Ang Kahalagahan ng pananampalataya sa ating makabagong panahon

Media

Part of The Carolinian

Title
Ang Kahalagahan ng pananampalataya sa ating makabagong panahon
Creator
Alicante, Elsa
Language
Filipino
Year
1965
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
Ang Kahalagahan ng Pananampalataya sa Ating Makabagong Panahon ni ELSA ALICANTE NAISATIT1K sa ating Banal na Aklat na “Aanhin ng tao kung mapasakanya ang sanlibutan kung mawawala ang kanyang tanging kaluluwa.” Kung ating susuriing mabuti ang mga lipon ng mga salitang ito ay masasabi nating talagang napakahalaga nga ng panampalataya lalo na sa makabagong panahon ngayon. Kung ating pagmasdan ang matataas na lipunan, makikita nating ang mga tao ay parang nagumon na sa masasamang hilig. Nakaligtaan na nilang mamumuhay sa malinis na paraan at sila’y nasa gitna na ng lusak ng pagkakasala. Nalimutan na nila ang dahilan ng kanilang pagkakabuhay sa daigdig, ang dahilan kung bakit sila’y ipinanganak dito sa mundo. Hindi na nila nalalaman na mayroon pang isang buhay na naghihintay, doon sa sinapupunan ng ating Poong Maykapal. Ang dahilan ng lahat na ito ay ang pagkukulang ng tao sa pagtupad sa mga utos ng Diyos, ang kawalan ng pagtulong ng mga tao sa Kanyang mga alagad na nag-aalay ng kanilang hirap at pagod sa pagpapaunlad ng ating panampalatayang Kristiyano. Kung ang Diyos na siyang pinagkakautangan natin ng lahat ay nagpakamatay upang tayo’y matubos sa ating mga pagkasala, tayo pa kayang mga tao lamang na Kanyang nilalang arig di magalay ng kahit kaunting pagtitiis upang ang Kanyang nais ay matutupad? Bakit hindi natin iwasan ang udyok ng pagkakasala? Bakit hindi natin iwaksi sa ating isipan ang kasamaan at sundin ang mabuting kaasalan na itinuturo sa atin ng pananampalataya? Ako’y naniniwala na ang mga kasamaang nakapaligid ngayon sa buong mundo ay maiiwasan lamang kung ta­ yong lahat ay magkaroon ng wastong pananampa­ lataya. Kahalagahan ng Pagdiriwang ng Ikaapat na Dantaon ng Pagiging Kristiyano ng Bayang Pilipinas n i VIOLETA ACRES, B.S.E. - IV ANG TAONG 1965 ay ang pinakamahalaga at pinakadakilang taon sa bawa’t puso ng mga mamamayang Kristiyano sapagkat sa taong ito ipagdiriwang ang ikaapat na dantaon sa pagiging Kristiyano ng bayang Pilipinas. Parang kahapon lamang na ang ating mga ninuno ay namumuhay sa pagiging mga pagano. Ang kanilang pagiging walang Diyos ay hindi nagsasaad ng isang tahimik at maningning na kinabukasan. Sila’y nahahalintulad sa mga taong nabubuhay sa di­ lim. Maaaring hanggang ngayon at tulad pa rin ng dati ang ating pamumuhay kung tayo’y hindi nasakop ng mga Kastila. Hindi kaila sa lahat na may mga taong nagkikimkim ng pagkamuhi sa mga Kastila. Itong dam­ darning ito’y hindi natin dapat pairalin sa ating mga puso sapagkat kung naging masungit man ang mga Kastila ay nakapagbigay naman sila ng mga kabuti­ han sa atin. Isa na sa pinakamahalagang abuloy nila sa ating kaunlaran ay ang ating pagiging Kristiyano. Ngayon darating na Abril ay ipagdidiriwang na­ tin ang pinakadakilang araw ng ating pagiging Kris­ tiyano. Sa mga araw na ito ay manananariwa na naman sa ating alaala ang kasaysayan ng ating bayan. Naaalala natin ang pagdaong ng mga Kastila sa ating lupain at ang pagbigay nila sa atin ng pa­ nanampalataya sa Dakilang Maykapal. Dapat din nating alalahanin na ang pagiging Kristiyano natin ang nagpapaiba ng ating pamumuhay. Kaya gagawin nating matagumpay ang pagdiriwang na ito sa abot ng ating makakaya. Lagi nating alalahanin na ang pananampalataya ay mahalaga sa buhay ng tao, at ang pagdiriwang na ito ay mahalaga sapagkat ito’y nagpapaalaala sa atin ng ating nakalipas. Ito’y kabahagi na sa ating buhay ngayon. Page Fifty-four THE CAROLINIAN March-April, 1965