Hiwaga ng pagibig [poem]

Media

Part of The Carolinian

Title
Hiwaga ng pagibig [poem]
Creator
Buenviaje, Sinforoso E.
Language
Filipino
Year
1965
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Ang Pananampalataya Noong unang panahon, nang ang kalagayan ng buhay ng tao ay maihahambing pa sa pagbubukangliwayway, ang katagang “Diyos” ay parang isang dagat na napakahirap tawirin maging sa pinakamatalinong nilikha. Ang tao noon ay walang ibang hinahangad kundi ang mabuhay nang matiwasay. Ang tao sa kanilang pakikipaghamok sa talad lakas ng kalikasan ay nagsilbing daan upang makalimutan nila ang Dakilang Lumikha. Talaga kayang may Diyos na makapangyarihan sa lahat? Ang ka­ tanungang ito ay para bagang ipuipo na humihigop sa katauhan ng tao at nag-iwan ng bakas ng agamagam at alinlangan. Ang katahimikan ng bawa’t pagkakahimbing ng tao ay ginagambala ng mga pangarap, pangarap na kung wariin ay walang hantungan sapagka’t magbanat man sila ng buto upang makamtan ang kasiyahan ay wala ring kabuluhan ang lahat. Ang tao ay makakatikim lamang ng tamis ng kaligayahan sa piling ng Poong Maykapal. Ang daloy ng karunungan ng ating mga ninuno ay umunlad nang sinakop tayo ng mga Kastila at noon naibsan ng kaunti ang ating pagkauhaw sa banal na pag-ibig ng ating Diyos. Bininyagan tayo’t binigyan ng pangalan kasabay ang halos pagputok ng ating dibdib dahil sa kaligayahang natamasa na­ tin ; ang kaligayahang siyang hinahanap-hanap natin sa karimlan ng ating kahapon. Ang pagiging anak natin ng Diyos ang siyang nagsisilbing ilaw ng bawa’t nanaisin natin. Hindi kaila sa ating lahat na hinding-hindi natin maiintindihan nang buong-buo ang katauhan ng Diyos sapagka’t ang gayon ay mananatiling isang hiwaga. Ang isang libot-isang hiwaga sa mundong ito ay biyaya ng Diyos at ma­ ging ang tao man ay isang nakarimarin 11a makasalanan; maging tayo man ay iwinawaksi na ng mad­ ia; niyuyurakan man ang ating dangal at iniismiran man ang ating kahirapan naroon pa rin ang Diyos na laging handa sa pagyakap at pagtanglilik sa mga taong kanyang kabutihan. Sa kasalukuyan ang bawa’t paguunlad ng iba’t-ibang bansa ay nagkaroon ng balakid sa pagtingin ng tao sa Diyos. Marami nang binhing itinanim na nagbunga sa kaisipan ng ibang tao. Hindi natin naililihim na laganap na ang kasamaan ng tao sa ibabaw ng mundo at ito’y nangngailangan ng isang kalutasan. Ang kasamaan ng isang tao ay parang isang lintang sumisipsip sa dugo ng kapwa. Kung sa unti-unting paglagas ng panahon ay mananatili pa rin ang katigasan ng puso ng tao malamang na darating ang takdang panahon na matatapos nang bigla ang lahat. Hin­ di natin kailanman matanggihan kung ibaba na ang tabing ng banal 11a dula na ating itinanghal. Pag-ibig... ito ang salitang ta­ nging kinauuhawan ng Diyos. Kung tayong tao ay nauuhaw sa la­ hat ng karanyaan ay lalong nauu­ haw ang Diyos sa ating pagibig sa­ pagka’t tayo’y mga anak Niya. Hindi ba ninyo naisip kung bakit siya’y isinilang? Siya’y naging tao upang Siya’y magiging bahagi ng ating mga pagtitiis at paghihirap at sa gayon ay maipamamalas Niya ang kanyang pag-ibig na walang halong pag-iimbot. Sa darating na pagdaraos ng ikaapat 11a dantaon ng pagiging Kristiyano ng Pilipi­ nas harinawang ang nadirimlang diwa ng tao at ang kanilang matigas na kalooban ay unti-unting maagnas sa patuloy at walang humpas na pagdaloy ng mga araw at katotohanang ipinupunla ng ating relihiyon. HIWAGA NG PAGIBIG ni Sinforoso E. Buenviaje, A.B. Commerce IV Isang kapangyarihang balot ng isang libo’t isang hiwaga ang iniiwasan ko’t kinatatakutan pa’g sumasapuso’y dulot ay kapighatian .... Bawat nilalang na sa Diyos ay nagmula’t biniyaya magsisilbing hain sa kanyang mga kandungan ay kaawa-awa .... Hindi tao, hindi hayop ang panawagan ay inakapangyarihan naguudyok, nagsasabing puso’y kusang bubuksan sa tamis ng pagsinta .... Kaya ako’y umaayaw tumatanggi, natatakot sa muling pagtibok niyaring pusong unsiyami nagmamaka-awa .... Xgunit ako’y balot 11a niya binabalisa, di-pinatululog sa isang wagas na pagsinta pikit-mata’ng paa-alipin sa ngalan ng pagibig .... March-April, 1965 THE CAROLINIAN Page Fifty-three