Sumuko rin

Media

Part of The Carolinian

Title
Sumuko rin
extracted text
"Pagdaan ng Mga Taon. . yang ito kung ito'y lilipas ng walang magandang bakas na maiwan. Tayo—. tayo lamang ang makagagawa nito, maaring masama o mabuti. Ngunit kung magagawa na rin lamang natin ang mabuti ay baldt pa natin bibigyan ng pagkakataon ang ating sarili na makagawa ng masama. Noong Paskong nakalipas ay ipinagdiwang natin ang pagdating ng Dalalang Mesiyas. Siya ang naging Daw natin upang mabigyan ng liwanag ang nilalakaran noting daan patungo sa Kanyang kaharian at upang di tayo mabulid sa kasamaan. Ngunit hindi lahat sa atin ang nagpapahalaga sa "Liwanag". Ma­ raming umiiwas at tuluyang napasadilim. Ang pagdiwang natin ng Pasko taon-taon ay siyang nagiging paalaala sa atin ng Kanyang pagbaba sa lupa upang tayo'y tubusin sa pagkakasala. Kaya karapat-dapat na Siya'y Bigyan natin ng walang kasukat na pagpapasalamat. Bilang pagtanaw ng utang na loob, sa taon na ito, at sa darating pa na taon, ay ialay noting sa Kanya, ang lahat noting gawain at pagibig. Magpakabuti na tayo upang ang ating mga nagawa ay maitala hindi lamang sa puso ng mga tao kundi sa puso ng Mananakop. At upang sa pag daan ng mga taon ay may maiwan tayong ginintuang dahon sa aklat ng ating Kasaysayan. VIRGINIA A. FLORDELIS yon ay nakadambana sa simbahan ng Sto. Nino at Siya’y matagal na’t mananatiling maghihintay sa mga taong naliligaw ng landas. Ang hindi Niya pagkakaagnas ay masasabing isang himala o hiwaga ngunit nagbabadya naman ng katotohahang maghihintay Siya upang akayin ang lahat sa landas na maghahatid natin sa sinapupunan ni Bathala. KAPISANANG FILIPINO MAIKLING KUWENTO SUMUKO RIN/ ni VIRGINIA ROMANILLOS — BSE III ALSA-BALUTAN na naman si Nena. Umiiyak at humihikbi itong tinitiklop ang kanyang mga damit upang lumayas na naman sa kanilang tahanan ni Fidel. Kaugalian na niyang lumayas sa kanila’t umuwi sa kanyang mga magulang tuwing sila’y magkagalit ni Fidel. Dahil dito ay bininyagan siya sa pangalan na "Ginang Alsa-Balutan.” Si Nena’t Fidel ay di pa nakarating sa sapat na gulang nang matangay ang ka­ nilang mga sarili sa agos at init ng batang pagibig. Kaya sila’y humantong sa dambana ng pag-iisang dibdib sa kabila nang pagtutol ng kanilang mga magu­ lang. Masasabi natin sila’y napakabata pa nang sila’y lumagay sa tahimik. Da­ hil dito’y malimit silang di-magkaunawaan. Si Fidel, bagama’t siya’y bata pa ring tulad ni Nena, ay isang ulirang asawa. Mabait at mapagmahal siya sa asawa. Ngunit dahil sa kalabisan ng pagmamahal sa kabiyak ay di-magawa ang putulin ang malimit na inuugali nito. Kitang-kita na naman ng mga taganayon si "Ginang Alsa-Balutan’’ na hawak ang madalas niyang dalhing balutan. Sinapit ni Nena ang tahanan ng kan­ yang mga magulang. "0 bakit nandito ka na naman, anak?” Ang salubong na tanong ni Aling Lilay, na siyang kanyang maunawaing ina. "Hindi na niya ako maha., hu-hu-hu, inaway na naman ako—!” Ang pahikbing sagot ni Nena. "Hindi na ako babalik sa kanya, inay!” ang dagdag ni Nena. “Talaga?”, ang pabirong tanong ng ina. “Pag di niya ako susunduin,” ang wika ni Nena. Napatawa si Aling Lilay sa anak. Pinayuhan niyang magpahinga ang anak at saka muna niya aayusin ang walang kakuwenta-kuwentang kaguluhan ng magasawa. Nagpatuloy siya sa kanyang gawain samantalang nagpapahinga ang anak. Binali-wala niya ang pangyayari pagkat bukod sa kadalasan na itong maganap ay alam din niyang kagagawan na naman ito ng kanyang sariling anak. Sumapit ang gabi, tahimik na tahimik, tanging si Nena na lamang gising nakaupo sa tabi ng bintana at naghihintay sa pagsundo ni Fidel. Ngunit walang Fidel na lumitaw. Nabalisa siya sa gabing yaon. Ayaw siyang dalawin ng antok. Lumipas ang maraming araw ay wala pa ring Fidel na sumipot. Nasiyahan si Aling Lilay sa mga pangyayari sapagkat naisip-isip niyang ito na ang kaunaunahang pagkakataong mabigyangaral ang anak. Dahil sa di paglitaw ng kanyang ka­ biyak ay maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isip: na si Fidel ay natuto nang maakit sa mga magagandang babae at maunawain pa sa kanya. 0 kaya’y naubusan na ng pagtitiyaga si Fidel. Walang salitang dinampot uli ang kanyang balutan at bumaba. Napagtanto na niya na siya’y nagkamali; na siya’y nagkulang sa kanyang kabiyak. Nang sapitin niya ang kanilang lugar ay maraming mata ang napatama sa (Sundan sa kabilang pahina) January-February, 1966 THE CAROLINIAN Page Twenty-five Ang Regalo Madilim, magulo at malungkot ang mundo Noong kapanahunan ng ating mga ninuno Sa araw-araw na gawain ay walang tiyak na tuntunin Katiwasayan ng hinaharap ay tiyak na alanganin. Nilalaman ng Banal na Kasulatan Na ang mga tao’y tutubusin sa kasalanan Ng Anak ng Diyos na busilak sa kabutihan Sa puso ng mga nilikha’y umusbong ang kaligayahan. Hindi na mabilang ang taong lumipas Ang mga pinangakuan ay parang dahong nalalagas Ngunit sa puso ng mga isinilang na mga bata Ang pangako’y patuloy na umiinog at nagbigay-sigla. Minsan isang anghcl ang buong kabanalang sumayad sa lupa Ang kanyang balita’y nagsabog ng di-mawaring tuwa Si Hesus ay isinilang ng abang Maria Santisima Ang Manunubos ay sa sangkatauhan regalong napakahalaga. Sinulat ni ESPER EAMIGUEL, BSHE IV Ang Tatlong Hari Natatanging liwanag sa langit ay nagtanglaw Kumikinang sa ganda.y nasaklaw Sa kadiliman ng gabi’y ningning ay nakasisilaw Yaon ang kumita na sa tatlong hari’y nagbigay-ilaw. Sa Hcrusalem ang tatlong hari’y humantong Kinaluklukan ng Manunubos ay ipinagtanong Pagsilang Niya’y waring isang di-pangkaraniwang bugtong. Upang sa Kanya mga pagsasamba’y ipuputong. Tatlong nilikhang walang pangambang nag-unahan Tanglaw ay Kumitang nulas pasa Silangan Sa Kanyang ganda’y nasinag ang tiyak na Patutunguhan Sa paanan ni Hesus na Manunubos ng sangkatauhan. ni TERESITA REYES, BSHE-IV Pasko Sa Nayon Araw ng Pasko ay pawang kaligayahan Lahat ng taga-nayon ay nagkakaguluhan, Batang nagsisigawan sa gitna ng lansangan Sa bawat sandali ay walang katahimikan. Bago bumanaag ang sikat ng araw Maririnig mo ang tugtog ng batingaw Tugtog ng komparsang sa nayo’y naglibot Nagpapahiwatig ng walang pagkatakot. Bagama’t isang Pasko sa nayon lamang Lahat ng naroo’y naliligayahan Marami ang naghihintay upang ipagdiwang Ang Paskong siyang laging kinagigiliwan. Ang buong nayo’y parang dinadamitan Ng iba’t ibang kulay na kasuotan Mga mayayama’y nakipaghigitan Sa kani-kanilang bagong kagamitan. Tawana’t palakpakan naghari sa sayawan Sinasaliwan ng bandang kinagigiliwan Ang mga binata ay nag-uunahan Sa pakikipagsayaw sa kadalagahan. Pasko sa nayong ipinagdiriwang taon-taon Larua’t aliwan nagkalat sa lansangan Awita’t putukan kawayang-kanyon Na siyang bahagi ng Pasko sa nayon. ni SOCORRO MATOZA, BSE IV Ang Aking Handog Sa iyong kaarawan handog Ko’y tanggapin. Malinis kong puso’t wagas na damdamin Sa iyong kaarawan ang tangi kong handog Puso kong dakila’t tapat sa pagmamahal, O Panginoon, nais kong ligayahin ka sa Paskong ito! Upang makamtan ko ang tunay na diwa ng Pasko Sa pamamagitan ng paglilinis ... ng puso kong uhaw sa iyong pag-ibig! ni VENUS P. MARTELINO, BSE-IV Ang Mithi Ko'y Ikaw Irog, saan ka man ngayo’y ibig kong mabatid mo Na puso kong nagdurusa ay nangungulila sa iyo Sa akin mang pag-iisa ay kaulayaw ko ang malikot kong guni-guni Larawan mo hirang ay kusang nakaukit at sa isipan ko’y laging nagwawagi. Oo, nagkasala man ako’y may kahulugan, ngunit di mo naunawaan Magtapat man ako’y puso mo’y nalason na ng katagalan ng panahon Pagkat di araw lamang ang lumipas kundi mga taon At sa pagbalik ko’y ibig kong magpaliwanag, ngunit pinagkaitan mo ng pagkakataon. Mula noon ako’y sa iyo’y nagdamdam Ang kabuuan ng iyong larawan ay pilit kong iniwaglit sa aking isipan Ibig kong takpan ang aking pandinig upang di ko na marinig ang iyong tinig Ngunit sayang lamang ang lahat, pagkat ikaw lamang ang aking iniibig. Ang mga sandali na namagitan n gay on at kahapon ay na-pakatagal Patuloy ang pagpapalit ang araw, linggo, buwan, at taon Minsang sisikat ang araw’y minsan ring namang lulubog Na siyang naging palatandaan: isang araw na naman ang nakaraan. Ngunit ang sugat ng aking puso’y di maoaghilom Pagkat ako’y karaniwang nilikha lamang upang di ko maramdaman ang hapdi ng pangungulila Puso ko’y walang patlang sa pagnanasang ikaw’y uling makaulayaw Maging sa pangarap man o panaginip lamang Di ko malirip, kung ang katayuan ko’y pangarap lamang O kaya’y ako’y napasailalim ng iyong kapangyarihan Ang tanging nauunawaan ko’y mahal kita................ Malayo man ang kinaroroonan mo’y hahanapin kita sinta, pagkat mithi ng puso ko hirang ay ikaw.......... ikaw lamang ....................... ni V. A. FLORDELIS, BSEED-III SUMUKO RIN (Buhat sa pahina 25) kanya at narinig niya ang mga sabi-sabi ng ilan, "Sumuko rin sa wakas.” Gamundo ang pagkahiya ni Nena sa kanyang ginawa at lalong napatibay ang sariling magbago. Kumaba ang kanyang dibdib. Nangangamba siyang magkatotoo ang kanyang hinala. Nang imulat niya ang kanyang luhaang mga mata’y nandoon na pala siya sa harap ng kanilang tahanan. Talaga yatang minamalas si Nena, para bagang inaapi’t pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa kanyang ginawa, sapagkat nang pag-akyat niya ng'hagdanan ay nagmamadaling bumaba si Fi­ del kaya sila’y nagkabangga at sabay ang lagpak sa lupa. Namangha si Fidel nang makita ang asawa, mayamaya’y masuyong inakay ang asawa sa itaas. Nagkatama ang ka­ nilang paningin at nagngitian na may halong hiya. At muli na namang narinig ng inga kapitbahay ang kanilang halakhakan na siyang tanda ng kanilang uling pagkakaunawaan. Page Twenty-six THE CAROLINIAN January-February, 1966
Date
1966
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted