Ang regalo

Media

Part of The Carolinian

Title
Ang regalo
extracted text
Ang Regalo Madilim, magulo at malungkot ang mundo Noong kapanahunan ng ating mga ninuno Sa araw-araw na gawain ay walang tiyak na tuntunin Katiwasayan ng hinaharap ay tiyak na alanganin. Nilalaman ng Banal na Kasulatan Na ang mga tao’y tutubusin sa kasalanan Ng Anak ng Diyos na busilak sa kabutihan Sa puso ng mga nilikha’y umusbong ang kaligayahan. Hindi na mabilang ang taong lumipas Ang mga pinangakuan ay parang dahong nalalagas Ngunit sa puso ng mga isinilang na mga bata Ang pangako’y patuloy na umiinog at nagbigay-sigla. Minsan isang anghcl ang buong kabanalang sumayad sa lupa Ang kanyang balita’y nagsabog ng di-mawaring tuwa Si Hesus ay isinilang ng abang Maria Santisima Ang Manunubos ay sa sangkatauhan regalong napakahalaga. Sinulat ni ESPER EAMIGUEL, BSHE IV Ang Tatlong Hari Natatanging liwanag sa langit ay nagtanglaw Kumikinang sa ganda.y nasaklaw Sa kadiliman ng gabi’y ningning ay nakasisilaw Yaon ang kumita na sa tatlong hari’y nagbigay-ilaw. Sa Hcrusalem ang tatlong hari’y humantong Kinaluklukan ng Manunubos ay ipinagtanong Pagsilang Niya’y waring isang di-pangkaraniwang bugtong. Upang sa Kanya mga pagsasamba’y ipuputong. Tatlong nilikhang walang pangambang nag-unahan Tanglaw ay Kumitang nulas pasa Silangan Sa Kanyang ganda’y nasinag ang tiyak na Patutunguhan Sa paanan ni Hesus na Manunubos ng sangkatauhan. ni TERESITA REYES, BSHE-IV Pasko Sa Nayon Araw ng Pasko ay pawang kaligayahan Lahat ng taga-nayon ay nagkakaguluhan, Batang nagsisigawan sa gitna ng lansangan Sa bawat sandali ay walang katahimikan. Bago bumanaag ang sikat ng araw Maririnig mo ang tugtog ng batingaw Tugtog ng komparsang sa nayo’y naglibot Nagpapahiwatig ng walang pagkatakot. Bagama’t isang Pasko sa nayon lamang Lahat ng naroo’y naliligayahan Marami ang naghihintay upang ipagdiwang Ang Paskong siyang laging kinagigiliwan. Ang buong nayo’y parang dinadamitan Ng iba’t ibang kulay na kasuotan Mga mayayama’y nakipaghigitan Sa kani-kanilang bagong kagamitan. Tawana’t palakpakan naghari sa sayawan Sinasaliwan ng bandang kinagigiliwan Ang mga binata ay nag-uunahan Sa pakikipagsayaw sa kadalagahan. Pasko sa nayong ipinagdiriwang taon-taon Larua’t aliwan nagkalat sa lansangan Awita’t putukan kawayang-kanyon Na siyang bahagi ng Pasko sa nayon. ni SOCORRO MATOZA, BSE IV Ang Aking Handog Sa iyong kaarawan handog Ko’y tanggapin. Malinis kong puso’t wagas na damdamin Sa iyong kaarawan ang tangi kong handog Puso kong dakila’t tapat sa pagmamahal, O Panginoon, nais kong ligayahin ka sa Paskong ito! Upang makamtan ko ang tunay na diwa ng Pasko Sa pamamagitan ng paglilinis ... ng puso kong uhaw sa iyong pag-ibig! ni VENUS P. MARTELINO, BSE-IV Ang Mithi Ko'y Ikaw Irog, saan ka man ngayo’y ibig kong mabatid mo Na puso kong nagdurusa ay nangungulila sa iyo Sa akin mang pag-iisa ay kaulayaw ko ang malikot kong guni-guni Larawan mo hirang ay kusang nakaukit at sa isipan ko’y laging nagwawagi. Oo, nagkasala man ako’y may kahulugan, ngunit di mo naunawaan Magtapat man ako’y puso mo’y nalason na ng katagalan ng panahon Pagkat di araw lamang ang lumipas kundi mga taon At sa pagbalik ko’y ibig kong magpaliwanag, ngunit pinagkaitan mo ng pagkakataon. Mula noon ako’y sa iyo’y nagdamdam Ang kabuuan ng iyong larawan ay pilit kong iniwaglit sa aking isipan Ibig kong takpan ang aking pandinig upang di ko na marinig ang iyong tinig Ngunit sayang lamang ang lahat, pagkat ikaw lamang ang aking iniibig. Ang mga sandali na namagitan n gay on at kahapon ay na-pakatagal Patuloy ang pagpapalit ang araw, linggo, buwan, at taon Minsang sisikat ang araw’y minsan ring namang lulubog Na siyang naging palatandaan: isang araw na naman ang nakaraan. Ngunit ang sugat ng aking puso’y di maoaghilom Pagkat ako’y karaniwang nilikha lamang upang di ko maramdaman ang hapdi ng pangungulila Puso ko’y walang patlang sa pagnanasang ikaw’y uling makaulayaw Maging sa pangarap man o panaginip lamang Di ko malirip, kung ang katayuan ko’y pangarap lamang O kaya’y ako’y napasailalim ng iyong kapangyarihan Ang tanging nauunawaan ko’y mahal kita................ Malayo man ang kinaroroonan mo’y hahanapin kita sinta, pagkat mithi ng puso ko hirang ay ikaw.......... ikaw lamang ....................... ni V. A. FLORDELIS, BSEED-III SUMUKO RIN (Buhat sa pahina 25) kanya at narinig niya ang mga sabi-sabi ng ilan, "Sumuko rin sa wakas.” Gamundo ang pagkahiya ni Nena sa kanyang ginawa at lalong napatibay ang sariling magbago. Kumaba ang kanyang dibdib. Nangangamba siyang magkatotoo ang kanyang hinala. Nang imulat niya ang kanyang luhaang mga mata’y nandoon na pala siya sa harap ng kanilang tahanan. Talaga yatang minamalas si Nena, para bagang inaapi’t pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa kanyang ginawa, sapagkat nang pag-akyat niya ng'hagdanan ay nagmamadaling bumaba si Fi­ del kaya sila’y nagkabangga at sabay ang lagpak sa lupa. Namangha si Fidel nang makita ang asawa, mayamaya’y masuyong inakay ang asawa sa itaas. Nagkatama ang ka­ nilang paningin at nagngitian na may halong hiya. At muli na namang narinig ng inga kapitbahay ang kanilang halakhakan na siyang tanda ng kanilang uling pagkakaunawaan. Page Twenty-six THE CAROLINIAN January-February, 1966
Date
1966
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted