Kalatas ng Fatima

Media

Part of The Carolinian

Title
Kalatas ng Fatima
extracted text
'W.ikanq. (PUJupljnA Pangulong Tudling; Pagninilay Isang gabing sakdal panglaw nagluluksa ang paligid, Madilim ang papawirin kalikasa’y naiidlip, Umaambo ng bahagya ang amiha’y humihihip , Sa pisngi ng kalangita’y i walang talang maririkit, ; Lagaslas ng batisan > ang nauulinig ; At ang kalawakan ang tangi kong ! nakaniig; | Sa ulilang budhi’y nagtanong kung bakit Sa buhay ng tao’y marami ang hapis, Ang ligayang natatamo’y dagling-dagling pumapanaw ; Naluluoy sa kamandag | ng dusa at lumbay. . Ganito nga kaya I ang buhay sa lupa, | Lagi kayang sasadilim i buhay ng dalita, | Di na kaya aaliwin ; ng alak ng tuwa Buhay na nalugmok sa pait ng pagkadusta? Ito ang buhay ko, o gabing madilim,. . Buhay na naunsyami, sa dusa’y . nalibing, , Buhay na nagsumikap ligaya ay ] kamtin ■ Nguni’t ang natamo’y kapaitan at i hilahil. j Tula ni D. M. A. | Kalatas ng Fatima Sa taong 1960 ay may isang mahalagang pangyayaring magaganap sa kasaysayan ng kristiyanismo. Sa taong iyan ay nakatakdang ihunyag sa buong daigdig ang nilalaman ng ikatlong kalatas na ibinigay ng Malial na Birhcn Maria key Sister Lucy noong nagpakita siya sa nayon ng Fatima noong taong 1917. Kung ano ang nilalaman ng kalatas na iyon ay walang nakababatid maliban kay Sister Lucy. Isinaad niya na kung mabuksan na ang kalatas ay “may ilang magagalak at marami ang malulungkot". Sa kuru-kuro ng mga paring nagkaroon ng pagkakataong makipag-usap kay Sister Lucy, ay maaaring may kinalaman sa ikatlong digmaang pandaigdig o sa katapusan ng mundo ang nasabing kalatas. Sinabi raw ni Sister Lucy na kung hindi magbabalik sa pananampalatayang kristiyano ang bansang Russia, sa lalong madaling panahon, ay tiyak na magkakaroon ng digmaan at maraming bansa ang papanaw sa balat ng lupa. Walang sino man sa atin ang may nais na magkaroon ng digmaan o ano mang salot o sakuna, kaya kailangang tuparin natin ang mga tagubilin ni Sister Lucy. Sang-ayon sa kanya ay ipinamamanhik ng Mahal na Birhen sa lahat nang kristiyano na ipanalangin araw-araw ang pagbabalik-loob ng bansang Russia. Sa madaling salita ay nakasalalay sa atin ang kapayapaan ng daigdig. Magsikilos tayo hanggang maaga pa upang hindi natin lasapin ang hapdi ng pagsisisi sa bandang huli. TE0D0R0 AMPARO BAY 'atfQahontf t^ambana ni Manuel S. Satorre, Jr. NAWAWALA na ang dating ningning ng mga mata ni Esperanza sa kagugunita niya sa kanyang makasaysayang kahapon. Batid niyang tuluyan nang naglaho si Roberto, mula nang siya’y iniwan nito. Sa pagkakaupo’y malayang dumadaloy ang mga patak ng luhang bunga ng matinding pighati. Ang mga paningin ay laging nakatitig sa pintuang gagalaw-galaw dahil sa hihip ng hanging amihan. Ang kahapon ay parang isang pangarap lamang. Sa tindi ng pangungulila’y nagbabalik sa gunita ang masasayang suyuang paraiso ng kanyang puso. “Hello honey, marami ba ang gawain mo sa opisina ngayon?” ang kalimita’y naitatanong niya kung dumarating si Bert mula sa tanggapang pinaglilingkuran niya. “Hindi naman gaano dear” sagot ni Bert na sinasabayan ng mapagmahal niyang mga halik. Masayang-masaya sila noon. Bawa’t galaw ng pintuan, ay siya rin namang galaw ng gunita ni Esper. Sa pintuang iyon siya inakay ng kanyang mahal noong sila’y nag-isang dibdib. Nagsumpaan sila sa dambana ng Diyos at sa harap ng mata ng tao na magmamahalan habang buhay, subali’t sa pamamagitan ng isang pagkakamali lamang ay gumuho ang kanilang daigdig, sampu ng kanilang mga pangarap. Isang pagkakamaling hindi gaanong malubha, sapagka’t ito’y isang pagkukunwari lamang na di ninyo marahil maiintindihan. Lubos na lubos ang pagtitiwala ni Esper sa kanyang asawa. Nguni’t bakit niya ito inusisa at pinilit na patugaing mayroon siyang “kulasisi” gayong wala namang batid niya? 0, ang babae nga naman! May kahinaan ang damdamin ni Bert, kaya hindi niya napigilan ang sarili na pagbuhatan ng kamay ang asawa. Lumisan siyang nanunumpang hindi mag­ babalik sa piling ni Esper hanggang hindi ito nagbabago ng ugali. Patuloy sa paggalaw ang pintuan, patuloy ang pagdaloy ng luha ni 'Esper. Unti-unti nang lumulubog ang araw sa kanluran. Ilang sandali na lamang at lalatag na ang kadiliman, kadilimang hinihintay-hintay niya sa pagbabakasakaling kasama nito ang kanyang naglahong dambana, ang dambana ng kanyang kaligayahan. Masidhi ang kapaitan ng pagsisising binabata ng kanyang puso, sukdulan na ang kanyang kapanglawan. Malupit ang tadhana, malupit... Sa kabila ng lahat ay batid niyang walang dapat sisihin liban sa sarili. Ang nakalipas ay wala na, nguni’t ang gunita nito’y laging ipagdurugo ng kanyang puso. Page 32 THE CAROLINIAN
Date
1959
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted