Pitak Filipino

Media

Part of The Cabletow

Title
Pitak Filipino
Language
English
Source
The Cabletow Volume XLIII (Issue No.12) December 1967
Year
1967
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Pitot Ni Kap. Agustin L. Galang, NIG (17) ANG KATANGIAN NG MASON Ang katangian ng isang taong natatanglawan ng tunay na liwanag ng Masonera’y mahirap halagahan. Ang isang karaniwang tao na nagpunyagi upang makapagtayo ng makapalasiong tahanang marmol, ginto’t pilak na pinalamutihan ng magagara’t mainahaling kagamitan, kung siya’y yumao.ang naiwana’y wala ring kahulugan, pagkat ang mga yaon ay ma­ terial, malao’t madali, ang pagkaagnas at pagkasira’y di matatawaran. Ngunit ang isang Mason na wa­ lang pinakamimithi sa buhay kundi ang makapagtayo ng templo ng kagandahan asal (character) sa mga puso ng tao, mamatay man siya, ang kanyang maiiwanan ay isang bantayog na ang katangian, sapagkat ispiritual, ay mamamalagi sa daigdig hanggang sa ang panahon ay tulflyan ng maparam. WALANG NABIGO Maraming tao ang nabigo sa Ma­ soneriya, ang Masoneriya ay nabigo rin sa maraming tao. Ito ay hindi katakataka. Maraming tao ang nabibighani sa Masoneriya dahil sa kapakanang sarili, at maling akalang, may tatamuhing pakinabang. Di maikakaila na sa ngavon, ang pag-anib ay maluwag. Madalas av di na pinakasusuri ang kaugalian ng sumasapi. Madalas, ang kinahihinatnan ay kabiglWHAng dapat ikintal sa isip ng isang naghahangad ng karangalan ng Masoneriya’y ang paglilingkod sa kapuwa higit kaysa sarili, ang ntagbigay o pagkakawang-gaiva. Ang Masoneriya’y walang maipagkakaloob maliban sa bigyan ang isang tao ng pagkakataon na magpakabuti’t maghandog ng walang lingon-likod na pagpapakasakit ng dahil sa bayan. Napakadakila ang ntagbigay ng di umaasang gagan­ ting palaan. Madaling mawala ang kaligayahan kapag umasa sa alay wala pang naibibigay. Ito ay hindi na makabagong tungkulin. Kilala at isinasagawa iyan ng tao mahaba ng panahon. Sa kasaysayan ng Sangkatauhan, ngayon lamang laganap ang pagunlad dahil sa malalava na ang isipan. Ang ating adhikaing ito ay wala sa kaisipan kun­ di sa katuparan, ito’y hindi haka-haka lamang, mana pay isang panata sa buhay, hindi ito sa salita kundi sa gawa. Ang pagpapahayag at pagtupad nito’y isang tanda ng tunav na pagka-Mason, isang Masong hindi na­ bigo sa Masoneriya, at Masoneriyang hindi nabigo sa kanya. KAHINAI-IUNAN Maging niahinahon ka sa iyong pamumuhay, ito ang saligan ng diwa’t tagumpay; huwag kang magmadali sa iyong pag-iisip, ito ang bukal at lakas ng kapangyarihan; huwag magkakait sa kilusang pampalakasan, ito ang kadluan ng dunong at kultura; pakasuriin ang pakikipagkaibigan, ng ang taksil at mapanglinlang ay maiwasan; ugaliin sana ang lagi ng pagCiriaco del Mundo REALTOR C. M. DEL MUNDO & ASSOCIATES Suit 401 Gonzaga Bldg., 414 Rizal Avenue, (Infront of Ideal Theatre) Tel. 3-92-88 600 Rizal Ave., cor. Raon St., Sta. Cnu, Tela.: 3-79-56 A 3-24-31 • Rea. Tel.: 2-65-88 26 The Cabletowngiti, ito ang tanda ng malayang ka­ luluwa na nakapagpapalubag sa mabangis mang kabaka; pakasiyasatin at pakasuriin ang inyong ambision, napakatamis kung ito’y matutupad, nguni’t kung hindi’y sa kapariwaraan ka masasadlak; huwag kaliligtaan ang pananampalatava. na sa Diyos ang AWA at ang GRASIYA, dumalangin tuwi na, ng mapanuto sa buhay at maligtas ang kaluluwa sa lagim ng pagkakasala. Ito ang ilan sa mga ginintuang aral ng Masoneriya sa KAHINAHUNAN na kung aalagatain at isasakatuparan ng bawa’t Kapatid, ay la­ long tatatag at uunlad ang Kapatiran, tayo’y tiyakang magtatagumpay sa pagpapabuti di lamang ng ating sarili, kundi ng Sangkatauhan at dahil diya’y ang mga Mason ay magiging banal at ulirang mamamayan. PAGBABAGO Pinatutunayan ng sining (science) at ng mga tunay na pangyayari sa panahong ito na ang lahat ng bagay dito sa daigdig ay nagbabago. Ang di lamang nagbabago ay ang pagbaba­ go. Ang mga Katolikong Romano, na matagal na panahong kinakalaban ang Masoneriya, ay malaki na ang ipinagbago sa kanilang patakaran. Dahilan sa “Ecumenism” ng Papa Juan at ipinagpapatulov ng kasalukuyang Puno ng Batikano. Binago na ang paraan ng pagmimisa, nangingilin, at hindi na kasalanang mortal ang makihalobilo sa Mason. Ngavon ay nakikipagugnayan na sila sa iba’t ibang relihiyon, tinanggap ng Papa ang Pangulo ng Rusiya. Sa Zambales noong nakaraang kombension ng mga Lohiya sa dakilang Lalawigang yaon, ang mananalumpating pangdangal ay si Rev. David F. Clay, isang mataas na pareng katoliko. Isa sa mga paksa nivang tinalakay ay ukol sa Pag-ibig. Nasa pag-ibig sa Diyos, ng tao sa kapuwa tao, ng walang pagtatangi sa lahi, sa color, sa pananampalataya, o sa paniniwala, ang ikapagtatamo ng katahimikan sa balat ng lupa. Napakagandang halimbawa ang ipinamalas ng alagad ng Simbahang Ka­ toliko. Sa isang buwanang piging ng mga “Scottish Rite Masons” ang pinarangalang bumigkas ng talumpati ay isang tanyag na tao at masugid na “Knight of Columbus.” Ito gaya rin ng una ay nagpahiwatig ng pani­ niwala sa pagkakaintindihan at pagtutulungan ng lahat ng tao. Hindi lamang dito, lalong katakataka ang pakikipagunayan ng mga Katoliko sa iba’t ibang mga relihion at sa mga Mason sa Amerika, sa Europa at iba at iba pang panig ng daigdig. Dapat ngang ipagdiwang ng Sangkatauhan ang nagaganap na pagbabago sa kabutihan ng mga taong ang panini­ wala av sila lamang ang tunay na anak ng Mavkapal. Kahimanawari’y m^gpatuloy ang kaaya-avang pagpapalagavang ito ng matamo nating ang kapavapaan at kaunlaran sa buong mundo. HE REVEALS FREEMASONRY The brother I write about doos not go about shouting his Masonry, yet !w rw'-. 'he teethings and principles of the Institution. Tn his business dealings he nlways acts on the square. Ho walks in quiet dignitv. XVhat he has. he willingly shares with others less fortunate, because he knows the joy of sharing. Ho is never too busy to say a kind word. He is too busy to indulge in idle k°’ ’P’ — De trey H. Wollstein DECEMBER, 1967 27