Pitak Pilipino

Media

Part of The Cabletow

Title
Pitak Pilipino
Creator
Galang, Agustin L.
Language
Filipino
Source
The Cabletow Volume XLIII (No. 8) August 1967
Year
1967
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Ni Kap. Agustin L. Galang, NIG (17) ANG KILATISAN NG MASON Ang uri ng isang Mason ay Hindi nakikilala sa lialaga’t gara ng kanyang kasuutan, ni sa Kanyang mga hiyas ng kanyang taglay. Hindi rin sa yaman, at sa taas ng lipunang kaniyang kinaaniban, at lalong hinli sa kani­ yang kapangyarihang hinahawakan sa lipunan o sa pamahalaan. Mapatutunayan ang kilatis ng isang Mason sa pamainagilan ng pagangkin ng isang ulong matalino’t waste ang clibdib na inapagkakatiwalaan ng lihim mga patakaran sa buhay; may isang ng kapatid; may pusong kadluan ng pag-ibig at kawatiggawa; mga kaniay na ang gabay ay ang katotohanan at katarungan; mga tuhod na ktmg itiklop upang manalangin ay karamay ang kapakanan ng katauhan; mga paang matatatag at may tiyagang lumakad saan man dako pa roon, masaldolohan lamang ang mga sawi’t naluluginok sa kahirapan o kamalian. ANG TUN AY — kung sa kanyang pagiging Mason ay unti-unti niyang hinubad ang hilig sa karangyaan at umiwas sa pagpapayaman para lamang sa sariling kapakanan, at lubos niyang sinikap ang pagtitika’t paggawa ng kabanalan, upang ipakilalang siya’y umanib sa Kapatiran: di upang maunawaan kundi umunawa; di upang lu­ masap ng kaligayaban kundi umaliw sa mga nalulumbay; di upang magsamantala kundi makipagdamavan; di upang tumanggap ng biyaya kundi sa abot kaya’y magbigay; di upang malungkot sa darating na kamatayan kundi upang mapatunayan ang ganda ng kamatayan. Isang Talinhaga ng Langit na sa pagkakawanggawa la­ mang makakamtan ang wagas na kapatawaran, at sa magandang Kamata­ yan lamang matatamo ang Buhay na Walang Hanggan. A ANG PAGSUSUNURAN Ang magandang pagsusunuran higit sa lahat ng pagkakataon, ay kailangan natin ngayon. Nagsusungit ang panahon. Sa pananalat at sa kasaganaan ay dapat tayong magdamavan. Huwag paiiralin ang pagiiringan. Lalo’t dahil sa ambision, pulitika o relihion. Adhikain ang tapat na pagsasamahan, at pagunlad na di pangsarili kundi pangkatauhan. Sa Hukbo, ang magbunyag ng li­ him at manira sa kapuwa’y mahigpit na pinaguusig at pinapatawan ng mabigat na parusa sangayon sa Artikulo ng Digma. Ang Masoneriya’y ganyan din ang batas. Ang magsiwalat ng lihim at dumungis ng karangalan ay itinatakwil at pinangririmariman. Nasusunod pa kaya ito ngayon? May alinlangan ako. Madali ang magbuag ng mabuting pasututran, subalit napakahirap mapanauli ang kasiraan. “Ang sugat na pinaglamnan. gumaling may balantukan.” Kaya’t tayong lahat ay dapat magpakaingat sa paggawat pagsasalita. Sa kagandahan ng kaugalian at likas na pagmamahalan, atas sa bawa't Mason ang maging huwaran. Ipinagmamalaki ng mga sinaunang Mason sa Pilipinas, ang magiliw na pagsusunuran at ulirang pagkakapatirau ng mga kaanib noon, sa kabila ng mga upasala’t paguusig ng kanilang kalaban. Sapagka’t silay nagpakagiting at nagpakatatag, ang Masoneriya natin ngayon ay malusog at malayang nabubuhay. Ang dakilang pamana sa ating ito ay dapat nating pakamahalin at itaguyod ng buong dangal sa pamainagitan ng tans na pagsusunu­ ran. Sa gayon ay tayo’y maging karapatdapat sa dambana ng ating pinipintuhong Kapatiran. A 18 The Cabletow