Pitak Filipino

Media

Part of The Cabletow

Title
Pitak Filipino
Creator
Galang, Agustin L.
Language
English
Year
1968
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Ni Kap. Agustin L. Galang, NIG (17) ANG KATARUNGAN Ang katarungan ay nangangahulugan ng “ang simulain sa kabutihan at tap;|t na pakikitungo ng mga tao sa bawa’t isa; at pagbibigay ng kanikaniyang karapatan. Ang kadakilaan ng katarungan ay “ang katangian sa walang pasubaling pagtupad sa mahigpit na alituntunin ng moralidad. Ang kaayaayang pagkakaugnay ng katarungan at kabutihan ay Hindi mapagaalinlanganan. Ang ka­ butihan ang nagdudulot sa kataru­ ngan ng walang sukdulang idealismo o huwaran. So katarungan ay di lamang natatamo ang hustisia na batay sa kodigo moral kundi pati ng walang pagkabaling pagtupad sa atas ng kabutihan. Ito ang nagbibigtiy ng likas na kabanalan ng kanyang kahulugan. Kaya ang pagsasamahan ng mga tao, ay dapat na itugma at sumangayon sa huwarang ito, ng ang mabuting pagsusunura’y siyang maghari sa Sangkatauhan. Ang pandaigdig na pulitika ngayon ay salat na salat sa katarungan, kaya, ang salot ng pagiiringan ang namamayani sa Sanglibutan. Ang malalaki, mayayaman at malalakas na nasion ay niyuyurakan ang ka­ rapatan ng mga maliliit at mahihinang bansa. Dahil sa kasakiman, na binibigyan lamang ng iba’t ibang kulay, ay laging nagbabanta sa buong daigdig, upang ipakilala ang sukdulang lakas at kakayahang manakop. Di katakataka na ang naghahari ngayon sa mga puso ng katauhan ay ang kawalan ng katiwasayan, takot at lihim na balak. Ang katarungan upang maging matatag at mabisa, ay kailangang huwag yuyuko kaninoman, maging sa may mga titulo, impluensia o mapagsamantalang mga pulitiko. Ang gantimpala o kaparusahan ay dapat na ibatay sa karangalan ng nagawa o kabigatan ng kasalanan. Ang hukuman ay kinatawan ng pinakamalinis at pinakamatapat na santuario ng batas, na dapat mangalaga sa pagkakapantaypantav at ng mga ka­ rapatan ng mga tao sa harap ng ba­ tas. Ito ay hindi dapat makinig sa mga bulong ng mga mapanlinlang, at lalo nang huwag maging isang kasangkapan ng makapangyarihang pulitika. Kung hindi, ang lahat ay magmimistulang pagkutiya at ang bayan ay mapupugayan ng karanga­ lan, bilang isang kasapi sa mga nasiong kumikilala sa pandaigdig na kalahimikan at kaayusan. Isang dakilang isipan ang nagsabing — "Ang katarungang ipinagpapaliban, ay ipinagkakait na kataru­ ngan." Ang mahahaba’t magagastos na hablahan ay siyang pumipigil sa mga mahihirap na magdulog ng kanilang sumbong o humanap ng lunas sa kanilang mga kaapihan. Marami sa mga bayang diktatorial ang nagsasamantala sa pagbinbin ng justisia, upang iligaw sa katotohanan ang katarungan, ng sa gayon ay maipatupad nila ang kunwari’y makatarungang kagustuhan. Ang may sariling dangal at paninindigang mga tagasalungat, matapos ang ilang panahon sa kagipitan, bilangguan o paghuhugas ng utak, ay lumalabas na sindak, lito’t sira ang bait, at inaaming totoong lahat ang mga upasalang ipinapataw sa kanya, na gina­ tom to p*B* 93 16 The Cabletow PITAK FILIPINO. . . gamit na isang mabisang propagan­ da laban sa kapurihan ng bayan. Maraming tao ang naniniwalang walang katarungan dito sa ibabaw ng lupa. Ito ay isinisisi nila sa wa­ lang pakundangang mga paglabag sa ginintuang aral ng moralidad. Anya, ‘‘Hindi masama ang mngnakaw, ang masama ay kung ikaw ay pahuhuli.” Di mabilang ang hindi napapatawan ng karapatdapat sa parusa, dahil sa impluensia, bagama’t mabibigat ang pagkakasala. Ang masaklap ay nagsisiunlad at namumuhay sa kasaganaan, na kasangayun pa ang lipunang makamaterial. Subalit sa liinabahaba ng pagtatamasa, ay hahabol ang katarungan sa kanila, at igagawad ang nararapat na parusa, maski na sa pinakalihim 11a pagkutya sa justisia. Ang timba ng kanilang pakinabang na buhat sa kasamaan ay inot-inot na mawawaldas at wa­ lang salang mapapantay sa timbangan ng katarungan, al masisiwalat sa madia ang maiitim na damdamin at hidwaang kaluluwa. May kasabihang — ang gilingan, daw, ng Diyos, ay iubhang mahina, ngunit mahina ina’y sigurado naman. Sawing palad ang isang taong lumabag sa walang mula’t walang hanggang batas ng kabutihan, sa pagasang makaiiwas siya sa nakatakdang parusa. Mayroon pang ibang uri ng kata­ rungan na dapat sumakop at mamalagi sa lahat ng tao — ito'y hindi nasasaklaw ng natatatag na Hukuman, ito ay bumubukal sa malinis na diwa o konsensia ng bawa’t nilalang. Iyan ang pinakamabuting anyo ng kata­ rungan, na hindi pa nakikintal sa isip at puso ng nakararaming mga tao. Ito ay matutukiasan lamang sa mga diwa ng piling pangkat ng mga tao — yaong mga taong di kailanman nakalilimot sa Diyos, at pinahahalagahan ang karapatan at karangalan ng isang tao. Ang Sama­ han ng mga Magkakaanib na Bansa ay nauunawaang lubos ang lawak at kahalagahan nito, kaya isinama ang bnal na simulain, sa pagpapahayag ng pandaigdig na mga karapatan ng tao. Samantalang ang katarungan ay humihingi ng walang pasubaling pagsangayon sa mahigpit 11a atas ng kodigo moral, isinasa-alang-alang din. na ang pagpapakahulugan sa alituntunin, ay di lamang mabatay sa letra, kundi sa ispiritu ng karurukang kabutihan at pagkakaintindihan. Ang paghatol ay dapat na masubhan ng awa, sangayon sa hinihingi ng pagkakataon, at mga katunayang iniharap. Ang habag ay hindi nangangahulugan ng pagpapababa ng pamantayan, kundi isang makataong paggagawad ng KATARUNGAN. A Ciriaco del Mundo Real Estate Broker Suit 401 Goniaga Bldg., Te!s.: 3 92 S8 414 Rizal Avtnu. 3 79 56 G. O. SABAS Jeweller Maker of Masonic Emblems and Jewelry D. R. ESCOSA Authorized Representative 75 Sibuyan St., Sta. Mesa Heights Quezon City Tel: 68998 APRIL, 1968 23