Ang Pilipinas [poem]

Media

Part of The Carolinian

Title
Ang Pilipinas [poem]
Creator
P. G. A.
Language
Filipino
Year
1965
Rights
In Copyright - Educational Use Permitted
Fulltext
ni P.G.A. Sa gawing silangan ng ating daigdig Makikita’y pulu-pulong parang isinabog na mga binhi; Ang nanaka’y mga liping kayumanggi Mga lahing Pilipino ang kanilang taguri. Bawa’t pulo’y sagana sa luntiang halaman; Sagana sa isda ang bughaw na karagatan; Mabini ang simoy ng hanging amihan Na dumampi sa pisngi ng malawak na parang. Pcrlas ng Silanganan kung tawagin ng mga dayuhang Naakit pumarito’t naghasik ng kabihasnan, Upang ang mga Pilipino’y magmulat sa karunungan At gawing huwaran sa mga karatig-bayan. Iwinawagayway ang bandila ng iba’t-ibang kapangyarihan Sa hangad na maibsan ang tinik ng kawalang-muwang; Itinirik ang tanda ng Kakristiyanuhan Na halid sa atin ng isang dayuhan. Natuto tayong sumamba, sumampalataya Ng isang Diyos na nagbibigay-biyaya; Nalalaman nating Siya ang May-Likha Ng lahat ng kagandahang sa baya’y nangalipana. Namulat tayo sa katotohanang Sa lahat ng nilikha’y Siya ang Makapangyarihan; At ang buhay natin ay hiram lamang Kung kailan babawii’y Siya ang nakakaalam. Nalalaman nating ang tao’y pantay-pantay, At magiging alabok kung siya’y mamamatay; Kung ang tao’y matutong kumilala sa Kanya Sa Langit ay may naghihintay na Ligaya. Pananampalataya’y handog ng Maykapal, Gawin nating patnubay at nang di mabuwal, Halika’t luluhod tayo’t uusal ng dalangin ng isang pasasalamat sa biyaya Niya sa atin. ANG TINIG, ILAW AT DALANGIN Tinig: Sa mundo’y may panghaling Tao’y nakalimot Pinalabo ang isip Diwa’y pinahimbing Tinig ang panggising Sa isip na mahimbing. Ilaw: Ilaw na binusilak Kusang tumatanglaw Sa dilim ng dibdib. Dalangin: Dalangin ko’y ilipad mo Sa kaitaasan Upang makarating Sa Iyong paanan. March-April, 1965 THE CAROLINIAN Page Fifty-five