga ito? Huwag ang karamihang kasapi ang siyang tumiwalág, kundi ang palayasi’y ang walang kaluluwang sa kanila’y dumayá, nagnakaw ó may likong nais, at isakamay siya ng mga maykapangyariban. AVala ngang dapat i pan gamba ang sino mang may salapi sa pakikisapi ó pakikisamá sa ibang táo. Kaunting kagandahang loob lamang, pagmamahal sa. bayang kiyakitaan ng unang liwanag at pagsusumakit sa ikalulusog ng mga kayamanan ng sariling lupa, ang siyang kinakailangan sa ikatutubos natin sa karálitaang ito. Pawiin ang mga alinlangan, tayo’y mangagkáisá, at isaloob na lagi ang pagpapadakila sa lupaing itong tunay na atin at di sa kanginoman. DATING PANIWALANG FILIPINO ANG PINAGMULAN ÑG SANDAIGDIG 0) Noóng mga unang panahon, ay walang lupa ni araw, ni bu wan, ni mga bitúin at ang mundo’y nabubuo ng pulos na tubig at langit lamang. Áng barí sa tubig ay ang DiyOs Mag­ wayan, at sa langit ay ang Diyos Raptan. Si Magwayan ay may anák na lalaki na ang ngala’y si Lidagat at si Raptan ay may anák namáng babaeng ang tawag ay Liliangin. Si Magwayan at si Raptan ay nagkaisang ipakasál ang kanikanilang mga anák, bilang tanda na ang dagat ay nakipag-ibigan sa hangin. At ipinakasal nga. Ang dalawáng itó si Lidagat at si Liliangin ay nagka-anak ng tatlong babae at isáng lalaki. Aug mga babae’y pinanganlang Likalibutan, Liadlaw at Libulan at ang lalaki’y tinawag- na Lisuga. Si Likalibutan ay may mabuting pangangatawan, malakas at matapang; si Liadlaw ay katawáng pulós na gin to at lagi siyang maligaya; si Libulan ay pulos na tansó, may ka­ ki naan, nguni’t mabinhin; at ang magandang si Lisuga ay pulós na pilák ang katawan at matamis at marangal na ugali. Ang lahát nang magkakapatid na ito’y inibig at minabal na mabuting kanilang mga magulang. Malta raan ang iláng panahó’y namatay si Liliangin, at ang kapangyarihan sa bangin ay iniwa’t ipinamana sa anák na panganay: kay Likalibutan. Ang kanyáng mabál na asawang si Lidagat ay nagpatuloy sa dating pagkabuhay, ang mga anak ay nagsilaki, at sa wakas ay nawalay na tuloy sa piling ng ama. Nakaraan ang iláng panahón, at dabil sa ginagawáng pagsisikap ni Likalibutan, ay lumaki ang kapangyarihan niyá. Sa pagnanasa marabil na mapaibayong lain ang kapangyaribang ito, ay tumanong isang araw sa sumusunod na kapatid, kav Liadlaw, na kung mangyayari na sila’y* magsamang lumusob kay Raptán sa langit. Nang una’y tumangi si Liadlaw, sapagka’t naisip na di dapat gayunin angnunó nila; nguni’t si Likalibutan ay nagalit sa kanyá, dabil sa pagkatanggi niyáng itó, at sapagka’t ayaw siyáng makikitang nagagalit sa kanyá si Likalibutan, ay napahinuhod din. Pinaroonan pagkatapus si Libulan, na sumang-ayon sa paglusob. At sinimulan na nga nilang tatlo ang pagloob -sa Langit. Datapwa’t sa pinto pa lamang ay di na nakapangyari ang kanilang lakás, di nilá mabuksan ang matibay na pinit ng pinto. Ang ginawa ni Likalibutan, nang bind! silá makapagdumpi’y-pinabihip na nang boo ng Inkas ang bangin sa labat ng sulok, samantalang ang mga kapatid naman niyá’y siyáng nag-dudumpi sa pinto, datapwa’t di rin nilá masupil dabil sa pakikilaban ng Diyos Raptan, na noo’y nagagalit na. At nang makita ng tatlóng mahigpit nang totoó ang paglalaban at sila’y na sa panganib, ang ginawa’y nangagsitakas; nguni’t si Raptan sa kagalitani dabil sa pagkasira ng kanyang pinto ay hinagis ng tatlóng lintik sina Likalibutan, Liadlaw at Libulan. Ang una’y tumama sa katawang tan so ni Libulan kaya ito’y naging parang isáng bola; ang pangalawa’y sa katawáng ginto ni Liadlaw tumama at ito’y naging parang bola ring gaya ng una, at ang pangatlo’y kay Likalibutan tu­ mama at ang katawan naman nito’y nagkadurog-durog, at nahulog sa dagat- At ang boong laki ng katawan nito’y siyáng lumimbutod sa iba haw ng dagat, at siyá nating tinatawag ngayóng lupa. Si Lisuga. dabil sa pagkawala at dabil sa di maalaman kung saan naroon ang kanyáng mga kapatid ay lumakad na’t binanap sila. Napatungo sa dakong langit, data­ pwa’t pagkakita ni Raptan, data ng kagalita’y hinagis din ng lintik si Lisuga, at ang katawang pilak nito’y nadurog din ng sanglibong pi raso. Pagkatapos ay nanaog si Raptán muía sa langit at hinati ang dagat, at inanvayaban si Magwayan na sunlama sa kanyá. Napagbintangan pa itó ni Raptan na kaalam sa paglu­ sob sa langit ng tatlong magkakapatid. Sinabi ni Magwayang siya’y walang nalalaman tungkól sa isinusumbat niyá pagka’t siya’y kasalukuyang natutulog ng yao’y mangyari. Makailang araw’y napawi ang galit ni Raptan. At isáng araw itó at si Magwayan ay napaiyak at nangalulunkot, dabil sa pagkawalá ng mga apo nilá, at lalong laid na sa pagkawala ni Lisuga; at gayón man kalaki ang kanyáng kanpangyarihan ay di na mangyaring mapabalik ang da­ ting buhay ng mga magkakapatid. l)i naglaon at binigyan niyá ng maniningning na liwanag ang dalawáng naging parang bola, upáng may maitanglaw ha bang panabon. At iyán na nga ang pagkakaroón ng tina­ tawag natin ngayóng arfan at Inamn; ang araw ay ang gintong si Liadlaw at ang buwan ay ang tansong si* Libulan; at ang dalawáng itó ang tumatanglaw at nagbibigay ng liwanag sa P> ANGON. . . nagkasanglibong pirasong katawang pilak ni Lisuga. At ang suwail na si Likalibutan ay talagang inibig ng Diyos Raptang huwag maabutan ng liwanag, nguni’t itinaan namán talagá upáng siyáng gawing lahi-labi ng tao. Binigyan ni Raptan si Magwayan ng isáng binhi ng maitanim sa sumabog na katawan ni Likalibutan. Ang binhing itinanim ay lumaki’t lumago at sa isáng guwang ng isa sa mga sanga nitó ay siniputan ng dalawáng tao, isáng lalaki at isáng babae. Ang lalaki’^7 pinanganlang si Sikalak at ang babae ay tin a wag na si Sikabay. Sa da­ lawáng itó na naginula ang boóng angkan ng sangkatauhan. Ang unang naging anak ni Sikalak at ni Si­ kabay ay babae at pinanganlang Libo: sumunod ay isang lalaki at tina wag na Saman at Pandaguan ang pinakbunsong anák nila; ito’y babae at babae pa rin ang naging isáng anák nitó na ang ngala’y si Arión. Si Pandaguan ang siyang pinakamarunong at itó ang nakaisip na gumawa ng isáng panghuli ng isda. Ang kaunaunahan niyáng naliuli ay isáng malaking pating at namangha siya ng dalhin na sa. kati, sapagka’t nakita niyáng malaki nga at totoóng mabalasik, kaya inakala ni Pandaguang yaó’y isáng Dios, at siyá at ang kanyáng inga, kasaina, alinsunod sa utos noó’y nagsisamba’t nagsidalangin sa naturang isda; nilibid niláng laliát, inawitan at sinambang parang isáng Dios nga ang pating. Nabuksan ang langit at ang dagat, at ang Dios Raptan ay dumating at ipinag-utos kay Pandaguang* ihagis sa dagat ang pating na iyón kaya nawala ang si nasa m ha- nilá. Lahát ay na takot sa nangyari, liban na laang si Pahdaguan. Boóng tapang pang sumagót itó kay Raptan na ang Aiturang pating ay malaki at singlakí ng Diyós, at dahil dito’y may kapangyarihan sa bala niyáng ibigin at mak.igagawa rin ng magagawa ng Diyós. Nang marinig ni Raptan ang sagót na itó ay nagalit, hinampas ng lintík si Pandaguan, nguni’t Hindi sa nasang patay in, kundi sa kaibígang maipakilalang siyá’y namalí: hindí yaón ang Diyós. Datapwa’t pinagkaisahan din nilá ni Mag­ wayan, na hiking parusa sa ginawa’y pagliiwahiwalayin sa boóng daigdig ang magkakasamang yaón ni Pandaguan, dina la ang iba sa isáng baliagi ng lupa at ang ibá’y sa ibá namang lugal. Pagkaraan ng iláng panaho’y dumami na ang mga ipinanganganak at itó na ang pinagmulan ng Sangkatauhan. Si Pandaguan ay hindí pa namamatay at pagkatapos ng tatlóng pung araw na paniniraban dito sa lupa’y naubusan na ng lakás at ang boong katawa’y dahil sa pagkadarang sa init ng lintík na sa kanya’y ipinalo ay umitím at ang laliát ng naging angkan niya’y 111aitím ding nangagsilabas. Ang unang anák niyá, si Arión nga, ay na­ pa sa dakong hilaga at sapagka’t nang ito’y ipanganák ng kanyáng ináng si Pandaguan ay nang hindí pa nakakagalitan itó ng Diyós Raptan, ay_di na nagbago ang dating kulay at ang laliát ng naging lipi niyá ay lumabás na puti. Si Libo at si Saman ay na pasa dakong timog at sapagka’t dito’y nadarang silá sa init ng araw kaya kayumanging lahát ang lumabas na kíjniláng angkan. Isáng anák na ha ha o ni Saman at isáng anák na lalaki ni Sikalak ay napalagay sa kasilanganan, sa kasilanganang nang una’y salat na salat sa pagkain, at dahil dito’y ajjg na­ ging anák nila at mga kaapuapuhan ay pawang mga dilaw. lyan ang pinagmulan ng pagdami ng tao at pagkakaiba ng lalii. Ang araw at ang buwa’y bagong nagliliwanag sa langit at ang magagandang mga bituin ay nagniningning namán kung gabí, mga liwanag at ningning na tumatama sa i baba w ng katawang naging lupa ni Lisuga at sa mapanaghilíing si Sikalibutan na ginawang tao. Ang mga anák ni Sikalak ay dumami na nang dumami: nangag-anák na nang nangaganák kaya’t kailangang tayong lahát ay mabuhay at magsasamang parang magkakapatid, pagka’t sa iisá tayo nagmulá. Lakíng-Ilog. fl) Hinañgo ko ang kasaysayang itó sa isáng aklat Ang pagkaparaan nang pasimu a nang Sandaigdig dito ay may malaking kaibhan sa nasa “Dating Pilipinas” P. ñ<r S. Dalawang Hatol Sa mga katulong Una: Kun kayo ay may ibfg ipakilathala, ang inyong padalá, ay dapat sulatin nang maltnis. Ang maruruming padalá ay nagbubunga ng mga kapinsalaang sumusunod: a) Nakaáabálang lubliá sa sumusuri. b) Nakayayamot na basáhin. c) Nakalilito sa aming mga cajista. Ang dulo’t lupit ay di nakakita tuloy ng liwanag ang inyong pakilathalá ó kun lumabas may mabubuktot muña sa pagkainip ang giliw na may katha. lkalawa-. Run sakali’tdi nalalathala ang inyong padalá sa amin, ay iiuwag ba namang sasama agad ang inyong Loon. Ma.kaaása kayo na ang di paglabas, ay nasasalig sa alin man sa mga sumusunod na dahil: ó kinulang. ng pitak, ó kinulang ng utak, ó marumi ang sulat, ó di namin tinanggap. NOTARIO PUBLICO [Concepción] Malabon, Rizal, I. F.