Huling paalam

Media

Part of The Cabletow

Title
Huling paalam
Language
English
Source
The Cabletow Volume XLIII (Issue No.12) December 1967
Year
1967
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
(Satin 8a Tagalog) Ni VM Segundo Esguerra (Ama) Paalam bayan kong pinakapupuon na mutya ng Araw, Perlas ka ng dagat sa kasilangana’t Eden kang nawalay; Masayang-masayang inihahandog ko . . .! Malungkot kong buhay . . . Naging maningning man, sariwa’t mabango’y walang alinlangang iaalay ko rin sa kaunlaran mo’t mga kabutihan . . .! Sa parang ng digma, boong katapangang nakikipagbaka, ang iba’y ang buhay walang alinlangang inihahandog na; Maging kahi’t saan: sipres o laurel . . . liryo at iba pa; mabitay . . . malaban sa pakikihamok . . . mamatay sa dusa; Iya'y pareho rin, kung tahana’t bayan ang nag-aanyaya. Ako’y mamamatay na ang ating langit ay nagliliwanag, hudyat na ang Araw sa likod ng dilim ay namamanaag; Kung ang kailanga’y pula ng liwayway nang lalong tumingkad; dugo ko’y tigisi’t mabuhos sa isang mahalagang oras nang lalong numingning ang bagong umaga sa kanyang pagsikat. Ang aking pangarap mulang pagkabata nang ako’y paslit pa, ang pangarap ko rin nang ako’y binata’t may hustong gulang na: Ay makitang IKAW . . . sa dagat silangan . . . Hiyas kang maganda . na taas ang noo ... at wala nang luha iyang mga mata . . . at ni walang kunot . ■ . walang bahid hiya’t masayang masaya . . .! Sa buhay kong ito, pinangarap ko ri’t marubdob kong nais, Isigaw ang tibok ng kaluluwa kong handa nang umalis: NA MAMATAMISING AKO .NA’Y MABUWAL.. .NANG IKAW’Y MATINDIG MAMATAY AY AKb’T NANG IKAW’Y MABUHAY ... Sa lilim ng langit ay malibing ako sa sariling lupa na kaakit-akit . . .! Kung sa libingan ko, balang araw ikaw ... ay makamamalas sa masinsing damo na napakaaba . . . na isang bulaklak; idampi sa labi’t sa kaluluwa kc’y halik na masarap . . .! Upang sa akin ngang libingang malamig ay aking malangap ang iyong hiningang may init ng iyong sa aki’y pagliyag . . . ! Bayaang ang Buwang may maamong sinag ay ako’y tanglawan, Bayaang ang ningning ng bukang-liwayway, ako’y masikatan; Bayaang ang hangin . . . magbuntong hininga nang nananambitan . . . Kung sa aking kurus ay may isang ibong magnasang humimlay, bayaang awitin ang magandang awit ng kapayapaan . . .! Bayaang ang araw sipsipin ang ulan . . . dalhin sa itaas, upang ang SUMBONG ko hanggang kalangitan ay doon maakyat . . .! Bayaang iluha ng isang katoto . . . maaga kong wakas . . .! Kung may magdarasal sa hapon nang ukol sa aba kong palad; ipagdasal mo rin sa DIYOS Bayan ko, ang pamamanatag . . .! Idalangin mo rin yaong nangamatay nang walang ligaya, yaong nangagtiis ng mga pahirap na walang kapara; yaong mga INA na nagsisitangis sa matinding dusa . . . Ulila at balo ... at mga bilanggong pinapagbabata . . . Idalangin mo rin . . . sa huli ... ay IKAW’Y MATUBOS NA SANA...! Kung ang libingan ko ay balot ng dilim at ang nagbabantay ay ang nangaroon na mga naiwang pawang mga patay . . . Huwag ligaligin ang pananahimik at kahiwagaan . . .! Pag may nadinig kang awit na malungkot na idinarasal . . . Bayan . . .! Ako . . . Iyon . . . ! At IKAW ay aking na inaawitan . . .! 16 Kung ang libbingan ko’y Jjmot na ng lahat at wala nang kurus, wala na ang bato at walang anuman na tanda ang puntod; ang mag-aarajo’y inyo ngang bayaang ang lupa’y isabog, bago ang ABO ko . . . mauwi sa wala ... ay maging alabok; mapuno sa lupa nitong ating bayang pinakaiirog . . .! Hindi alintanang ako ay limuti’t lubos nang mawala, aking 'babagtasin ang papawirin mo't malawak na lupa; wari isang awit na maririnig mo nang boong payapa; bango, ilaw, kulay, ugong, himig, daing ay boong tiyagang uulit-ulitin ang timyas ng aking mga PANIWALA . . .! Sinasambang Bayan, hirap niring hirap...! iyo ngang pakinggan; Huli kong PAALAM . . .! Iiwan sa iyo . . . mahal kong magulang . . . Ako’y patutungo sa walang alipin at punong gahaman . . . Ang paniniwala doo’y hindi sikil . . . hindi pinapatay . . . Doon ay ang DIOS ang namamahala at pumapatnubay . . .! Paalam na INA, AMA AT KAPATID na aking KAANAK . Mga kaibigang pawang kababata sa tahanang hamak; ipagpasalamat yaring pagkatapos ng aking bagabag . . . Paalam . . . BANYAGANG naging kaibiga’t nagbigay ng galak; PAALAM SA LAHAT . . .! Mamatay ay ganap na PAMAMANATAG...! Mrs. Velina E. Wilson, Supreme Guardian of the International Order of Job’s Daughters, will arrive in Manila on January 20, 1968 for visi­ tation to the three bethels of the Or­ der in the Philippines. She is accom­ panied by her husband, Bro. Ralph Wilson, in this leg of her visit to be­ thels outside the continental United States. En route to Manila, she visited be­ thels in Hawaii, Guam and Okinawa where she discussed plans for the or­ ganization of a bethel in the future. After her Philippine visitation, she will proceed to Brisbane, to visit the Grand Bethel of the Order in Queensland, Australia. Upon arrival in Manila at 1:05 PM, she will meet with the Guard­ ian Council of Bethel No. 2 and at 7:30 PM, she will observe the exem­ plification of the Jobie initiation by the girls of the bethel. The meeting of the girls with their Supreme Guard­ ian will be held in the Jose Abad San­ tos Hall of Plaridel Temple. On Sunday, January 21, she will motor to Olongapo City to visit Be­ thel No. 1 there. Likewise, she will meet the daughters, their parents and guardians during her stay in that city. She will return to Manila on January 22 to fly the following day to Dumaguete City where she will visit Bethel No. 3. She will be back in Manila on January 25 preparatory to her fly­ ing to Brisbane on January 26. The International Order of Job’s Daughters is an organization of daughters, nieces, granddaughters, and sisters of Master Masons. Girls of Masonic relationship between the ages of 12 and 20 years may be ad­ mitted to the Order by application. Master Masons, their wives, daught­ ers, nieces, sisters, granddaughters over twenty years old can attend the meetings of the daughters. A DECEMBER, 1967 17