Tayo-tayo lamang Bangon
Media
Part of Bangon
- Title
- Tayo-tayo lamang Bangon
- Creator
- Dalisay, Juan
- Language
- Filipino
- Year
- 1909
- Fulltext
- BANGON... 17 Kilos ng inga Kapisanan sa Rizal SwWWWWWVWWlWWWWWWWVTfc PULONG ÑG KALIPUNAN Ipinag-áanyaya sa labal ng inga Kinatawán ang karaniwang pulong na idáraos ng Kali punan sa. ika 9 ng buang papasok, sa páara ían g “La Patria’7, daang Sta. Rosa big. 106, Kiapo, Maynila, sa gauap na ika 9 ng innaga. lian sa inga baga y na pag-uusapa’y ang tungkol sa inga kabaguháng nauukol gawin sa Palatuntunan, at ang pagsisiyasat ñaman sa lákad ng páhayagang tagapamanság ng Kalipunang ito. Dabil dito’y isinasamong huag silang mangagkulang sa pagdaló sa tadbanang araw at oras. “Itaguyod ang Bayan" Kasalukuyan ngayóng nagsisi^’ap ang kapisanang ito sa San .Juan del Monte, sa pagpapatayó ng kanyáng sari ling bahay. Sinasabing di na malalauna’t yao’y mámamalas ng madiá. “Liwayway Tagiig" Ang Lupong-pámunuan ng kapisanang ito’y binubuó ng mga ginoong sumusunod: Pangulo, G. Alejandro.Santos: Pang. Pangulo, Bb. Agripina Natividad: Kalihim, G. José Pagtakhan; Pang. Kalihim, Bb. Bárbara Cruz; Ingat-Yaman, G. Benito San Juan; at inga Kasanguni, GG. León Imbaw, Lorenzo Cruz, Servillano Bautista at Laureano Lizardo. “Harapín ang Búkas” Kaugnáy ng náilatliala na namin sa ikapat na bilang, ang sumusunod ay inga kagawad ng Lupong-pámahalaan ng kapisanang sinabi: Pangalawang Kalihim., Bb. Vicenta Jerónimo (Hindi Vicente na, gaya ng aming inibayag); Ingat-Yaman, Bb. .Francisca. A. José; mga. Kasanguni, GG. Melecio Canteras, Ricardo Tatko, Guillermo Torres. Eliseo N. Evangelista, Simeona Raymundo at Francisca Javier. ‘ ‘Kabinataang N abatas"" Sa. lulling hálalang ginawa ng kapisanang ito’y nápiling mga Kinatawán niya sa Kal i pu nan si G. Valentin D. Santos at G. Luis A. Santos. “Bagong Sinag" Ang pafnahalaan ng Kapisanang ito sa. Sampiro ay binubuo ng mga ginoong sumusunod: Pangulo, G. Celestino Chaves; Pangalawang Pangulo, G. Cesa rio Silverio; Kalihim, G. Juan Baltazar; Pangalawang Kalihim, G. Patricio López; Ingat-Yaman, G. Valentin Magsaysay; at mga Kasanguni, GG. Mariano Griarte, Her menegildo Cope, Alejandro Domingo, Hermógenes Santos, Martín Chaves at Emilio Reyes. “Sulong sa Kabayanihan". Ginanap ng kapisanang itó sa San Mateo, Rizal, noong linggong nakaraan, ika 26 nitong kasalukuyan, ang paghahalal sa. mga bagong bumubuo ng Kapulungang Tagapamahala sa naturang kapisanan, at ang náhalal ay ang mga sumusunod: . Pangulo, G. Jerónimo de los Angeles; Pa ngalawang pangulo, Bb. Mercedes B. del Ro sario; Kalihim, Mamerto Cruz; Pangalawang kalihim, Bb. Consuelo Aguirre; Ingat-vaman, Bb. Sotera Cristi; Tagabalita, Alejandro Santos; j Pangalawang tagabalita, Luis Santiago; TagaI puna, José S. Hilario; Taga ingat-bahay, Mo! desto Espiritu at Severino Cruz; Kinatawan sa I Kalipunan sa Rizal, José S. Hilario at Luis Santiago. Harinangang ang kapisánang ito na noóng kanyáng mga. unang draw ay nakitáan ng kagilagilalas na siglá, ay huwag datalán kailán pa man ng kamandág ng Panglulumó sa harap I ng mga sálungahín. Tayo-tayo lamang... Naáalaala mo paba, bumabasang irog, yaong napanood natin noong isahg magkita tayo, yaon bang nakatayó sa tabing bakod na lilingalinga‘t anakpy sasayaw? Naaalaala mo pa ba?... Na kung sino siyá? Huwag kang magtátatanóng ng pangalan ng ganyang mga táo; súkat na ang pagmasdán mo ang kanilang anyó, suriin mo kung nawawastó ó Hindi, at paghangüan mo ng mga halimbawáng sa ivo‘y magpapanuto sa magaling. Oh! tingnán mo naman ang dumáraang I iyan, bihis mahal na babáe, matigás ang pananamit, at sa mga labi‘y naninikwás ang ¿sang tabako. Dadayo ba, wika mo, ng pangginge? ' Kayá pala! Sa panggingihan nga kinakailangang magsuot ng marikit, magparangal ng mga hiyas, makiharáp ng maayos: oo, doon sa súgalan. At sa táhanang sarilPy súkat na ang isang kamisetang luwá ang balikat, súkat na ang isang sáyang nanganganinag, malatá at nanglilimahid, sa piling ng sintáng asawa‘t mga anak. ‘ Itala mo iyan, kaibigan ko. Hindi iba‘t ang babáe ring iyan ang minsáng nápanood kong sumalubong sa is BANGON. . . isang panauhin, ng... (kay halay!)... nakanagwas lamang. Huwag kang mamulá, giliw ko; ako man sa sarilPy nakukutyang bukhin set bibig ang gayón, pagka‘t ako‘y kabarp mo rin at kabaró din naman niya. Dapwa‘t kinakailangang iguhit ang mga kabuhalhaláng asal na iyan, upang ipamutla ng mga vvabuig hinhing nakasisiráng puri sa ating lahat. At anó ang wiwikain mo sa pananabako? Humitít!... humitít! Hindi niagandáng tingnán. Nakapagpapalayláy ng oiga labi‘t nakapangingitim ng ngipin. At tangi sa rito‘y nakapagbibigay sa hiningá ng di masamyóng amóy. Masdán mo naman, giliw ko, iyang nakaupó sa pápag ng tindaban. Ang isang paa‘y nakataás at ang isa‘y kumukuyakoy, at kumakain ng bibingká. Marami raw totoong nakikita akó. x Mangyari, kaibigan, ay dilút ang aking mga matá‘t matalas magmámasid. Hindi ba magandá ang nakikita mong iyan? Upang maglaló ang kagandaha‘y walang kulang na lamang kundi ang palabasin sa baywáng ang kamiseta‘t magpasuso roon nganák. At sa mga batang itong asa mo‘y basaban ang pananamit, na pagalagala sa mga lan.sangan, anó naman ang sasabihin mo? Ugali‘t ang nagdadalá raw ay ang kahirapan. Kahirapan! Iyan ang karaniwang kublihan ng mga táo pagka nababati mo ang kanilang mga kapangitan. Iyan, at tanging iyan lamang. Subali‘t sa pagdayo sa mga pista, sa pagdaló sa mga pigíng, sa pagsisimbá, pagpapasyál at pagmamakisig, walang kahirapan silang nádadahilán, malayóng malayo sa kanila ang pagkamahirap. Sapagka‘t nakapagsusuot ng maayos at marikit, nakagagamit ng mga hiyas na maliaiagá, nakapagkikiyás mariwasá. Ito ang di ko mahulcng pag-uugali rito sa atin, hindi lamang sa mga babáe, kundi pati rin naman sa mga lalaki. Kágugulatan mo silá kung mápapanood sa mga pigíng; dapwa't sa kanikanilang bahay ay nanganglilimahid at lahat ng kasamlangáng ugali'y siya mong makikita. Higit ba naman kaya ang kamahalan ng táhanan ng ibang táo kay sa tahanang sarili? hindi bagá kayá kapitápitagan ding paris ng iba ang asawa, anák at mga kasambaháy? Dahilán, wiki mo, na sa bahay ay nagtatrabaho, kaya nangyayaring manglimahid ang pananamit. Inaamin kong dumumí dahil sa paggawá; nguni‘t ang manglimahid pa sa oras na walá nang gawain, ay di ko maipagpapatawad. At kung hindi, turan mo nga sa akin kung ano ang anyó ng babáeng iyang nangunguyakoy at kumakain ng bibingká «a tindahan. Pagmasdan. mo ang pananamit kung karapatdapat ipakjharap sa kapwa tao. Iya‘y hindi gawá ng kahirapan, iya‘y di dahil sa pagtatrabaho, na gaya ng iyong iminamatwid. Wala siya sa sariling bahay, dumadayo lamang ng satsatan at kumakain ng kakanín; naglilibáng lamang, hindi nagtatrabaho. Ayún, tingnán mo, pati ng intsik na nagtitinda‘y hindi nangingiming bumiró, bumatak at tumapiktapik sa kanyang mga kamay. Paano‘y siy¿i rin, ang kanyang anyo at kilos, ang una-unang pumapawi ng kama halan at pitagan sa kanyang sarili. Nápupuna kong marami sa ating mga kababayan ang may maling hihagap tungkol sa pananamit. Sa ganang kanila‘y isang palamuti ito ng katawán, kaya‘t madia ang naggugugol ng maraming salapi sa isang bard lamang, ó sa isang saya, ó sa isang tapis na marikit. At kung kaya naman sa pagyáo sa mga pista, mga pigíng at iba pang kasayahang dinadaluhán ng maraming táo, ay saka la mang nagbibihis. Gadamulag na kamalián/ Ang damit ay pangbálot lamang sa ka tawán, upang maiiwas ito sa mga singáw ng panahón; isang kalasag ng kahinhinan ng táo. Wala na kundi iyan. Hindi kailangan ang maging marikit ó maging mahal; ni hindi nakapagdaragdag ng kagandahan sa babáe ang mainam na pananamit. Ang maringal na kasoota'y sumisilaw lamang sa mga may kulabá sa matá at nagpapahanga sa mga duling; hindi nakaaakit sa müa may matuwid na pangmalas. Kung nanasain mo, kaibigan, ang manamit ng mainam upang ikaw ay magmukháng magandá ó máragdagan ang iyong kagan dahan, alalahanin mo ang aking sinabi, na: ang inam ng pananamit ay walang naibibigay na ano mang kagandahan sa nagsusuot. Maniwalá ka. Ji ana DALIS AY. RESTAURANT RE E. NUESTRO Cubiertos de -P- 0‘40 á 0’50. Salcedo, No SI y Dulumbayan, No. SO.