Ang Sto. Nino Isang himala o hiwaga

Media

Part of The Carolinian

Title
Ang Sto. Nino Isang himala o hiwaga
extracted text
MGA NANUNUNGKULAN PIUPINO ORGANIZATION 1965-1966 President_________________________________Miss Venus P. Martelino Vice President_________________________________Miss Nani Zialcita Secretary___________________________________ Miss Dulcemina Ong Treasurer_________________________________Miss Virginia Romanillos Pros________________________________________ Miss Socorro Matoza Mr. Epifano Cadungog Advisers______________________________ Miss Amparo Buenaventura Mrs. Julieta Gonzales Ang Sto. Nino: /SANG H/MALA O H/WAGA ui RERNARDITA DUARTE SA I’ALIGID-LIGID ng Cebu ay nakatayo pa ang mga bantayog ng nakaraang (lantaong pagdiriwang ng Kristiyanismo ng Pilipinas. Kusa itong pinanatili sa kanilang kinatatayuan upang matanto ng mga tao na ang ating pananampalataya ay hindi pangkaraniwan lamang na dagling iwaksi sa isipan bagkus ito’y dapat na nakaukit sa bawa’t puso. Nang idaos ang dantaong pagdiriwang mga nilikha’y binigyan ng pagkakataong sambahin ang imahen ng Sto. Nino. Di malirip ang dami ng mga nilikhang sumagot sa pag-anyaya ng mga alagad ng Diyos. Sa libo-libong nanampalataya noon, lahat kaya’y may taos-pusong hangaring sambahin ang Banal na Ima­ hen? Walang makapagsasabi. Ang ba­ wa’t salitang dumalog sa labi ng mga alagad ng Diyos ay parang mga mumunting bato na paindayang natatangay sa agos ng tubig at saan ito hahantong, Diyos lang ang nakababatid. Sa pagka­ kataong yaon, ang mga pari’y nagbakasakaling maantig ang matigas na puso sa pamamagitan ng sermong nagsasaad ng pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Hindi maipagkaila na matagumpay ang dantaong pagdiriwang ng Kristiya­ nismo ng Pilipinas at sa karamiha’y naguumapaw pa ang labis na kaligayahan na nagkaroon tayo ng ganoong pagkaka­ taong maipamalas sa sanlibutan na munti man ang ating lugar ay malawak naman ang ating pagmamahal sa ating pananampalataya. Ano naman ang tanikalang nag-uugnay sa halos na nagkakahiwalay na mga pulo ng Pilipinas? Walang iba kundi ang ating pananampalataya at ang Imahen ng Sto. Nino ay siyang nagpapaalab sa marubdob na pag-ibig natin sa Poong Maykapal. Alam ng lahat na ang Sto. Nino ay siyang ibinigay ni Magalyanes kay Huwanang maybahay ni Raha Humabon noong 1521. Ang imahen sa loob ng apat na pu’t na taon ay nananatiling isang sagisag ng kanilang mga katutubong paniniwala. Nang dumating si Le­ gaspi noong taong 1565 ay nagkaroon ng sagupaan. Dumanak ang dugo at nagliliyab ang buong kapuluan. Nang humupa na’t tumila ang nag-aapoy na kabahayan ay nahalungkat nila ang imaPangulong Tudling ISANG taon na naman ang lumipas —taon na siyang sumusukat sa bawat buhay at kasaysayan ng tao. Dang taon na kaya ang mundo? Walang makapagsasabi. Ang hiwaga ng mundo ay siya ring hiwaga ng Lumikha. Ilan rin kayang taon tayo rito sa lupa? Wai a ring nakakaalam. Sa bawat paglipas ng taon ay tulad ng isang hakbang patungngong libingan. Ngunit di natin malalaman na ang hakbang natin ngayon ay siya nang pinakawakas. Balikan natin ang mga nakalipas na taon. Anu-ano ang mga nagawa natin noon? May nagawa ba kaya tayong mabuting pagbabago sa sarili? Kung itatala lamang natin ang lahat ng ating gawain ay wala na tayong mapagsusulatan ng mga pangyayari ng ating buhay. Ngunit ang mahalaga ay maiulat natin ang ating matamis na alaala hindi la­ mang sa aklat ng tao kundi sa Ba­ nal na Aklat. Maraming linikha na matagal nang yumao ngunit ang kanilang ala-ala ay pinasasariwa pa rin ng tubig ng kanilang mabuting gawa. Ang kanilang nagawa ay pawang kabutihan na di magawang limutin ng sangkatauhan. Sila'y nabibilang sa lumipas na salinlahi ngunit buhay pa rin sa ating isipan. At tayo'y nasa bagong salinlahi at bagong taon pa, at kasalukuyang gumaganap ng kasaysayan. Isa't isa sa atin ay may pagkakataon na maitutulad sa mga magigiting na yumao. Kung bibigyan lamang, natin ng halaga ang panahon; ay masasahen ng Sto. Nino na hindi man lamang nagasgas o napinsala. Dito nagsimula ang pag pag-usbong ng kanilang paniniwalang ang imahen ay hindi lamang isang handog nanggaling kay Magalyanes kundi isang mula kay Bathala upang maipakita at mapaniwala ang lahat na may nakahihigit pang paraiso kaysa daigdig. Ang imahen ng Sto. Nino ngaPage Twenty-four THE CAROLINIAN January-February, 1966 "Pagdaan ng Mga Taon. . yang ito kung ito'y lilipas ng walang magandang bakas na maiwan. Tayo—. tayo lamang ang makagagawa nito, maaring masama o mabuti. Ngunit kung magagawa na rin lamang natin ang mabuti ay baldt pa natin bibigyan ng pagkakataon ang ating sarili na makagawa ng masama. Noong Paskong nakalipas ay ipinagdiwang natin ang pagdating ng Dalalang Mesiyas. Siya ang naging Daw natin upang mabigyan ng liwanag ang nilalakaran noting daan patungo sa Kanyang kaharian at upang di tayo mabulid sa kasamaan. Ngunit hindi lahat sa atin ang nagpapahalaga sa "Liwanag". Ma­ raming umiiwas at tuluyang napasadilim. Ang pagdiwang natin ng Pasko taon-taon ay siyang nagiging paalaala sa atin ng Kanyang pagbaba sa lupa upang tayo'y tubusin sa pagkakasala. Kaya karapat-dapat na Siya'y Bigyan natin ng walang kasukat na pagpapasalamat. Bilang pagtanaw ng utang na loob, sa taon na ito, at sa darating pa na taon, ay ialay noting sa Kanya, ang lahat noting gawain at pagibig. Magpakabuti na tayo upang ang ating mga nagawa ay maitala hindi lamang sa puso ng mga tao kundi sa puso ng Mananakop. At upang sa pag daan ng mga taon ay may maiwan tayong ginintuang dahon sa aklat ng ating Kasaysayan. VIRGINIA A. FLORDELIS yon ay nakadambana sa simbahan ng Sto. Nino at Siya’y matagal na’t mananatiling maghihintay sa mga taong naliligaw ng landas. Ang hindi Niya pagkakaagnas ay masasabing isang himala o hiwaga ngunit nagbabadya naman ng katotohahang maghihintay Siya upang akayin ang lahat sa landas na maghahatid natin sa sinapupunan ni Bathala. KAPISANANG FILIPINO MAIKLING KUWENTO SUMUKO RIN/ ni VIRGINIA ROMANILLOS — BSE III ALSA-BALUTAN na naman si Nena. Umiiyak at humihikbi itong tinitiklop ang kanyang mga damit upang lumayas na naman sa kanilang tahanan ni Fidel. Kaugalian na niyang lumayas sa kanila’t umuwi sa kanyang mga magulang tuwing sila’y magkagalit ni Fidel. Dahil dito ay bininyagan siya sa pangalan na "Ginang Alsa-Balutan.” Si Nena’t Fidel ay di pa nakarating sa sapat na gulang nang matangay ang ka­ nilang mga sarili sa agos at init ng batang pagibig. Kaya sila’y humantong sa dambana ng pag-iisang dibdib sa kabila nang pagtutol ng kanilang mga magu­ lang. Masasabi natin sila’y napakabata pa nang sila’y lumagay sa tahimik. Da­ hil dito’y malimit silang di-magkaunawaan. Si Fidel, bagama’t siya’y bata pa ring tulad ni Nena, ay isang ulirang asawa. Mabait at mapagmahal siya sa asawa. Ngunit dahil sa kalabisan ng pagmamahal sa kabiyak ay di-magawa ang putulin ang malimit na inuugali nito. Kitang-kita na naman ng mga taganayon si "Ginang Alsa-Balutan’’ na hawak ang madalas niyang dalhing balutan. Sinapit ni Nena ang tahanan ng kan­ yang mga magulang. "0 bakit nandito ka na naman, anak?” Ang salubong na tanong ni Aling Lilay, na siyang kanyang maunawaing ina. "Hindi na niya ako maha., hu-hu-hu, inaway na naman ako—!” Ang pahikbing sagot ni Nena. "Hindi na ako babalik sa kanya, inay!” ang dagdag ni Nena. “Talaga?”, ang pabirong tanong ng ina. “Pag di niya ako susunduin,” ang wika ni Nena. Napatawa si Aling Lilay sa anak. Pinayuhan niyang magpahinga ang anak at saka muna niya aayusin ang walang kakuwenta-kuwentang kaguluhan ng magasawa. Nagpatuloy siya sa kanyang gawain samantalang nagpapahinga ang anak. Binali-wala niya ang pangyayari pagkat bukod sa kadalasan na itong maganap ay alam din niyang kagagawan na naman ito ng kanyang sariling anak. Sumapit ang gabi, tahimik na tahimik, tanging si Nena na lamang gising nakaupo sa tabi ng bintana at naghihintay sa pagsundo ni Fidel. Ngunit walang Fidel na lumitaw. Nabalisa siya sa gabing yaon. Ayaw siyang dalawin ng antok. Lumipas ang maraming araw ay wala pa ring Fidel na sumipot. Nasiyahan si Aling Lilay sa mga pangyayari sapagkat naisip-isip niyang ito na ang kaunaunahang pagkakataong mabigyangaral ang anak. Dahil sa di paglitaw ng kanyang ka­ biyak ay maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isip: na si Fidel ay natuto nang maakit sa mga magagandang babae at maunawain pa sa kanya. 0 kaya’y naubusan na ng pagtitiyaga si Fidel. Walang salitang dinampot uli ang kanyang balutan at bumaba. Napagtanto na niya na siya’y nagkamali; na siya’y nagkulang sa kanyang kabiyak. Nang sapitin niya ang kanilang lugar ay maraming mata ang napatama sa (Sundan sa kabilang pahina) January-February, 1966 THE CAROLINIAN Page Twenty-five
Date
1966
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted